CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Mathematics Ikaapat na Markahan – Modyul 6.2 Measuring Objects Using Appropriate Measuring Tools in mL or L 2
Mathematics – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 6.2: Measuring Objects Using Appropriate Measuring Tools in mL or L Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________________ Office Address: Matalino St. Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telefax: (045) 598-8580 to 89 Email Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jenifer P. Delfin Editor: Milagros F. Bautista Tagasuri: Emelita DT. Angara Tagaguhit: Analyn P. Larioza Tagalapat: Jenifer P. Delfin Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Erleo T. Villaros,, Estrella D. Neri, Milagros F. Bautista
2 Mathematics Ikaapat na Markahan–Modyul 6.2 Measuring Objects Using Appropriate Measuring Tools in mL or L
1 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating magaaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Alamin Ang modyul na ito ay ginawa upang higit na malinang ang antas ng iyong kaalaman sa paggamit ng tamang yunit sa pagsukat ng kapasidad ng mga bagay gamit ang milliliter (mL) at liter (L). Sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan: measures objects using appropriate measuring tools in mL or L (M2ME-IVf-33) Subukin Panuto: Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bagay na maaaring sukatin ang kapasidad gamit ang milliliter at liter. Piliin ang sagot sa ibaba at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. isang maliit na lata ng pintura isang boteng gatas isang dram ng tubig isang boteng suka isang jug ng juice Milliliter (mL) Liter (L)
2 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Aralin 1 Measuring Objects Using Appropriate Measuring Tools in mL or L Nahirapan ka ba sa panimulang pagtataya? Nasubukan mo na bang sukatin ang dami ng liquid na nasa loob ng isang bagay o lalagyan gamit ang angkop na unit of measure? Ang milliliter (mL) at liter (L) ay mga unit na ginagamit sa pagsusukat ng kapasidad ng isang bagay. Sa modyul na ito, matututuhan mo ang paggamit ng angkop na unit sa pagsukat ng kapasidad gamit ang milliliter at liter. Balikan Panuto: Basahin ang suliranin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang itinatanong sa suliranin? a. kilo ng Rambutan na matatanggap ni Rita b. kabuuang kilo ng Rambutan na napitas c. kilo ng Rambutan na matatanggap ng bawat isa d. kilo ng Rambutan na kanilang kakainin Nakapitas ang magkakapatid na Rita, Alex at Mar ng 6 na kilo ng Rambutan mula sa kanilang bakuran. Kung maghahati-hati silang tatlo, ilang kilong Rambutan ang matatanggap ng bawat isa sa kanila?
3 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 2. Ano ang mga ibinigay na impormasyon sa suliranin? a. 6 kg santol b. 6 kg Rambutan c. 6 kg Rambutan, 3 magkakapatid d. 6 kg 3. Paano lulutasin ang suliranin? a.pagpaparami b.paghahati c. pagdadagdag d.pagdadagdag at pagbabawas 4. Ano ang pamilang na pangungusap? a. 6 – 3 = N b. 6 + 6 = N c. 6 ÷ 3 = N d. 6 x 3 = N 5. Ano ang tamang sagot? a. 2 kg Rambutan b. 3 kg Rambutan c. 4 kg Rambutan d. 6 kg Rambutan Mga Tala para sa Guro Siguruhing natutunan na ng bata ang mahahalagang puntos sa pagsagot ng mga suliranin tungkol sa gram at kilogram para makapagpatuloy sa araling ito.
4 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Tuklasin Ang wastong pagsukat ng laman o capacity ng isang bagay ay mahalagang matutuhan natin. Ang capacity ay ang dami ng tubig o liquid na maaaring ilagay sa isang lalagyan o container. Ang milliliter at liter ay ang mga unit na ginagamit sa pagsukat ng laman o capacity ng isang bagay o lalagyan. Sa pamamagitan ng mga ito, malalaman natin ang dami ng liquid na nasa loob nito. Magkaiba ang dami ng 1 milliliter at 1 liter. Pagmasdan nating mabuti ang pagkakaiba. Ang 1 liter na dami ng liquid ay binubuo ng 1,000 milliliter. Ang 1 liter ng tubig ay mas marami kaysa 1 milliliter ng tubig. 1 liter (L) 1milliliter (mL)
5 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Ginagamit natin ang milliliter sa pagsukat ng isang bagay o lalagyan na may mas kakaunting laman o mas maliit ang capacity. Ang daglat o abbreviation nito ay mL. isang basong isang paketeng isang boteng gatas suka gamot 240 mL 200 mL 60 mL Ginagamit naman natin ang liter sa pagsukat ng isang bagay o lalagyan na may mas maraming laman o mas malaki ang capacity. Ang daglat o abbreviation ng liter ay L. isang batyang isang pitsel ng isang jug ng tubig ice tea orange juice 30 L 2 L 5L
6 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Suriin Panuto: Basahin ang talata. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Mga Tanong: 1. Ano ang tinimpla ni Aling Marta? 2. Ilan ang kanyang dumating na bisita? 3. Gaano karami ang tinimplang juice ni Aling Marta? 4. Gaano naman karami ang laman ng isang basong juice? 5. Ano ang angkop na unit sa pagsukat ng laman ng isang pitsel ng calamansi juice? 6. Ano naman ang angkop na unit ang dapat gamitin sa pagsukat ng laman isang basong calamansi juice? Nagtimpla si Aling Marta sa isang pitsel ng 2L calamansi juice para sa kanilang mga bisita mula sa Maynila. Isinalin niya ang tinimplang juice sa sampung baso. Bawat bisita ay binigyan niya ng isang baso na may lamang 200 mL juice.
7 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Alam mo na ba kung paano at kung kailan ginagamit ang milliliter at liter? Ano ang daglat nito? Halina at magpatuloy. Pagyamanin A. Panuto: Ibigay ang angkop na unit of measure ng liquid na dapat gamitin. Isulat ang milliliter o liter sa sagutang papel. 1. 2. isang boteng suka isang dram ng tubig 3. isang pitsel na orange juice 4. 5. isang tasang kape isang bote ng buko juice
8 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 B. Panuto: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung anong unit of measure ng liquid ang dapat gamitin. Isulat ang mL o L sa sagutang papel. 1. 4. 2. 5. 3. C. Panuto: Anong unit ang dapat gamitin sa pagkuha ng sukat ng laman ng mga bagay sa ibaba? Isulat ang milliliter o liter at ang daglat nito sa sagutang papel. Halimbawa: isang maliit na lata ng pintura milliliter – mL
9 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 1. isang pitsel ng chocolate milk 2. isang basong orange juice 3. isang pitsel ng tubig 4. isang timbang tubig 5. isang boteng mantika D. Panuto: Anong unit of measure ang dapat gamitin sa pagsukat ng kapasidad ng mga sumusunod na bagay? Isulat ang mL o L sa sagutang papel. 1. isang boteng gatas 2. isang plangganang tubig 3. isang tasang tsaa 4. isang jug ng lemon juice 5. isang mangkok na sabaw
10 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Isaisip Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. kapasidad L liter mL milliliter Gamit ang unit of measure na milliliter at liter, ang isang lalagyan o container ay maaaring sukatin ang (1)______________. Sa pagsukat ng mga bagay na may maliliit na kapasidad, ginagamit natin ang unit na (2) _____________ na may daglat na (3)__________. Sa pagsukat naman ng mga bagay na may malaking kapasidad, ginagamit natin ang unit na (4) _____________ na may daglat na (5)__________.
11 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Isagawa Panuto: Alin ang angkop na kapasidad ng mga sumusunod na mga bagay na nasa ibaba? Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. a. 2 mL b. 25 mL c. 3 L d. 25 mL 2. a. 10 mL b. 1 L c. 10 mL d. 2 mL 3. a. 240 mL b. 1,000 mL c. 5 mL d. 20 mL 4. a. 200 mL b. 1 mL c. 12 L d. 150 L 5. a. 10 mL b. 350 mL c. 10 L d. 3 L
12 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Tayahin Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang maaaring sukatin ang kapasidad sa milliliter? a. isang batyang tubig b. isang basong tubig c. isang dram ng tubig d. isang malaking pitsel ng juice 2. Nagtimpla ang aking nanay ng 2 ______ pineapple juice para sa aming sampung bisita. a. milliliter b. liter c. kilogram d. meter 3. Inutusan ako ng aking nanay na ipagtimpla ang aking nakababatang kapatid ng gatas. Ang bote ng gatas ay may kapasidad na ________________. a. 1 L b. 5 L c. 240 mL d. 1 mL 4. Nagpakarga sa water refilling station ang aking kuya ng isang galong tubig na may kapasidad na 20 ____. a. mL b. L c. kg d. m
13 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 5. Kailangan pa ni Tatay Ben ng 250 _________ na pintura upang matapos ang pinipinturahan niyang upuan ng aking nakababatang kapatid. a. mL b. L c. kg d. m Karagdagang Gawain Panuto: Sipiin ang tsart sa iyong sagutang papel. Magtala ng tiglimang (5) bagay na makikita sa inyong tahanan na maaaring sukatin sa mL at L. Isulat sa tabi nito ang partikular na sukat ng kapasidad sa mL o L. mL L isang bote ng alcohol - 60 mL isang galon ng tubig – 20L 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5.
14 CO_Q4_Mathematics 2_ Module 6.2 Susi sa Pagwawasto Pagyamanin A. milliliter 1. liter 2. liter 3. milliliter 4. milliliter 5. B. L 1. mL 2. mL 3. L 4. mL 5. Balikan 1. c 2. c 3. b 4. c 5. a Subukin Liter (L) Milliliter(mL) isang maliit na lata ng pintura isang boteng gatas isang boteng suka isang dram ng tubig isang jug ng juice Isagawa c 1. b 2. a 3. a 4. b 5. Isaisip kapasidad 1. milliliter 2. mL 3. liter 4. L 5. Tayahin b 1. b 2. c 3. b 4. a 5. Suriin 1. calamansi juice 2. sampu 3. 2 L 4. 240 mL liter (L) 5. 6. milliliter (mL) C. L - 1. liter mL - 2. milliliter L - 3. liter L - 4. liter mL - 5. milliliter D. mL 1. L 2. mL 3. L 4. mL 5. Karagdagang Gawain 1. 2. ayon sa pasya 3. ng guro 4. 5.
Sanggunian Catud, Herminio Jose C., Shierley F. Ferera, Danilo Padilla, at Rogelio Candido. 2013. Mathematics 2 Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Republika ng Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon. Catud, Herminio Jose C., Shierley F. Ferera, Danilo Padilla, at Rogelio Candido. 2013. Mathematics 2 Teacher’s Guide Tagalog. Republika ng Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon. Gabay Pangkurikulum ng Matematika sa Baitang 2. 2016. Republika ng Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon. Lucas, Julie Ann P., at Ortiz, Alma M. 2015. Exploring Math Possibilities 2, SalesianaBOOKS. Antonio Arnaiz cor. Chino Roces Avenues, Makati City. Don Bosco Press, Inc. Updates, N., Materials T., Articles, R. and Contributors, B., 2020. Most Essential Learning Competencies (MELCs) KG to Grade 12 SY 2020-2021. (online) DepEd Click. Available at: <https://www.deped mclick.com/2020/05/most-essential-learning- competencies-html/>
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]