The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Lorie Mariano, 2023-10-18 07:40:26

59 JUN, APRUB

59 JUN, APRUB

Kuwento nina: Melissa C. Ronquillo Jocelyn G. Gongon Guhit ni: Jocelyn G. Gongon Dibuho ni: Phoebe Marie B. Santarromana PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI DEPARTMENT OF EDUCATION Region III - Central Luzon SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN


NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI Schools Division Superintendent CECILIA E. VALDERAMA, Ph.D. OIC, Assistant Schools Division Superintendent DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division VIVIAN R. DUMALAY Education Program Supervisor, EsP EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. Education Program Supervisor, LRMDS PHOEBE MARIE B. SANTARROMANA Layout Artist JOCELYN G. GONGON Illustrator MELISSA C. RONQUILLO JOCELYN G. GONGON Writers SUSAN B. PELIPADA Division Librarian II CID Supervisors JERRY R. CAMACHO, Ed.D. VIVIAN R. DUMALAY RAMILO C. CRUZ, Ph.D. MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. NENITA J. BARRO JOCELYN A. MANALAYSAY, Ph.D. ALFONSO S. MIACO, JR. MA. LEONORA B. CRUZ This material was contextualized by the Curriculum Implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Regional Office III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN


Para sa mga mambabasa, Ang kuwentong ito ay tungkol sa magkaklase at magkaibigan na nagtulong upang itama ang maling ginawa ng kanilang kaklase. Ipinaliwanag ng dalawa sa maayos na salita na hindi mabuti ang pagtatapon ng basura kung saan-saan. Ipinamulat din nila sa kanilang kamag-aral kung ano ang nararapat bilang pagtulong sa kalinisan sa kanilang paaralan. Sa huli, tinanggap ng batang lalaki ang kanyang kamalian at itinuwid ito. ARAL: Ipinakikita dito ang pagpapahalaga sa kalinisan, ang magandang dulot ng pagtatapon ng kalat sa tamang basurahan, ang hindi pagdadalawang-isip na itama ang mali ng ibang tao sa maayos na pamamaraan at ang pagtanggap ng sariling kamalian.


42 Published by the Department of Education Region III Schools Division of City of Meycauayan COPYRIGHT @ 2019 by ________ Copyright Notice: Section 9 of Presidential Decree No.49 provides: "No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit." MGA TAGA-PATNUGOT MELISSA C. RONQUILLO AT JOCELYN G. GONGON MGA MAY AKDA JOCELYN G. GONGON TAGA-GUHIT PHOEBE MARIE B. SANTARROMANA TAGA-LAYOUT DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. CHIEF, CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR, LRMDS MA. LEONORA B. CRUZ EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR, ARALING PANLIPUNAN


25 Curriculum and Learning Management Division (CLMD) Learning Resource Management and Development Section (LRMDS) Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN Lathalain ng


6 Lunes ng umaga, unang araw ng linggo sa pagpasok sa paaralan. Tahimik at malinis ang paligid. Wala pang mga batang nagtatakbuhan at naglalaro. Iilan pa lamang ang mga mag-aaral na dumarating. Ang iba ay hatid ng kanilang mga magulang. Araw-araw pumapasok sina Ema at Lani. Nasa unang baitang pa lamang sila ay masipag na talaga silang mag-aral.


7 ng maaga. Iniiwasan nila ang pagpupuyat upang di mahirapan sa paggising, at upang hindi rin sila inaantok kapag nagtuturo na ang guro. Ayaw nilang lumiliban sa klase. Gusto nilang matutunan ang araw-araw na ituturo ng kanilang guro. Hindi sila kailanman nahuli ng pasok sa kanilang klase. Palagi silang pumapasok 7


78


9 Madalas ay makikita silang nag-uusap kasama ang iba pang kamag-aral. Minsan naman ay nagbabasa sila ng libro upang di mainip sa pag-iintay. O di kaya ay nag-aaral sila ng leksiyon lalo na kung sila ay may pagsusulit. Kung kaya lalong naging malapit sa isa’t isa ang dalawang bata dahil palagi silang magkasama. Nasa pasilyo ang magkaklase at magkaibigang sina Ema at Lani. Hinihintay nila ang pagdating ng kanilang guro sa Ikatlong Baitang, si Gng. Divina. Dito sila makikita araw-araw habang wala pa ang kanilang guro at sarado pa ang kanilang silid-aralan.


10 Masayang nagkukuwentuhan sina Ema at Lani tungkol sa kanilang napanuod nang nagdaang gabi. Ngunit pareho nilang hindi natapos ang palabas dahil kailangan nilang matulog ng maaga. Ayaw nilang magpuyat lalo at may pasok pa kinabukasan. Para sa kanila, mas mahalaga ang pag-aaral kaysa ang pagpupuyat ng dahil lamang sa panunuod. Gusto nilang palaging mataas ang kanilang marka upang matuwa ang kanilang mga magulang.


11


12 Maya-maya ay nakita nila ang kaklaseng si Jun. Napahinto sila sa kanilang pag-uusap. Nagtapon ito ng balat ng kendi sa daan habang naglalakad. Nagkatinginan ang magkaibigan. Kitang-kita nila na sinadya nitong itapon ang kalat sa dinaraanan.


13 Palaging sinasabi ng kanilang guro na iwasan ang magkalat at panatilihin na malinis ang kapaligiran ng kanilang paaralan. Ang hindi niya alam ay may nakakita sa ginawa niya. Hindi sila makapaniwala na nagawa ito ng kaklase.


14 Nang makalayo si Jun ay pinag-usapan nina Ema at Lani ang dapat nilang gawin.


15 B ilang mag-aaral ay may tungkulin sila na pangalagaan ang kalinisan ng kanilang paaralan. Tungkulin din nila na itama ang anumang mali na kanilang nagagawa maging ng ibang mag-aaral. Iyon ay isa sa kanilang natutunan mula sa turo ng kanilang guro. Nais nilang isagawa ang anumang kanilang natututunan.


16 Naisip ng dalawa na kausapin ang kamag-aral sa maling ginawa niya. Sabay silang naglakad at nilapitan si Jun. Gusto nilang huwag nang ulitin nito ang maling pagtatapon ng basura sa daan o kahit saan man.


17 Ayaw nilang may ibang mag-aaral na gayahin ang hindi magandang ginawa ng kanilang kaklase. Gusto din nilang ipaalala kay Jun kung ano ang turo ng kanilang guro ukol sa mga basura. Nais nilang marinig ang sasabihin ng kanilang kamag-aral.


18


19 Ipinaliwanag ng magkaibigan na hindi tama ang ginawa niya, na dapat ay sa tamang tapunan ilagay ang kalat upang mapanatiling malinis ang paaralan. Ipinaalala din nilang puwede ding sa bulsa ng shorts o ng bag muna ilagay ang kalat kung walang makitang basurahan. Sinabi nilang bawal magtapon ng basura hindi lang sa paaralan kundi kahit saan man. May babala man na nababasa o wala, nararapat lamang gawin kung ano ang tama.


20 Humingi ng pasensya si Jun. Hiyang-hiya siya sa kanyang ginawa. Inamin niyang hindi talaga siya naghanap ng basurahan upang doon itapon ang kalat. Nagmamadali raw kasi siya dahil iaabot niya ang baon ng kaniyang kapatid. Aminado siya sa kaniyang maling ginawa. Nagpasalamat naman siya kina Ema at Lani. Pero nangako siya na hinding-hindi na niya ito gagawin pa. Itatapon na talaga niya ang basura sa basurahan o kung wala mang makitang basurahan, ilalagay na muna niya sa bulsa. Ito ay kaniyang gagawin hindi lang sa paaralan kundi kahit saan mang lugar.


21


Naiisip niya na baka isumbong siya nila Ema at Lani sa kanilang guro. Kung mangyari man iyon, hindi niya alam ang sasabihin sa guro. 22 Kakamot-kamot sa ulo ang batang lalaki na naglakad pabalik at pinulot ang balat ng kendi. Sobrang hiya ang kaniyang naramdaman. Akala niya ay walang nakakita sa pagtatapon niya ng basura.


23 Naalala tuloy niya na iyon pa naman ang laging paalala ni Gng. Divina, panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran. Ayaw na ayaw nito na may nakikitang kalat sa loob o labas man ng paaralan.


24 I tinapon niya ang kalat sa nakitang basurahan, sa di-nabubulok. Pagkatapos ay nakayuko siyang naglakad papunta sa pasilyo ng kanilang silid-aralan. Hindi pa rin nawawala ang kanyang pagkapahiya. Tumingin siya kina Ema at Lani, nag-uusap ito kasama ang iba pa nilang kaklase. Maaaring naikuwento na ng dalawa ang kaniyang ginawa. Hindi niya malaman ang gagawin. Hindi niya magawang lumapit sa iba pa nilang kamag-aral na unti-unti nang nagdaratingan. Nanatili na lamang siyang tahimik at nag-iisa.


25


Sa biglang pagdating ng guro ng mga bata sa Ikatlong Baitang. Binuksan ni Gng. Divina ang kanilang silid-aralan at matahimik na pumasok ang bawat mag-aaral. Si Jun ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan. Inintay niyang makapasok ang lahat ng kaniyang kaklase. 26


27 Napansin niyang naiwan sina Ema at Lani. Lumapit siya sa mga ito. Nakiusap siyang huwag na sana siyang isumbong sa guro. Ngumiti sina Ema at Lani. Nangako silang hindi na nila ito sasabihin pa kay Gng. Divina at maging kaninuman sa kanilang kaklase. Nagpasalamat si Jun sa dalawa at pumasok na sa loob. Naiwan sina Ema at Lani.


28 Bago pumasok sa silid-aralan, ang dalawa ay nag-apir muna. Hudyat na ayos ang kanilang ginawa. Masaya na sila ay nakatulong para sa kanilang paaralan. Pumasok na ang magkaibigan sa silid, oras na nang pagsisimula ng kanilang klase. Narinig nilang tinatawag na sila ni Gng. Divina. Pumasok na ang magkaibigan sa silid-aralan. Pagkatapos magdasal ay tiningnan ni Gng. Divina ang buong silidaralan. Naghahanap siya ng kalat kung mayroon man. Napangiti ito dahil malinis ang silid. Patunay na isinasagawa ng lahat ang kaniyang paalala.


29


Learning Competency Nakapagpapanatili ng malinis at ligtas na pamayanan sa pamamgitan ng paglilinis at pakikiisa sa gawaing pantahanan at pangkapaligiran. EsP3PPP-IIIe-g-16 Curriculum Web Learning Objective Kalinisan at kaayusan Content Standard Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pananatili ng mga natatanging kaugaliang Pilipino kaalinsabay ng pagsunod sa mga tuntunin at batas na may kaugnayan sa kalikasan at pamayanan. Performance Standard Naipamamalas ang pagiging masunurin sa mga itinakdang alituntunin, patakaran at batas para sa malinis, ligtas at maayos na pamayanan. 30


Pagsuri ng Pang - Unawa Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Saan nangyari ang kuwento? 2. Sinu-sino ang magkakaklase? 3. Bakit kinausap ng magkaibigan ang kanilang kamag-aral? 4. Mahalaga ba ang kalinisan sa paaralan? Bakit? 5. Kung ikaw si Ema o Lani, gagawin mo rin ba ang kanilang ginawa? Bakit? 31


Talahuluganan 1. Nabubulok – ito ay mga pagkaing nasira at napabayaan. Ito din ay mga nalalantang basura at ginagamit bilang fertilizer o pataba sa lupa. Ang ilan sa mga halimbawa ng mga nabubulok na mga bagay ay mga dahon, balat ng prutas, at dumi ng mga hayop. 2. Di-nabubulok (non-biodegradable) – ito ay uri ng basura na hindi nabubulok. Maaari ding mga basurang nareresiklo, wala ng gamit, nakalalason o nakamamatay. Ang ilan sa mga halimbawa ay mga bote, plastic at lata. 3. Nareresiklo – ito ay ang paggamit muli sa mga bagay na kalimitan ay binabasura lang 4. Pasilyo – ito ay takdang daanan sa tabi o harap ng isang bahay o paaralan. 5. Nag-apir – pagsalubong ng kamay ng dalawang tao upang lumikha ng palakpak o tunog 32


Isagawa Natin: Pangkatang Gawain Gumawa ng awit na tungkol sa kalinisan ng kapaligiran sa tono ng mga sumusunod at itanghal ito pagkatapos: Unang grupo – Bahay-Kubo Ikalawang grupo – Ako ay may Lobo Ikatlong grupo – Maliliit na Gagamba Ikaapat na grupo – Leron-Leron Sinta Ikalimang grupo – Kung Ikaw ay Masaya PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG AWIT Nilalaman 10 puntos Tamang Ritmo at Tono 10 puntos Presentasyon 10 puntos 30 puntos PAGPAPAKAHULUGAN 30-25 = Napakahusay 24-20 = Mahusay 19-15 = Mahusay-husay 33


Dagdag Kaalaman Ang waste segregation ay paghihiwa-hiwalay o pag-uuri ng mga basura mula sa nabubulok, di- nabubulok at nareresiklo. SANGGUNIAN https://www.google.com/search?biw=1366&bih=657&tbm=isch&sa=1&ei=SlFZXOfDK sTYvgSvhoOwAg&q=larawan+ng+basurahang+nareresiklo&oq=larawan+ng+basura hang+nareresiklo&gs_l=img.3...6 34


Biography Ang may-akda ay panganay na anak nina Danilo D. Choo at Victoria C. Enriquez. Ipinanganak siya noong ika-3 ng Abril, 1977. Siya ngayon ay may asawa na at 2 anak. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Bahay-Pare, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan. Nag-aral ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Sto. Niňo, Plaridel, Bulacan (1984-1990). Ang sekondarya ay tinapos niya sa Mataas na Paaralan ng Marcelo H. del Pilar, Lungsod ng Malolos, Bulacan (1990-1994). Nagtapos ng kursong Bachelor in Elementary Education Major in Home Economics and Technology sa Bulacan State University, Malolos City, Bulacan noong Abril, 1998 (1994-1998). Nagturo agad siya ng Kindergarten sa Stella Orientis School, Malolos City, Bulacan sa loob ng tatlong taon (1998-2001). Tumigil muna siya ng pagtuturo sa loob ng isang taon (2001-2002). Nang sumunod na dalawang taon (2002-2004) ay isa siya sa naging Contractual Teacher sa ilalim ng panunungkulan ng dating Gobernador Josefina M. dela Cruz at nadestino sa Paaralang Elementarya ng Pajo. Agosto taong 2005 ay tuluyan siyang naging permanenteng guro sa nasabing paaralan at hanggang ngayon ay gurong tagapayo ng mga batang nasa unang baitang. Bukod sa pagiging Grade Leader sa unang baitang ay LRMDS Coordinator din siya ng paaralan. Sa kasalukuyan ay kinukuha nya ang Masteral Degree sa Governor Andres Pascual College, Navotas City. Ang may-akda ay anak nina Ginoong Enrique Giron at Ginang Narcisa Giron. Siya ay bunso sa anim na magkakapatid at ipinanganak noong ika-8 ng Pebrero, taong 1983. Sa kasalukuyan siya ay may asawa na at isang anak. Sila ng kanyang pamilya ay nakatira sa # 0610 24 de Agosto St., Caingin, Malolos City, bulacan. Nag-aral siya ng elementarya sa Santa Cruz Central School, Ilocos Sur (1990-1996). Tinapos niya ang sekondarya sa Pascual Rivera Pimentel Memorial Academy, Ilocos Sur (1996-2000). Natapos naman niya ang kursong Bachelor in Elementary Education Major in Work Education sa Bulacan State University, Malolos City, Bulacan (2001-2005). Naging Substitute Teacher siya sa loob ng dalawang buwan taong 2007 sa Lawa Elementary School, Meycauayan City, Bulacan (Agosto-Oktubre). Noong taong 2007 ay naging permanenteng guro siya sa Paaralang Elementarya ng Pajo, Lungsod ng Meycauayan, Bulacan hanggang ngayon at gurong tagapayo ng ikatlong baitang. Siya din ay ang Arts Coordinator ng nasabing paaralan. Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya ng Masteral Education sa Dr. Gloria D. Lacson Foundation Colleges, Inc. Ang nagdibuho ng aklat na ito ay pangatlo sa limang anak nina Ginoong Ruben Mantac Banquillo at Ginang Marites Lacayanga Banquillo. Ipinanganak noong ika-5 ng Pebrero, taong 1994 sa Lungsod ng Valenzuela. Siya at ang kanyang asawa na si Ginoong Jan Russel Nusa Santarromana ay nakatira sa Barangay Pajo, Lungsod ng Meycauayan Bulacan. Nagaral siya ng elementarya sa Paaralang Elementarya ng Perez, Meycauayan, Bulacan taong 1999-2005. Tinapos niya ang Sekondarya sa Meycauayan National High School, Camalig, Meycauyan, Bulacan taong 2005-2009. Nakapagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education sa Meycauayan College, Meycauayan Bulacan taong 2013. Siya ay nagturo sa loob ng isang taon sa Meycauayan College (2013-2014) bago naging Substitute Teacher ng dalawang buwan (July-August 2014). Siya ay naging permanenteng guro sa Paaralang Elementarya ng Pajo noong September 2014 hanggang ngayon at gurong tagapayo sa ikalimang baitang. Siya ay SBM Coordinator at School Facilities Coordinator ng naturang paaralan. Sa kasalukuyan, siya ay nag-aaral ng Master of Arts in Education Major in Administration and Supervision sa Governor Andres Pascual College sa Lungsod ng Navotas. 35


Sina Ema at Lani ay magkaklase. Sila rin ay magkaibigan. Sila ay mga mag-aaral na masasabing may malasakit sa kanilang paaralan. Alam kasi nila ang kahalagahan ng kalinisan kahit na sila ay mga bata pa lamang. Paano ipinakita ng magkaklase ang kanilang pagmamahal sa paaralan?


Click to View FlipBook Version