Kuwento ni: Marvin Q. Gosiaco Guhit nina: Divine Grace GC. Tarnate Precy C. Tabilog Dibuho ni: Krizzel G. Sarmiento PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI DEPARTMENT OF EDUCATION Region III - Central Luzon SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN
NORMA P. ESTEBAN, Ed.D., CESO VI Schools Division Superintendent CECILIA E. VALDERAMA, Ph.D. OIC, Assistant Schools Division Superintendent DOMINADOR M. CABRERA, Ph.D. Chief, Curriculum Implementation Division RAMILO C. CRUZ, Ph.D. Education Program Supervisor, EPP/TLE EDWARD C. JIMENEZ, Ph.D. Education Program Supervisor, LRMDS CID Supervisors SUSAN B. PELIPADA Division Librarian II JERRY R. CAMACHO, Ed.D. VIVIAN R. DUMALAY RAMILO C. CRUZ, Ph.D. MARILOU J. DEL ROSARIO, Ph.D. NENITA J. BARRO JOCELYN A. MANALAYSAY Ph.D ALFONSO S. MIACO, JR. MA. LEONORA B. CRUZ This material was contextualized by the Curriculum Implementation Division (CID) Learning Resource Management and Development Center (LRMDC) Department of Education Regional Office III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN KRIZZEL G. SARMIENTO Layout Artist DIVINE GRACE GC. TARNATE PRECY C. TABILOG Illustrator MARVIN Q. GOSIACO Writer
Sa mga mambabasa, Ang kwentong Linis Beatris ay kuwento ng isang batang hindi alam ang mga kagamitan sa paglilinis ng bahay. Mababasa dito kung paano unti-unti matututunan ni Beatris na gamitin ang mga kagamitan panglinis. Kagaya rin sa ating pangaraw-araw na pamumuhay dapat nating isaisip at isapuso na kailangan malinis ang ating paligid upang makaiwas sa anumang sakit na dala nito. Sa tamang pagpapaliwanag ng guro mauunawaan ng mga bata ang kahalagahan ng mga panglinis sa bahay at kung paano ito gagamitin. Sa aklat na ito matutukoy ang angkop na mga kagamitan sa paglilinis ng bahay at bakuran EPP 4HE-OF-8. Tunghayan sa aklat na ito ang kuwento ni Beatris ang batang hindi marunong maglinis ng kalat. ARAL: Sa kuwentong ito matututunan ng mga mambabasa ang pagiging masipag sa paglilinis ng tahanan at maging masunurin sa mga magulang.
42 Published by the Department of Education Region III Schools Division of City of Meycauayan COPYRIGHT @ 2019 by ________ Copyright Notice: Section 9 of Presidential Decree No.49 provides: "No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit." Mga Taga-Patnugot: MARVIN Q. GOSIACO MAY AKDA PRECY C. TABILOG DIVINE GRACE TARNATE GUHIT NINA KRIZZEL G. SARMIENTO DIBUHO NI DOMINADOR M. CABRERA PH.D. CHIEF-CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISON EDWARD C. JIMENEZ, PH.D EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR-LRMDS RAMILO C. CRUZ, PH.D EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR- EPP/TLE
25 Curriculum and Learning Management Division (CLMD) Learning Resource Management and Development Section (LRMDS) Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN Lathalain ng
Si Beatris ang batang makalat sa bahay. Napapansin ng kaniyang ina na hindi siya marunong maglinis ng kaniyang pinagkalatan. Lagi nalang nakikita ni Aling Marta nakakalat ang kanyang laruan at balat ng mga pinagkainan niya. “Hindi ko na alam kung paano pa matututo si Beatris na linisin ang kanyang mga kalat,” bulong ni Aling Marta sa kanyang sarili habang nakatingin sa makalat nilang bahay. 6
Abala si Beatris sa paglalaro, waring wala itong pakialam sa mga kalat na nakapalibot sa kanya. “Whoo!!! tsp tsp!!!” Nasa ikaapat na baitang na si Beatris ngunit bakas sa kanya na wala pa siyang nalalaman tungkol sa paglilinis sa tahanan.
“Hay! Beatris kailan ka ba matututong maglinis?” tanong ng kanyang ina habang naglilinis ng kanyang pinagkalatan. Walang imik si Beatris habang siya ay pinagsasabihan ng kanyang ina. 8
9 “Eto na naman si Ina, pagagalitan na naman ako,” wika ni Beatris sa kanyang sarili habang pinagagalitan ng kanyang ina. “Wala ka na talagang ginawang tama Beatris! Paulit-ulit nalang ako ng paalala sa iyo,” sambit ng kanyang ina na nagagalit.
“Kailan kaya matututo si Beatris na maglinis ng bahay?” bulalas ni Pandakot. “Sa tingin ko ay makikilala tayo ni Beatris kapag siya ay nangailangan na nang tulong!” siyang wika ni Pang-agiw. 10
W ari’y nangungusap ang mga panglinis kay Beatris. “Naku! Talaga si Beatris hindi man lang niya tayo mahawakan upang malinis ang kanyang kalat!,” ang malungkot na sabi ni Walislis habang nakatingin kay Tambolili. “Maging sa kanilang bakuran ay nagliparan na ang mga kalat,” galit na tugon ni Tambolili. 11
12
Sa kanyang pagtulog, si Beatris ay tila hindi mapakali. “Aray!, ang kati-kati naman!” ang sabi niya habang kinakamot ang kanyang katawan. “Ano ba ito! Aray! Aray!” Hindi mapakali si Beatris sa kanyang higaan. 13
14 S a gabing ito tila hindi makatulog ng mahimbing si Beatris. Marami siyang nararamdaman na hindi niya maiintindihan. “Ito na ba ang parusa ko sa hindi pagsunod sa aking Ina?” wika nito sa sarili habang umiiyak.
Sa pagmulat ng kanyang mga mata, bigla na lang napasigaw si Beatris ng “Ahhhhh!!!” sigaw ni Beatris habang nakatingin sa kanyang mga braso at binti. “Anong nangyari sa iyo Beatris?” nag-aalalang tanong ni Aling Marta habang nakatingin sa makalat na kwarto niya. “Kinagat po ako ng mga langgam.” Naiiyak na sabi ni Beatris. 15
16 Nabigla si Aling Marta sa sigaw ng kanyang anak, kaya naman dali-dali niyang pinuntahan ang kanyang anak sa silid-tulugan nito. Nag-aalala si Aling Marta sa naging kalagayan ng kanyang anak.
“Anak!, alam mo kung bakit ka nagkaganyan? kasi di ka naglilinis ng paligid mo. Halika at ipapakita ko sayo ang mga kagamitan sa paglilinis ng bahay at bakuran,” masayang wika ni Aling Marta sa kanyang anak. “Sige po nanay,” siyang mabilis na tugon ni Beatris. 17 “Bakit ka naman kinagat ng mga langgam?” tanong ni Aling Marta. “Hmmm!! hindi ko po alam, paggising ko ganito na po ang aking katawan,” ang sagot ni Beatris.
18
“Ito ang walis tingting at walis tambo, ginagamit ang mga ito upang walisin at dalhin ang mga kalat sa isang lugar. Samantala ang pandakot naman ay ginagamit upang kuhanin at ilalagay ang kalat sa tamang tapunan.” Nakangiti naman sina Walislis, Tambolili at Pandakot, habang sila ay ipinpakilala ni Aling Marta. 19 “Sa wakas! tayo ay makikilala ni Beatris,” masayang wika ni Tambolili. “Ina handanghanda na po akong gamitin sila upang hindi na mangyari sa akin ang pangangati ko noong isang gabi,” bulalas ni Beatris sa kanyang ina.
20
“Eh! Inay ano po ang aking gagamitin upang luminis ang ating sahig?” nang-uusisang tanong ni Beatris. Maaari kang gumamit ng eskoba upang matanggal ang mga nakasiksik na dumi dito,” masayang sambit ni Aling Marta kay Beatris. “Salamat po nanay simula ngayon ay lilinisin ko na ang aking kwarto gamit ang walis tingting, tambo, pandakot, basahan at iba pa.” “Mabuti yan anak,” masayang sabi ni Aling Marta. 21
Simula noon si Beatris ay natuto na maglinis ng kanyang mga pinagkalatan. Alam na rin niya ang mga gagamitin sa paglilinis ng bahay. “Sa wakas at nagamit na tayo ni Beatris alam na niya kung paano mapapanatiling malinis ang kanyang kapaligiran,” bulalas ni Walislis. 22
23 Maraming natutunan si Beatris mula sa kanyang karanasan. Naging isang responsableng anak na si Beatris. Sa tuwing siya ay maglilinis, hindi nawawaglit sa kanyang isipan na linisin ang kanyang mga pinagkalatan. “Linis pa Beatris!” wika ni Tambolili.
Learning Competency Curriculum Web Learning Objective Content Standard Performance Standard Natutukoy ang angkop na mga kagamitan sa paglilinis ng bahay at bakuran. EPP 4 HE-OF-8 Naipamamalas ang pang-unawa sa batayang konsepto ng “gawaing pantahanan” at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng sarili at tahanan Naisasagawa ng may kasanayan ang mga gawaing pantahanan na makatutulong sa pangangalaga ng pansarili at ng sariling tahanan. 24 Nakikilala ang ibat-ibang kagamitan sa paglilinis ng tahanan.
Pagsuri ng Pang - Unawa 25 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan mula sa binasang kwento. 1. Ano-anong mga kagamitan ang nabanggit sa kwento? Ibigay ang kanilang mga gamit. _________________________________________________________ _________________________________________________________ 2. Bakit hinahayaan ni Beatris na madumi ang kaniyang paligid? _________________________________________________________ _________________________________________________________ 3. Paano nakilala ni Beatris ang mga kagamitan sa paglilinis ng bahay? _________________________________________________________ _________________________________________________________ 4. Natutunan ba ni Beatris ang kahalagahan ng pagiging malinis sa kapaligiran? Pangatwiranan ang sagot. _________________________________________________________ _________________________________________________________ 5. Kung ikaw si Beatris paano mo ipapakilala sa mga magaaral ang kahalagahan ng mga kagamitan sa paglilinis ng bahay o silid-aralan? _________________________________________________________ _________________________________________________________
Talahuluganan 1. Walis tingting- Ginagamit sa pagwawalis ng magaspang na sahig at sa bakuran. 2. Walis tambo- Ginagamit sa pagwawalis ng sahig na makinis. 3. Basahang tuyo- Ginagamit sa pagtanggal ng alikabok at pamunas ng kasangkapan. 4. Eskoba/brush- panglinis sa mga kasangkapan. 5. Mop- Ginagamit na pamunas sa sahig. 6. Vacuum cleaner- Ginagamit sa pagsisipsip ng alikabok sa karpet at mga upuang upholstered. 7. Pandakot- Ginagamit sa upang dakutin ang mga dumi o basura. 26
Isagawa Natin: Pangkatang Gawain 27 A. Sagutin ang puzzle sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Pahalang 1. Ginagamit sa pagsipsip ng alikabok sa karpet at mga upuang upholstered. 3. Ginagamit upang dakutin ang mga dumi o basura. 5. Ginagamit sa pagwawalis ng magaspang na sahig at sa bakuran. Pababa 2. Ginagamit na pamunas sa sahig. 4. Ginagamit sa pagpapakintab ng sahig. B. Bumuo ng apat na grupo at maghanda ng isang maikling dula-dulaan (na magtatagal mula 2 hanggang 3 minuto) na nagpapakita sa kahalagahan ng mga kagamitan sa paglilinis ng bahay. Talakayin ang sagot sa mga tanong na ito. A. Anong mga kapakinabangan ang dulot ng mga kagamitan sa paglilinis ng bahay? B. Sa paanong paraan mo matuturuan ang mga bata na kilalanin ang iba’t ibang gamit sa paglilinis ng tahanan o maging ang silid aralan.
Dagdag Kaalaman Ang mga sumusunod ay mga pantulong na kagamitan sa paglilinis. 1. Sabon at Tubig - Paglilinis ng sahig at mga bintana. 2. Sabong Pulbos/ Likidong Panlinis - Panlinis ng lababo, inodoro at palikuran. 3. Floor Wax- Pampakintab ng sahig. 4. Likidong Wax- Pampakintab ng barnisadong kasangkapan. 5. Suka at lumang diyaryo- Gamit sa paglilinis ng salamin at bintana. 6. Bleach at iba pa- Pang-alis ng mantsa sa lababo at inodoro. 28
Biography May Akda: MARVIN Q. GOSIACO Nagtapos sa Polytechnic College City of Meycauayan noong 2013. Kumuha ng Kursong Batchelor of Secondary Education. Nagsimulang magturo sa Faith of Mary Academy of Meycauayan at ngayon ay kasalukuyang nagtuturo sa Caingin Bayanihan Elementary School. Mga Taga-Guhit: DIVINE GRACE GC. TARNATE Nagtapos sa Mariano Quinto Alarilla Polytechnic College ng Bachelor of Secondary Education noong 2010. Nag-umpisang magturo sa Mary Mount Academy, Loma de Gato, Marilao Bulacan mula 2012 hanggang 2016. Kasalukuyang nagtuturo sa ika-2 baitang sa Caingin Bayanihan Elementary School. PRECY C. TABILOG Nagtapos sa Nazarenus College and Hospital Foundation Inc. ng Bachelor of Elementary Education noong 2011. Nagsimulang magturo sa Meycauayan College, Meycauayan City, Bulacan noong 2011 hanggang 2014. Kasalukuyang guro sa Baitang I sa Caingin Bayanihan Elementary School. Taga-Layout: KRIZZEL G. SARMIENTO Nagtapos sa Tarlac College of Agriculture noong 2016 ng Bachelor of Elementary Education. Nagsimulang magturo sa St. Jerome Integrated School of Cabuyao noong 2017. Kasalukuyang nagtuturo sa Caingin Bayanihan Elementary School at nag-aaral ng Master of Arts in Education Major in Early Childhood Education sa LaConsolacion University Philippines. 29
Si Beatris ang batang mahilig magkalat sa bahay. Hindi niya kilala ang mga kagamitan sa paglilinis ng tahanan. Paano kung isang araw bigla nalang siyang magka-sakit? Maiisip pa kaya ni Beatris ang mga kagamitan sa paglilinis ng tahanan?