1 Health Ikatlong Markahan – Modyul 4: Malinis na Hangin, Ating Panatilihin
Health – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 4: Malinis na Hangin, Ating Panatilihin Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region II Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500 Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728 E-mail Address: [email protected] Development Team of the Module Manunulat: Sheila C. Salengua Editor: Dennis Agbayani, Preciosa G. Rivera Tagasuri: Evangeline D. Castillo, Myrna H. Agudo, Oswaldo A. Valiente Tagaguhit: Donald C. Batin, Kym Clyde H. Moro Tagalapat: Oswaldo A. Valiente Management Team: Benjamin D. Paragas, Jessie L. Amin Octavio V. Cabasag Rizalino G. Caronan Roderick B. Guinucay Eduardo C. Escorpiso Jr. Georgann G. Cariaso Marcial Y. Noguera Evangeline D. Castillo Natalia N. Nicolas
1 Health Ikatlong Markahan – Modyul 4: Malinis na Hangin, Ating Panatilihin
1 Alamin Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo. Ito ay magsisilbing gabay upang matutunan mo ang mga paraan ng pagpapanatili ng malinis na panloob na hangin upang makaiwas sa iba’t - ibang uri ng mga sakit na dulot ng maduming hangin. Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito ng mga mag-aaral, inaasahang: 1. naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na panloob na hangin at 2. natutukoy ang mga paraan ngpagpapanatili ng malinis ng panloob ng hangin.(H1FH-IIIfg-7)
2 Subukin Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat sa sagutang papel. 1. Masipag na bata si Pilo. Araw – araw ay tumutulong siya sa paglilinis ng kanilang bahay upang makalanghap sila ng sariwang hangin Alin sa mga sumusunod ang kaniyang ginagawa? a. Pinapasok sa loob ang mga alagang aso b. Nagwawalis at inilalabas ang mga basura. c. Sinasara ang mga bintana at pintuan. 2. Laging sarado ang mga bintana at pintuan ng inyong kapitbahay. Ano kaya ang maaring dulot nito? a. Magiging mabango ang loob ng bahay. b. Mangangamoy ang loob ng bahay. c. Magiging maaliwalas ang pakiramdam ng nakatira. 3. Bumisita ka sa iyong kaibigan.Nakita mo na napakalinis ng kanilang bahay.Ano ang maaring dulot nito sa iyong kaibigan? a. Magiging sakitin si Nene. b. Babahoang loob ng kanilang bahay. c. Magiging maaliwalas ang kanilang pakiramdam. 4. Laging naninigarilyo sa loob ng bahay ang iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin? a. pagalitan b. pagsabihan c. sigawan 5. Ang polusyon sa panloob na hangin ay maaring magdulot ng ____________? a. sakit b. kasiyahan c. Sariwang hangin
3 Aralin 4 Malinis na Hangin, Ating Panatilihin Balikan Ang polusyon ay pagiging marumi ng kapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang polusyon sa hangin. Kailan nangyayari ang polusyon sa hangin? Ano- ano ang sanhi ng pagkakaroon ng Polusyon sa Panloob na Hangin? Mainam na makilala ng mga mag-aaral ang mga bagay- bagay na maaring magdulot ng Polusyon sa Panloob na Hangin upang makaiwas sa sakit na dala nito. Tuklasin Sakit na Dulot ng Maruming Paligid Si Cora ay mahilig magkalat.Tapon dito,tapon doon. Hindi niya iniisip na masama sa kalusugan ang kaniyang ginagawa.
4 Araw – araw ay pinagsabihan siya ng kaniyang ina na linisin ang kaniyang kuwarto dahil napakabaho ng nalalanghap na hangin at maalikabok na din ang sahig.Ngunit sa sobrang katamaran ay hindi niya ito sinusunod. Isang umaga,biglang sumama ang pakiramdam ni Cora. Dali – dali siyang dinala sa ospital ng kaniyang ina. Dahil sumumpong ang kaniyang hika dulot ng maruming hangin at maalikabok nyang kwarto. Dahil sa kanyang pagkakasakit, napagtanto ni Cora na mali ang kaniyang ginawa kaya sinabi niya sa sarili na lagi na siyang maglilinis ng kanyang kuwarto at ng kanilang buong bahay. Suriin Ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng malinis na panloob na hangin ay makatutulong ng malaki upang manatiling malusog ang ating pangangatawan. Naiiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang sakit tulad ng asthma na maaring makuha sa alikabok, mga kemikal na naamoy, mabaho at maruming tahanan kung mapananatili ang malinis na nilalanghap na hanging panloob.
5 Ang malinis na panloob na hangin ay nagdudulot ng maaliwalas na pakiramdam at nagpapagaan ang ating isipan. Iba’t- ibang paraan ng pagpapanatiling malinis ng hangin sa loob ng bahay, paaralan o opisina. ✓ Buksan ang mga bintana upang lumabas ang mabahong hangin na nakulong sa loob ng bahay. ✓ Huwag manigarilyo sa loob ng bahay. ✓ Iwasang ipasok sa loob ang mga sapatos o tsinelas dahil maaring may nakakapit na dumi sa mga ito. ✓ Huwag iwan sa loob ng bahay, paaralan o opisina ang mga basura.Itapon ito sa tamang tapunan. ✓ Panatilihing malinis ang loob ng bahay upang makalanghap ng sariwang hangin. Pagyamanin Panuto: Tingnan ang larawan. Sa iyong tingin, kaaya-aya ba ang amoy na iyong malalanghap kung ikaw ay nasa loob ng kuwartong ito?
6 Lagyan ng tsek(✓ ) ang kahon kung ang larawan ay nagpapakita ng pagpapanatili ng malinis na panloob na hangin at ekis(x) kung hindi. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Nakatambak sa silid ang mga basura. 2. Nananatiling sarado ang bintana. 3. Maayos na nakalagay sa shelves ang mga aklat. 4. Nakakalat ang mga damit kahit saan 5. Pabayaan na magliparan ang mga langaw sa kuwarto. Panuto: Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagpapanatili ng malinis na panloob na hangin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel A C D B
7 Isaisip Panuto: Ito ang mga sikreto ni Maria upang mapanatili niyang malinis ang loob ng kanilang bahay. Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha ( ) kung tama ang kaniyang ginagawa at malungkot na mukha ( ) kung hindi. _______1. Madalas maglinis sa loob ng bahay. _______2. Pinapayuhan huwag manigarilyo sa loob ng bahay ang mga miyembro ng kanilang pamilya. _______3. Ipinapasok sa loob ng bahay ang kaniyang tsinelas kahit may nakadikit na dumi. _______4. Tinatapon sa tamang basurahan ang mga dumi. _______5. Binubuksan ang mga bintana ng kanilang bahay upang lumabas ang hangin na nakulong sa loob ng bahay at makapasok ang sariwang hangin. E F
8 Isagawa Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang maging kaaya – aya ang inyong bahay? a.Ipasok sa loob ang mga tsinelas. b.Hugasan ang mga pinggan na nakatambak sa lababo. c. Ipasok sa loob ng bahay ang alagang aso. 2. Nakatambak ang pinagkainan sa loob ng kuwarto ni Ana. Ano ang dapat niyang gawin upang makalanghap siya ng malinis na hangin sa loob ng kaniyang kuwarto? a.Ilabas ang mga ito at itapon sa tamang basurahan. b. Walisan at itago ito sa sulok. c. Takpan ang mga ito upang hindi makita ang mga pinagkainan. 3. Nakita mong maraming hugasin sa inyong lababo. Ano ang dapat mong gawin? a.Hugasan agad ang mga ito upang hindi ito mangamoy. b.Hintayin ang mga magulang upang sila ang maghugas. c. Hintayin na mangamoy ang mga ito bago hugasan.
9 4. Madalas nagkakalat ang iyong bunsong kapatid. Ano ang dapat mong gawin upang maging kaayaaya ang inyong tahanan at maiwasan ang pagkakasakit? a. Paluin ang kapatid upang hindi ito magkalat. b.Huwag pansinin ang kaniyang madalas na pagkakalat. c. Turuan ang kapatid kung paano panatilihing malinis ang bahay. 5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malinis na hangin sa loob ng bahay, paaralan o opisina? a.Upang makaiwas tayo sa iba’t ibang uri ng mga sakit na dulot ng maduming hangin. b.Upang makalanghap tayo ng sariwang hangin at maging magaan at maaliwalas ang ating pakiramdam c. Lahat ng nabanggit.
10 Tayahin Panuto: Piliin ang titik na nagpapakita ng paraan ng pagpapanatili ng malinis na panloob na hangin. E A B C D
11 Karagdagang Gawain Panuto: Maglista ng limang(5) kinaugalian ninyong gawain sa loob ng inyong tahanan upang mapanatili ang malinis na hangin.
12 Susi sa Pagwawasto Subukin b 1. b 2. c 3. b 4. a 5. Pagyamanin 1 x 1. x 2. ✓ 3. x 4. 2 Pagyamanin B E F Isagawa b 1. a 2. 3. a c 4. c 5. Tayahin B C E Karagdagang Gawain iba ang - Iba maaring sagot Isaisip masaya 1. masaya 2. malungkot 3. masaya 4. masaya 5.
13 Sanggunian K to 12 Health Curriculum Guide, May 2016 Science for Daily Use 2 pp. 176 - 177 LRMDS Portal for Images
For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]