The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Mabubuting Asal by Georgina Annika Madriaga (1)

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by HUMSS 12A, 2021-11-14 04:41:30

Mabubuting Asal by Georgina Annika Madriaga (1)

Mabubuting Asal by Georgina Annika Madriaga (1)

Mabubuting Asal

Ipiniasa ni Georgina Annika S. Madriaga
Grade 4 - Hebrew

PAGMAMANO

Ang pagmamano ay isang mabuting asal na
dapat natin panatilihin.

Saanman tayo pumunta, dapat lang na
marunong tayong magmano sa mga

nakakatanda sa atin dahil nagpapakita ito
ng respeto sa kanila. Ito din ay kaugalian na

nagpapakita ng ating pagiging Pilipino



By Georgina AnnikaS. Madriaga

PAGGAMIT NG 'PO' AT OPO

Ang paggamit ng 'po' at 'opo' ay isa din sa
palatandaan na tayo ay pinalaking
marunong gumalang.

Ang paggamit nito kapag kinakausap tayo
ng kuya, ate, nanay, tatay, tita, tito at mga

nakakatanda sa atin ay pagpapakita na
tayo ay may respeto sa kanila bilang mas

bata.



By Georgina AnnikaS. Madriaga

Pagiging matulungin

Ito po kuya. Pagkain Maraming salamat po.
para

sayo at sa pamilya
mo.

Ang pagbibigay mo ng tulong gaya ng
pagbibigay ng pagkain sa kapwa mo ay

isang magandang asal dahil sa
pamamagitan nito, nakakatulong ka na

makakain sila at hindi magutom.
Ito ay isang paraan upang maipakita natin
na mahal natin sila dahil sila ay kapwa tao

natin.

By Georgina AnnikaS. Madriaga

PAGBATI KATULAD NG
"MAGANDANG ARAW"

Ang pagbati sa mga kasama natin sa
bahay o mga taong nakakasalubong
natin saanman ay isang magandang
asal. Naipapakita natin sa kanila na

hindi tayo 'snob' at marunong tayo
makipagkapwa tao.

Sa pamamagitan nito, nagkakaroon
tayo ng mga kaibigan.

By Georgina AnnikaS. Madriaga

PAGSASABI NG TOTOO

Ang pagsasabi ng totoo ay isang asal
na dapat panatilihin ng nating mga
Pilipino sa ngayon kahit nasaan man
tayo. Dahil ito ay isang basehan kung
tayo ba ay dapat pagkatiwalaan.
Kahit anuman ang mangyari, dapat

marunong tayong umamin mali man o
tama ang ginawa natin.

By Georgina AnnikaS. Madriaga


Click to View FlipBook Version