Portfolio sa Filipino Filipino 12 Gng. Glaiza Naniong
Tungkol saken Buod Abstrak Bionote Mga Nilalaman
Ako ay may aso na nangangalang Summer!! Mahilig akong sumabak sa mga kompetesyon. meron akong malakas na hilig sa pag bibisikleta Sobrang mahilig sa matcha! Hello, Ako si Vince! Ako ay isang marista na naghahangad na maging isang future Psychologist. Bilang isang estudyante ang gusto ko lang ay yumaman at magkaron ng masayang pamilya. About Me Facts 08 /20 /2005 Age, 18 Weight: 143 lbs Height: 5'8 Ft Zodiac sign: Leo
Si Ernesto Fortin ay kasalukuyang Vice President sa Armscor Global Defense Incorporated. Pero bago niya nakamit ang kanyang mataas na posisyon sa Armscor siya ay unang nang galing sa pinaka ilalim, Nagsimula siyang magtrabaho sa Armscor noong 2004 bilang janitor para sa kompanya. Sa mga sumunod na buwan siya ay nagapply bilang engineer para sa firearms dahil siya ay gumgraduate ng may degree sa engineering. noong siya ay nakuha bilang engineer siya ay nagsikap na akyating ang mga posisyon na pwede niya makamit hanggang umabot siya sa punto niya ngayon, ngayon naman siya lagi nang narerespeto sa Armscor dahil siya siya ay nagseseribisyo na sa Armscor ng 20 years at andami na niyang napagdaanan na pagsubok para lang sa puwesto niya ngayon. bionote
Sa bayang Malabon, ang dalagang Cirila, kilala bilang Ilang, at ang binatang si Carlos, o Lanubo, ay nagkaroon ng matamis na pagiibigan. Ngunit dumating ang isang Tsino na nagpakita ng pag-ibig kay Ilang habang wala si Lanubo. Nang malaman ito ni Lanubo, nagpasya siyang bumalik at harapin ang Tsino, ngunit sa pagdating niya ay natagpuan na lamang niya ang bangkay ni Ilang na inilibing na sa tabi ng isang puno. Sa sobrang lungkot at pagmamahal kay Ilang, si Lanubo ay namatay rin. Pagkaraan ng kanilang libing, ang puno sa kanilang libingan ay biglang nagbukas ng mga bulaklak na may mabangong amoy, na tinawag nilang Ilang-Ilang, bilang simbolo ng kanilang wagas at tapat na pagibig. Buod
Maraming hadlang ang marginalized LGBTQIA+ sa pagpapatibay ng kanilang SOGIE. Upang maramdaman na ang kanilang sarili na may bisa sa iba 't ibang larangan ng relasyon, sumasailalim sila sa proseso ng paglabas ng kanilang tunay na sarili. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang mga epekto ng nakikitang reaksyon ng magulang ng isang indibidwal sa kanilang proseso ng paglabas. Matapos makapanayam ang mga SHS na mag-aaral na miyembro ng LGBTQIA+, ang mga resulta ay nagtapos ng mga sumusunod: Ang paglabas ay panghabambuhay na proseso, hindi madali na desisyon ito, at ang reaksyon ng mga magulang ay lubos na nakakaapekto sa kanila. Abstrak