PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF MEYCAUAYAN CITY Meycauayan City, Bulacan Kwento ni: Jeanette R. de Belen Guhit ni: Jennifer M. Roque Lay-out ni: Diane Ferlyn M. Hernandez
This material was contextualized by the Curriculum implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Region Office III SCHOOLS DIVISION OF MEYCAUAYAN CITY NORMA P. ESTEBAN, Ed. D., CESO VI OIC- Schools Division Superintendent LEILANIE ZORAIDA M. MENDOZA, Ph.D. OIC Assistant- Schools Division Superintendent DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Divsion EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. LRMDS Supervisor JERRY R. CAMACHO, Ed.D. NENITA J. BARRO MIGUEL S. DALANGIN, Ed.D. JOCELYN A. MANALAYSAY RAMILO C. CRUZ, Ph.D. ALFONSO S. MIACO JR. MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. CESAR G. YADAO MA. LEONORA B. CRUZ CID Supervisors SUSAN B. PELIPADA Division Librarian II VIC ROMAR M. MERCURIO Project Development Officer II i
Sa mga mambabasa, Kuwento ito ng isang batang nagngangalang Kakay na ayaw magpagupit ng kuko. Lagi nyang tinataguan ang kanyang ina hanggang sa hindi nya namalayan ang paghaba ng kanyang mga kuko. Isang araw, lumapit sya sa kanyang pusa ngunit natakot ito. Hindi na rin nya makain ang kanyang paboritong pagkain, kaya naman humingi na sya ng tulong sa kanyang ina. Ang aklat na ito ay maaaring karagdagan na kagamitan sa pagtuturo ng pangkalusugan sa ikalawang baitang na may Learning Competency na “Naisasalarawan ang mga paraan ng pag-aalaga ng mata, tenga, ilong, buhok at katawan upang maiwasan ang pangkaraniwang sakit ng mga bata” na may code na “H2PH-IIa-e-6”. Gintong Aral: Laging makinig sa payo ng magulang at maging malinis at maalaga sa katawan. ii
MGA TAGA-PATNUGOT JEANETTE R. DE BELEN MAY AKDA JENNIFER M. ROQUE TAGA-GUHIT DIANE FERLYN M. HERNANDEZ TAGA- LAYOUT DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief - CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR ALFONSO S. MIACO JR. EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR- MAPEH iii
Ang Mahabang Kuko ni Kakay Lathalain ng Curriculum implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Region Office III SCHOOLS DIVISION OF MEYCAUAYAN CITY
“Anak halika na dito at gugupitan na natin ang iyong kuko” wika ni Aling Sela, ina ni Kakay. 2
3
“Ayoko po Nanay!” wika ni Kakay sa kanyang ina. 4
5
“Ikaw talagang bata ka, mahaba na ang mga kuko mo, halina’t gugupitan ko.” ani Aling Sela. “Bukas na lamang po Nanay!” laging dahilan ni Kakay sa kanyang ina. 6
7
Lumipas ang mga araw ngunit hindi pa rin nagpapagupit ng kuko si Kakay, kaya humaba na ito nang humaba. 8
9
Isang araw, lumapit siya sa kanyang alagang pusa. “Mimi”, ngunit sa halip na lumapit ang kanyang alaga ay lumayo ito at tila natakot sa kanya. 10
11
Nang magsusuklay siya ay hindi na niya mahawakan ng maayos ang suklay. “Ang hirap naman ng ganito” bulong niya sa sarili. 12
13
Hindi na rin niya makain ang paborito niyang french fries dahil sa haba ng kanyang mga kuko. 14
15
“Naku, ang hirap naman hindi ko na magawa ang mga bagay na dati ay madali ko lang nagagawa.” malungkot na sabi ni Kakay. Nagkaroon na din ng dumi ang kanyang mga kuko, kaya hinanap na niya ang kanyang Nanay. 16
17
“Ayoko po ng ganito Nanay, nahihirapan po akong hawakan ang mga bagay. Si Mimi po takot na din sa akin.” wika ni Kakay. “Anak mabuti naman at nalaman mo na ang kahalagahan ng pagpapagupit ng kuko. Makakaiwas ka pa sa anumang sakit. 18
19
Simula nang magupitan ng kuko si Kakay ay hindi na takot lumapit sa kanya si Mimi. 20
21
Tuwing mag-iipit siya ng kanyang buhok ay nahahawakan na niya ng maayos ang kanyang suklay. 22
23
Nakakain na rin niya ng maayos ang kanyang paboritong french fries. Masayang masaya na si Kakay at lagi na rin siyang nagpapagupit ng kuko. 24
25
26 A. Pagsunud- sunurin ang mga pangyayari ayon sa binasang kwento. Lagyan ito ng bilang 1-5.
27 B. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Sino ang bata sa kwento? a. Kakay b. Kikay c. Kiko 2. Bakit humaba ang kanyang kuko? a. dahil wala silang nail cutter b. dahil ayaw niyang magpagupit ng kuko c. dahil inaalagan niya ang kanyang kuko 3. Ano kaya ang magiging epekto ng pagkakaroon nya ng mahabang kuko? a. magiging maganda ang kuko niya b. maaaring dumumi ang kanyang kuko na pagmumulan ng sakit c. magiging masigla siya 4.Ikaw bilang bata, gaano ka kadalas magpagupit ng kuko? a. palagi b. Paminsan minsan c. hindi kailanman 5.Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pagpapagupit ng kuko?Bakit? a.Opo, para makaiwas sa anumang sakit. b.Opo, para laging malinis ang ating kuko. c.Lahat ng nabanggit ay tama.
Si Kakay ay isang batang ayaw pagpagupit ng kuko. Lagi niyang tinataguan ang kanyang nanay hanggang sa hindi niya namalayan ang paghaba nito. Takot nang lumapit sa kanya ang kanyang alagang pusa na si Mimi at hindi na niya makain ang kanyang paboritong pagkain. Ano kaya ang mangyayari kay Kakay? Magpapagupit kaya siya ng kuko? May Akda: JEANETTE R. DE BELEN- Nagtapos sa Nazarenus College sa kursong Bachelor of Elementary Education Major in General Education. Naging guro sa St. Mary Montessori noong 2009. Kasalukuyang guro ng Grade II sa Iba Elementary School. Gumuhit: JENNIFER M. ROQUE- Nagtapos sa Meycauayan College sa kursong Bachelor of Elementary Education Major in General Education. Naging guro sa St. Joseph School of Lawang Bato noong 2006. Kasalu kuyang guro sa kindergarten sa Iba Elementary School. Nag-Layout: DIANE FERLYN M. HERNANDEZ- Nagtapos sa Bulaca State University sa sa kursong Bachelor of Elementary Education Major in General Education. Naging guro sa John Paul Benedict School of Meycauayan Inc. noong 2016. Kasalukuyang guro ng Grade VI sa Iba Elementary School.