This material was contextualized by the Curriculum Implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Regional Office III SCHOOLS DIVISION OF MEYCAUAYAN CITY NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI OIC-Schools Division Superintendent LEILANIE ZORAIDA M. MENDOZA Ph.D. OIC- Assistant Schools Division Superintendent DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. LRMDS Supervisor JERRY R. CAMACHO,Ed. D. NENITA J. BARRO MIGUEL S. DALANGIN, Ed. D. JOCELYN A. MANALAYSAY RAMILO C. CRUZ. Ph.D. ALFONSO S. MIACO, JR. MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. CESAR G. YADAO MA. LEONORA B. CRUZ CID Supervisors SUSAN B. PELIPADA Division Librarian II VIC ROMAR M. MERCURIO Project Planning Officer II
Sa mga mambabasa, Kwento ito ng isang anak na gustong-gustong masamahan ng kaniyang ina sa pagpasok paaralan.Sa sobrang abala ng nanay ay nawalan na ito ng oras sa paghatid at pagsundo sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na nagkasakit ang kaniyang ina. Ang pangyayaring ito ang naging daan upang matuklasan niyang mahusay pala siyang gumawa ng alahas. Natulungan na niya ang kaniyang inang gumawa at magbenta ng alahas nagkaroon pa ito ng oras na mahatid at masundo siya sa paaralan araw-araw. Learning Competencies: ESP1P-IIa-b-1 Nakapagpapakita ng pagmamahal at pagtulong sa magulang F1KP-IVd-8 Natutukoy ang salitang magkatugma. Dalawang mahahalagang aral ang matututuhan natin sa kwentong ito:Una, ang pagmamahal sa magulang at ikalawa, ang pagiging matulungin.
MGA TAGA-PATNUGOT JOANNE G. BOCADA MAY AKDA LALAINE D. DE LINO TAGA-GUHIT JENEFER S. PARALLAG TAGA- LAYOUT DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. EDUCATION PROGRAMSUPERVISOR CHIEF- CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR- LRMDS NENITA J. BARRO EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR – FILIPINO
Lathalain ng Curriculum Implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center Department of Education Regional Office III SCHOOLS DIVISION OF MEYCAUAYAN CITY
ay, papasok na po ako,” nakasimangot na paalam ni Lala sa kaniyang ina. “Mag-iingat ka anak. Umuwi ka nang maaga pagkagaling sa paaralan,” bilin ng kaniyang ina. N 2
3
Habang naglalakad, nakasalubong niya ang kaklaseng si Lori at ang ina nito. “Lala, papasok ka na namang mag-isa? Hindi ka ba sasamahan ng nanay mo sa pagpasok?” tanong ni Lori. 4
5 5
“ Abala kasi ang nanay ko sa paggawa ng alahas kaya hindi niya ako naihahatid,” sagot ni Lala. “ Kawawa ka naman pala,” sabay lakad palayo ni Lori kasama ng ina nito. “ Sana masamahan din ako ni nanay sa pagpasok,” sabi ni Lala habang tinitingnan ang kaklase na kasama ang ina. 6
Isang araw nagbilin ang kanilang guro na may pagpupulong na gaganapin sa paaralan. “ Tiyak na hindi na naman makakadalo si nanay . Lagi kasi siyang abala. Wala na siyang ginawa kundi magtinda,” sa isip ni Lala. 8
9
Gayunpaman, sinabi pa rin niya sa kaniyang ina pero hindi na siya umaasa na siya’y makakapunta. “’Nay, may pagpupulong po na gaganapin sa paaralan sa makalawa. Makakapunta po ba kayo?,” tanong ni Lala. “Oo, anak pupunta ako,” nakangiting sagot ng kaniyang ina. 10
11
Masayang masaya si Lala na makakapunta ang kaniyang ina sa pagpupulong. Ipinagdasal niya bago matulog na sana ay maihatid din siya ng kaniyang ina sa paaralan arawaraw. Nakangiting nakatulog si Lala. 12
Kinabukasan, nagulat siya ng makitang nakahiga pa si nanay sa kaniyang silid. “’Nay may lagnat po kayo?!,” pahayag ni Lala. “Wala ito, anak. Uhm… uhm…Mamaya magiging maayos din ang pakiramdam ko. Marami pa akong kwintas, pulseras at hikaw na dapat tapusin,” mahabang sabi ni nanay habang inuubo. Agad na pinainom ni Lala ng gamot ang kaniyang ina. 14
15
Nagpasiya si Lala na hindi na muna pumasok sa paaralan upang maalagaan ang kaniyang ina. Nagpadala na lamang siya ng sulat sa kaniyang guro. Habang natutulog ang ina ni Lala ay gumawa siya ng mga alahas. Buong husay siyang gumawa ng kwintas, pulseras at hikaw. 16
17
Bandang hapon ay natapos din niyang gawin ang mga alahas kaya pumunta siya ng palengke upang magtinda. “La-la-la, ako si Lala. Bili na po kayo ng aking paninda,” awit ni Lala habang nagtitinda. 18
19
“Ang gaganda naman ng alahas na tinda mo, Lala! Ikaw ba ang may gawa niyan?,” tanong ng ale. “ Kami pong dalawa ng nanay ko,” magalang na tugon ni Lala. “ Ang galling mo naman! Bibili ako ng marami,” sabi ng ale. 20
Kaagad na umuwi si Lala pagkaubos ng kaniyang mga paninda. Pinakain at pinainom niya ng gamot ang kaniyang ina. “Salamat anak, mabuti na ag pakiramdam ko. Makakapagtinda na ako bukas,” sabi ng nanay ni Lala. “Huwag niyo na pong isipin iyon ‘nay. Naibenta ko na po ang mga alahas na ginawa natin kaya hindi niyo na po kailangang pumunta sa palengke bukas,” mahabang pahayag ni Lala. 22
23
Kinabukasan, maagang naghanda si nanay hindi upang gumawa ng alahas kundi upang ihatid si Lala sa paaralan. Masayang masaya si Lala nang makitang nakadalo ang kaniyang ina sa pagpupulong. 24
25
Simula noon, araw-araw na siyang inihahatid at sinusundo ni nanay sa paaralan at araw- araw din niyang tinutulungan ang ina sa paggawa at pagtitinda ng alahas. Sinasabayan pa niya ito ng sayaw at kanta. “La-la-la, ako si Lala. Bili na po kayo ng aming paninda.” 26
Tulungan si Lala na makarating sa kaniyang ina. Sundan ang daan patungo sa tindahan ng alahas, isulat sa bawat patlang ang salitang katugma ng bawat larawan na nakapaskil sa inyong daraanan. 28
29
May- akda: JOANNE G. BOCADA Nagtapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Mathematics noong 2008. Naging guro siya sa Saint Mary’s Montessori Center taong 2008- 2009 at Colegio de Santa Cecilia taong 2009-2010.Sa kasalukuyan siya ay guro sa unang baitang sa Paaralang Elementarya ng Calvario at LRMDS Coordinator sa nasabing paaralan. Gumuhit: LALAINE D. DE LINO Nagtapos sa Bulacan State University sa kursong Bachelor of Elementary Education major in Math noong 2007.Sa kasalukuyan, siya ay guro sa unang baitang at Music Coordinator sa Paaralang Elementarya ng Calvario. Taga-Layout: JENEFER S. PARALLAG Nagtapos sa Bulacan State University sa kursong Bachelor in Agricultural Education major in Agriculture taong 2001. Noong 2014, nagtapos siya ng Masters Degree sa Lyceum Northwestern University.Naging guro siya sa Foundation Christian Academy taong 2001-2005. Sa kasalukuyan, siya ay guro sa unang baitang sa Paaralang Elementarya ng Calvario at SBM Coordinator sa nasabing paaralan. Gustong-gusto ni Lala na palagi siyang maihatid at masundo ng kaniyang ina sa pagpasok sa paaralan. Ngunit bihira itong mangyari. Abala kasi ito sa paggawa at pagbebenta ng mga alahas. Paano pa siya nito maihahatid kung kailan may pagpupulong na gagaganapin sa paaralan ay saka naman ito nagkasakit?Ano ang dapat na gawin ni Lala upang gumaling ang kaniyang ina at matulungan niya ito sa kaniyang paghahanapbuhay?