The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Lorie Mariano, 2023-10-18 06:37:32

40 ANG PANAGINIP NI AMOR-A4

40 ANG PANAGINIP NI AMOR-A4

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI DEPARTMENT OF EDUCATION Region III - Central Luzon SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN Ang Panaginip ni Amor Kuwento ni: Analisa C. Lopez Guhit nina: Maribeth H. Martin Michiel C. Centeno Dibuho ni: Rosana S. Aquino


NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI Schools Division Superintendent CECILIA E. VALDERAMA , Ph.D. OIC, Assistant Schools Division Superintendent DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division RAMILO C. CRUZ, Ph.D. Education Program Supervisor, EPP/ TLE EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. Education Program Supervisor, LRMDS ROSANA S. AQUINO Layout Artist MARIBETH H. MARTIN and MICHIEL C. CENTENO Illustrators ANALISA C. LOPEZ Writer SUSAN B. PELIPADA Division Librarian II JERRY R. CAMACHO, Ed.D. VIVIAN R. DUMALAY RAMILO C. CRUZ, Ph.D. MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. NENITA J. BARRO JOCELYN A. MANALAYSAY, Ph.D. ALFONSO S. MIACO, JR. MA. LEONORA B. CRUZ This material was contextualized by the Curriculum Implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Regional Office III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN CID Supervisors


Sa mga mambabasa, Ang kwentong ito ay tungkol kay Amor na isang masayahing bata. Siya ay palakaibigan at mahilig makipag-laro, ngunit ayaw niyang palaging maligo at magsipilyo. Hanggang sa malaman niya ang kahalagahan ng pagiging malinis sa sarili. Ipinakikita rin sa kwentong ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tungkulin at responsibilidad para sa sarili. Kaya bilang mga mag-aaral, dapat alam natin ang ating tungkulin hindi lamang sa iba higit sa lahat ang tungkulin natin sa ating sarili, dahil tayo ay ginawa ng Diyos dapat nating pahalagahan at ingatan ang ating mga katawan. Gayundin naman sa mga magulang at guro, na ating maturuan ang ating mga anak at mag-aaral na magkaroon ng pagpapahalaga at tungkulin sa sarili. Aral: Panatilihing malinis ang katawan upang malayo sa anumang karamdaman. 3


MGA TAGA-PATNUGOT ANALISA C. LOPEZ May-akda MARIBETH H. MARTIN MICHIEL C. CENTENO Mga Taga-guhit ROSANA S. AQUINO Taga-layout DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. Education Program Supervisor-LRMDS RAMILO C. CRUZ, Ph.D. Education Program Supervisor- EPP/TLE 4 Published by the Department of Education Region III Schools Division of City of Meycauayan COPYRIGHT @ 2019 by ________ Copyright Notice: Section 9 of Presidential Decree No.49 provides: "No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit."


5 Ang Panaginip ni Amor Curriculum and Learning Management Division (CLMD) Learning Resource Management and Development Section (LRMDS) Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN Lathalain ng


Sa isang munting tahanan nakatira ang batang si Amor. Siya ay masayahing bata. Araw-araw pagkatapos ng kanyang klase, siya ay nakikipaglaro sa ibang mga bata. Masaya siyang nakikipaghabulan. Sige, takbo, takbo pa nang mabilis. Sino ang mahuli ang siyang taya!, malakas na sigaw ni Amor. 6


7


Pagkatapos maglaro umuwing marumi ang batang si Amor. Napansin ito ng kanyang Ina kaya’t siya’y pinagbilinan, “ Anak, maglinis ka ng iyong katawan at magsipilyo. Di tumugon si Amor sa kanyang Ina sa halip ay dumiretso sa kanyang silid. “Amor”, muling tawag ng kanyang Ina baka habulin ka ng sabon dahil sa dumi mo. Kailan ka ba matututo? “ Sige po maglilinis na ko”, pakunwaring tugon ni Amor. Nagpatuloy sa pagpasok sa silid si Amor at nakatulog ng hindi naglilinis ng katawan. 8


9


10


11 Kinabukasan araw ng Sabado, pagkakain inaya ni Amor ang kanyang mga kaibigan na maglaro. “ Ana, Carl maglaro na tayo”, aya ni Amor. Nang makita nina Ana at Carl na marumi at mabaho tumanggi sila at sinabing, “ Amor sa iba ka na lang makipaglaro. Di na maganda ang iyong amoy. Maligo ka muna. Nalungkot si Amor sa kanyang narinig mula sa mga kaibigan. Napansin ito nina Ana at Carl, “Amor, gusto lamang namin na maging malinis at maayos ka. Iyong ipagpaumanhin ang aming nasabi.


12


Malungkot na malungkot na umuwi si Amor. Sa sobrang pagod ni Amor muli siyang nakatulog ng hindi naglilinis ng katawan pati ang kanyang damit ‘di niya napalitan. Sa kalaliman ng pagtulog si Amor ay nanaginip. 13


Nakita ni Amor ang sabon, sepilyo at iba pang kagamitang panlinis ng katawan. Nabigla siya nang makita niya ang mga gamit ay nagkabuhay at nagkamukha. Lumapit si Sabon at nagwika, “Amor ako si Sabon, gagawin kong mabango at malinis ang iyong katawan,” “Ako naman si Sepilyo kasama si Toothpaste na lilinisin ang iyong mga ngipin.” 14


15 Napasigaw si Amor sa takot sa nakita niya sa kaniyang panaginip.


“Ako nga pala si Shampoo, kailangan ako para maalis ang kumapit na dumi sa iyong buhok,” “’Wag mong kalimutan si Suklay na ginagamit sa buhok pangtanggal ng gusot,” “kailangan mo rin ako na si Nail Cutter kapag mahaba na ang iyong kuko,” “kami ang maglilinis sa iyo,” sabi pa nila. 16


17 Hindi ko na po uulitin patawad po. Bukas na bukas din matutulog akong malinis ang katawan.


Bagama’t nabigla hindi pa rin pinansin ni Amor ang mga kagamitang nagsasalita. Sa kaniyang panaginip patuloy na nagdumi at nagkalat. Hanggang ang mga gamit ay nainis nang tuluyan hinabol si Amor upang kanilang paliguan. Sa takot ni Amor, siya ay napatakbo. “Pakiusap, tigilan na ninyo ako. Huwag ninyo akong habulin. Ayaw ko pang maligo,” sigaw ni Amor. 18


19


Naabutan siya at binukung saan. Sumigawdadalhin?”Dadalhin ka nammatututo kang maging maibaba n’yo na ‘ko! Patawad ka ba na magbabago paraPangako po! Magbabagako sa amin. Baka mag-amagulang,” sambit ni Amo20


uhat ng mga ito, at dadalhin siya w si Amor, ahhh! Saan ninyo ako min sa aming kaharian kung saan linis”, ang sabi ni Sabon. Huwag po!”sigaw ni Amor. Nangangako a sa sarili mo?” tanong ni Sepilyo. go na po ako. Ibalik niyo na po lala po sa akin ang aking mga or. 21


22


Maya-maya pa ay narinig niya ang tinig ng kanyang Ina, “Amor, Amor! gising anak.” Nang imulat niya ang kanyang mga mata, ay nakita niya ang kanyang Ina. “ Inay salamat sa Diyos akala ko hindi ko na kayo makikita. Patawad po dahil hindi ko kayo sinunod,” Bakit anak? tanong ng kanyang Ina. “Masama po ang panaginip ko Inay. Hinabol po ako nila Sabon, Sepilyo at marami pa sila. Gusto po nilang malinis ang aking katawan bago matulog,“ paliwanag ni Amor. “Tama naman sila anak,“ bulalas ng Ina. 23


Nagkwento si Amor ng panaginip niya sa kanyang Ina. “Kailangan pa ba talagang habulin ka ng mga gamit panlinis para matuto kang maging malinis?” tanong ng kanyang Ina. “Ayoko na po! Mas maganda pong laging malinis sa katawan, hindi na po ako hahabulin ng mga gamit panlinis. Hindi rin po ako aayawan ng aking mga kalaro ko,” paliwanag ni Amor. 24


25 “Huwag kang matakot anak. Nandito naman ako na tutulong sa iyo sa oras ng pangangailangan mo. Basta lagi mong tatandaan na maglinis muna ng katawan bago matulog,” paalala ng Ina.


Simula noon ay natuto na si Amor na maglinis palagi ng kanyang sarili. Sinikap niyang maligo at magsipilyo araw-araw. “Ang sarap pala sa pakiramdam kapag malinis at mabango ang katawan natin. Natuto na ako na pahalagahan ang kalinisan sa aking sarili,“ sabi ni Amor. 26


27


Dumami pa lalo ang kaibigan ni Amor. Naging modelo siya ng kalinisan sa kanilang lugar. Naging mas masayahin, malusog at malinis na bata si Amor. “Ang saya-saya kong makalaro kayo ulit!”sambit ni Amor. “Kami din Amor!“ ang sagot ng kaniyang mga kaibigan. 28


29 “Tara maglaro ulit tayo ng habulan! Pagkatapos nito ay maglinis tayo ng katawan sa bahay bago matulog.” dadgag pa nila. Masayang naglaro ang mga magkakaibigan.


Learning Competency Naisasaugali ang mga tungkulin sa sarili upang maging maayos EPP4HE-Qa-1 Curriculum Web Learning Objective Naisasaugali ang mga tungkulin sa sarili nang maayos. Content Standard Naipapamalas ang pangunawa sa batayang konsepto ng gawaing pantahanan at ang maitutulong nito sa pagunlad ng sarili at tahanan Performance Standard Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan. Ang Panaginip ni Amor 30


Pagsusuri ng Pang - Unawa 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? 2. Bakit nilayuan si Amor ng kanyang mga kaibigan? 3. Ano ang nangyari kay Amor habang siya ay natutulog? 4. Kung ikaw si Amor gagayahin mo ba siya? Bakit? Ipaliwanag. 5. Paano mo pahahalagahan ang iyong sariling katawan? 31


Talahuluganan aya – paanyaya; imbitasyon kaharian- Lugar kung saan namumuno ang hari at reyna imulat – maging bukas o buksan 32


Isagawa Natin: Pangkatang Gawain 1. Bumuo ng tatlong (3) grupo. 2. Bawat grupo ay pipili ng isang gawain. 3. Gagawin ang pangkatang gawain sa loob ng 10 minuto. 4. Iulat o ipakita sa klase ang nabuong gawain ng bawat grupo. *Pagsasadula ng mga pangyayari batay sa kwento. - Habang nakikipaglaro si Amor - ang panaginip ni Amor - noong naging malinis na siya Rubriks: Kriterya Antas ng Kahusayan 1 2 3 4 1. Maayos bang nagampanan ang mga gawain? 2. Nasunod ba nang maayos ang mga paraan sa gawain? Batayan: 4 - Napakahusay 2 - Mahusay 3- Mas Mahusay 1 - Hindi Mahusay 33


Dagdag Kaalaman Ang Safeguard ay isang tatak ng sabon at hand soap na pagmamayari ng Procter and Gamble, ito ay ipinakilala noong 1960 sa Estados Unidos at ipinakilala sa Pilipinas noong 1966. Ang Hapee ay isang tatak ng toothpaste sa Pilipinas, na ang nagmamayari ay isang matagumpay na negosyante sa Pilipinas na si Cecilio Pedro. 34


Biography May-akda: Analisa C. Lopez – Nakapatapos ng Bachelor of Elementary Education sa Kolehiyo noong taong 1995 sa Urios College, Butuan City. Nakapagturo noong taong 2009 hanggang 2013 sa Almaria Elementary School sa Anda Bohol at sa kasalukuyan ay nagtuturo sa ika-apat na baitang sa Calvario Elementary School. Mga Gumuhit: Maribeth H. Martin- Nagtapos ng kolehiyo sa City of Malabon University noong taong 2017 sa kursong Bachelor in Elementary Education. Nagturo sa Lux Mundi Academy sa Obando, Bulacan noong 2017-2018. Sa kasalukuyan ay nagtuturo sa Calvario Elementary School sa unang baitang. Michiel C. Centeno – Nagtapos ng kolehiyo sa Bulacan State University sa kursong Bachelor in Secondary Education major in Biological Science noong taong 2014. Nagturo sa Mother Theresa Academy of Marilao noong 2015-2016 at sa kasalukuyan ay nagtuturo sa Calvario Elementary School sa ika-apat na baitang. Dibuho: Rosana S. Aquino – Nakapagtapos ng kolehiyo sa Pangasinan State University, Bayambang, Pangasinan sa kursong Bachelor in Elementary Education noong taong 2006. Nagturo sa Bayugo Elementary School ng dalawang taon at napermanente sa Calvario Elementary School hanggang sa kasalukuyan at nagtuturo sa ikatlong baitang. 35


Si Amor ay masayahin at palakaibigang bata, ngunit ayaw niya na palaging naliligo at nagsisipilyo. Ano kaya ang kahahantungan ng pagiging madumi sa katawan ni Amor? Matututo pa kaya si Amor na pahalagahan ang kanyang sarili? Halina’t basahin natin at alamin ang mangyayari sa kwento ni Amor.


Click to View FlipBook Version