The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by jeffrey.a.l.vargas715, 2016-03-01 18:13:31

6th

6th

March 04, 2016

Mahal ko,

Kalahating taon na tayo! Ang bilis ng panahon, ano? Parang kailan lang mahal. Sa tuwing na naaalala
ko iyong masasaya at malulungkot na mga araw na nagdaan, lagi lang akong napapangiti. Hindi ko
akalaing mararanasan ko ang lahat ng ito. Hindi ko akalaing makakatagpo ako ng isang taong
mamahalin ko ng totoo. Hindi ko akalaing magiging masaya ako ng sobra sobra dahil sa isang taong
tulad mo. Mahal, maraming maraming salamat sa'yo. Sa kakulitan mo, kapilyuhan mo, sa mga
paglalambing, sa pagpapakilig, sa pagmamahal, sa lahat lahat. :)

Ang dami na ring nagbago sa akin mahal, mga bagay natutunan ko mula nang makilala ka. Dahil sa'yo
natuto ako kung paano maglambing, magpakumbaba at humingi ng tawad, mag-isip at gumawa ng
paraan para mapasaya ang taong mahal ko, maging "selfless" at magbigay ng oras para sa taong
mahalaga sa buhay ko. Dahil sa'yo mahal, mas natuto akong mag-appreciate ng mga simpleng bagay
at magpahalaga sa mga bagay na natatanggap ko. Higit sa lahat mahal, natuto ako kung paano
magmahal ng buo, nang walang hinihintay na kapalit.

Mahal, patawad sa mga panahong nasaktan kita. Ito yung mga bagay na talagang iniiwasan ko, na hindi
ko akalaing magagawa ko din pala sa'yo. Ang bigat din sa kalooban mahal kasi ayokong nakikita kang
nasasaktan lalong lalo na ng dahil sa akin. Pasensya ka na mahal ko. Hindi ko sinasadya. Minsan lang
talaga masakit akong magsalita, maramdamin, "moody". Marami man akong pagkukulang, naniniwala
akong mas higit don yung pagmamahal ko sa'yo. Hindi ko alam kung sapat na iyon pero sana ma-
appreciate mo yung mga bagay na ginagawa ko para sa'yo, para sa atin.

Mahal na mahal kita. :)
Happy 6th month sa ating dalawa.


Click to View FlipBook Version