Kuwento ni: Michiel C. Centeno Guhit ni: Maribeth H. Martin Dibuho ni: Rosana S. Aquino PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI DEPARTMENT OF EDUCATION Region III - Central Luzon SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN Ooops! Si Pipit at Mayang Makulit
NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI Schools Division Superintendent CECILA E. VALDERAMA, Ph. D. OIC ,Assistant Schools Division Superintendent DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division JERR R. CAMACHO, Ed.D. Education Program Suoervisor, Science EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. Education Program Supervisor, LRMDS ROSANA S. AQUINO Layout Artist MARIBETH H. MARTIN Illustrator MICHIEL C. CENTENO Writer SUSAN B. PELIPADA Division Librarian II CID Supervisors JERRY R. CAMACHO, Ed.D. VIVIAN R. DUMALAY RAMILO C. CRUZ, Ph.D. MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. NENITA J. BARRO JOCELYN A. MANALAYSAY, Ph.D. ALFONSO S. MIACO, JR. MA. LEONORA B. CRUZ This material was contextualized by the Curriculum Implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Regional Office III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
3 Sa mga mambabasa, Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang masuwaying magkapatid. Hindi sila sumusunod at hindi nakikinig sa bilin ng kanilang Ina palagi, hanggang sila ay muntik ng mapahamak sa katigasan ng kanilang ulo. Ngunit sa bandang huli ay natuto rin ang dalawa na dapat sila ay nakikinig at sumusunod sa kanilang Ina. Kaya bilang isang mag-aaral, ugaliing laging nakikinig at sumusunod sa mga magulang upang hindi mapahamak. Sa mga magulang at guro, sikaping magabayan ng tama ang ating mga anak at mag-aaral upang sila ay maturuan na ang pagsunod sa magulang ay mahalaga upang sila ay magabayan at hindi mapahamak. Aral: Ang mahalagang aral na ating matututunan sa kuwentong ito ay ang pakikinig at pagsunod sa payo ng ating magulang.
4 Published by the Department of Education Region III Schools Division of City of Meycauayan COPYRIGHT @ 2019 by ________ Copyright Notice: Section 9 of Presidential Decree No.49 provides: "No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit." MGA TAGA-PATNUGOT MICHIEL C. CENTENO May-akda MARIBETH H. MARTIN Taga-guhit ROSANA S. AQUINO Taga-layout DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. Education Program Supervisor- LRMDS JERRY R. CAMACHO, Ed.D. Education Program Supervisor - Science
5 Ooops! Si Pipit at Mayang Makulit Lathalain ng Curriculum and Learning Management Division (CLMD) Learning Resource Management and Development Section (LRMDS) Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
Sa isang malawak na kagubatan ay naninirahan ang isang grupo ng mga ibon.Lagi silang nagsasama-sama upang maprotektahan nila ang isa’t isa sa kanilang mga kaaway. Sa grupo nila ay may dalawang magkapatid na ibon na si Pipit at si Mayang na may hindi magandang pag-uugali. 6
7
Matigas ang ulo ng dalawa at hindi sila sumusunod sa kanilang Inang ibon. Sa tuwing tinatawag sila upang maghanap ng pagkain kasama ng kanilang grupo, sila ay palihim na tumatakas at naglalaro lang. Magkasundong- magkasundo si Pipit at Mayang sa paggawa ng kalokohan. Palagi nila itong ginagawa. Sila ay nagpaplano kung saan sila pupunta at ano ang gagawin nila sa tuwing sila ay tatakas at hihiwalay sa kanilang mga kasama. 8
9 H indi na ako makapaghintay sa susunod na pag-alis natin," wika ni Mayang. " Ako ang bahala kung saan tayo pupunta," sagot ni Pipit.
10 Kinabukasan ay lilipad muli ang mga ibon upang maghahanap ng pagkain. Bago umalis ay nagbilin muli ang Ina.
Ang laging bilin ng kanilang Inang ibon,”Huwag na kayong lalayo sa grupo natin kapag tayo ay naghahanap ng pagkain. Dahil tayo ang magiging proteksyon ng isa’t-isa laban sa mga maninila.” “Opo Ina,” sagot ng dalawa. Ngunit kahit sila ay laging binibilinan ng kanilang Ina, hindi nila ito sinusunod. 11
12
I sang araw, habang ang mga ibon ay masayang naghahanap ng pagkain kasama sina Pipit at Mayang nakaisip na namang tumakas ng dalawa. 13 Maya-maya ay nag-wika si Pipit, “Tara Mayang pumunta tayo banda roon upang maghanap ng makakain,” aya ni Pipit. “Sige, ngunit magpaalam muna tayo kay Ina.“ sagot ni Mayang. “Mamaya na lang, halika na may nakita akong magandang lugar at doon tayo maghanap ng pagkain!”.
Habang naghahanap ng pagkain ay hindi nila namalayang may isang malaking ibon ang sumusunod sa kanila. Gusto nitong kuhanin ang pagkaing nakita nila. At nang makahanap na sila, hinarang sila ng malaking ibon. Takot na takot ang dalawang ibon. Ito ay may malaki at nanlilisik na mga mata. Mayroon itong malalaking pakpak, ang kanyang mga kuko ay matutulis at maiitim. Gusto nitong paglaruan ang magkapatid at kuhanin ang pagkaing makikita nila. 14
15 Nang makahanap na sila ng pagkain, hinarang sila ng malaking ibon. Takot na takot sina Pipit at Mayang.
“Ano’ng kailangan mo malaking ibon?” tanong ni Pipit. “Ang kailangan ko lang ay ang hawak ninyong pagkain, hindi ko kayo sasaktan.” “Bakit hindi ikaw ang kumuha ng sarili mong pagkain? Sa amin ito! Tara na mayang!” Dali-dali silang lumipad. Nakatakas sila at nakalayo sa malaking ibon ngunit hindi nila namalayan na napalayo na sila sa kanilang grupo at hindi na alam kung saan ang daan pabalik. 16
17
“Nagtago ang dalawa sa isang malaking puno at doon ay nag-usap sila. Pipit nasaan na kaya tayo? Kapag lumipad tayo baka makita tayo ng malaking ibon. Ngunit paano tayo babalik sa ating Ina? Ina!” takot na wika ni Mayang. “Huwag kang mag-alala, siguradong hinahanap na nila tayo, “tugon ni Pipit. 18
19
20 Habang sila ay naghahanap ng daan pabalik sa kanilang mga kasamahan ay may nakasalubong sila sa kagubatan, isang ahas. Naalala nila ang kwento ng kanilang Ina, kung gaano ito mapanganib para sa kanila. Natakot na ang dalawa,kaya gusto na nilang umalis sa lugar na iyon at bumalik sa kanilang Ina, ngunit hindi nila alam kung paano sila makakaalis dahil ang ahas ay nakatingin sa kanila at binabantayan silang dalawa.
21
Ngunit kinausap sila nito, “Mga kaibigang ibon, mukhang naliligaw kayo?” Wika ng ahas, alam nila na tuso ito kaya nagmamadali na silang umalis. “Padaanin mo kami kaibigang ahas, gusto na naming umuwi. Heto at sa’yo na itong pagkaing nakuha namin,” wika ni Pipit. “Salamat kaibigan, ngunit mukhang mas masarap ang ibon para sa aking hapunan,” ang sabi pa ng ahas. 22
23 T akot na takot na sina Pipit at Maya, at hindi na nila alam ang kanilang gagawin.
24 Sumigaw sila ng tulong, ngunit ayaw silang paalisin ng ahas.Sa kabutihang palad ay dumating ang kanilang mga kasama. Dali-daling kinuha ng Inang ibon sina Pipit at Mayang. Takot na takot ang dalawa na yumakap sa kanilang Ina at nag-wikang, “Salamat po Ina at dumating kayo, takot na takot po kami at hindi na namin alam ang gagawin”.
25
26 Salamat at naabutan namin kayo bago pa kayo kainin ng ahas na iyon, sobra akong nag-aalala sa inyo,” nag-aalalang wika ng Ina.
I na, patawarin niyo po kami, hindi na po namin uulitin ang ginawa naming pagtakas sa inyo. Hindi na po ulit kami aalis sa grupo.” Pagsisisi nila Pipit at Mayang. “ Nawa nga ay natuto na kayong dalawa sa inyong naging karanasan sa kagubatan”. Ang kagubatan at ang mga puno dito ay ang tahanan nating mga ibon ngunit hindi lang tayo ang nainirahan dito. Hindi lahat ay palakaibigan, ang iba ang dala ay kapahamakan”, dagdag ng Ina. “Opo , Ina”, sagot nila Pipit at Mayang. 27
Simula noon ay natuto na sina Pipit at Mayang na sumunod sa kanilang Ina. Sa tuwing naghahanap sila ng pagkain kasama ang kanilang grupo ay hindi na sila humihiwalay sa kanilang mga kasama at sa kanilang Ina. Sila ay palagi nang magkakasama. 28
2929
Learning Competency Desribe animals in their immediate surroundings. (S3LT-IIc-d-3) Curriculum Web Learning Objective Describe animals how they live in their environment. Content Standard Parts and functions of animals and importance to humans. Performance Standard Enumerate ways of grouping animals based on their structure and importance. 30 Ooops! Si Pipit at Mayang Makulit
Pagsuri ng Pang - Unawa Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Saan naninirahan ang mga ibon sa kuwento? a. sa kagubatan c. sa kawayanan b. sa damuhan 2. Bakit laging nagsasama-sama ang mga ibon? a. Dahil sila ay may pagtitipon. b. Dahil napoprotektahan nila ang bawat isa sa paghahanap ng pagkain. c. Dahil masaya silang magkakasama. 3. Ano’ng nakita nila Pipit at Mayang sa kanilang pagtakas? a. malaking aso c. malaking puno b. malaking ahas at ibon 4. Kung ikaw sina Pipit at Mayang, gagayahin mo ba sila? Bakit? a. Opo, dahil may sarili akong desisyon. b. Hindi po, dahil masama ang hindi pagsunod sa magulang. c. Opo, dahil gusto lang naman nilang maghanap ng pagkain. 31
Talahuluganan 32 mapanganib – peligro o delikado. palihim – Pasekreto o patagong ginagawa ang isang bagay. bilin– tagubilin; habilin; atas o utos. maninila - mandaragit; magnanakaw.
Isagawa Natin: Pangkatang Gawain 1. Bumuo ng tatlong (3) grupo. 2. Bawat grupo ay bibigyan ng isang gawain. 3. Gagawin ang pangkatang gawain sa loob ng 10 minuto. 4. Iulat o ipakita sa klase ang nabuong gawain ng bawat grupo. Unang Grupo * Pagsunod-sunurin ang mga tagpo batay sa pangyayari sa kuwento. Pangalawang Grupo * Pagguhit ng lugar kung saan naninirahan ang mga ibon sa kuwento. Pangatlong Grupo * Pagsulat sa loob ng malaking puso ang mga natutuhan sa kuwento. 33
Dagdag Kaalaman KALAW – makikita sa lalawigan ng Marinduque. Mula 36-38 sentimetro ang laki nito at may pulang tuka. PIGEON LUZON HEART – halaw ang pangalan sa gitnang dibdib bilang pinaka-magandang bahagi. Ito ay may mahabang binti at ang buntot ay maiksi. 34
Biography May-akda: Michiel C. Centeno – Nagtapos ng kolehiyo sa Bulacan State University sa kursong Bachelor in Secondary Education major in Biological Science noong taong 2014. Nagturo sa Mother Theresa Academy of Marilao noong 2015-2016 at sa kasalukuyan ay nagtuturo sa Calvario Elementary School sa ika-apat na baitang. Gumuhit: Maribeth H. Martin- Nagtapos ng kolehiyo sa City of Malabon University noong taong 2017 sa kursong Bachelor in Elementary Education. Nagturo sa Lux Mundi Academy sa Obando, Bulacan noong 2017-2018. Sa kasalukuyan ay nagtuturo sa Calvario Elementary School sa unang baitang. Dibuho: Rosana S. Aquino – Nakapagtapos ng kolehiyo sa Pangasinan State University sa kursong Bachelor in Elementary Education noong taong 2006. Nagturo sa Bayugo Elementary School ng dalawang taon at napermanente sa Calvario Elementary School hanggang sa kasalukuyan at nagtuturo sa ikatlong baitang. 35
Sina ibong Pipit at Mayang ay magkapatid na hindi marunong makinig at sumunod sa kanilang Ina. Ano kaya ang mangyayari kina Pipit at Mayang sa hindi nila pagsunod? Halina’t basahin at alamin ang kuwento ng dalawang makulit na ibon na ito.