PISTA AT TRADISYONG PILIPINO BATSILYER SA EDUKASYONG PANGWIKA SA FILIPINO III- 4
Si JHIGO VILLAR PASCUAL ay kasalukuyang nasa Ikatlong Taon sa kursong Batsilyer sa Edukasyong Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas - Maynila. Naging laman siya ng mga paligsahan sa pagsulat at pagbabalita mula dibisyon, rehiyunal, at pambansa at ginawaran sa Catholic Mass Media Awards 2019. Lumalahok sa Carlos Palanca Awards for Literature sa parehong taon. Siya ngayon ay tagapaghatid ng balita at direktor sa Patrol ng Dasmariñas na umiere sa buong Cavite upang makapaghatid ng mga napapanahong balita at istorya sa buong siyudad maging sa lalawigan at rehiyon. Si MA. ANTOINETTE D. AYES ay ipinanganak noong ika-3 ng Agosto, 2002 sa Looc, Romblon. Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa Mababang Paaralang Sentral ng Looc at nakapagtapos ng Junior HIgh at Senior High School sa Mataas na Paaralang National ng Looc. Sa kasalukuyan, nakatira siya sa Pasig City. Malayo sa kinagisnan at kinamulatang buhay sa probinsya. Siya ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sa Pamantasang Normal ng Pilipinas at kumukuha ng Batsilyer sa Sekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino. Si RICKA LEONARDO ay dalawamput isang taong gulang, nakatira sa Lungsod ng Caloocan. kasalukuyang nag-aaral sa Pamantasang Normal Ng Pilipinas, sa ilalim ng Batsilyer sa Edukasyong Filipino— Ikatlong Taon. Bata pa man din ay pagtuturo na ang naging hilig niya, kaya desidido itong matapos ang kanyang kurso at maging matagumpay na guro. Matayog ang pangarap ng guro sa hinaharap, kaya naman ay pinag-iigihan ang pag-aaral upang makabawi sa kanyang magulang na matagal nang na sa ibang bansa at mga kapatid na patuloy kumakayod. Hilig ng mag-aaral ang pagbabasa at panonood ng mga pelikula o mga nobela, kaya naman minsa’y nangarap din magsulat. Masaya ang mag-aaral sa kasalukuyang tinatahak na landas. Si RICHARD NIKKO PALAD ay kasalukuyang nasa ikatlong taon sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Kinukuha niya ang kursong Batsilyer ng Edukasyon sa Filipino. Nakapagtapos siya ng Elementarya sa mababaang paaralan ng East Bagong Barrio. Kinumpleto naman niya ang apat na taon ng Hayskul sa Caloocan High School kung saan siya ay naging Pangulo ng Teatrong Sikreto ang Pangalan. Nagtapos siya ng Senior High School sa STI College Munoz-EDSA kung saan kinuha niya ang Humanities and Social Sciences Track sa ilalim ng Academic Strand. Sa kasalukuyan, siya ay kasapi ng PNU The Thespian Society kung saan siya ang Finance and Resource Committee Chairperson. Siya rin ay kasapi ng KADIPAN PNU-Maynila. Si JOHN PATRICK SANTOS ay kasalukuyang nasa ikatlong taon ng Batsilyer ng Edukasyong Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Siya ay nagtapos sa Mababang paaralan ng Gregoria De Jesus Elementary School. Ginugol ang apat na taon sa Jose P. Laurel High School. Kasunod nito ang dalawang taon sa Philippine College of Criminology sa strand na Humanities and Social Science. Siya ay kasalukuyang kasapi ng Kapisanang Diwa at Panitik PNU-Maynila. Si RUDYLEN JOY S. VANZUELA ay ipinanganak noong ika-30 ng Disyembre taong 2001. Siya ay nakapagtapos ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Lagro at nakapagtapos ng sekundarya sa Mataas na Paaralan ng Lagro kung saan nagtamo siya ng iba't-ibang karangalan. Siya ay kasalukuyang nasa ikatlong taon at kumukuha ng kursong Batsilyer ng Edukasyon sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila Si ANGELICA SUELA ay lumaki sa Lungsod ng Maynila. Kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino at nag-aaral sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Siya ay may mahalagang tungkulin na ginagampanan sa Kagawaran ng Kabataan sa kanilang Iglesiya bilang tagapayo. Naniniwala siya na ang pagtuturo nang mahusat, may puso, at puno ng kasipagan ay daan upang mas higit na lumalim ang pagtingin ng kabataan sa mga isyung panlipunan at titindig para sa ikauunlad ng bayan. INILATHALA SA PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS Daang Taft, Maynila ©2023 nina Jhigo Pascual, Antoinette Ayes, Ricka Leonardo, Richard Palad Patrick Santos, Rudylen Vanzuela, at Angelica Suela Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng monograp na ito ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa mga may-akda. Unang limbag, 2023 Tagapamahala sa Produksyon: Ricka Leonardo at Jhigo Pascual Tipo at Disenyo ng Pabalat at Aklat: Jhigo Pascual
MONOGRAP PISTA AT TRADISYONG PILIPINO “…Ang wika gaya ng alam ng marami ay nakapaloob sa mga pangaraw-araw na gawain ng lipunan, bilang praktikal na kamalayan ng lipunan… tatawagin natin ang kamalayang ito na ideolohiya na isang sistematikong kabuoan ng mga ideya, na isinaayos mula sa isang partikular na pananaw…”
Isang makapangyarihang puwersa ng sining, wika, at kultura ang mga pista at tradisyon na kinasasangkutan ng nagkakaisang lipunan upang ipakilala ang kanilang identidad sa mga paniniwala, gawi, at pagpapahalaga. Ang mga ito ay naging daluyan ng kultura at identidad ng mga Pilipino. Nagsisilbing lunduyan ngpagkakakilanlan ng isang Pilipino saaan man panig ng bansa na maaaring ipagmalaki sa buong mundo ang pagiging mapagtangi, malikhain, at mapagpasalamat na siyang ipinapakahulugan ng mga temang lumabas sa pagpapakahulugan ng datos. Tunay ngang mayaman ang pista at tradisyon bilang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi, at kultura. Hindi maitatanggi ang maigting na relasyon ng wika at kultura. Ito’y dahil walang ihahayag ang wika kung walang kultura at walang ipanghahayag ang kultura kung walang wika. Pinatutunayan nito na ang mga salitang inihahayag sa pamamagitan ng wika ay kaputol ng mga layunin, pagpapahalaga, paniniwala, at mga tradisyon ng nagkakaisang nilalang na binubuklod ng kultura. Sumasaklaw ang pag-aaral ng kultura sa kabuoang masalimuot na proseso na binubuo ng iba’t ibang elemento tulad ng karunungan, pananampalataya, sining, batas, ugali, kagandahang-asal, at iba pa na maaaring matutuhan at taglayin ng tao bilang kasapi sa isang lipunan gayundin bilang sistema ng mga simbolo na ipinapahiwatig ng wika. Samakatwid, walang kulturang hindi dala ng isang wika sapagkat ito ay tumatayong sandigan at kaluluwa ng kultura na siya ring nagdadala at nagbibigaydiwa sa kultura ng isang lipunang binubuo ng mga taong may parehong pamumuhay at interes. Dahil magkaakibat ang wika at kultura, sa saliksik na ito ay hindi maihihiwalay ang pag-aaral sa kultura at identidad ng mga taong may wika ng pinag-aaralan. Naaapektuhan ng wika ang kultura at naaapektuhan din ng kultura ang wika sa pamamagitan ng pangaraw-araw na pangyayari tulad ng kaugalian at kumbersasyon. Nangangahulugan lamang ito na hindi lamang tumutukoy ang wika sa paraan ng pagpapakahulugan ng kultura kundi repleksiyon din ng wika ang kultura. Masasabing ang wika ay representasyon ng isang partikular na kultura. Ang kultura ay kinapapalooban ng mga pagpapahalaga at paniniwala ng isang komunidad o pangkat ng mga awtentikong pamamaraan ng pamumuhay, gawi at pilosopiya sa mga makatotohanang karanasan ng mga tao at paglalahad ng iba’t ibang anyo sa tulong ng natatanging porma ng pamamahayag. Sa sa mga antropologo, ang kultura ay kinapapalooban ng mga simbolo tulad ng wika at kailangang intindihin ang kahulugang kultural nito upang maging ganap ang pag-unawa sa mga lingguwistikong elemento nito. Bilang aspekto ng kakayahang komunikatibo, mahalaga ang integrasyon ng kaalamang estruktural at kaalamang kultural upang mabigyan ng kahulugan sa malikhaing paraan ang mga simbolikong representasyon tulad ng mga piyesta, pista, at festival. MONOGRAPPISTA MONOGRAPPISTA
Isang makapangyarihang puwersa ng sining, wika, at kultura ang mga pista at tradisyon na kinasasangkutan ng nagkakaisang lipunan upang ipakilala ang kanilang identidad sa mga paniniwala, gawi, at pagpapahalaga. Ang mga ito ay naging daluyan ng kultura at identidad ng mga Pilipino. Nagsisilbing lunduyan ngpagkakakilanlan ng isang Pilipino saaan man panig ng bansa na maaaring ipagmalaki sa buong mundo ang pagiging mapagtangi, malikhain, at mapagpasalamat na siyang ipinapakahulugan ng mga temang lumabas sa pagpapakahulugan ng datos. Tunay ngang mayaman ang pista at tradisyon bilang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi, at kultura. Hindi maitatanggi ang maigting na relasyon ng wika at kultura. Ito’y dahil walang ihahayag ang wika kung walang kultura at walang ipanghahayag ang kultura kung walang wika. Pinatutunayan nito na ang mga salitang inihahayag sa pamamagitan ng wika ay kaputol ng mga layunin, pagpapahalaga, paniniwala, at mga tradisyon ng nagkakaisang nilalang na binubuklod ng kultura. Sumasaklaw ang pag-aaral ng kultura sa kabuoang masalimuot na proseso na binubuo ng iba’t ibang elemento tulad ng karunungan, pananampalataya, sining, batas, ugali, kagandahang-asal, at iba pa na maaaring matutuhan at taglayin ng tao bilang kasapi sa isang lipunan gayundin bilang sistema ng mga simbolo na ipinapahiwatig ng wika. Samakatwid, walang kulturang hindi dala ng isang wika sapagkat ito ay tumatayong sandigan at kaluluwa ng kultura na siya ring nagdadala at nagbibigaydiwa sa kultura ng isang lipunang binubuo ng mga taong may parehong pamumuhay at interes. Dahil magkaakibat ang wika at kultura, sa saliksik na ito ay hindi maihihiwalay ang pag-aaral sa kultura at identidad ng mga taong may wika ng pinag-aaralan. Naaapektuhan ng wika ang kultura at naaapektuhan din ng kultura ang wika sa pamamagitan ng pangaraw-araw na pangyayari tulad ng kaugalian at kumbersasyon. Nangangahulugan lamang ito na hindi lamang tumutukoy ang wika sa paraan ng pagpapakahulugan ng kultura kundi repleksiyon din ng wika ang kultura. Panimula MONOGRAPPISTA MONOGRAPPISTA
Sa konteksto ng Pilipinas, ang piyesta at pista ay magkaiba ayon sa mga programang isinasagawa. Ang piyesta ay tumutukoy sa gawaing panlipunan o mga pagdiriwang na inihanda at ginastusan ng isang munisipalidad at/o barangay ayon sa layunin ng mga opisyal ng isang bayan. Samantala, sa pista naman nakahanay ang mga gawaing kaugnay ng simbahang Katoliko, tulad ng Flores de Mayo, Sagala, Santakrusan, at iba pa. Itinuturing ang pagdiriwang ng piyesta bilang kasangkapan ng isang pamayanan sa paghahayag ng kanilang matayog na pagpapahalaga sa mga itinuturing na biyaya at tagumpay ng kanilang komunidad at malikhaing daluyan din ito sa pagsisiwalat ng kanilang identidad, pagpapahalaga, at adhikain sa mundo. Isang daluyang repleksiyon din ito ng kabuuan, mula sa pagkabigo, tagumpay, pagbabago, at pag-unlad. Piyesta ang nagsisilbing bulwagan na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan upang mailahad ang kanilang mas malawak na pagtingin sa mga isyung kultural, sosyal, at political. Binanggit din nila na ang mga piyesta ay nagiging sentro ng mga diskurso para sa preserbasyon ng mga tradisyonal at lokal na kultura kasabay ang pag-usbong ng modernisasyon at globalisasyon. ANG PIYESTA AT ANG PISTA ANG PAGWIWIKA NG IBA’T IBANG LAHI AYON SA MGA VARAYTI NG/SA FESTIVAL Maraming mananaliksik ang nagdalumat sa iba’t ibang identidad ng iba’t ibang lahi. Binigyan nila ng pansin ang iba’t ibang perspektiba ng mga materyal na bagay bilang representasyon ng pagpapahalaga. Naihahayag ang personalidad at pagpapahalaga ng mga Amerikano sa pamamagitan ng iba’t ibang pagdiriwang tulad ng Martin Luther King’s Day, Washington’s Birthday, Columbus Day, at Saint Patrick’s Day na kumakatawan sa pagbibigayhalaga sa itinuturing nilang mga bayani at pagtatagumpay. Masasabing ang wika ay representasyon ng isang partikular na kultura. Ang kultura ay kinapapalooban ng mga pagpapahalaga at paniniwala ng isang komunidad o pangkat ng mga awtentikong pamamaraan ng pamumuhay, gawi at pilosopiya sa mga makatotohanang karanasan ng mga tao at paglalahad ng iba’t ibang anyo sa tulong ng natatanging porma ng pamamahayag. Sa sa mga antropologo, ang kultura ay kinapapalooban ng mga simbolo tulad ng wika at kailangang intindihin ang kahulugang kultural nito upang maging ganap ang pag-unawa sa mga lingguwistikong elemento nito. Bilang aspekto ng kakayahang komunikatibo, mahalaga ang integrasyon ng kaalamang estruktural at kaalamang kultural upang mabigyan ng kahulugan sa malikhaing paraan ang mga simbolikong representasyon tulad ng mga piyesta, pista, at festival. MONOGRAPPISTA MONOGRAPPISTA
Ang pagdiriwang naman ng mga espesyal na araw na tulad ng Veteran’s Day, April Fools Day, Halloween, Valentine’s Day, at Christmas Day ay isang interpretasyon sa kanilang personalidad bilang mga taong palatawa, optimistiko, at bukas sa pagbabago. Gayundin, ang National Heroes’ Day at Independence Day ay mga representasyon ng nasyonalismo at patriotismo. Ang mga pista na isinasagawa sa Tsina ay nakabatay sa kanilang relihiyon (Budhismo at Taoismo). Sa pag-aaral naman ni Dundon (89-92) hinggil sa Gogodola Canoe Festival ng Western Papua New Guinea, inilalayag ang mga bangka o canoe na malikhaing inukit ng mga Gawa Sakema bilang preserbasyon ng historikal na sining ng mga ninuno ng mga taga-Gogodola.. Hindi naiiba ang Pilipinas sa usaping piyesta. Dahil sa pagiging multilingguwal at multicultural ng mga Pilipino, naging daan ito sa pagbukas ng iba’t ibang anyo at uri ng pista at tradisyon. Binanggit na may humigit-kumulang na tatlong daang (300) wika at diyalekto sa Pilipinas na nagmula sa Malayo-Polinesyong angkan kabilang ang walong pangunahing wika sa Pilipinas: Tagalog, Ilokano, Waray, Hiligaynon, Cebuano, Kampampangan, Bikolano, at Pangasinense. Ang mga pangunahing wikang nabanggit ang nagiging batayan sa pagkaklasipika ng iba pang mga wika. Ang mga wikang ito ay kaugnay ng mga piyestang isinasagawa sa loob ng bansa. Ang mga piyesta sa Pilipinas ay karaniwang nakatuon sa mga paniniwala at relihiyon tulad ng mga pag-aaral ni Peterson (309-317) hinggil sa Moriones at Ati-atihan Festival. Ang mga piyestang ito ay nagpapakita ng malaking pagpapahalaga ng mga taga-Marinduque at Cebuano sa Kristiyanismo. Samantala, ang Ati-atihan festival ng Kalibo, Aklan naman ang pinaniniwalaang pinakamatandang pagdiriwang na nagbibigay-pugay kay Sto. Niño (holy child) at nagugat mula pa noong taong 1212 na sa kasalukuyan ay inilalarawan bilang carnivalistic at kontemporaryo. Ayon sa ilang bersiyon, kabilang dito ang pagsasayaw noon ng mga Kastila sa saliw ng tugtog na viva el santo Niño, ang panaad (dayalek na wika ng Kalibo) ay salitang pamalit ng panata na naglalarawan sa kanilang matibay na relasyon sa kanilang patron at ang pagsasayaw sa tempo ng “Hala Bira!” ay pasasalamat sa biyaya ng lupa at agrikultura. Pagpupugay naman sa kanilang tagapagtanggol ang pangunahing layunin ng dating ritwal na Kadayawan ng Davao. Ang ritwal na kalauna’y naging festival ay nakuha sa salitang ‘mandaya’ na nangangahulugang madayaw o pagpupugay. Isang mainit at palakaibigang pagbati ang isinasagawa bilang tanda ng pasasalamat sa masaganang biyayang natanggap gaya ng mga produktong prutas, bulaklak, mais, atbp. Samantala, pamumukadkad naman ang kahulugan ng panagbenga na hiniram sa wikang Kankanaey ng Cordillera, ang tema ng Panagbenga Festival ng Lungsod Baguio. Ang taunang pagdiriwang ng pamumukadkad ay inihahalintulad sa pag-asang namayani sa puso at diwa ng mga taga-Cordillera matapos MONOGRAPPISTA MONOGRAPPISTA
Ito’y nagpapatunay na bagama’t nabibilang sila sa iisang lahi, may pagkakaiba-iba o natatanging pagpapakita ng kagandahan na nirerepresenta ng kanilang mga produkto. Ang pagkakaiba-ibang ito ang nanghihikayat sa mga Pilipino upang maniwala sa kahalagahan ng kanilang mga likha sa kabila ng malakas na kompetisyon sa mga modernong produkto. Sa kasalukuyang panahon kung saan laganap ang multikulturalismo, kulturang popular at ang patuloy na pag-usbong ng globalisasyon, isa ang pista at tradisyon sa nagpapanatili ng pagkakakilanlang Pilipino at ang sandata laban sa dekolonisasyon. Pista ang isa sa mga nagsisilbing tagapag-aalala sa mga Pilipino ng kanilang paniniwala, pagpapahalaga at kasaysayang bumabalot dito. Nagagawa ng pista at tradisyon na pagtibayin hindi lamang ang ekonomiya ng isang bayan bunga ng turismo kundi maging ang komunidad nito. Bukod dito, sa modernong lipunan, nagagawa nitong maki-angkop sa mga pagbabagong dulot ng panahon gamit ang sangkap ng nakaraan. Patunay ang selebrasyon ng mga pista sa gitna ng pandemya na ang diwa ng pagpapahalaga sa sariling kultura at paniniwala ay nananatiling buhay sa mga Pilipino. Bagamat naging payak ang selebrasyon bunga ng mga restriksyon nang dahil sa pandemya, hindi maitatangging mas lalong umigting ang pagmamahal at pagkakaisa sa kabila ng pagkakalayo, at ang pag-asa ng mga Pilipino. Samakatuwid, sa gitna ng malalaking hamon at mga pagbabago sa lipunan ay napananatili pa rin ng mga Pilipino ang pista at tradisyon na matagal ng bahagi ng buhay-Pilipino. Ang makadiwang pagpapakahulugan sa kariktan ng mga pahayag na maaaring salita man o simbolo sa mga Pilipino ay paghukay sa lalim ng kontribusyon nito ayon sa pinahahalagahan, pinaniniwalaan, at pinanindigan ng lipunang gumagamit nito. Ayon kay Villanueva (2014), kaluluwa ng isang bayan ang tradisyon at kultura. Ang pista bilang tradisyon ng mga Pilipino ay nagpapakita ng ating pagiging malikhain pagdating sa pagkain, sayaw, musika at sining. Ito rin ay nagpapakita pagkakaisa at ng ating mayaman at masalimuot na kasaysayan. Ayon kay Philpott (2020), ang pista ay nagpapakita ng paraan ng pamumuhay at pag-iisip ng isang grupo ng tao na siyang nagbibigay identidad dito. Ipinapakita ng pista hindi lamang ang pagkakakilanlan ng isang grupo ng tao kundi maging ang kaibahan at pagkakapareho ng kultura nito mula sa iba pang grupo ng tao. Kaya naman, ang pista at tradisyon ay may malaking impluwensiya sa bawat indibidwal at lipunang kinabibilangan nito; kaya nitong makontrol ang kilos at pag-iisip ng isang grupo ng tao. TRENDISYON SA KONTEMPORARYONG LIPUNAN MONOGRAPPISTA MONOGRAPPISTA
Ang proseso sa pag-aaral ng identidad ay nangangahulugang pagdalumat sa malalim na relasyon ng kanilang wika at kultura. Ito ang pangunahing pundasyon sa pag-aaral na makapaghahatid sa sinumang indibidwal upang makapagbinhi ng matalinong paghuhusga hinggil sa kanilang paniniwala at pagpapahalaga. Higit sa lahat, ang prosesong ito ang naging daluyan ng mananaliksik at mambabasa sa panggagagad sa kabuuan ng isang lahi o identidad. tamaan ng 7.8 magnitude na lindol noong 1990 ang kanilang lugar. Isinasagawa ang pagdiriwang sa ikalawang buwan ng taon na natataon din naman sa pamumukadkad ng mga bulaklak. Sa hilaga naman ng Baguio matatagpuan ang lalawigan ng La Union na may dalawandaan at animnapu’t tatlong (263) kilometrong layo mula sa Maynila. Ang lalawigang ito ay may 19 na bayan, 576 na barangay at isang lungsod. Ang mga produkto ng isang lugar ay mabisang repleksiyon ng kultura. Wika ang pangunahing kasangkapan sa pagbibigay ng pangalan sa mga produktong ito. Samakatuwid, ang pagpapangalang ito ay pagwiwika rin ng kultura. Nauunawaan ang isang salita ayon sa pagkakagamit at nabibigyang-halaga ang isang bagay ayon sa pagkakalikha nito. Sa kontekstong Ilokano, ang mga produktong ipinangalan sa sariling wika ay maituturing na representasyon ng kanilang kultura. Ang One Town, One Product (OTOP) na adhikain ng ilang mga bayan sa bansa ay naging matagumpay dahil nakikilala ang kalidad ng isang produkto ayon sa lugar na pinagmulan nito sa pamamgitan ng paggamit dito bilang pista. Ito rin ang nag-udyok sa mga Pilipino upang ipagpatuloy ang sinimulang hanapbuhay na nagiging malaking bahagi ng kanilang pamumuhay. Mahalaga ang mga produkto na kanilang nililikha dahil bukod sa isa itong pangunahing paraan nila upang mabuhay, ito rin ang dahilan upang maangkin nila ang kanilang produkto. Ang kulturang Pilipino ay binubuo ng masining na paglikha ng mga pista ng katatagang nagpapakita ng natatanging pagkakakilanlan ng mga tao sa espisipikong lugar, ng mga kasuotang kumakatawan ng payak ngunit makabuluhang pamumuhay patungo sa pagiging malikhain, at ang paglikha ng sayaw ng pasasalamat sa lahat ng mga biyaya. Hinulma ang mga ito ayon sa kasaysayan at paniniwala ng mga ninuno na nagiging dahilan upang mailantad ang kulturang namana at patuloy na isinasagawa ng kasalukuyan. Gayunpaman, sa panahon ng inobasyon, ang kulturang Pilipino ay dinamiko kaya bukas sa mga pagbabago. Narito ang mga sinipat na Kilala at Hindi Kilalang mga pista sa bawat rehiyon na kakikitaan ng pekulyar na pamumuhay at ipinamanang mga tradisyon na magpahanggang ngayon ay ipinagdiriwang at kinikilala ng isang komunidad bilang porma ng biyaya at pasasalamat. PILI-Pinas: SIPAT-PISTA MONOGRAPPISTA MONOGRAPPISTA
Pinatitibay nito ang pananampalataya, partikular sa Kristiyanismo, ng mga mamamayan sa Laoag. Nagiging daan ito upang lalong tumaas ang antas ng kanilang pananampalataya na siyang bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Nagsisilbi rin ito bilang isang sariling pagkakakilanlan na nakabubuo ng sense of belongingness ang pagdiriwang. Pinagtatagpo ng pagdiriwang ito ang iba’t ibang tao sa komunidad, lalong-lalo na ang pamilya. Nagiging daan ito upang bumalik, balikan, at manumbalik ang mga lokal na mamamayan sa komunidad upang gunitain ang kanilang sariling kultura at tradisyon. Ang pagdiriwang ay bunga ng Kolonyalismong Espanyol. Ibig sabihin, hindi ito ganap na nagmula sa Pilipinas. May bahid ito ng dayuhang impluwensiya na kalauna’y naging identidad na rin ng komunidad. Gayunpaman, nag-aambag ito sa pagpapanatili ng kultura at tradisyon mg Laoag, Ilocos Norte. Isa ang pistang ito sa mukha ng Kristiyanismo sa bansa. Malaking bahagi ng kulturang Pinoy ang pagpupugay sa mga santo at santa. Bagama’t hindi perpektong institusyon ang simbahan, nagiging tulay pa rin ito sa pagsusulong ng lokal na kultura. Nagiging daan ito upang pagtagpuin ang iba’t ibang uri sa lipunan: mayaman, mahirap, katamtaman, kababaihan, kalalakihan, kabataan, atbp. Ipinagdiriwang ang pista sa Laoag, Ilocos Norte upang gunitain ang santo ng lungsod, Saint William, tuwing unang linggo ng Pebrero. Ginugunita rito ang pagpapakilala ng Kristiyanismo sa lungsod, bagay na dinala ng mga Kolonyalismong Espanyol. Mula sa payak na pagdiriwang ng Araw ng Kapistahan ng santo, unti-unti itong naging malaki, malawak, at makulay na pagdiriwang na nagbibigay-diin din sa kultura at pamana ng lungsod. Dahil sa pangunahing layunin ng pagdiriwang, hinuhubog nito ang pagkamaka-Diyos ng mga mamamayan ng Laoag. Nagiging daan ito upang ipalaganap ang kabutihan, bagay na pangunahing itinuturo ng mga simbahan. Gayundin, nagkakaroon ng sense of pride ang mga nasa komunidad dahil mukah ito ng pagkakakilanlan ng kanilang lugar. KILALANG PISTA: Pamulinawen Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Kagaya ng pinaghalawan nito sa kasaysayan, pinagtatagpo nito ang mga pamilya upang magsama-samang magdiwang na siyang isa sa mga paraan upang mapatibay ang ugnayang pampamilya at pangkomunidad. Nagiging daan ang pista upang kilalanin, gunitain, at pahalagahan ang isa sa mga marhinalisadong sektor sa lipunan, ang mga mangingisda. Binubuksan nito, kahit papaano, ang kamalayan ng mga mamamayan pagdating sa kalagayan ng mga mangingisda na nagbibigay-daan upang magbukas ng diskurso sa komunidad. Malaki ang ambag nito sa turismo ng bansa lalo’t ang Pilipinas ay isang archipelago. Nahihikayat nito ang mga dayuhan na bumisita na siyang nagbibigay-kaalaman pagdating sa heograpikal na kalagayan ng Pilipinas. Nagsimula ang pista noong dekada ’70. Ang ‘dayat’ ay mula sa wikang Pangasinense na nangangahulugang ‘dagat.’ Kung babalikan ang kasaysayan, ang mga mangingisdang taga-Pangasinan ay nagtitipon-tipon sa baybayin ng Golpo ng Lingayen. Ang pagdiriwang na ito ang paulit-ulit na ginagawa ng samu’t saring sambahayan sa Lingayan, bagay na hinalaw ang pagdiriwang ng Pistay Dayat. Sa pag-usad ng panahon, bahagi na rin ng pagdiriwang ang pagkilala sa pangunahing hanapbuhay sa lugar – ang pangingisda na nag-aangat sa kalagayang pang-ekonomiya ng Pangasinan. Nagsisilbing panata ang pista upang patuloy na alagaan at ingatan ang mga katubigan ng Pangasinan na siyang nagbibigay ng buhay at kabuhayan sa mga Pangasinense. HINDI KILALANG PISTA: Pistay Dayat Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Pinagtitibay nito ang ugnayang nabubuo sa loob ng tahanan sa pamamagitan ng kultura ng bayanihan at pagtutulungan. Pinatutunayan ng pista nab ago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop ay mayroon nang sariling kultura at/o pagkakakilanlan ang mga Pilipino. Ito ang pinatunayan ng mga Ivatan ng Batanes. . Kung mas mabibigyang-diin ang nasabing pista, maaari itong tumagos hanggang sa pambansang lebel upang ipaunawa ang kahalagahan ng pagsasapraktika ng bayanihan. Hindi lang ito hanggang salita o kamalayan, kailangan itong isabuhay sa ngalan ng pambansang kaunlaran. Ang Payuhuan ay isang salitang Ivatan na nangangahulugang “bayanihan.” Mula ito sa tradisyon ng mga Ivatan na sama-samang nagtutulungan sa pagbuo ng bahay o di kaya’y sa pagsasaka. Sa kasagsagan ng pananakop ng mga Espanyol, isa ang Batanes sa huling nasakop. Ang mga mamamayan ng Batanes ay ganap na lumaya sa kamay ng mga dayuhan noong Hunyo 26, 1783 kung saan unang ginunita at itinatag ang kapistahan. Umiiral na ang tradisyon ng mga Ivatan na bayanihan bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop na Espanyol. Mas lalo lang nitong pinagtibay ang nasabing tradisyon, ang bayanihan, bagay na mahalaga sa isang mamamayan upang tumagos sa buong komunidad. HINDI KILALANG PISTA: Payuhuan Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ang singkaban ay nagiging tagpuan ng pamilya sapagkat dala nito ang makulay na pagdiriwang at sining ng lalawigan. Gayundin, pinagsasama-sama nito ang iba’t ibang bayan sa Bulacan upang gunitain ang kasiningan at kasaysayan ng lalawigan. Sa pamamagitan ng pagdiriwang ito, mananatiling sariwa ang bakas ng kasaysayan sa bansa. Maapuhap nito ang talamak na historical distortion dahil taon-taon, ipinapaalala nito ang kabayanihang ginawa ng ating mga kababayan sa panahon ng kolonyalismo. Malaki ang maiaambag nito sa turismo ng bansa dahil bukod sa kasaysayan, itinatampok nito ang sining na mayroon ang mga Bulakenyo. Daan din ito upang mapanatili ang lokal na sining ng lalawigan. Kalinangan ng Bulacan” na tumutukoy sa mga arkong gawa sa kawayan na kalimitang nakikita sa mga pagdiriwang upang magsilbing entrance para sa mga bisita. Nauna itong tawagin bilang Linggo ng Bulacan na unang naganap noong 1986 sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Roberto Pagdanganan. Ginuginita rin sa nasabing pista ang makasaysayang Kongreso ng Malolos na naganap sa Simbahan ng Barasoain, ang dating kabisera ng Pilipinas noong 1898. Dito rin unang naisulat ang kauna-unahang konstitusyon ng bansa, ang Konstitusyon ng Malolos na naaprubahan noong Enero 21, 1898 ng dating pangulong Emilio Aguinaldo. Dahil sa pagdiriwang, nagkakaroon ng pagpapahalagang pangkasaysayan ang mga taga-Bulacan. Nagbubunga ito ng isang mamamayang may pakialam sa nakaraan na kaniyang nadadala sa kasalukuyan para sa ikabubuti ng hinaharap. Gayundin, nagbubunga ito ng pagpapahalaga sa sariling sining ng Bulacan. KILALANG PISTA: Singkaban Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Dahil sa paniniwalang ang pagkain sa nakaukit na Sto. Nino rito ay magbubunga ng kabutihan sa isang tao, nagiging daan ito upang mapalaganap ang kabutihang asal sa komunidad, bagama’t ito’y isang kuwentong bayan lamang.. Nagiging mukha ang minasa ng salo-salo sa pagitan ng magkakapamilya. Nagiging laman ito ng huntahan, kuwentuhan, maging ang kultura ng pasalubong na lalong nagpapatibay sa uganayang pampamilya. Ang minasa ay mukha ng kawalan ng pagkakapantay-pantay noong panahon ng kolonyalismo. Bunga ito ng pagsasamantala ng mga dayuhang Espanyol na kalauna’y tinanggap at naging bahagi na ng kultura ng mga Bustosenyo. Nagiging daan ang pagdiriwang upang ipakilala ang mga lokal na produkto ng bansa, bagay na may malaking epekto sa pagpapaangat ng turismo sa bansa. Ang minasa ang pangunahing produkto ng bayan ng Bustos, Bulacan. Isa itong pagkain na ang pangunahing sangkap ay puti ng itlog at harina. Tinatawag din itong cassava cookies sa Ingles. Una itong dinala ng mga Espanyol sa nasabing bayan. Ginagamit nila ang puti ng itlog sa pagpapaganda at pagpapatibay ng kanilang kabahayan. Dahil sa mga sobrang puti ng itlog, ginawa nila itong pagkain na nagbunga ng minasa. Noon, tanging mga kinikilala at nakaaangat lamang sa lipunan ang nakakakain nito na kalauna’y naging pagkain na ng lahat, maging ng mga ordinaryong Pilipino. Nagkaroon na ito ng iba’t ibang baryasyon gaya ng pag-ukit ng Sto. Nino rito, ang santo ng bayan, dahil pinaniniwalaang ang sinomang kakain nito ay magiging isang mabuting tao. Kagaya sa ibang kapistahan, nagiging daan ang pagdiriwang na ito upang magkaroon ng sense of pride ang mga taga-Bustos, Bulacan. Nagsisilbi itong pagkakilanlan ng komunidad, bagay na talagang ipagmamalaki ng mga mamamayan. HINDI KILALANG PISTA: Minasa Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ang Higantes Festival ay salamin ng makulay na sining at masalimuot na nakaraan ng mga Pilipino. Makikita sa selebrasyong ito ang pagpapahalaga sa sining at pagiging malikhain ng mga Pilipino bunsod sa makukulay, kakaiba at gawa sa papel na mga higante. Bukod pa rito, masasalamin din ang ating kasaysayan – ang pagsamsam ng mga Kastila sa mga lupain ng mga Pilipino at kung paano sila tumindig at lumaban – at ang pangunahing hanapbuhay sa Angono, ang pangingisda. Sa kasalukuyan, tinitignan ng mga tagaAngono ang mga higante bilang simbolo ng kanilang hangarin na maging “malaki” o matagumpay sa kanilang ginagawa para sa ikauunlad ng kanilang bayan. Ang pagiging buhay ng Higantes Festival ay patunay lamang na ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino ay patuloy na nag-aalab. -Ang Higantes Festival ay taunang ipinagdiriwang sa Angono, Rizal (Kabisera ng Sining ng Pilipinas) tuwing ika-22 at ika-23 ng Nobyembre. Dito ay itinatampok ang daan-daang malalaking puppet o higante na gawa sa papier-mache na nilalagyan ng iba’t ibang palamuti. Ang mga higante ay umaabot sa tangkad na 12 talampakan at may habang 5 talampakan. Gayunpaman, inilalarawan ng lokal na gobyerno ng Angono, na ang pagdiriwang nila ng Higantes Festival ay isang sekular na selebrasyon kung saan sila ay nagpapakita ng pasasalamat sa kanilang santo na si Saint Clemente, ang santo ng pangingisda. Bukod sa mga higanteng itinatampok ay kasama sa prusisyon ang imahe ng patron nilang si San Clemente na nakadamit din ng higante, at ang mga parehadoras, deboto ni San Clemente, na nakasuot ng pangmangingisda. Hindi rin mawawala ang basaan kung saan ang mga tao ay sinasabuyan ng holy water bilang bendisyon ng suwerte. KILALANG PISTA: Higantes Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Wala mang kilalang lugar na pasyalan ng mga turismo sa Sta. Cruz sa Laguna, mayroon naman silang isang pagkaing lokal na kanilang ipinagmamalaki, ang kesong puti. Sa kanilang selebrasyon ng kesong puti, ipinapakita lamang dito na ang pagdiriwang ng mga pista ay hindi lamang para sa mga santo at bayani kundi maging sa pagdiriwang ng mga pagkaing malapit at mahalaga sa mga Pilipino. Ipinagdiriwang sa Sta. Cruz, Laguna ang Pista ng Kesong Puti. Nagaganap ito sa iba’t ibang petsa ngunit sa taong 2012 ay ipinagdiwag ito noong ika-7 hanggang ika-12 ng Mayo. Unang ipinagdiwang ang Kesong Puti Festival noong Abril, 2002 kasabay ang quadricetennial ng bayan bilang isang munisipalidad. Tampok sa selebrayong ito ang kesong puti na gawa sa sariwang gatas ng kalabaw na karaniwang nakabalot sa berdeng dahon ng saging. Ang kesong puti ay siyang pangunahing produkto ng kalakalan at pangunahing mapagkukunan ng kita sa Sta. Cruz, Laguna. Masarap itong itambal o ipalaman sa mainit na pandesal na may kasamang kape o mainit na tsokolate. Bago ang pagsisimula ng anim (6) na araw na selebrasyon ng nasabing pista, ang munisipalidad ng Sta. Cruz ay nagsasagawa ng isang parada at misa ng pasasalamat. Sa harapan ng Liwasang, Sta. Cruz isinasagawa ang trade fair kung saan makikita ang kesong puti maging ang iba pang pagkain ng bayan. HINDI KILALANG PISTA: Kesong Puti Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ipinapakita ng Pista ng Mariones ang panata at pananampalataya ng mga Kristiyanong Pilipino. Isang malaking patunay lamang ang Pista ng Mariones na ipinagdiriwang sa Marinduque na may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga Pilipino ang relihiyon partikular na ang Simbahang Katoliko. Bukod pa rito, masasalamin din na sa loob ng libong taon, mababakas pa rin sa ating kultura ang mga iniwan ng mga mananakop na Kastila sa ating kultura. Kilala ang Marinduque bilang “Lenten Capital of the Philippines” kaya naman kilala at ipinagdiriwang sa lalawigang ito ang Mariones Festival, isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na Araw upang ipakita ang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo. Nagsisimula ang pagdiriwang sa Araw ng Lunes Santo hanggang sa Pasko ng Pagkabuhay kung saan kanilang sinusundan ang kuwento ng Romanong sundalo na si Longinus. Ang salitang Mariones ay mula sa salitang Kastila na morion na nangangahulugang helmet o visor (maskarang parte ng armor ng mga Romano na ipinantatakip sa kanilang mga mukha noong panahon ng Medyibal). Araw pa lamang ng Lunes Santo, ang mga mamayan ng Marinduque ay nagsusuot na ng mga damit na mistulang sundalong Romano o senturyon. Matitingkad ang kanilang mga kasuotan at ang kanilang mga maskara ay nagpapakita ng pagiging matapang at malupit. KILALANG PISTA: Mariones Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ipinapakita ng selebrasyong ito ang pagpapahalaga ng mga Pilipino hindi lamang sa mga santo kundi maging sa kanilang kuwentong bayan at pagkakakilanlan. Nagagawa ng mga taga-Looc na mapahalagahan at maipasa ang kanilang kultura sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Pista ng Talabukon. Implikasyon ito na ang mga kuwentong bayan na mayroon ang mga Pilipino ay nananatili pa ring buhay at nagpapakita ng identidad na mayroon tayo. Bukod dito, ang Talabukon Festival din ay nagsisilbing lunsaran ng talento pagdating sa pagsayaw at sining ng mga Pilipino. Ang Talabukon Festival ay isang sekular na pagdiriwang na ginaganap sa munisipalidad ng Looc sa Romblon. Isinasagawa ito tuwing ika-tatlong linggo ng Abril upang alalahanin at pasalamatan ang santong si St. Joseph. Isinasagawa rin ang pagdiriwang na ito upang gunitain ang isa sa mga kuwentong bayan ng Looc na tungkol sa isang higante (Talabukon) na nagligtas ng kanilang bayan mula sa mga Moros kung saan kaniyang isinakal ang mga ito. Kaya naman, pinangalanan ang kanilang lugar na “Looc” na nangangahulugang sakal. Hanggang sa kasalukuyan, tinatawag pa rin ang bayan ng Looc, at ang mga yapak ng Talabukon ay sinasabing matatagpuan sa Agojo at Kawit sa anyo ng bato. Nagaganap ang paligsahan ng streetdancing na dinadaluhan ng halos buong barangay kung saan sa kanilang pagsayaw ay ipinapakita ang replika o imahen ni Talabukon at ang pagsasadula ng nasabing kuwentong bayan. HINDI KILALANG PISTA: Talabukon Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ang pagdiriwang ng Magayon Festival ng mga Bikolano ay hindi lamang naghahatid ng kaligayahan kundi nagbibigay rin ito ng pagkakataon para sa turismo at maipakilala ang kanilang kultura’t lokal na produkto. Bukod dito, sa pagdiriwang ng pistang ito ay patuloy na nabubuhay, napapahalagahan at napagtitibay hindi lamang sa Albay kundi sa buong Pilipinas ang alamat ni Darang Magayon na siyang nagpapakilala sa kultura, identidad at kasaysayan ng mga Bikolano. Naipapakita rin ang kanilang pagkakaisa sa paggunita at pagdiriwang ng kanilang pista. Ang Magayon Festival ay isang buwang selebrasyon na ginaganap tuwing Mayo sa Legazpi City, Albay upang ipagdiwang ang mayamang kultura, sining, pagkain, ang Bulkang Mayon, at higit sa lahat ay ang alamat ni Daragang Magayon. Ang Magayon ay mula sa salitang Bikolano na ngangahulugang “maganda”. Binibigyangpugay rin ng pista ang trahedyang sinapit ng pagmamahalan ni Daragang Magayon at Panganoron na ang kamatayan ni Magayon ang siyang pagsisimula ng pag-angat ng bulkan. Kaalinsabay ng selebrasyong ito, pinagdiriwang din ang kapistahan ng Nuestra Señora de la Porteria, ang patron ng Daraga, Albay. Sa pagdiriwang ng Magayon Festival, ang mga tao ay nakasuot ng mga makukulay na damit kung saan ipinapakita nito ang mayamang kultura at kasaysayan ng Albay. Ang kanilang mga kasuotan ay karaniwang gawa sa mga katutubong kagamitan na may mga tradisyunal na dibuho o disenyo. Makikita rin ang mga telang Bikolano tulad ng Abaca, Sinamay, at Pina KILALANG PISTA: Magayon Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ang mga nabanggit na katangian ng mga Basudeños maging ang diwa ng katapangan, kalayaan, pagtutulungan at pagtulong sa komunidad ay patuloy na umiiral at naipapasa sa pamamagitan ng kanilang pagdiriwang ng Pista ng Rahugan. Ipinapakita lamang ng pista na bukod sa pagpapahalaga sa mga santo ay nararapat ding pahalagahan at ipasa ang kaugaliang Pilipino. Ipinagdiriwang sa Basud, Camarines Norte ang Rahagun Festival tuwing ika-17 hanggang ika-24 ng Oktubre. Ang “Rahugan” ay mula sa salitang rahug na nangangahulugang grupo ng niyog na sumisimbolo sa kalakasan kung nagkakaisa’t magkakasama. Sa pistang ito, ipinagdiriwang ng mga Basudeños ang kanilang natatanging katangian: pagmamahal sa pamilya (the love of family), pagiging kabilang (sense of belongingness), mapayapa at may pagkakaisang buhay (peaceful and cooperative life), at ang diwa ng komunidad (community spirit) upang gunitain din ang pista ni St. Rapahael de Archangel. Sa selebrasyon ng pistang ito, ang mga Basudeños ay nagkakaisa sa pamamagitan ng pagdiriwang ng pista at pagdalo at pakikiisa sa mga aktibidad sa pista tulad ng streetdancing competition, Gabi ng mga Lola at Lolo, Gabi ng mga Lingkod Bayan, Gabi ng Edukasyon, Laro ng Lahi, at Mutya ng Rahagun. HINDI KILALANG PISTA: Rahugan Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Upang higit na sumigla, itinapat ang Ati-Atihan sa pagdiriwang ng pista ng Santo Niño. Kayâ bahagi ng sanlinggo’t masayáng parada sa Kalibo ang pagtatanghal at pagbubunyi sa imahen ng batàng Jesus, gaya ng ginagawâ ding pagdiriwang tuwing Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang” ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz, “Maskara-han” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique. Ang salitâng “Atí-Atíhan” ay may kahulugan na “maging katulad ng isang Ati.” Noong ika-13 siglo, pinaniniwa-laang dumating sa Panay ang sampung datu mula sa Bor-neo at nakipagsundo sa mga katutubong Ati. Ang mga Ati ay mga Negrito o maliliit at maiitim na tao, kulot ang buhok, at naninirahan noon sa Panay. Ayon sa kuwento, binili nina Datu Puti ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na ginto at iba pang hiyas. Magmula noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga Ati. Bumababâ silá kapag humihingi ng tulong sa mga datu. Ang mga Ati ay sumasayaw at kumakanta bílang pasasalamat. Ang Atí-Atíhan ay isang pista tuwing ika-lawang linggo ng Enero sa Kalibo, Aklan at sinusundan ng gayund-ing pagdiriwang sa kalapit bayan ng Ibajay, Aklan. Ito ay karani-wang ipinagdiriwang pagkatapos ng selebra-syon ng pagdalaw ng Tatlong Hari kay Jesus sa sabsaban. KILALANG PISTA: Ati-Atihan Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ang sayaw nito ay sinasabayan ng tugtog ng tambol na may dalawang hakbang paharap kasunod ng isang paurong. Taong 1980 nang unang ma-organisa ang parada. Ang Sinulog dance ngayon ay ang tradisyunal at rituwal na sayaw sa karangalan ng Santo Niño. Naging pangunahing atraksiyon na rin ng turismo ang Sinulog na dinadayo ng mga turista, lokal man o dayuhan. Ngunit higit sa kasiyahan, ang kapistahan ay pagpapakita rin ng pananampalataya ng mga tao at pagpapahalaga sa kultura at pagkakakilanlan ng isang bayan. Kilala ang Sinulog Festival sa tawag na Santo Nino Festival. Kilala ito sa sa buong bansa bilang pagdiriwang ng isa sa mga makasaysayang relika na Santo Nino de Cebu. Isa itong santo ng sanggol na Hesus na ibinigay ito kay Rajah Humabon ng Cebu ng isang portuges na manlalakbay na nagngangalang Ferdinand Magellan taong 1521. Ang Sinulog Festival ay ginaganap taon-taon sa pangatlong linggo ng Enero bilang pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño at tumatagal ng siyam na araw. At kadalasang sikat ang pagdiriwang na ito sa Cebu City. Ang salitang Sinulog ay nagmula sa Cebuanong pang-abay na sulog, na nangangahulugang “like water current movement” na inilalarawan ang urong-sulong na paggalaw ng Sinulog dance. Isa sa mga pinakatampok sa pistang ito ang mga parada sa eskinita kung saan ang mga kalahok ay nakasuot ng mga makukulay na kasuotan at sumasayaw sa ritmo ng mga tambol, trumpeta, at native gongs. KILALANG PISTA: Sinulog Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Sa pagdiriwang ng Pista ng Sandugo sa Bohol, naipapakita nito ang magkahalong ganda ng kanilang kasaysayan, kultura, at kakaibang selebrasyon. Sa tulong ng mga iba’t ibang parada, kompetisyon, at pagtatanghal, naipapakita ng pista ang mayamang pamana at pagkakaisa ng mga Boholanos. Ika-16 ng Marso taong 1565 nang mangyari ang sanduguan nina Legaspi at Sikatuna– kinasangkutan nila ang isang ritwal na pagpapalitan ng dugo na siyang simbolo ng pangakong pagkakaibigan at alyansa. Ang sanduguan na ito ang naging dahilan ng pagdirwang na ito. Naging prominente ang nasabing pista sa panahon ng panunungkulan ng dating Gobernador na si Constancio Chatto Torralba. Kung saan naitaguyod niya ang kultural na kamalayan sa pagdiriwang na ito– ito rin ang naging dahilan upang masaksihan ng mga Pilipino ang kakaibang pagdiriwang na ito. Sa pagdiriwang ng nasabing pista, isa sa mga pinaka-inaabangan ang makukulay na parada sa mga eskinita kung saan mayroong mga street dancing competition at dramatisasyon o pagsasabuhay ng nangyaring Sanduguan noon. Ang mga matataas na paaralan sa Tagbilaran maging ang mga lokal na pamahalaan at mga guest participants mula sa ibang mga lungsod at probinsiya ay nakikibahagi rin sa parada. HINDI KILALANG PISTA: Sandugo Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Gamit ang matatalas na bakal na pinainitan sa apoy, nagguguhit ng disenyo ang mga Pintados sa kanilang katawan para ipakita ang kanilang katayuan sa lipunan. Para sa mga lalaki, ang pinakamatapang na mandirigma ang may pinakamaraming disenyo mula ulo hanggang paa. Ang mga babae naman ay naglalagay din ng pintura sa kanilang mga kamay. Kaakibat sa prosesong ito ang iba pang ritwal ng pasasalamat para sa masaganang ani at tagumpay sa mga laban. Ang tradisyong ito ay binuhay nang binuo ang Pintados Foundation, Inc. noong 1986. Ito ang nangasiwa sa unang Pista ng Pintados noong 1987 sa Leyte. Ipinagdiriwang ito tuwing buwan ng Hunyo sa Lungsod Tacloban bilang pag-alaala sa makulay at mayamang kasaysayan at kultura ng mga taga-Leyte at Samar. Ang tradisyong ito ay binuhay nang binuo ang Pintados Foundation, Inc. noong 1986. Ito ang nangasiwa sa unang Pista ng Pintados noong 1987 sa Leyte. Ipinagdiriwang ito tuwing buwan ng Hunyo sa Lungsod Tacloban bilang pag-alaala sa makulay at mayamang kasaysayan at kultura ng mga taga-Leyte at Samar. Ang nasabing pista ay ipinapakita rin ang kakaibang makulay na kasaysayan ng Leyte. Bukod pa ron, mayroon ding mga pagtatanghal ng mga ritwal na sayaw ng pintados para sa engrandeng parada. Ang mga makabayang sayaw na ipiniprisinta tuwing pista at nagpapakita sa mga Pre-Hispanikong kaugalian ng ating mga ninuno. KILALANG PISTA: Pintados Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ang nasabing pista ay mitikal na presentasyon kung paanong ang imahe ng birheng maria ay naipadala sa Borongan mula sa portugal. Binibigyang diin din ng pista ang koneksyon ng babaeng nakaputi. Ang unang mga nanirahan dito ay mga Negrito bago sila dalhin sa Hinterlands ng mga Indones at Malay. Napatataas nito ang lebel ng pagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng komunidad na nag-udyok para kilalanin ang kagila-gilalas na angking tapang ng mga magigiting na tao sa kanilang komunodad. Sa pamamagitan ng pagmamahal sa lipunan ay kalakip ang diwang makabayan ng mga taga-Borongan, Silangang Samar. Ang selebrasyon ng nasabing pista ay upang magbigay galang sa patroness, ang pinagpalang birheng maria. Ang pista ay pag-alala sa araw kung saan nila natanggap ang imahe ni Maria matapos itong ipadala ng misteryosong babae mula sa Portugal. Ang pistang itong ay ipinagdiriwang sa pamamgitan ng mga pangunahing aktibidad gaya ng maagang relihiyosong ritwal at ang dramatikong interpretasyon ng mitong si Padul Ong. Nagsisimula ang pista sa isang misa, ito ang hudyat na ang pista ng Padul-ong ay nagsimula na. Isa rin sa mga ritwal na ginagawa sa pagdiring ng pistang ito ay ang prosisyon g imahe ng birheng maria. Mayroon ding mga pagsasadula ng paglilipat ng birheng maria sa lungsod. Ang mga sinaunang Waray ay mahilig sa mga palamuti sa katawan na tinatawag na mga ‘tattoo’ na ginagamit bilang simbolo ng katayuan sa lipunan. HINDI KILALANG PISTA: Padul-Ong Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ang Zamboanga Hermosa Festival ay isa sa pinakamalaki at pinakahihintay na pagdiriwang sa lungsod at rehiyon. Ito ay nagpapakita ng kagandahan ng Zamboanga City—ang mayaman at magkakaibang kultura at pamana nito. Ito ay isang pagdiriwang na kaabang-abang at sulit na masaksihan. Ipinapamalas ng pagdiriwang na ito na maaring magkaroon ng komonalidad ang bawat mamamayan bagamat magkakaiba ng antas sa buhay Ang Pistang Hermosa ng Zamboanga ay taunang pagdiriwang bilang parangal sa patron ng siyudad ng Zamboanga- Our Lady of the Pillar. Isa sa identidad ng mga Zamboangueño ay ang pagkakaroon ng maalab na debosyon sa Our Lady of the Pillar o mas kilala bilang “Nuestra Señora La Virgen del Pilar”. Ang kanilang debosyon ay nag-ugat dulot sa mga milagrong pinaniniwalaang ginawa ng patron. Ang Real Fuerza de Señora Virgen del Pilar ay isang kuta na naging dambana sa Kanyang karangalan. Ito ay nagtataglay ng kanyang imahe bilang isang pangunahing piraso. Nagtitipon ang mga tao upsng magbigay pigay higit lalo sa araw ng kanyang kapistahan, Oktubre 12. Ang mga pagdiriwang ay tumatagal sa buong buwan ng Oktubre. Kasama sa mga tampok ang isang siyam na araw na nobena, mga palabas sa fashion, mga kumpetisyon sa sayaw at kanta, mga trade fair, isang pageant, at ang sikat na Regatta na isang karera ng mga makukulay na vinta (isang tradisyunal na sasakyang pandagat). KILALANG PISTA: Fiesta Pilar Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Malaki ang implikasyon ng heograpiya o kinalalagyan ng lungsod ng Zamboanga sa pista na mayroon sila ngayon. Makikita natin na ang karagatan ay isang elemento na hindi mahihiwalay sa pagkakakilanlan ng siyudad. At isa na nga rito ang Pista ng Regatta de Zamboanga kung saan ito ang nagsisilbing tipan sa pagkakaugnay-ugnay at pagkakaisa ng miyembro ng siyudad, pagpapatunay ng kasaysayan ng lungsod bilang isang mataong komunidad sa baybayin. Sinasalamin din ng pistang ito ang nananatiling tradisyon ng mga karagatnin, mula sa pangingisda hanggang sa pagbuo ng bangka at sa kasalukuyan ay karera ng regatta. Ang pinagmulan ng pistang ito ay natunton noong kalagitanaan ng ika-20 siglo. Sa simula, ang Regatta ay isang lokal na pagdiriwang na pinasimulaanan sa karera sa pagitan ng mga mangingisda bilang parangal sa patron ng siyudad, Neustra Señora La Virgeti del Pilar. Kalaunan, nakapukaw ito ng atensyon at kalauna'y naging engrande at makulay na tanawin na nasasaksihan natin magpsahanggang ngayon. Taon taon, inaabangan ng mga pamayanan malapit sa dagat ang pista, pinapasigla nito ang pinagmamalaking kultura at ipinamamalas ang mga kakayahan sa isang masiglang kompetisyon na nananatili sa mga henerasyon. Dahil sa pistang ito, naging kaugalian na ng mga Zamboangeño ang pagpapalamuti sa vinta. Dito kanilang ipinamamalas ang kanilang pagiging malikhain. Taglay ng vinta ang mga geometrikong anyo at sari-saring kulay. Kinakatawan ng vinta ang katangian ng siyudad bilang likas na masining at matalino, matatag, at ang diwa ng pamayanan. HINDI KILALANG PISTA: Regatta de Zamboanga Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Pangunahing pinagkukunan ng kita at pangkabuhayan ang Lanzones sa Camuigin. Ito rin ang tinaguriang pinakamatamis na bunga ng Lanzones sa Pilipinas na matatagpuan lamang sa kanilang probinsya. Nagsisilbing kontribusyon din ng Camuigin ang selebrasyon na ito sa turismo sapagkat hindi lamang ang mga lokal ang nakikilahok kundi maging ang mga dayo. Pinapalutang ng selebrasyon na ito ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat miyembro ng pamayanan, masining at kahusayan ng indibidwal o grupo sa tuwing may patimpalak, at pagiging malikhain sa pagbuo ng mga palamuting ipinapakita sa mga parada. May umiiral na alamat tungkol sa pagdiriwang na ito. Ito ay ang paniniwala na nagsimula ang selebrasyon na ito sa isang lokal na alamat kung saan may mag-asawa na humiling ng anak sa diwata ng puno ng Lanzones na nakalimutang magpasalamat kaya nawalan ng malay ang bata. Naging hudyat ito upang sila`y magpasalamat sa paniniwalang dulot ito ng diwata kaya naman sila ay nagpasalamat at kalaunan din ay gumaling ang bata at `di nagtagal hinikayat din nila ang karatig baryo na gawin ang ritwal ng pasasalamat. Nagresulta ito sa taunang pagpapasamalat ng mga tao sa isla ng Camuigin at hanggang sa ngayon ay isinasagawa ito. Minsan maririnig sa isinisagaw ng mga tao sa Camuigin ang salitang “Mambajao” imbes na “Lanzones” sapagkat ito ang tinaguriang pinakamatamis na Lanzones na matatagpuan lamang sa munisipalidad ng Mambajao, Camiguin. Gayundin, nakaugalian na ng mga tao na magdaos ng kalakalan, kompetisyon sa sayaw, mga kontest na pagandahan, at mga engrandeng parada. HINDI KILALANG PISTA: LanzonesFestival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Itinatampok at ipinagdiriwang ng pista ng Kadayawan ang labing isang tribong mayroon ang Davao, ito ay ang mga sumusunod: Iranun, Ata, Kagan, Bagobo Klata, Maguindanaon, Bagobo Tagabawa, Maranao, Matigsalug, Sama, Obu Manuvu, and Taosug. Bawat tribo ay may kanya-kanyang malalaking kontribusyon sa mayamang kultura ng Davao kaya naman binibigyan sila ng parangal at pasasalamat sa panahon ng pista. Sa patuloy na pagbabago ng panahon at pag-iral ng globalisasyon, isa ang pista ng Kadayawan sa pagpapatunay nang mayabong na kulturang hindi maaring maalis kung ito ay kadikit, nakaimprenta, at taglay ng pagpapakilanlan ng mga mamamayan sa Davao. Dahil din dito, tinatangkilik hindi lamang ng mga mamamayan sa bansa kundi maging ang ibang lahi ang pistang ito. Inaabangan at pinupuntahan upang personal na masaksihan ang makulay t masayang pista. Ang salitang kadayawan ay nagmula sa salitang “madayaw” na nangangahulugang maganda, mahalaga, mabuti at superior (Casais, D. 2014). Isa pang kahulugan nito ay madayaw o ipinagmamalaki. Pinaniniwalaan na noong araw, ang mga etnikong tribo ng Davao ay nagsasama-sama upang ipagdiwang ang masaganang pananim, sila ay nagsasagawa ng mga ritwal na nagbibigay pugay sa mga diyos ng kalikasan.Isinasagawa ang pistang ito bilang pagbibigay pasasalamat sa masaganang ani at mainam na panahon ng pamumuhay, selebrasyon ng buhay, at pagdiriwang ng kultura. Ito ay tinaguriang pinakaengrande at inaabangang pyesta ng buong syudad ng Davao na tumatagal ng sampung araw mula ikatatlo ng linggo ng Agosto. Ipinapamalas ng pistang ito ang kaugalian ng mga Davaoeño na mapagpasalamat sa mga msaganang ani na kanilang nakakamtam. Dito ay kakikitaan din sila ng pagiging malapit sa diyos na pinaniniwalaan nilang nagbibigay o nagpapala sa kanilang pananim. KILALANG PISTA: Kadayawan Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Patuloy na mas napatitingkad ang kultura na mayroon sa Pilipinas. Ang pagsasagawa ng mga ganitong pista ay may kaakibat rin sa relihiyon, halimbawa na lamang nito na ang pagsasagawa ng ispiritwal na paglilinis sa mga batang kalalakihan ay maaring katumbas nito ang pagbibinyag sa isang bata. Napapaigting nito ang kanilang relihiyon na mayroon sila at naisasalin ang kanilang kultura sa pamamagitan ng sayaw at pagkanta. Ang salitang ginum ay nagmula sa wika ng mga Bagobo na nangangahulugang "panahon para mag-inom o mag lasing". Hindi matukoy kung kailan ito nagsimula ngunit ang itinatagal ng pista na ito ay apat na araw at dapat itong isagawa kung kailan pinakamaliwanag ang buwan. Ang lugar ng pista ay hindi rin eksakto dahil ang nagtatakda ng panahon at lugar ay ang chief o ang lider ng kanilang komunidad. Ang pista na ito ay para rin sa mga batang kalalakihan, ito ang tamang panahon upang magsagawa ng ispiritwal na paglilinis. Tunay ngang ang mga Pilipino ay relihiyoso sapagkat ang konteksto ng pagiging relihiyoso ay hindi lamang nagtatapos sa relihiyon ng katolisismo gayundin sa iba pang relihiyon na mayroon tayo sa buong panig ng bansa. Naitatampok rin ang husay ng komunidad sa pagkukuwento sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw HINDI KILALANG PISTA: Ginum Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Malaki ang implikasyon nito sapagkat noong sumiklab ang pananakop ng mga Espanyol ay Mindanao ang isa sa mga lugar na nag-aklas at pumigil sa puwersa nito. Isa rin ang Koronadal sa mga bayan na tumanggap ng mga tao mula luzon noong sumiklab ang ikalawang digmaan. Ang pista ng Hinugyaw ay halos katumbas na ng pagbabagong taon para sa mga Koronadaleños. Isinasagawa ito tuwing ika-sampu ng Enero upang alalahananin ang araw ng Koronadal. Ang salitang hugyaw ay nangangahulugang pagsasayaw. Unang isinagawa ito noong 2001 sa koronadal upang alalahanin ang kasaysayan at kultura. Noong 1948 ay ikinasa ng Munisipyo ang resolution no. 32 upang ilaan ang ika sampu ng Enero para sa araw ng Koronadal. Ang salitang Koronadal din ay nagmula sa wika ng mga Lumad o B'laan. Koron na ang ibig sabihin ay cogon grass at dalal na ang ibig sabihin ay kapatagan Nagpapakita lang ito na ang mga Koronadaleños ay may hindi matatawarang respeto at pagiging bukas sa lahat. Naipapakita rin nila ang kanilang mayabong na kultura at sining. KILALANG PISTA: Hinugyaw Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ang Naliyagan Festival ay isang pagkakataon upang ipagdiwang ang mga tradisyon, kultura, at pagkakaibigan. Ito ay isang pagkakataon na nagpapahintulot sa mga Manobo na ipakita ang kanilang kultura at tradisyon. Ipinakita ng mga Manobo ang kanilang kultura at pamana, gayundin para masaksihan ng mga turista ang pagkakaiba-iba at pagkakaiba-iba. Bukod pa rito, nakakatulong ang pagdiriwang na isulong ang industriya ng turismo sa Agusan del Sur na kilala sa magandang natural na kagandahan at pagkakaiba-iba nito. Maaaring bisitahin ng mga bisita ang mayayabong na kagubatan ng lalawigan pati na rin ang mga magagandang talon at mga nakamamanghang beach, na nagbibigay ng iba't ibang gawaing panlabas tulad ng paglangoy, hiking, at snorkeling. Ang Naliyagan Festival ay nagmula sa naliyagan, isang salita sa wikang Manobo na isinasalin sa "ang pinili" (“the chosen one”. Ito ay inorganisa sa panahon ng panunungkulan ng gobernador Democrito O. Plaza na, sa pagsangguni sa pinuno ng Manobo na si Datu Lipus Makapandong at iba pang mga pinuno ng tribo, ay nagalay ng isang pagdiriwang bilang pagdiriwang ng kanilang etnikong kultura, kaugalian, at tradisyon. Ang unang Naliyagan Festival ay ginanap noong 1993. Bukod pa rito, ito ay isang inisyatiba sa buong probinsya bilang isang toast sa pagkakaiba-iba at pamana ng kultura ng mga tao ng Agusan del Sur. Ang Aedow/Aldaw Tu Mgo Tribong AgSurnon ay ang araw na nakatuon sa pagdiriwang ng mga kaugalian at tradisyon ng mga etnikong minorya sa Agusan del Sur. Ayon sa isang etnograpikong pag-aaral na isinagawa ni Abraham L. Masendo, ang lalawigan ay may limang natatanging grupo ng mga katutubo. KILALANG PISTA: Naliyagan Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Itinatampok ng isang street dancing parade competition ang araw na nilahukan ng mga relihiyosong grupo at organisasyon, panlipunan at civic group, paaralan, mga negosyo at fraternity. Ang taunang okasyon ay naglalayon din na isulong ang masiglang kultura at mayamang tradisyon ng mga kalapit na lokal na tribo habang patuloy silang nabubuhay kasama ng mga taga-lungsod kahit hanggang ngayon. Ito ay isang pagdiriwang ng pasasalamat sa patron nito, ang Santo Niño, at itinatag noong 1987 ni Rev. Fr. Juanito Belino, ang unang punong pari ng parokya ng Libertad. Higit pa rito, ang taunang okasyong ito ay naglalayon din na isulong ang masiglang kultura at mayamang tradisyon ng mga kalapit na tribo sa kanilang patuloy na pag-iral kasama ng mga taga-lungsod kahit hanggang ngayon. Dahil ang kaganapan ay sa isang Linggo, ang kasiyahan ay nagsisimula sa isang misa sa Sto. Nino Shrine Church kung saan nagpapasalamat ang mga tao sa biyayang natanggap sa mga nakaraang taon. Ang mga panalangin ay sinasabi rin para sa masaganang ani sa taon. Sinisimulan ng mga lumad ng Agusan ang panahon ng pagtatanim sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa pagsasagawa ng serye ng mga ritwal na tinatawag na kahimunan. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng pag-awit, pag-awit at pagtugtog, at kadalasang sinasaliwan ng mga katutubong instrumentong pangmusika. HINDI KILALANG PISTA: Kahimunan Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Ang Pakaradjaan Basilan ay puno ng iba't ibang aktibidad. Nagbibigay ito ng espasyo sa mga sporting event sa fun run, basketball, volleyball, bowling, badminton, dart, at shootfest. Bukod dito, kung minsan ay may mga kompetisyon tulad ng saranggola, photo exhibit, job fair, medical-dental mission, Barangay Night, Governor’s Night, Basilan Night, Founding Anniversary Program, atbp. Bahagi ng pagdiriwang ang Trade Fair kung saan naka-display ang mga produktong ipinagmamalaking gawang lokal. Ang mga booth ay itinalaga ayon sa mga munisipalidad at ang kanilang disenyo ay mga entry sa pinakamahusay na kumpetisyon ng booth. Ang mga tao ay maaaring bumili ng iba't ibang bagong bagay, habi na tela, prutas at gulay. Ang Pakaradjaan Basilan ay nagmula sa salitang pakaradjaan, isang salita na sa mga wika ng Tausug at Yakan ay nangangahulugang masayang-masaya. Sa pamamagitan ng marami sa iba't ibang pagsasaya na inilalagay sa loob ng isang linggong kalendaryo nito, inaasahan na ang isla ay magkakaroon ng magandang reputasyon bilang isang pangunahing atraksyong panturista, isang lugar ng masaganang likas na yaman, at para sa natatanging lokal na kultura nito. Ang Pakaradjaan Basilan ay isang taunang pagdiriwang ng kultura sa lalawigan ng Basilan, Pilipinas na ginaganap tuwing ika-7 ng Marso. Ang pagdiriwang ay isa ring pagsasaya para sa pagkakatatag ng lalawigan. Ang Basilan ay may mahabang kasaysayan. Ito ay palaging kilala bilang isang conduit para sa migration at paggalugad. Ang unang pagbanggit nito ng mga Kastila ay ang mga naging tala ni Antonio Pigafetta sa kanyang ekspedisyon. KILALANG PISTA: Parakadjaan Basilan Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Inorganisa ng lokal na pamahalaan at Mindanao State University, ang taunang pagdiriwang na ito ay nagbibigay ng pagkilala sa pagkakaiba-iba ng kultura at pamana ng lungsod, na pinatingkad ng pagkakaisa at pagkakaisa ng mga Kristiyano, Muslim, at mga katutubo (na tinatawag na lumad). Ang mga highlight ng Kalilangan Festival ay ang parada (Parada ng Lahi), street dancing competition (Kadsagayan) at ang anibersaryo na programa na magaganap sa Pebrero 27. Kasama rin sa mga linggong kalendaryo nito ang mga kompetisyon sa sayaw ng mababang lupain at Muslim at katutubo, tradisyonal. mga laro (Larong Pinoy), agri fair, mga konsiyerto, mga kaganapan sa musika, mga kaganapan sa palakasan, pangkultura at sining, atbp. Ang Kalilang Festival ay unang ginanap noong 1989 sa loob ng termino ni Mayor Rosalita T. Nuñez at ang unang festival director nito ay si Bai Janena J.A. Tito. Ang matagumpay na organisasyon ng pagdiriwang ay naging daan sa paglikha ng City Tourism Division. Ang pangalan nito ay hango sa kalilang, isang salita sa wikang Maguindanaoan na ang ibig sabihin ay ipagdiwang o gunitain. Kaya ang Kalilangan ay tumutukoy sa isang pagtitipon, pagdiriwang, pagsasaya, o pagsasaya. Sa paglipas ng mga taon, ang Kalilang Festival ay naging isa sa pinakamalaking kaganapan sa lungsod. Nakaukit sa puso ng mga kapatid nating Muslim ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito sapagkat ito ang nagtakda ng mapayapang kasunduan ng ating pamahalaan at sa mga Moro. Naipakikita dito ang paggalang sa parehong posisyon mula relihiyon tungo sa estado. HINDI KILALANG PISTA: Kalilang sa Ranao Festival Kaugalian Implikasyon sa Sarili, Pamilya, Lipunan, at Bansa
Kung babalikan ang ating kasaysayan ay ang unang pistang natala sa ating bansa ay noong panahon pa ng kastila. Karaniwan isinasagawa ang mga pista bilang pasasalamat sa poong maykapal o sa Diyos na lumikha. Mapapansin at mababakas ang kanluraning impluwensiya at ang impluwensiya ng relihiyon. Base sa obserbasyon sa mga pista ay makikita at masasalat na may tatlong kadahilanan bakit isinasagawa ang mga pista. Unang una na riyan ay ang relihiyon, bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap. Pangalawang dahilan na bakas pa sa mga pista bilang tradisyon ay ang pagpapakita ng mahusay na Kultura, sumasalamin ito sa ating kultura. Halimbawa na lamang nito ay ang mga pistang patungkol sa mga maskara, higante at iba pa. Panghuli ay ang Kasaysayan, dahil inaalala kung papaano naitayo ang isang lungsod o maaaring paano nakalaya ang isang lungsod sa isang masalimuot na nakaraan. Bilang isang Pilipino ang ating mga kapistahan ay isang dugo na tumatakbo sa ating mga ugat. Ito ang nagbibigay buhay sa ating kultura. Sa ganitong paraan rin ay naipapamalas ang talento na mayroon ang mga Pilipino. Kaakibat nito ay siya ring hindi paglimot sa ating mga ugat at ninuno. Ang konsepto ng ugnayang wika at kultura gamit ang lente pista at tradisyon ay hindi na bago para sa mga Pilipino dahil malinaw na ang wika, kultura, at lipunan ay mayroong malinaw na ugnayan sa isa’t isa. Hindi maaaring paghiwalayin sapagkat hindi magkakaroon ng koneksyon at pagkakaisa ang lipunan kung wala ang presensya ng isa rito. Gaya ng wika, ang mga pista rin ay bahagi ng kulturang tinatangkilik ng isang lipunan. Isa ito sa paraan upang magkaroon ng identidad ang isang indibiwal. Isa sa mahalagang kaugnayan nito sa wika, kultura, at lipunan ay ang kakayahan nitong kilalanin ang pinagmulan ng isang bagay o paniniwala. Isang magandang halimbawa ay ang mga pistang umiiral sa kabisayaan. Ilan sa mga pistang kilala mula rito ay ang mga pistang may kinalaman sa relihiyon o mga pista na tumatalakay sa pananampalataya ng mga tao rito. Maaalalang unang lumapag ang mga kastila sa kabisayaan kung saan sila ang may bitbit ng mga paniniwalang ito sa bansa. Sa ganitong paraan ay mas nagiging malinaw ang pinagmulan ng isang lugar o tao, mas nagiging matibay ang pundasyon ng kanilang kultura. Sa huli, ang pagtingin o pagtalakay sa pista ay mas magiging malalim kung ito ay ilalapit sa wika, kultura, at lipunan. PAGPAPANATILI SA PISTA BILANG TRADISYON SA KASALUKUYAN PISTA: UGNAYANG WIKA AT KULTURA MONOGRAPPISTA MONOGRAPPISTA
Dahil ang pista ay parte ng kultura ng isang lipunan na may wikang sinasalita. Isa itong paraan mapatibay ang kanilang identidad na bumubuo ng koneksyon sa kanilang pinagmulan at pagkakakilanlan. Hitik at nag-uumapaw ang mga pistang taglay ng tradisyong Pilipino. Mula Batanes hangang Jolo sumisilay ang kulay, rikit, at kamangha-manghang mga pagdiriwang para sa mga pinag-ugatang dahilan ng mga ito. Mula sa mga nakalap na pista, kapansin-pansin ang halos pagkakatulad ng pinag-ugatan ng mga selebrasyong ito; pananampalataya. Kadalasan din na hindi lang isang araw pinagdiriwang ang isang pista bagkus umaabot ito ng ilang araw o maging linggo. Tampok palagi sa mga pagdiriwang ang putaheng Pinoy na maramihan ang pagluluto na ibinabahagi sa mga kapit-bahay o kakilala. Likas din ang pagtutulungan sa pag-aayos ng mga dekorasyon at iba pang mga kagamitan sa pagdiriwang ng pista. Sa pamamagitan ng mga ito, lumilitaw ang kaugalian ng mga Pilipino na pagbabahagi ng mayroon, pagtutulungan at pag-aalay ng mga mapagkukunan, oras, at pagppunyagi para sa ikagaganda at ikaaayos ng bawat pagdiriwang. Maituturing na ang mga pista ng mga Pilipino ay nakaugat sa paniniwala na ang mga biyaya o pagpapala ay nagmumula sa isang banal na nilalang na nagkakaloob nito. Isang indikasyon na malapit ang puso ng mga Pilipino sa mga bagay, tao, o espiritwal na entidad na tumutulong o nagbibigay ng isang biyaya. Dagdag pa rito, kakikintalan din na ang paniniwala sa mga ganitong uri, mga santo at santa, ay nagmula sa panahon ng Kastila kung saan relihiyon ang pinairal upang walang kamalay-malay na bihagin ang mga Pilipinong likas ang pagsamba sa lumikha. Bagamat naging karumal-dumal ang buhay ng mga Pilipino sa loob ng napakahabang panahon ng pananakop naroon pa rin ang pananatili at pagyakap sa mga pinaniniwalaang diyos. Ito ay tanda na ang Pilipino, bagamat nakaranas ng matinding paghihirap, ay parating nakukuhang gawing makulay, makabuluhan, at puno ng sigla ang isang bagay. Para sa mga guro at mag-aaral, mainam na hindi lamang nakatuon ang pananaliksik sa mga kilala at tanyag na mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kung maaari, halughugin at suriin mabuti ang mga selebrasyon mayroon ang mga lokal na bayan. Gayundin, bigyang pansin din ang mga umuusbong at maaring umusbong pa na pagdiriwang mula ngayon at sa hinaharap. MONOGRAPPISTA MONOGRAPPISTA
Admin (2022). Magayon Festival, Pagdiriwang ng Kagandahan. Pilipino Mirror. https://pilipinomirror.com/magayon-festival-pagdiriwang-ng-kagandahan/ Caparas, K. (2012). Kesong Puti Festival: White Cheese Everywhere!. Vigattin Tourism. https://www.vigattintourism.com/tourism/articles/KesongPuti-Festival-White-Cheese-Everywhere Dy-Zulueta, D. (2023, April 6). Story of faith: Marinduque’s Moriones Festival takes place this Holy Week. Philstar.com. https://www.philstar.com/lifestyle/travel-andtourism/2023/04/06/2257107/story-faith-marinduques-moriones-festival-takesplace-holyweek#:~:text=A%20traditional%20festival%20that%20takes,was%20blind%2 0on%20one%20eye Hicaps. (2023). Magayon Festival: Unveiling the Beauty of Albay. HICAPS Marketing Corporation. https://hicaps.com.ph/magayon-festival/ Mach, R. (20130. Talabukon Festival - How a Giant Saved the Town [Photos]. Pinoy Wandering Boy. http://pinoywanderingboy.blogspot.com/2013/03/talabukon-festival-howgiant-saved-town.html Marcial, E. B. (2017). Home of the Higantes Festival – Angono, Rizal – ANGONO | The Art Capital of the Philippines. https://angono.gov.ph/home-higantes-festival-angono-rizal/ Moriones Festival (n.d). FESTIVALSCAPE. https://www.festivalscape.com/philippines/marinduque/moriones-festival/ Quieta, R. (2021, November 9). The origin of Higantes Festival. GMA News. https://www.gmanetwork.com/lifestyle/news/82433/the-origin-of-higantesfestival/story Rahagun Festival Celebrates Strength in Unity. (n.d). Travel to the Philippines. https://www.traveltothephilippines.info/2017/06/29/rahugan-festivalcelebrates-strength-in-unity/ Philpott, V. (2023, July 16). The Importance of Festivals for Society & Our Unique Cultures. VickyFlipFlopTravels. https://vickyflipfloptravels.com/importance-offestivals/ Talabukon Festival Tells the Story of an Old Religious War. (n.d.). Travel to the Philippines. http://www.traveltothephilippines.info/2020/01/11/talabukon-festival/ Villanueva, V. M. (2015). Pagsubo bilang Panata: Pagbabalik, Pagtatagpo at Pagdiriwang sa PookPangkalinangan ng Pateros. HASAAN, 1(1), 108. SANGGUNIAN