CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Mother Tongue Ikatlong Markahan – Modyul 3 Pagpapahayag ng Simpleng Karanasan at Pagbibigay ng Gamit ng Pandiwa 2
Mother Tongue – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 3 Pagpapahayag ng Simpleng Karanasan at Pagbibigay ng Gamit ng Pandiwa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Telefax: (045) 598-8580 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ghia C. Ureta Editor: Essel E. Reyes, Emelita G. Paguio Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay, Mila D. Calma Tagaguhit: Mary Grace G. Jandoc Tagalapat: Honey Bert G. Dayanan Tagapamahala: Nicolas T. Capulong Librada M. Rubio Ma. Editha R. Caparas Nestor P. Nuesca Milagros M. Peñaflor Edgar E. Garcia Romeo M. Layug
2 Mother Tongue Ikatlong Markahan – Modyul 3 Pagpapahayag ng Simpleng Karanasan at Pagbibigay ng Gamit ng Pandiwa
Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating magaaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang batayang kasanayan sa paggamit ng mga salitang-kilos o pandiwa sa pagpapahayag ng iyong mga karanasan. Ituturo din sa iyo ang paggamit ng hudyat na mga salita sa pagbuo ng pangungusap. Narito ang mga inaasahan na iyong maipamalas pagkatapos ng aralin na ito: 1. nakapagpapahayag ng sariling karanasan gamit ang pandiwa (MT2GA-IIId-i1.4.1); 2. nakagagamit ng mga salitang kilos sa pagbibigay ng 3-5 simpleng panuto o hakbang; 3. nakapagbibigay ng 3-5 simpleng panuto o hakbang gamit ang mga hudyat na salita; at 4. naipakikita ang pagmamahal sa pamilya at mga turo ng magulang sa pangangalaga sa sarili.
2 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Subukin Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ayusin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng letra sa sagutang papel na aakma sa pagkakasunod-sunod ng mga larawan. Mga Tagubilin Ni Ina A.Pangatlo, kumain ng masustansyang pagkain. upang maging malusog at matalas ang isipan. B. Panlima, magmano kay nanay at tatay bago umalis ng bahay. C.Una, maligo upang katawan ay luminis at maging mabango. D.Pang-apat, magsepilyo upang ngipin ay luminis. E. Pangalawa, magbihis ng malinis na uniporme. 1. 2. 3. 4. 5.
3 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Aralin 1 Masayang Karanasan Ang kaalaman mo sa pandiwa sa modyul 2 ay palalawakin pa natin sa araling ito. Ang iyong mga natutuhan tungkol sa pandiwa ay tutulong sa iyo sa paglalahad mo ng iyong karanasan. Ito ay hakbang upang mapagyaman ang iyong kaalaman sa gramatika. Balikan Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang aspekto ng salitang-kilos ayon sa larawang ipinakita. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon sa ibaba at isulat sa sagutang papel. 1. Si Ana ay kanina sa bahay. 2. Si Ana ay ngayon sa plasa. 3. Si Ana ay mamayang gabi sa patimpalak. kumakanta kumanta kakanta
4 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Tuklasin Ano ang iyong napansin sa larawan? Sa iyong palagay, tungkol saan kaya ang larawan? Anong karanasan kaya ang nabuo ng bata sa larawan mula sa gawaing pinagkakaabalahan nila? Mga Tala para sa Guro Ang aralin sa pandiwa na tinalakay sa Modyul 2 ay magiging gabay ng mag-aaral upang makabuo ng mga pangungusap na layong magbigay panuto sa isang gawain. Ang mga pangungusap na mabubuo ng mag-aaral ay gagamitan ng mga hudyat na salita bilang tanda ng pagkakasunod-sunod ng gawain.
5 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Narito ang isang maikling salaysay tungkol sa batang si Pedro at ang kanyang tanim na kasoy. “Ang Kasoy” Ni: Ghia C. Ureta Buwan ng Mayo nang maisipan ni Pedrong maglibot sa bakuran. Nakakita siya nang buto ng kasoy, itinanim niya ito sa tabi ng bakod. Araw-araw niya itong dinidiligan at inaalagaan hanggang sa lumaki at naging puno. Limang taon ang nakalipas, ang butong itinanim ni Pedro ay lumago at nagbunga. Sa tuwa ng pamilya, sama-sama nilang pinitas ang mga bunga at inihain sa hapag-kainan. Masayang pinagsaluhan ng pamilya ang mga bunga ng kasoy. “Anak, ang mga buto ng kasoy ay maaring ibilad at isangag upang makain,” wika ni nanay. “Sige po nanay, bukas na bukas din ay ibibilad ko po ang mga buto ng kasoy na aking naipon,” sagot ni Pedro. Ibinilad ni Pedro ang mga buto ng kasoy. Pagkatuyo ng buto binuksan at isinangag ito ng kaniyang Nanay. Ihahain ito ni Pedro at magsalo-salo ang buong pamilya. Ibabahagi ng pamilya ang mga bunga at buto ng kasoy sa mga kapitbahay.
6 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang pamagat ng salaysay? a. Ang Puno b. Ang Buto c. Ang Tanim d. Ang Kasoy 2. Sino-sino ang mga tauhang nabanggit sa salaysay? a.sina Pedro, nanay, kuya, at Perla b.sina Pedro, nanay, tatay, ate, at kuya c.sina kuya, ate, at Ana d.sina Nida, Pedro, Ben, at Karla 3. Ano ang nakita ni Pedro sa bakuran? a.buto ng papaya b. buto ng kalabasa c. buto ng kasoy d. buto ng manga 4. Ano ang araw-araw na ginawa ni Pedro sa kaniyang tanim? a.dinidiligan at inaalagaan b. kinakausap at dinidiligan c.binubungkal at inaalagaan d.dinidiligan at nilalagyan ng pataba 5. Ano ang ginawa nila sa mga pinitas na bunga? a. ipinamigay sa mga kapitbahay b. inihain sa hapag kainan c.pinabulok sa tabing daan d.ipinakain sa mga alagang aso 6. Ano ang balak nilang gawin sa mga inani nilang buto ng kasoy? a. iihawin b. ibibilad at isasangag c. papakuluan d. ibebenta
7 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Suriin Ang pandiwa ay mga salitang nagpapahayag ng mga kilos o galaw. Ito ay mayroong tatlong aspekto, ang naganap, nagaganap, at magaganap. Ang pangnagdaan o naganap ay mga salitang kilos na ginawa na, tapos na o nakalipas na. Ang pangkasalukuyan o nagaganap ay tumutukoy sa mga kilos na ginagawa, nangyayari o ginaganap sa kasalukuyan. Ang panghinaharap o magaganapay mga salitang kilos na hindi pa nagaganap at gagawin pa lamang. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng pandiwa o salitang kilos na nagpapakita ng tatlong aspekto: naganap, nagaganap at magaganap. Salitang Ugat Naganap Nagaganap Magaganap dilig nagdilig nagdidilig magdidilig alaga inalagaan inaalagaan aalagaan salo nagsalo nagsasalo magsasalo bilad ibinilad ibinibilad Ibibilad bukas ibinukas ibinubukas Ibubukas Ang mga karanasan ay tumutukoy sa mga kaalaman na nakuha mula sa paggawa ng isang bagay o gawain. Ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa ay maaring gamitin sa paglalahad ng iyong karanasan. Ang karanasan ay maaring maipahayag sa salaysay, kuwento, o tula.
8 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Pagyamanin Gawain: Pagbabahagi ng Karanasan Sa panahon ng pandemya kung saan tayo ay nasa ating tahanan lamang, nagkaroon tayo ng iba’t ibang karanasan na nagpatibay ng relasyon sa pamilya. Panuto: Punan ang bawat patlang ng angkop na salita mula sa kahon. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Ang Aking Pamilya ni Ghia C. Ureta Ngayong pandemya magkakasama ang aming pamilya. Gumawa kami nina Ate at Kuya ng iba’t ibang gawain sa bahay. (1) si tatay ng maraming gulay. Tinulungan ko sya na alagaan ang mga ito. Masaya naming (2) ang mga gulay. May talong, okra, talbos, sitaw at iba pa. (3) iyon ni nanay at naging ulam namin sa tanghalian. Si ate at kuya naman ay (4) ng manok. (5) ko naman ang mga itlog. Kahit may pandemya pamilya ko’y malusog dahil sa mga tanim namin na gulay sa bakuran. niluto kinain nagtanim inani nag-alaga
9 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Isaisip 1. Ang mga pandiwa ay maaaring gamitin sa pagpapahayag ng sariling karanasan. 2. Sa pagpapahayag ng sariling karanasan, pandiwang naganap na ang dapat gamitin. 3. Ang pagmamahal sa pamilya ay higit na naipakikita sa pagbibigay halaga sa mga karanasan at kaugaliang nakasanayan na. Isagawa Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pandiwang naganap na upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel. Sabado na naman, araw ng gawaing bahay. Araw ni Ana upang tumulong kay Nanay. 1. Pagkagising sa umaga, ang higaan. (nag-ayos, nag-aayos, mag-aayos)
10 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 2. ng mga dahon sa bakuran. (Magwawalis, Nagwawalis, Nagwalis) 3. (hugas) ng pinagkainan. (Naghugas, Huhugasan, Naghuhugas) Magaling! Lubos mo nang nauunawaan ang iyong aralin.
11 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Tayahin Kapag natapos ang pandemya ang lahat ay magsasaya. Gagawin ang mga nakasanayan na gawain kasama ang pamilya. Panuto: Buuin ang tula sa pamamagitan ng pagsulat ng pandiwang naganap na sa patlang. Piliin ang angkop na salita mula sa kahon at isulat sa sagutang papel. Bago magpandemya Puso ko’y puno ng galak Sa bawat araw na namamasyal (1) sa parke (2) sa palaruan (3) sa restoran Kasama ang kaibigan at pamilya. kumain namasyal naglaro
12 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Karagdagang Gawain Panuto: Mula sa iyong natutuhan, sumulat ng isang linggong talaarawan tungkol sa iyong karanasan sa panahon ng pandemya. Maaari mong isulat sa papel ang iyong araw-araw na gawain habang ikaw ay nasa inyong bahay. Gamitin ang tala sa ibaba bilang gabay. Araw sa isang Linggo Mga Ginawa Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Binabati kita sa pagtatapos mo sa unang aralin!
13 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Aralin 2 Matuto sa Panuto Ang panuto ay isang epektibong paraan upang mailahad ang pagkasunod-sunod na gagawin. Ito ay kadalasang ginagamitan ng mga hudyat na salita gaya ng una, ikalawa, pangatlo. Ginagamitan ito ng salitang pandiwa sa pagbuo ng pangungusap. Balikan Panuto: Pansinin ang mga larawan at gawin itong gabay sa pagsulat ng pandiwang naganap na bubuo sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ako ay ng kamay bago kumain ng tanghalian. (naghugas, maghuhugas, naghuhugas) 2. ako ng masarap ng gulay at isda noong hapunan. (kumakain, kumain, kakain) 3. Bago matulog, ako ay upang magpasalamat sa Diyos sa paggabay nya sa amin. (nagdadasal, magdadasal, nagdasal)
14 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Tuklasin Mula sa larawan at hakbangin, alamin natin ang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay. Una, basain ang mga kamay at lagyan ito ng sabon. Pangalawa, sabunin ang palad at likod ng mga kamay. Pangatlo, kuskusin ang mga pagitan ng mga daliri, mga kuko at pagitan ng mga hinlalaki. Pang-apat, kuskusin nang paikot ang mga dulo ng mga daliri sa magkabilang palad. Panlima, banlawang mabuti ng malinis na tubig at patuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na bimpo. Gabay sa Paghuhugas ng Kamay
15 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Pangalawa Panlima Pangatlo Una Pang-apat Suriin Ang Panuto ang nagsisilbing gabay sa paglalahad ng pangungusap upang maipakita ang tamang pamamaraan. Ang mga salitang una, pangalawa, pangatlo, pangapat at panlima ay mga halimbawa ng hudyat na salita. Maaari ring gumamit ng mga salitang pagkatapos, kasunod, at huli bilang pamalit sa mga halimbawang nabanggit. Pagyamanin Panuto: Isulat sa sagutang papel ang nawawalang salitang hudyat sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon sa ibaba. 1. , maghubad ng damit bago maligo. 2. , magbuhos ng malinis na tubig upang mabasa ang katawan. 3. , magsabon ng buong katawan upang matanggal ang dumi. 4. , mag-shampoo ng buhok upang alikabok ay matanggal. 5. , magbanlaw nang mabuti upang maalis ang sabon sa katawan.
16 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Isaisip 1. Panuto ang nagsisilbing gabay sa paglalahad ng pangungusap upang maipakita ang tamang pamamaraan. 2. Ang mga salitang una, pangalawa, pangatlo, pangapat at panlima ay halimbawa ng salitang pananda. 3. Ang pangangalaga mo sa sarili ay magpapakita ng pagbibigay halaga mo sa aral na itinuturo ng iyong magulang.
17 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Isagawa Panuto: Pag-aralan ang mga larawan ng hakbang sa paghahanda sa pagpasok sa paaralan. Isulat ang nawawalang hudyat na salita at pandiwang nagdaan sa pangungusap sa sagutang papel. Halimbawa: Una , si Marta ay nagsulat . 1.____________, si Gino ay . (Pangatlo – nagsabon Una – naligo Pangalawa – nagbuhos Pang-apat – nagbanlaw)
18 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 2. _____________, si Gino ay ng uniporme. (Una – napalit Pangalawa – nagbihis Pangatlo – naghubad Pang-apat – nagsuot) 3._____________, si Gino ay ng almusal. (Pang-apat– naghimay Pangatlo – kumain Una – nagluto Pangalawa – nalagay) 4._____________, si Gino ay ng ngipin. (Pangatlo – naglagay Una – naglinis Pangalawa – nabanlaw Pang-apat – nagsipilyo)
19 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 5._____________, si Gino ay bilang tanda ng paggalang at pagpapaalam bago pumasok sa paaralan. (Pangatlo – paalam Panlima – nagmano Pangalawa – humalik Una – yumakap) Tayahin Panuto: Suriin ang mga larawan. Paghambingin ang hanay A at hanay B. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. Si Nanay ay galing sa trabaho. Ano-ano ang gagawin ni Nanay pag-uwi ng bahay? A B 1. a. Pangalawa, tanggalin ang ginamit na face mask at damit.
20 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 2. b. Pang-apat, magbihis ng malinis na damit. 3. c. Una, magtanggal ng sapatos at iwanan ito sa labas ng pinto. 4. d.Pangatlo, maligo gamit ang anti-bacterial soap.
21 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Karagdagang Gawain Panuto: Alamin ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain gamit ang mga salitang hudyat. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. kumain ng almusal a. Panlima 2. nag-ayos ng higaan b. Una 3. naligo at nagsipilyo c. Pangalawa 4. nag-aral ng mga aralin d. Pang-apat 5. gumising ng maaga e. Pangatlo Binabati kita sa pagtatapos ng ikalawang aralin!
22 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Susi sa Pagwawasto Aralin 1 Aralin 2 Tuklasin D 1. B 2. C 3. A 4. B 5. A 6. Balikan Kumanta 1. Kumakanta 2. kakanta 3. Subukin C 1. E 2. A 3. D 4. B 5. Pagyamanin nagtanim 1. inani 2. niluto 3. alaga - nag 4. kinain 5. Isagawa ayos - nag 1. nagwalis 2. naghugas 3. Tayahin naglakad 1. namasyal 2. kumain 3. Karagdagang gawain 1. e 2. c 3. d 4. a 5. b Pagyamanin Una 1. Pangalawa 2. Pangatlo 3. apat - Pang 4. Panlima 5. Balikan naghugas 1. kumain 2. nagdasal 3. Tayahin C 1. A 2. D 3. B 4. Isagawa naligo – Una 1. nagbihis – Pangalawa 2. kumain – Panagtlo 3. nagsipilyo – apat - Pang 4. nagmano - Panlima 5.
23 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 3 Sanggunian K to 12 Curriculum Guide Mother Tongue (Grade 1 To Grade 3). 2016. 1st ed. K to 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes. 2020. Deped Learning Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/search?filter=&search_par am=all&query=MELCS. Pado, PhD, Felicitas. 2016. Basa Pilipinas Gabay Sa Pagtuturo Ng Filipino Ikalawang Baitang. 2nd ed. Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City: Department of Education Bureau of Learning Resources. Rolle, Agnes, Grace Urbien-Salvatus, Babylen Arit-Soner, Nida Casao-Santos, and Rianne Pesigan-Tiňana. 2013. Mother Tongue-Based Multi-Lingual EducationIkalawang Baitan Kagamitan Ng Mag-Aaral: Ikalawang Bahagi. 1st ed. 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Pgilippines 1600: Department of education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). Urbien-Salvatus, Grace, Babylen Arit-Soner, Nida CasaoSantos, and Rianne Pesigan-Tiňana. 2013. Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education Ikalawang Baitang Patnubay Ng Guro Sa Tagalog. 1st ed. 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600: Department of EducationInstructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS).
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]