Health Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Katangian at Kasanayan ng Isang Mamimili 3
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Fe O. Batao Editor: Noel O. Sarmiento Tagasuri: Marivic Arro, Alejandre S. Fernandez Jr., Myleen C. Robinos Tagaguhit: Isagani M. Cagaanan Tagalapat: Angelica M. Mendoza Tagapamahala: Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra, EdD Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo, PhD Ma. Cielo D. Estrada Fortunato B. Sagayno Jeselyn B. dela Cuesta Elsie E. Gagabe Health – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Katangian at Kasanayan ng Isang Mamimili Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected]
3 Health Ikatlong Markahan – Modyul 3: Mga Katangian at Kasanayan ng Isang Mamimili
ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating magaaral kahit wala sila sa paaralan.
1 Alamin Ang modyul na ito ay makakatulong para malaman ang mga katangian at kasanayan ng isang mahusay at matalinong mamimili. Dito mo matutunan ang mga katangian ng isang mamimili at maipakita ang kasanayan nito. Mahalaga sa isang mamimili ang pagpili ng mga produktong bibilhin at malaman ang serbisyong pangkalusugan. Ang aralin ng modyul na ito ay maipapakita ang kahalagahan ng mga katangian sa pamimili ng produkto at maipakita ang kasanayan nito sa pamilihan. Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin: Aralin 1 – Ilarawan ang mga Katangian ng Matalinong Mamimili Aralin 2 – Ipakita ang mga Kasanayan ng Isang Mamimili Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan a. naipapakita ang katangian at kasanayan ng isang mamimili (H3CH-IIIde-5); b. naibabahagi ang katangian at kasanayan sa pamimili ng produkto (H3CH-IIIde-6); at c. nasasagot ang mga tanong tungkol sa katangian at kasanayan ng isang mamimili.
2 Subukin Isulat sa patlang ang Tama kung ito ay nagpapakita ng isang matalinong mamimili at Mali naman kung hindi ____________ 1. Si Aling Minda ay mapanuri sa mga biniling produkto sa pamilihan. ____________ 2. Nadaya si Mia sa binili niyang bigas sa palengke. ____________ 3. Gumastos ng mga bagay si Susan na hindi na naman kailangan. ____________ 4. Namili si Sharon ng damit sa isang shopping mall tiningnan niya muna ang kalidad at halaga nito. ____________ 5. Tinitiyak ni Alma ang pinamili niya manok sa palengeke ay sariwa at mababa ang presyo nito.
3 Mga Tala para sa Guro Sa panibagong aral na matutunan mo ngayon ay inaasahan na babasahin ang mga aralin nang maayos at may pag-unawa at gagawin ng tapat ang lahat ng pagsasanay na nakalaan sa bawat pahina ng modyul na ito. Mayroong pagsasanay na sasagutin, kung sakaling hindi maintindihan ang ibang panuto maaari kang humingi ng gabay sa iyong magulang o di kaya sa guro. Aralin 1 Ang Katangian ng Isang Mamimili Sa aralin na ito nailalarawan ang kahalagahan ng mga katangian ng mga mamimili. Ang mga katangian ng isang mamimili ay napakahalaga upang malaman ang nararapat na bilhin at tangkilikin na mga produkto. Mahalaga ang mga katangian na ito upang makatitiyak sa halaga at kalidad ng mga bibilhing produkto.
4 Tuklasin Tingnan ang larawan. Ano kaya sa tingin mo ang ginagawa niya? Ganito ba ang ginagawa mo sa pamilihan? Bakit kaya niya ito ginagawa sa isang pamilihan? Masasagot ang mga katanungan na iyan sa susunod na bahagi. Suriin Ang isang mamimili ay nagtataglay ng isang katangian upang makasiguro sa kalidad ng bawat produktong bibilhin. Kailangan maging isang mapanuri sa presyo, timbang at pagkagawa ng mga produkto upang makapili ng mas mabuti. Mahalaga rin na may alternatibo sa bibilhing produkto upang panghalili at matugunan ang pangangailangan nito.
5 Ang isang mamimili ay hindi nagpapadaya sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. Maging makatuwiran at sumusunod sa badyet sa pamimili at inuuna ang mga bagay na mahalaga. Hindi magpapadala sa mga anunsyo ng mga produkto, tiyakin muna na ito ay totoo at nakakabuti sa ating kalusugan. Ang kailangan gawin ay sundin ang mga katangian ng isang mamimili para maiwasang mabiktima sa maling impormasyon, halaga at kalidad nito. Pagyamanin Basahin ang sumusunod na pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel. ______________ 1. Ang isang mamimili ay inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho. ______________ 2. Ang isang mamimili ay tinitingnan ang presyo at pagkagawa ng isang produkto. ______________ 3. Ang isang mamimili ay tinitiyak ang mga bagay ayon sa kanyang pangangailangan. Mapanuri Hindi Nagpapadaya Alternatibo Makatuwiran Maluho Sumusunod sa Badyet
6 ______________ 4. Ang isang mamimili ay marunong humanap ng pamalit o panghalili ng pangangailangan. ______________ 5. Ang isang mamimili ay laging alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. Isaisip 1. Ang isang mamimili ay may mga katangian na dapat sundin upang makasiguro sa kalidad ng mga produktong bibilhin. 2. Ang mga katangian ng isang mamimili ay ang mga sumusunod maging mapanuri, may alternatibo sa bibilhing produkto, hind ng papadaya, makatuwiran at sumusunod sa badyet. 3. Ang mahalaga ay isipin muna at tiyakin ang mga produktong bibilhin upang hindi mabiktima sa maling impormasyon ng halaga at kalidad ng isang produkto.
7 Isagawa Gawin ang pagsasanay sa sarili. Iguhit sa loob ng kahon ang mga bagay na mahalagang pangangailangan kung ikaw ay bibili sa pamilihan at kulayan ito. Tayahin Piliin ang angkop na sagot sa pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Ano ang tawag sa isang mamimili na inaalam ang kalidad at halaga ng mga bagay na bibilhin at tangkilikin? a. Mapanuring Kamalayan b. Emosyonal na Kamalayan c. Pangkalikasang Kamalayan d. Pangkapaligirang Kamalayan
8 2. Alin sa mga ito ang dapat gawin para sa matalinong paggastos ng pera? a. Pagbili ng mamahaling bag b. Pagkuha ng puhunan na hindi sa iyo c. Sumusunod sa badyet d. Pagtangkilik sa mga bagay na hindi mahalaga 3. Si Nanay Thelma ay mamalengke at mayroon siyang Php 1,500.00 na pamalengke sa bawat bili niya ng produkto tinitingnan niya ang timbangan at pagkagawa ng produktong binili niya. Bakit niya ito ginagawa? a. para makamura sa mga halaga na bibilhing produkto b. para makahingi ng diskwento sa biniling produkto c. dahil sa hindi sariwa ang produkto d. para hindi madaya sa halaga at kalidad nito. 4. Sino sa mga ito ang matalinong mamimili? a. Si Maria ay bumili ng mga bagay na hindi naman niya kailangan. b. Si Therese ay walang pakialam sa presyo / halaga ng mga laruang binili niya. c. Si Berto ay bumibili ng sapatos na hindi tinitingnan ang kalidad nito. d. Si Aquil ay nagtatanong ng presyo ng t-shirt bago niya ito bilhin. 5. Si Aling Tinay ay nasa panaderya tinitingnan nito ang petsa kung hanggang kalian ligtas kainin ang tinapay. Bakit niya ito ginagawa? a. dahil kailangan niya ng maraming tinapay. b. gusto niya ng murang tinapay c. dahil gusto niya maging ligtas kainin ang tinapay na binili. d. dahil masarap ang tinapay na binili niya
9 Karagdagang Gawain Basahin at sagutin ang bawat katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Bilang isang mag-aaral, paano mo malalaman na ang biniling produkto ay maganda at matibay ito? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ________________________________________________ 2. Anu-ano ang dapat mong gawin kung ikaw ay bibili ng produkto sa isang pamilihan? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ________________________________________________
10 Gumuhit ng hugis tatsulok kung ito ay nagpapakita ng kasanayan ng isang mamimili, at hugis bilog naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. 2. 3. 4. 5. Subukin
11 Aralin 2 Ang Kasanayan ng Isang Mamimili Sa aralin na ito malalaman mo ang kasanayan ng isang mamimili upang makaplano at makabadyet sa mga bibilhing produkto. Mahalaga sa isang mamimili na may listahan sa mga bibilhin at tinitingnan ang mga petsa sa pagkagawa nito. Ang kailangang gawin ay nakabadyet ang pera para mabili ang mga mahalagang pangangailangan sa araw-araw. Balikan Balikan natin muli ang aral na natutuhan mo sa nakaraang modyul. Isulat sa sagutang papel ang sagot upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto sa naunang leksiyon. Iguhit ang bituin sa patlang kung ito ay nagpapakita ng mabuting katangian ng isang mamimili, at buwan naman kung hindi. _________ 1. Maluho _________ 2. Hindi nagpapadaya _________ 3. Mapanuri _________ 4. Maramot _________ 5. Sumusunod sa badyet
12 Tuklasin Basahin ang maikling kuwento. Isang araw umalis si Aling Nora upang bumili sa tindahan, bago siya umalis inilista niya lahat ang kanyang bibilhin na produkto. Noong nasa tindahan na siya tiningnan niya ito isa-isa ang impormasyon, halaga at kalidad ng mga pinamiling produkto bago niya ito binayaran. Masayang umuwi sa bahay si Aling Nora dahil nabili niya lahat ang mga mahalagang pangangailangan sa kanilang pang araw-araw at sabay sabay silang kumain ng hapunan. Ano sa tingin mo tama ba ang ginawa ni Aling Nora sa isang pamilihan? Bakit isa-isa niyang tiningnan ang mga produkto bago niya ito binili? Ganito rin ba ang ginagawa mo kung ikaw ay nasa pamilihan? Malalaman natin ang kasagutan na iyan sa susunod na bahagi.
13 Suriin Ang isang mamimili ay dapat nakaplano ang mga bibilhin sa tindahan. Isinusulat sa papel ang lahat na kailangang bilhin upang makasiguro na tama at walang nakalimutan sa bibilhing produkto. Mahalagang nakabadyet ang pera sa pagbili ng mga mahalagang bagay. Inuuna ang mga bagay na importante sa pangaraw-araw na pangangailangan. Sa pagbili ng mga produkto ay tinitingnan ang kalidad, halaga at impormasyon kung ito ba ay nararapat gamitin o hindi. Ang isang mamimili ay matipid sa paggastos ng pera at tiyakin na ang biniling produkto ay mahalaga para hindi ito masayang at magagamit pa ito sa susunod na mga araw. Sa kwentong nabasa ay nagpapakita ng mahusay na kasanayan ng isang mamimili. Pinapakita ni Aling Nora ang mga dapat gawin bago bumili sa isang pamilihan at sinisiguro niya na ang kanyang pinamiling produkto ay nakakabuti sa kanilang kalusugan. Ang mahalaga ay planohin, ang mga bagay na bibilhin para maiwasang maloko sa presyo, kalidad at magkamali sa biniling produkto. 12
14 Pagyamanin Punan ang patlang upang mabuo ang salita tungkol sa kasanayan ng isang mamimili. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Ang mahalaga ay______________ang mga bagay na bibilhin para maiwasang maloko sa presyo, kalidad at magkamali sa biniling produkto. 2. Mahalagang naka_______________ang pera sa pagbili ng mga mahalagang bagay. 3.Sa pagbili ng produkto ay may_____________________upang malaman ang tamang bibilhin. 4.Ang______________mamimili ay sinisiguro ang kalidad ng biniling produkto. 5. Ang isang mamimili ay________________ sa paggastos ng pera at tiyakin na ang biniling produkto ay mahalaga para hindi ito masayang at magagamit pa ito sa susunod na mga araw. Isaisip 1. Ang isang mamimili ay dapat nakaplano sa mga bibilhing produkto. 2. Kailangan nakalista ang mga bibilhin para hindi makalimutan ang mga dapat bilhin sa pamilihan. 3. Mahalagang nakabadyet ang pera para mabili ang mahalagang pangangailangan sa pangaraw-araw. 4. Ang isang mamimili ay maging matalino sa pagpili ng mga produkto na bibilhin upang hindi maloko sa presyo, kalidad ng produktong bibilhin.
15 Isagawa Gawin ang pagsasanay sa sarili. Lagyan ng tsek (/) ang kolum na sumasang-ayon sa iyong sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawain Madalas Paminsanminsan Hindi Ginagawa 1. Nakabadyet ang pera para sa bibilhing produkto 2. Tinatanong ang halaga at kalidad ng produktong bibilhin 3. Bumibili ng mamahaling gamit 4. lnilista ang mga bibilhing produkto 5. Sinusuri ang petsa ng pagkagawa ng produktong bibilhin 14
16 Tayahin Itiman ang bilog ng mga pangungusap na nagpapakita ng mabuting kasanayan ng isang mamimili, at lagyan naman ng ekis (x) ang hindi nagpapakita ng mabuting kasanayan. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Nilista ni Mang Ramon ang masustansiyang pagkain na bibilhin niya sa pamilihan. 2. Hindi tiningnan ni Anton na hindi sariwa ang binili niyang prutas sa palengke. 3. Inireklamo ni Aling Corazon ang maling timbangan ng isda ni Mang Jose. 4. Binilang ni Martha ang sinukli ng tindera bago ito umalis sa tindahan. 5. Bumili ng mamahaling damit si Althea kaysa mura at maganda ang kalidad nito.
17 Karagdagang Gawain Basahin ang sitwasyon at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Si Gng. Marimon ay isang matalinong mamimili. Lagi niyang pinaplano ang kanyang bibilhin o pagkakagastusan. Nais niyang ibili ng cellphone ang kanyang anak. Nagtanong muna siya sa tindera ng cellphone at ikinumpara niya muna ang halaga at kalidad bago niya ito binili. 1. Ano ang ginawa ni Gng. Marimon bago siya bumili ng cellphone? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Matalino ba siyang mamimili? Bakit? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________
18 Susi sa Pagwawasto Aralin 1 Aralin 2 Subukin Tama 1. Mali 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Pagyamanin Makatuwiran 1. Mapanuri 2. Sumusunod sa badyet 3. Alternatibo 4. Hindi nagpapadaya 5. Tayahin A 1. C 2. D 3. D 4. C 5. Karagdagang Gawain Iwawasto ng guro at ang 1. sagot ay naka depende - sa interest ng isang mag aaral. Karagdagang Gawain Iwawasto ng guro at 2. ang sagot ay naka depende sa interest aaral. - ng isang mag Subukin 1. 2. 3. 4. 5. Pagyamanin hin Plano 1. Badyet 2. Listahan 3. Matalino 4. Matipid 5. Tayahin 1. 2. 3. 4. 5. Karagdagang Gawain 1.Iwawasto ng guro at ang sagot ay naka depende sa aaral. - interes ng isang mag Balikan 1. 2. 3. 4. 5. Karagdagang Gawain Iwawasto ng guro at ang 2. sagot ay naka depende - ng isang mag sa interes aaral.
19 Sanggunian Cristo-Rizalde, et. Al, (2017). Music, Art, Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Quezon, Philippines: Book Media Press, Inc.
20 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]