April 04, 2016
Mahal ko,
Hindi ako "sweet", sadyang ang sarap mo lang pag-alayan ng lubus-lubos na pagmamahal.
Hindi ako "showy", pero pagdating sa'yo, kusang lumalabas at naipapakita ko ang aking nararamdaman.
Hindi ako makata, pero napakaraming salitang pag-ibig ang nabubuo sa aking isipan na nagiging tula, na nakalaan lang para
sa'yo.
Hindi ako mapagbigay, pero natuto akong magbahagi hindi lang ng materyal na bagay kundi pati na ang panahon, oras at aking
sarili para sa taong mahal ko.
Hindi ako mapagpasenya, pero natuto akong rumespeto, umunawa, at mag-adjust sa maraming bagay.
Hindi ako iyakin, pero pagdating sayo, hindi ako natatakot umiyak o nahihiyang ipakita ang aking emosyon, hindi dahil
nasasaktan mo ako kundi dahil mahal kita.
Hindi ako masaya, pero nung dumating ka, walang mapagsidlan ang ligayang madarama ko araw araw.
Hindi ako marunong makuntento, pero sa'yo pa lang mahal ko, solb na solb na ako.
Hindi ako seloso, pero gusto akin ka lang, walang pwedeng umagaw sa'yo.
At hindi ako maarte. Hindi naman talaga. Akala mo lang yun. Hehe
Mahal, hindi man ako yung taong inaasahan mong darating sa buhay mo, pero makakaasa ka na mamahalin kita nang higit pa
sa inaasahan mo. Salamat mahal ko at dumating ka. Dahil sa'yo, maraming mga magagandang bagay na nangyari at nabago sa
buhay ko.
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA!
Happy 7th months sa ating dalawa.