Kuwento at Dibuho ni: Rizza Erika LT. Fernandez Guhit ni: Amie G. Gamboa Si Ton-ton na ayaw Tumalon DEPARTMENT OF EDUCATION REGION III SCHOOLS DIVISION OF MEYCAUAYAN CITY Meycauayan City, Bulacan PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
2 NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI OIC- Schools Division Superintendent LEILANIE ZORAIDA M. MENDOZA, Ph.D. OIC- Assistant Schools Division Superintendent DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. LRMDS Supervisor SUSAN B. PELIPADA Division Librarian II VIC ROMAR M. MERCURIO Project Development Officer II CID Supervisors JERRY R. CAMACHO, Ed.D. MIGUEL S. DALANGIN, Ed.D. RAMILO C. CRUZ, Ph.D. MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. NENITA J. BARRO JOCELYN A. MANALAYSAY ALFONSO S. MIACO, JR. CESAR G. YADAO This material was contextualized by the Curriculum Implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Regional Office III SCHOOLS DIVISION OF MEYCAUAYAN CITY MA. LEONORA B. CRUZ
3 Sa mga mambabasa, Ang kwentong ito ay tungkol sa isang batang ambon na si Ton-ton. Ayaw niyang tumalon pababa sa mundo dahil sa takot nito sa mga mararanasan sa labas. Ngunit nang siya ay nakatalon, doon niya nalaman na marami pala siyang matutuklasan kung siya ay magiging matapang. LEARNING COMPETENCY: Maipaliwanag ang mga pagbabago sa panahon at kung paano ito makakaapekto sa komunidad. (S3ESIVe-F-3; S3ES-IVg-H-5) ARAL: Matutong maging matapang sa mga haharapin sa buhay. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay magtuturo sa atin ng maraming bagay.
4 RIZZA ERIKA LT. FERNANDEZ MAY AKDA AT TAGA-DIBUHO AMIE G. GAMBOA TAGA-GUHIT DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. CHIEF - CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR-LRMDS JERRY R. CAMACHO Ed. D. EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR - SCIENCE MGA TAGA-PATNUGOT
5 LaCurriculum Implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Regional Office III SCHOOLS DIVISION OF MEYCAUAYAN CITY Si Ton-ton na ayaw Tumalon Lathalain ng
6 “Yipeeeee! Ayan na! Tatalon na kami!”, nananabik na sabi ng mga anak ni Inang Ulap. Puno na ang kanilang ina. Panahon na para tumalon at pumatak sa kalupaan ang mga batang ulan. “Doon ako papatak sa may dagat! Malawak doon at mukhang masarap!" wika ni Ron-ron “Ako, sa may lupa ako pupunta!" lakas loob na sabi ni Bon-bon. "Sisiksik ako sa ilalim ng lupa." “Sana sa may halaman ako mapadpad. Gusto ko na sa kanilang mga dahon ako sumayad!.” Hiling na 2
37
8 Lahat ay handa na maliban kay Ton-ton Ambon na kumapit nang mahigpit sa kanyang Ina. "Ina, ayoko pong tumalon! Paano po kung mawala ako sa dagat? O sa tuyo at matigas na lupa ako mapadpad? O di kaya’y sungitan ng mga halaman? Paano po kung hanginin na lamang ako kung saan? Dito na lang po ako! Dito na lang po ako!” takot na sabi ni Ton-ton. 4
95
10 Niyakap ni Inang Ulap ang kanyang anak. “Ton-ton, kailangan mong tumalon at makita ang mundo. Kung hindi ay maiiwan kang mag-isa at hindi ka magiging ulap tulad ko. Wag kang matakot. Maganda ang daigdig! Kailangan mo lang ng lakas ng loob upang ito ay masilip!" pagaalo ni Inang Ulap kay Ton-ton. 6
11 7
128 Gusto ni Ton-ton na maging ulap gaya ng kanyang ina. Kaya matapos ang mahigpit na yakap at pagtulo ng isang luha sa kanyang mga mata, siya ay pumikit at tumalon bigla!
139
14 Habang bumabagsak si Ton-ton, nakita niya ang itsura ng daigdig mula sa malayo. Nagulat siya sa ganda nito. Ang mga puno, bulaklak at mga bundok ang nagpanganga sa kanya mula sa tuktok. Dahil sa lubos na paghanga, hindi na napansin ni Ton-ton ang pagbagsak niya sa isang halamang hindi niya kilala. 10
1511
16 Iyon pala si Kawayan na magaslaw. Isang matayog, payat at punong mahilig sumayaw. "Halika kaibigan!", yaya ni Kawayan kay Ton-ton. "Sumayaw tayo! Iindak ang ulo sa saliw ng masayang salmo!" Masayang umindayog si Tonton na hilig din pala'y humataw. At dahil sa husay nila ni Kawayan, lahat ng halaman sa kanila ay sumabay. "Nakakatuwa pala ang mga halaman!" sigaw ni Ton-ton. 12
1713
18 Sayaw nang sayaw si Kawayan at si Ton-ton. At dahil sa sobrang pag-indayog ng halaman, naibato siya nito papunta sa karagatan. Doon nakilala ni Ton-ton si Dagat. "Kamusta Ambon? Hala sige't magtampisaw sa aking alon!" paanyaya ni Dagat. Napakalawak nito! Asul na asul ang kanyang kulay. 14
1915
20 Napakadami ding lamang-dagat ang nakatira sa karagatan. Lahat ng ito'y masayang nakipag-laro sa kanya. Naglaro sila ng habulan, taguan at kung anu-ano pa. "Ang saya pala dito sa dagat! Ang saya pala dito sa daigdig!", masayang sabi ni Ton-ton. "Tama nga si Ina. Wala nga akong dapat ikatakot o ikapangamba ." 16
2117
22 Hindi na nakaramdam pa ng takot si Ton-ton. Kaya naman nang dumating si Haring Araw ay masaya siyang nagpatangay sa init nito. "Mga masasayang patak ng ulan, halina kayo! Sa itaas tayo ay tutungo!" aya ni Haring Araw. Dahil sa init na nanggagaling kay Araw, ang mga patak ay unti-unting nalusaw. Sabaysabay silang umangat patungo sa itaas. 18
19
2420
25 At doo'y hindi na sila mga munting ambon na nangangarap. Kung hindi mga malalaki, matatayog at matatapang na mga ulap. 21
26 Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga larawan sa bawat bilang. Iguhit sa kahon ang susunod na mangyayari. Sumulat ng maikling pangungusap ukol sa iyong iginuhit. 22
23
Si Ton-ton Ambon ay takot tumalon paibaba sa daigdig. Ayaw niyang humiwalay sa kanyang mahal na inang ulap. Takot siya na baka mapadpad siya kung saan. Makatalon kaya si Ton-ton? Si RIZZA ERIKA LT. FERNANDEZ ay nagtapos sa Mariano Quinto Alarilla Polytechnic College sa kursong Bachelor of Science in Education, Major in English. Siya ay nagtuturo sa Pantoc Elementary School sa ika-apat na baitang. Siya din ang ICTCoordinator ng nasabing eskwelahan. Si AMIE G. GAMBOA ay nagtapos sa University of Caloocan City. Siya ay nagtuturo sa Pantoc Elementary School sa unang baitang. Siya ay nanalo na sa iba't ibang patimpalak sa pagguhit bilang coach ng mga bata. Siya ay Arts Coordinator ng tinuturuang eskwelahan. Quality Assurance: JOAN F. OLEDAN LRMDS Coordinator