Ang konsensya ay panloob na moral na
nagpapalagay kung ano ang tama o mali.
Ipinakikita nito ang kahulugan ng buhay.
Ang isa pang tawag dito ay budhi.
Ang mabuting konsensya ay
naninindigan sa kaisipan at mabuting
gawi, at pinakikilos ng pag- ibig sa
kapwa at pagkakilala sa saloobin at
kautusan ng Diyos.
Ang masamang konsensya ay
lumalabag sa itinuturo ng
Diyos.
Ang mahinang konsensya ay mahirap
makalaban sa tukso lalo na kung may
nagpapalakas ng loob na gumawa ng isang
bagay na hindi dapat. Madali syang mabuyo
dahil madali syang mabulag sa kaalaman
kaugnay sa asang gawi.
Ang pinasong konsensya ay laging hindi
nakakamit ang pangmoral at pang – espiritwal
na kaisipan dahil ito ay lumilikha ng
masamang ugali at lumalabag sa mga
pamantayan ng kabutihan. Hindi na nito alam
ang mabuti at masama.
1. Magkaroon ng panahong manalangin at
magmuni- muni.
2. Magbasa ng bibliya o iba pang aklat na
makapagbibigay inspirasyon sa iyong
sarili.
3. Sanaying magkaroon ng mas positibong
kaisipan.
4. Gumawa ng kabutihan. Ang ating
kaisipan at gawain ay nararapat na
magkatugma.