The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Lorie Mariano, 2023-10-18 06:34:23

44 ANG BAGONG BIBOY

44 ANG BAGONG BIBOY

DEPARTMENT OF EDUCATION Region III - Central Luzon SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN Kuwento nina: Aida S. Manapol at Hazel J. Sumaylo Guhit ni: Hazel J. Sumaylo Dibuho ni: Gelyn M. Penequito PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI Ang Bagong Biboy


NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI Schools Division Superintendent CECILIA E. VALDERAMA, Ph.D. OIC, Assistant Schools Division Superintendent Dominador M. Cabrera, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division ALFONSO S. MIACO, JR. Education Program Supervisor, MAPEH EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. Education Program Supervisor, LRMDS GELYN M. PENEQUITO Layout Artist HAZEL J. SUMAYLO Illustrator AIDA S. MANAPOL HAZEL J. SUMAYLO Writers SUSAN B. PELIPADA Division Librarian II 22 JERRY R. CAMACHO, Ed.D. VIVIAN R. DUMALAY RAMILO C. CRUZ, Ph.D. MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. NENITA J. BARRO JOCELYN A. MANALAYSAY, Ph.D. ALFONSO S. MIACO, JR. MA. LEONORA B. CRUZ This material was contextualized by the Curriculum Implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Regional Office III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN CID Supervisors


Sa mga mambabasa, Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang batang lalaki na hindi malinis at maayos sa kanyang sarili. Madalas siyang napapagalitan ng kanyang ina at nagiging tampulan ng tukso sa paaralan dahil sa kanyang pag uugali. ARAL: Ang aral ng kuwentong ito ay ang kahalagahan ng pagiging malinis sa ating pangangatawan. Inilalarawan din sa kuwentong ito na sa tamang panahon at sariling pagninilay ay maaring mabago ang ating mga bagay na nakagawian sa mas maayos at tamang paraan. 32


42 Published by the Department of Education Region III Schools Division of City of Meycauayan COPYRIGHT @ 2019 by ________ Copyright Notice: Section 9 of Presidential Decree No.49 provides: "No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit." Mga Patnugot Hazel J. Sumaylo Aida S. Manapol May Akda Hazel J. Sumaylo Gumuhit Gelyn M. Penequito Dibuho Dominador M. Cabrera, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. Education Program Supervisor, LRMDS ALFONSO S. MIACO, JR. Education Program Supervisor, MAPEH


25 Curriculum and Learning Management Division (CLMD) Learning Resource Management and Development Section (LRMDS) Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN Lathalain ng Ang Bagong Biboy


6


Pupungas - pungas na bumaba ng hagdan si Biboy na para bang napipilitan lang bumangon. Ilang beses na umiinat bago tuluyang humakbang pababa . 7


28 8


29 Kumain kana anak “, ang sabi ni Aling Belen sabay turo sa pagkaing nakahanda sa mesa. Hindi na kita maaasikaso at magbubukas na ako ng tindahan natin. Ikaw na muna ang bahala sa sarili mo. Maya-maya ay nandito na ang sundo mo’’, ang nagmamadaling bilin ng Ina bago lumabas ng pinto. 9


10 Pagkatapos kumain ay agad na tumayo si Biboy at tumungo sa banyo. Sa halip na maligo ay naghilamos lamang siya . Pagkatapos ay agad na isinuot ang uniporme .


11 11


12


13 Nang makapagbihis at mapansing malapit na siyang mahuli sa klase ay dali dali siyang bumaba sa hagdanan at tsaka lumabas ng bahay. Patakbo niyang tinungo ang daan papuntang paaralan upang hindi siya mahuli sa klase. Huli na niyang naisip na may motor nga palang maghahatid sa kanya patungong paaralan. 13


14 Biboy baboy…Biboy baboy.. baboy‘’ang malakas na tukso nang isa sa kanyang mga kaklase habang siya ay papasok sa kanilang silid-aralan. ‘’Hahaha’, ang malakas na tawanan nang lahat maliban kay Biboy na nagalit at muntik ng makipag away. Mabuti na lamang at dumating na ang kanilang guro kaya’t natigil ang mga ito sa pambubully sa kanya. 14


15


16


I sang hapon, pag-uwi ni Biboy galing sa paaralan ay agad siyang naupo at nanood ng paborito niyang programa sa telebisyon ng hindi man lang nagbibihis nang biglang may narinig siyang mga boses na tila nag-uusap.Biboy…Biboy…Biboy…kahit na takot ay nagpalinga-linga si Biboy. Hinahanap niya kung saan nanggagaling ang mga nakakatakot na boses. Ngunit wala siyang nakitang sinumang nagsasalita. 17


Sa sobrang takot niya ay kakaripas na sana siya ng takbo ngunit natigilan siya ng makita ang malalaking alon na sasalubong sa kanya. 18


19 Kasabay ng alon ang malaking sabon na tumatalon talon at masamang nakatingin sa kanya. Naninigas ang kanyang katawan ng makita ang lumilipad na sepilyo na may hawak na toothpaste, akmang babatuhin siya nito. Natanaw naman niya si nailcutter na tumatawa habang nagsasalita ng “Hulihin si Biboy……Hulihin si Biboy. 19 T akot na takot na umatras si Biboy. Lahat ng nakikita niya ay galit na galit sa kanya at gusto siyang saktan. Sabay-sabay na nagsasalita ang mga ito,’’ HULIHIN SI BIBOY...HULIHIN SI BIBOY… HULIHIN SI BIBOY....


20


Habang papalapit kay Biboy ang mga bagay na nagsasalita ay buong lakas siyang sumigaw kahit na siya ay takot na takot. Tulungan n’yo ako. Tulong... tulong... “, sambit niya. “Huwag kayong lumapit, alis... alis... layuan nyo ako.”,Pero patuloy pa rin sa paglapit ang mga bagay na nagsasalita. “Parang awa na ninyo, huwag n’yo akong saktan” ang nagmamakaawang sabi ni Biboy. 21


Biglang naramdaman ni Biboy ang pagyugyog sa kanyang ulo. Naririnig niya ang boses ng ina. Agad siyang yumakap sa ina na takot na takot. Laking pasasalamat niya ng mapagtantong panaginip lang pala ang lahat.. 22 Ano kaba naman anak! Paano ka nakakatulog nang ganyan ang hitsura mo? Ni makapagbihis ng damit ay hindi mo magawa! Magbihis ka na nga at naaamoy na kita. Kailan ka kaya matutong maging malinis sa katawan?‘’ ang nangungunsuming wika ni Aling Belen.


23


Habang nasa banyo si Biboy ay hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang kanyang nakakatakot na panaginip. Napatingin siya sa salamin. Matamang pinagmasdan ang sarili. Napabuntong hininga na lamang si Biboy at napatingin sa mga bagay na gingamit sa paglilinis ng katawan. Para bang hinihikayat siya ng mga ito na gamitin.”Kaya siguro napapana ginipan ko sila dahil masyado pinapabayaan ko ang aking sarili”, ang wika ni Biboy. 24


25 Sinimulan niyang linisin ang kanyang sarili. Nagbuhos ng tubig, nagsabon ng katawan, naghilod at nagsepilyo. Paulit-ulit ang pagbuhos ni Biboy ng tubig sa katawan. Nakaramdam siya ng ginhawa ng matapos siyang maligo. 25


28 Mula noon ay natuto ng mag-ayos at maglinis ng katawan si Biboy. Naging maalaga na siya sa kanyang sarili. Marami na rin siyang kaibigan sa paaralan at hindi na rin siya nabubully. Tuwang-tuwa naman si Aling Belen sa nakikitang pagbabago sa anak. 26


27


Learning Competency Describes ways of maintaining healthy lifestyle (H3N-Ij-19) Adopts habits for a healthier lifestyle (H3N-Ij-21) Curriculum Web Learning Objectives 1. Describing ways of maintaining healthy lifestyle 2. Adopting habits for a healthier lifestyle Content Standard The learner demontrates understanding of the importance of nutritional guidelines and balanced diet in good nutrition and health Performance Standard The learner constantly demontrates good decision making skills in making food choices 228


Pagsuri ng Pang - Unawa 1.Bakit madalas nagiging tampulan ng tukso si Biboy sa paaralan? a. dahil lagi siyang naglalaro b. dahil ayaw niyang pumasok c. dahil hindi siya malinis sa katawan d. dahil hindi siya sumusunod sa kanyang nanay 2 Ano ang hilig gawin ni Biboy sa tuwing siya ay papasok sa paaralan? a. Hindi naliligo c. hindi nag aalmusal b. Ayaw pumasok d. ayaw magsulat 3. Bakit madalas magalit ang nanay ni Biboy sa kanya? a. dahil lagi siyang naglalaro b. dahil ayaw niyang pumasok c. dahil hindi siya malinis sa katawan d. dahil hindi siya sumusunod sa kanyang nanay 4. Ano ang dahilan ng pagbabago ni Biboy? a. dahil lagi siyang pinapagalitan b. pinagalitan ng guro c. tinutukso ng mga kaklase d. dahil sa kanyang panaginip 5. Anong magagandang aral ang ipinakita sa kuwento? a. ang pagiging malinis at maayos sa ating sarili ay mahalaga b. ang pagiging masunurin sa magulang c. ang pakikipagkaibigan ay mahalaga d. walang kailangan baguhin sa sarili para magkaroon ng maraming kaibigan 229


Talahulugan: Narito ang mga kahulugan nang ilang mga salita na nabanggit sa kwento. • PUPUNGAS-PUNGAS - napatingin sa paligid na waring may hinahanap • AKMA - Parang may ninanais gawin. • TAMPULAN - palaging tinutukso • KUMAKARIPAS - Mabilis na pagtakbo. • UNIPORME - Kasuotang isinusuot sa pagpasok sa paaralan. • PAARALAN - Lugar kung saan pumupunta ang mga mag-aaral upang matututo. 230


Isagawa Natin: Pangkatang Gawain Gumuhit ng mga bagay na ginagamit sa paglilinis ng ating katawan sa loob ng kahon at isulat kung saan ito at paano ito ginagamit. 231


232 Dagdag Kaalaman Alam Mo Ba? Ang ating katawan ay pwedeng pamugaran nang ibat ibang bacteria at mikrobyo na mabilis dumami ng hindi natin napapansin. Ang isa sa mga parte ng ating katawan na mabilis kinakapitan ng mikrobyo ay ang ating balat kung saan ito din ang daanannila upang makapasok sa loob ng ating katawan. Narito ang mga dapat nating gawin para mapanatiling malusog at maayos ang atingmga katawan. • Madalas na pagligo. • Paghugas ng kamay pagkatapos dumumi. • Paghugas ng kamay bago maghanda ng pagkain. • Paghugas ng kamay pagkatapos kumain. • Paglalaba ng damit sa malinis na tubig.


Gelyn M. Penequito, ipinanganak noong February 16, 1987 sa Masgrau, Jamindan, Capiz , anak nina G. Leopoldo V. Mendoza at Wilma C. Mendoza. Siya ay asawa ni Jason Penequito at may isang anak na lalaki na si Jaydhen Liam Penequito. Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa ng Baitang Apat sa Paaralang Elementarya ng Iba sa Dibisyon ng Lungsod ng Meycauayan. Hazel J. Sumaylo, siya ay ipinanganak noong October 24,1982 sa Naval, Biliran, anak nina G. Pablito C. Jampas at Gng. Menita E. Jampas, Dalawa ang anak sina Angel Mae Sumaylo at Bryle Angelo Sumaylo. Mahilig sa adventure at isang competitive na guro. Kasalukuyang nagtuturo ng Baitang Anim sa Paaralang Elementarya ng Iba sa Dibisyon ng Lungsod ng Meycauayan. Aida S. Manapol, ipinanganak noong June 25,182 sa Bayan ng San Rafael Probinsya ng Bulacan,anak nina G. Victor E. Sotta Sr. at Gng. Leticia M. Sanchez. Siya ang kasal sa isang Air Force noong December, 2014. Nakatira sa Bocaue, Bulacan. Mahilig magluto at pumunta sa iba’t - ibang lugar. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Baitang Apat sa Paaralang Elementarya ng Iba sa Dibisyon ng Lungsod ng Meycauayan. 233 Biography


Ito ay kuwento ng isang batang lalaki na madalas hindi naglilinis at hindi nag-aayos ng kanyang sarili. Madalas siyang napapagalitan at napagsasabihan ng kanyang ina dahil sa kanyang hindi tamang gawi at pagpapahalaga sa sariling kalinisan. Madalas din siyang walang kaibigan at nagiging tampulan pa ng tukso sa paaralan. Sa hindi inaasahan, may isang pangyayari na kung saan napagtanto ni Biboy na mali ang kanyang ginagawa sa sarili. Sabay sabay nating tuklsain at alamin kung ano ang mangyayari kay Biboy .


Click to View FlipBook Version