The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

FILIPINO2_Q3_MOD9_Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Pangyayari, at Lugar_V2

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Iba ES (R III - Meycauayan City), 2023-10-18 06:26:01

FILIPINO2_Q3_MOD9_Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Pangyayari, at Lugar_V2

FILIPINO2_Q3_MOD9_Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Pangyayari, at Lugar_V2

CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 1 : Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Pangyayari, at Lugar 2 Pangalan: ______________________________ Seksyon: _______________________________


Filipino – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Pangyayari, at Lugar Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Telefax: (045) 598-8580 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Sarahlly M. Baluyot Editor: Emelita G. Paguio, Mary Ann S. Valdez, Alice B. Maglinte Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD, Mila D. Calma Tagaguhit: Cheyser Charrese C. Gatchula Tagalapat: Jenina Elaine T. Naguit, Lee Marjorie L. Zaldivar Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V Librada M. Rubio EdD Ma. Editha R. Caparas EdD Nestor P. Nuesca EdD Milagros M. Peñaflor PhD Edgar E. Garcia Romeo M. Layug


2 Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Pangyayari, at Lugar


Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.


1 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Alamin Ang modyul na ito ay masusing binuo at isinulat para sa isang mag-aaral na katulad mo. Layunin nitong matulungan ka upang matutuhan mo nang may buong kaalaman ang kasanayan sa paglalarawan ng mga pangalan. Ang kasanayan sa paglalarawan ay lubos na mapagtatagumpayan ng isang mag-aaral kung ikaw ay may kaalaman na sa pagtukoy ng mga pangalan kung ito ay tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari. Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang ikaw ay: a. nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari, at lugar (F2WG-IIc-d-4); b. natutukoy ang mga salitang naglalarawan; at c. nakikilala ang mga bagay, tao, pangyayari at lugar batay sa paglalarawan nito.


2 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Subukin Panuto: Piliin ang salitang tumutukoy sa bawat larawan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1. 2. mainit malamig lima anim sorbetes lobo


3 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 3. 4. 5. tahimik maingay malungkot masaya bilog parisukat bahay dalanginan Araw ng Pagtatapos plato


4 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Aralin 1 Paglalarawan ng Bagay, Tao, Pangyayari, at Lugar Sa ating pang-araw-araw na buhay ay nakakikita tayo ng iba’t ibang bagay, tao, lugar, at pangyayari. Mahalagang matutuhan ng isang batang katulad mo ang kasanayan sa paglalarawan ng mga ito upang maging madali para sa iyo ang matukoy at makilala ang isang bagay, tao, pangyayari, at lugar. Ang kasanayang ito may malaking kinalaman sa iyong pamumuhay dahil ito ay may kaugnayan sa iyong mga pandama tulad ng panlasa, paningin, pang-amoy, pandinig, at sa iyong pandamdam. Halika na at masaya mong simulan ang araling ito. Sana ay matuwa ka sa mga inihanda kong gawain para sa iyo.


5 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Balikan Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na larawan kung ito ay bagay, tao, hayop, lugar, o pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. _________________ 2. _________________ 3. __________________


6 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 4. ________________ 5. ________________ Magaling! Ngayong napagtagumpayan mo na ang pagsasanay sa balik-aral tungkol sa mga pangalan, alam kong ikaw ay handa na para sa bagong aralin. Ipagpatuloy mo ang pagsagot sa modyul na ito.


7 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Mga Tala para sa Guro Ang paglalarawan ay isang kasanayan na dapat matutuhan ng isang bata. May mga salitang ginagamit na maaaring maglarawan sa katangian, damdamin, anyo, kulay, lasa, amoy, tunog, kayarian, at hugis ng mga pangalan at panghalip. Sa kasanayang ito, dapat isaalang-alang ang wastong pamamaraan sa paglalarawan ng mga pangalan. Mahalagang maisaisip ng mag-aaral ang konsepto ng paglalarawan.


8 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Tuklasin Panuto: Basahin ang mga talata sa ibaba at pag-aralan ang mga salitang may salungguhit. Ang Dambana ng Kagitingan ni Sarahlly M. Baluyot Ang Dambana ng Kagitingan ay isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Ito ay makikita sa bayan ng Pilar sa lalawigan ng Bataan. Makikita sa tuktok ng Bundok Samat ang malaking krus nito.


9 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Maaring umakyat sa loob ng krus upang makita ang magandang tanawin ng Bataan, maging ang malawak na karagatang pumapalibot dito. Sa bandang ibaba naman ay matatagpuan ang isang museo. Dito makikita ang kagitingan ng ating mga kababayan. Tuwing ika – 9 ng Abril ay idinaraos dito ang Araw ng Kagitingan. Ito ay ginagawa bilang pag-alaala na rin sa ating matatapang na mga sundalo. Maganda ang tanawin sa dambana. Sariwa ang hangin sa paligid nito at luntian ang mga halaman na nakatanim dito. Maraming tao ang namamasyal sa dambana. Madalas ay ginagawa itong destinasyon ng mga paaralan na nagsasagawa ng lakbay-aral. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. 1. Ano ang pamagat nang ng iyong binasang talata?


10 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 2. Saan makikita ang Dambana ng Kagitingan? 3. Paano mo mailalarawan ang krus sa tuktok ng bundok? 4. Bakit binibigyan ng pagkilala at pag-alaala tuwing ika – 9 ng Abril ang mga sundalong nagbuwis ng buhay? 5. Nais mo bang makapunta sa Dambana ng Kagitingan? Bakit? Suriin Panuto: Basahing muli ang mga salitang nakasalungguhit sa mga talata. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa bagay, tao, pangyayari, at lugar. Ito ay tumutukoy sa kulay, hugis, laki, bilang, o dami, at katangian ng pangalan at panghalip. Suriin ang mga halimbawa.


11 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Halimbawa: 1. Makikita ang malaking krus sa tuktok ng Bundok Samat. Ano ang masasabi mo sa krus? ________________ Ang nakakahon ay ang salitang inilalarawan. Ang salitang nakasalungguhit naman ay ang salitang naglalarawan sa krus. 2. Luntian ang mga halaman na nakatanim dito. Ano ang kulay ng mga halamang nakatanim?__________ Ang salitang halaman ay ang inilalarawan. Luntian naman ang salitang naglalarawan dito. Pagyamanin Panuto: Pillin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang tumutukoy sa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang kape sa tasa ay ______________. (malamig, mainit) 2. ______________ ang damit ni Kiko. (Malaki, Masikip)


12 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 3. Parehong ____________ ang patis at bagoong. (maalat, matamis) 4. _____________ ang kulay ng hinog na manga. (Dilaw , Berde) 5. Ang mga mata ni Ara ay ___________. (malinaw , malabo)


13 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Isaisip Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel. Ang ________________ ay isang mahalagang kasanayan na dapat matutuhan ng isang bata upang makilala ang mga bagay, tao, pangyayari, at lugar. Ang mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng mga pangngalan o panghalip ay tinatawag na ______________. Ito ay maaring tumukoy sa hugis, kulay, amoy, anyo, katangian, damdamin at bilang. Isagawa Panuto: Tukuyin ang pambansang sagisag na inilalarawan sa bawat tugma. Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ako ang pambansang bulaklak, Mabango kapag humalimuyak. Puti ang aking kulay, Madalas ay gamit sa alay. a. gumamela b. sampaguita c. rosas d. ilang-ilang


14 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 2. Ako ang pambansang prutas, Berde ang kulay kapag pinitas, Dilaw naman kapag nahinog, Masarap isawsaw sa bagoong. a.saging b.atis c. mangga d.pinya 3. Ako ang pambansang hayop, Makapal na balat hindi matatalop, Bagay na bagay ang itim na kulay, Sa pagsasaka ng tanim na palay. a. kalabaw b. aso c. pusa d. kabayo 4. Ako ang pambansang isda, Sa palengke ay itinitinda. Kaliskis ko ay puti at makintab, Masarap iihaw sa apoy na nag-aalab. a. dilis b. galunggong c. tilapia d. bangus


15 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 5. Ako ang pambansang bayani, Sa Pilipinas, kilala ng marami. Pagsulat aking gamit sa pakikipaglaban, Upang ipagtanggol ang ating bayan. a. Andres Bonifacio b. Jose Rizal c. Emilio Aguinaldo d. Antonio Luna Mahusay! Binabati kita at nalampasan mo na ang mga pagsasanay at gawain sa mga naunang pahina. Tingnan naman natin at alamin kung lubos mo nang natutuhan ang aralin na ito. Sagutan ang susunod na gawain.


16 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Tayahin Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap. 1. Ang orasan sa aming bahay ay hugis parisukat. 2. Mapupula ang mga rosas sa aming bakuran. 3. Masarap ang bagoong na produkto ng Bataan. 4. Ang kapistahan ni Santo Domingo ay masayang ipinagdiriwang ng mga taga Abucay. 5. Magaganda ang mga pasyalan sa lalawigan ng Bataan. Napakahusay! Ngayon ay alam kong natutuhan mo na ang kasanayan sa paglalarawan. Binabati kita at malapit mo nang matapos ang modyul na ito. Sa puntong ito, may inihanda akong huling gawain para sa iyo upang mapagyaman pa ang iyong natutuhan sa araling ito. Sagutan ang karagdagang gawain.


17 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Karagdagang Gawain Panuto: Tingnan ang larawan sa ibaba. Sumulat ng limang parirala na naglalarawan dito. Gamitin ang halimbawa bilang gabay. Halimbawa: masarap na pagkain


18 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Susi sa Pagwawasto Subukin malamig 1. lima 2. tahimik 3. masaya 4. bilog 5. Balikan tao 1. lugar 2. hayop 3. i pangyayar 4. bagay 5. Suriin krus ay Ang 1. malaki. Ang halaman 2. ay luntian. Tuklasin Ang Dambana 1. ng Kagitingan Sa Pilar Bataan 2. malaki 3. Sila ay 4. matatapang (Ang sagot ay 5. magkakaiba depende sa magiging sagot ng bata) Isaisip paglalarawan Ang ay isang mahalagang kasanayan na dapat matutunan ng isang bata upang makilala ang mga bagay, tao, pangyayari, at lugar. Ang mga salitang ginagamit sa ng paglalarawan mga pangalan o panghalip ay - pang tinatawag na . uri Ito ay maaring tumukoy sa hugis, kulay, katangian, anyo, amoy, damdamin at, bilang Tayahin parisukat 1. mapupula 2. masarap 3. masaya 4. magaganda 5. Karagdagang Gawain Maaaring magkakaiba ang mga sagot ng bata. Isagawa b 1. c 2. a 3. d 4. b 5. Pagyamanin t aini m 1. Malaki 2. maalat 3. Dilaw 4. malabo 5.


19 CO_Q3_Filipino 2_ Module 1 Sanggunian Alma, Dayag, and Marasigan Emily. 2018. Pinagyamang Pluma 2 (Teachers Wraparound Edition). 2nd ed. Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc. Flores, Ester. 2006. Bagong Binhi Filipino...Wika At Pagbasa. 1st ed. Dalandanan, Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc. Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 (Kagamitan Ng Mag-Aaral). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig City: Rex Book Store, Inc. Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2 (Teacher’s Guide). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig City: Rex Book Store, Inc. Updates, N., Materials, T., Articles, R. and Contributor, B., 2020. Most Essential Learning Competencies (MELC) KG To Grade 12 SY 2020-2021. [online] DepEd Click. Available at: <https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential- learning-competencies.html>


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version