The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Si Maymay Kaibigang Karamay Complete Ebook

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Monica Nikki Garcia, 2023-10-17 23:47:21

Si Maymay Kaibigang Karamay Complete Ebook

Si Maymay Kaibigang Karamay Complete Ebook

TSIKITING STORIES: SI MAYMAY, KAIBIGANG KARAMAY LARO, LAHOK, LIGTAS AT LAGO: Mga Kwentong Pambata ukol sa Pagpapaunlad ng Pamayanan Copyright © 2021 by The Department of Human and Family Development Studies (DHFDS) All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. For permission requests, write to the publisher, addressed “Attention: Permissions Coordinator” at the address below. Department of Human and Family Development Studies (DHFDS) College of Human Ecology (CHE), University of the Philippines, Los Baños In Partnership with the Department of Social Development Servises (DSDS) Author: Willie Awitan Illustrator: Koren Awitan Editor: Paeng Ferrer Ordering Information: Quantity sales. Special discounts are available on quantity purchases by corporations, associations, and others. For details, contact the publisher at the address above. Please contact Tsikiting Stories at [email protected]. Printed in the Philippines


Si Maymay, Kaibigang Karamay LARO, LAHOK, LIGTAS, AT LAGO: Mga Kwentong Pambata ukol sa Pagpapaunlad ng Pamayanan Kwento ni Willie Awitan Guhit ni Koren Awitan


Sa ilalim ng isang mayabong na puno, makikita ang umpukan ng isang grupo ng mga bata. Isang tipikal na umpukan at kwentuhan kung saan ang mga bata ay nagbibidahan at nagpapadaloy ng samu’t- saring istorya. Hanggang dumako ang kwentuhan sa kanilang “Karapatan”. 2


Sa kanilang umpukan ay napagkwentuhan ang kanilang mga karapatan. “Turo sa amin sa paaralan ay mayroon akong karapatan na dapat alam ko,” ang wika ni Pepe. “Karapatan? Ano’ng karapatan?” ang nagtatakang tanong ni Minda. “Ito yung pwede tayong makapag-aral, o kaya’y maprotektahan, at lalo na iyong pwede tayong sumali sa mga makabatang gawa,” ang tugon ni Pepe. “Ah, ganyan pala ang karapatan?” ang namamanghang dugtong ni Bisay” 3


Ngunit sa gitna ng kwentuhan ay ‘di maiwasan na mabanggit ang mga ilang problema tungkol sa mga bata. Wika ni Bisay, “Paano kaya ang karapatan kung may naaabusong bata na tulad natin lalo ngayon? Dugtong naman ni Minda, “ang kaklase ko nga pinatigil na pumasok eh kasi walang birth certificate. Naisip ko nga, paano kaya maprotektahan ang mga bata?” 4


Lalong nagtanong ang mga bata. “Bakit kaya may pang-aabuso sa kapwa nating bata lalo ngayon? Ang hirap!” Ang malalim na tanong ni Pepe. “Nakakabahala ‘di ba kung paanong kulang sa proteksyon ang batang tulad natin,” ang nalilitong tugon ni Minda. 5


“Natatakot na tuloy ako kung ligtas pa ba tayo? Saan kaya tayo tatakbo?” Malungkot na nagsalita si Bisay. 6


Dagdag pa ni Pepe, “Wala na yatang pagkilala sa karapatan ng bata? Nakakalungkot na Minda at Bisay.” 7


Sa gitna ng kwentuhan ay biglang dumating ang bibong batang si Maymay. Si Maymay ay nakapagsanay bilang tagapagtaguyod ng karapatang pambata. “Magandang umaga, pwede bang sumali sa kwentuhan?” bati niya. Napalingon ang mga bata at kumaway kay Maymay. “Halika sama ka sa kwentuhan,” ang masiglang tugon ng mga bata. 8


“Ako nga pala si Maymay at nais ko kayong maging kaibigan”. “Masaya kami na maging kaibigan ka. Halika’t magkwentuhan tayo,” ang wika ni Bisay. 9


“Masaya ako na makipagkwentuhan sa inyo.” “Maraming salamat,” ang tugon ni Pepe. Nabigla naman si Maymay sa sinabi ni Minda, “Kanina pa nga kami natatakot kasi parang walang nagpuprotekta sa mga batang tulad natin lalo ngayong narito tayo sa evacuation site dahil sa pagsabog ng bulkan.” Dugtong naman ni Bisay, “Oo nga, nakakabahala kasi ano’ng gagawin ng isang bata kapag nawalan na siya ng karapatan?” “San kaya tayo tatakbo, gayong may sakuna pa naman?” wika ni Pepe. 10


“Alam niyo ba na tayo bilang bata ay may magagawa?” ang tugon ni Maymay. “May kakayahan tayo na suportahan ang bawat isa, kaya huwag tayong matakot.” “Ngunit paano? Bata lang tayo,” manghang tanong ni Minda. “Oo nga bata lang tayo,” nagtatakang salita nila Pepe at Bisay. 11


Paliwanag ni Maymay, “Mas madaling mag-usap ang bata sa kapwa bata lalo sa usaping tungkol sa bata. Bata tayo! Hindi bata lang tayo, mas epektibo kapag ang mga bata ay nag-uusap. Sama-sama tayo at nagkakaintindihan.” Dagdag pa niya, “ako at ikaw, pwedeng makinig at magbigay ng munting payo bilang bata sa kapwa bata”. 12


“Ngunit paano ‘yan gagawin? Mahirap yata ‘yan?” ang litong pagtatanong ni Pepe. 13


“Mas madali kasing magkaintindihan ang bata sa kapwa bata tulad nang magkwento ng problema at masasayang karanasan natin. Pwede kasi tayong makapagsanay sa pakikinig at pagbibigay ng mumunting payo para sa mga kalaro nating bata. Kaya naman maganda na tayo rin ay handang makinig at bukas sa pakikipagkwentuhan. Lahat ng ito ay para sa kapwa nating bata! Gets n’yo ba?” isang masayang paliwanag ni Maymay. 14


“Tutularan ka namin, Maymay! Ang tumulong sa munting kakayahan sa kapwa bata. Maganda pala na maramdaman ng kapwa natin bata na sila ay may karamay”. Natuwa ang mga bata at nalaman nila na sa gitna ng takot ay may isang karamay tulad ni Maymay. “Posible pala ang ganoon!” patotoo ni Bisay. “Kaya din pala ng bata ang tumulong sa kapwa bata. Ang galing!” ang masayang tugon ni Minda. 15


- wakas -


Ukol sa may kwento Nagtapos ng Doctor of Social Development at Masters in Community Development sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman si Assistant Professor Willie Awitan. Nagtrabaho sa iba’t-ibang Non-Government Organization na nagsusulong para sa karapatang pambata. Si Willie ay nakapagsulat ng mga artikulong pambata tulad ng Pintang Bata at Makabatang Ispasyo na naglalayon mapatingkad ang mga talento at kakayahan ng mga bata. Isang kaibigan at seryosong tagapagsalita para sa mga bata. Ukol sa may guhit Kasalukuyang Senior Highschool sa UST Angelicum College at nag-aaral ng Techvoc Animation Si Koren Awitan. Isang volunteer illustrator ng Teach Peace Build Peace Movement, isang Non-Government Organization na may adbokasiyang nagsusulong ng ng kapayapaan lalo na para sa mga bata. Bilang illustrator pinangarap ni Koren ang lumikha ng marami pang istorya na pambata kung saan maiilalapat ang kanyang husay sa pagguhit at angking galing sa pagbuo ng mga konseptong pambata.


Click to View FlipBook Version