K Kindergarten
Ikalawang Markahan
Modyul 2 : Nagmamalasakit ang Bawat Miyembro sa
Aking Pamilya
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Pangalawang Markahan – Modyul 2: Nagmamalasakit ang Bawat Miyembro sa Aking Pamilya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang
Panlungsod, Lungsod Quezon
Manunulat: Ethellyn Karen V. David
Editor: Marimel Jane P. Andes, Rodolfo de Jesus, Edna L.Isorena at Nimia D. Centillo Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong
Tagasuri: Shiarell Loida M. Cruz Rehiyon
Tagaguhit: Jezliah I. Magdael at Ariane Jane B. Alaba
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, Tagapamanihala
Telepono: 3456-0343
Fredie V. Avendaño, Pangalawang Tagapamanihala
Ebenezer A. Beloy, OIC-Chief, CID [email protected]
Heidee F. Ferrer, Tagamasid Pansangay-LRMS
Marimel Jane P. Andes, Tagamasid Pampurok
K
Kindergarten
Modyul 2: Nagmamalasakit ang Bawat Miyembro sa
Aking Pamilya
Paunang Salita
Para sa Tagapagpadaloy: (Magulang/Guardian)
Ang araling ito ay naglalayong ituro at malaman ng bata ang iba’t ibang bagay tungkol sa sarili. Inaasahan ang inyong paggaba y sa
pagkatuto sa aralin sa pamamagitan ng pag-aalalay sa inyong anak sa paggawa ng iba’t ibang gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Bago magsimula ng pag-aaral, siguraduhing naihanda ang mga kakailanganing kagamitan para sa iba’t ibang gawaing nakapaloob dito.
Mayroon ding mga katanungang kailangang sagutin, hayaan natin sumagot ang bata mula sa kanilang pagkakaintindi at nalalaman.
Upang makasigurado sa pagkatuto ang inyong anak, gabayan siya mula sa simula hanggang sa matapos ang modyul at siguraduhing
nagawa ng bata ang bawat gawaing nakapaloob dito.
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga iba’t ibang gawain sa bawat aralin. Basahin ng mabuti ang panuto sa paraan na mauunawaan ng
bata at sundin ang mga pamamaraan na nakapaloob dito. Bigyan ng oras ang bata para tapusin ang mga gawain.
May mga sagutang papel na nakapaloob sa modyul na ito, doon magsusulat at sasagot ang mga bata. Gabayan ang bata sa pagsagot
dito.
Para sa Bata:
Siguraduhing nakikinig nang husto ang bata sa mga panuto na babasahin sa kanila. Hayaan ang bata na tapusin ang mga gawain sa
modyul na ito sa abot ng kanyang makakaya.
Alamin
Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga bata na nasa baitang ng kindergarten upang matulungan siya sa
mabisang pagkatuto. Sa pamamagitan nito, maaaring malinang ng modyul na ito ang kahusayan sa pang-unawa at pagsagot ng
iyong anak sa mga pagsasanay nang buong husay.
Ang mga pagsasanay na kinakailangan niyang gawin sa loob ng limang araw. Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga
gawaing ito, inaasahang maisasagawa niya ang mga sumusunod na kasanayan:
• natutukoy kung sino-sino ang bumubuo ng pamilya
• nasasabi kung paano ipinapakita ang pagmamalasakit sa isa’t-isa
Subukin
Panuto: Itanong ang mga sumusunod: (Paalala sa tagadaloy, ang konteksto ay depende sa sagot)
1. Sino-sino ang miyembro ng isang pamilya?
2. Sino ang bumubuo ng iyong pamilya?
3. Ilan kayo sa inyong pamilya?
4. Paano mo ipinapakita ang pagmamalasakit mo sa bawat miyembro ng iyong pamilya?
5. Paano ninyo ipinapakita ang pagmamalasakit ninyo sa bawat isa?
Aralin Ang Aking Pamilya
1
Tuklasin
Pamamaraan:
1. Basahin ang kwento sa bata “Ang Aking Pamilya” ni Ethellyn Karen V. David .
2. Bago basahin ang kwento ipaliwanag ang mga sumusunod na hindi pamilyar na salita:
almusal- agahan hal. Pandesal at itlog ang paborito kong kainin sa almusal.
video call- tawag sa video hal. Nakikita ko ang aking kausap sa video call.
sikap – tiyaga hal. Ako ay nagsisikap mag-aral para matuto.
tinuring- kinilala hal. Tinuring ko si Ana bilang isang kaibigan
malasakit – pag-aalala hal. Nagmamalasakit tayo sa mga taong mahal mo.
3. Itanong ang mga sumusunod:
Mahal mo ba ang iyong pamilya? (opo)
Paano mo ipinapakita ang iyong pagmamahal sa iyong pamilya?
4. Sabihin: Ngayon, halina at makinig sa kwentong babasahin ko na may pamagat na “Ang Aking Pamilya”.
Tuklasin natin kung ano - ano ang mga nagawa ng mga tauhan sa kwento.
5. Basahin ang kwento nang buong sigla.
ANG AKING PAMILYA
ni Ethellyn Karen V. David
Isang umaga, sa aking paggising. Naamoy ko na ang luto ni nanay para sa
aming almusal. Nakaramdam ako ng gutom at alam kong masarap na naman
ang luto ni nanay. Iniligpit ko muna ang aking higaan bago lumabas ng aking
silid. Nakita ko si kuya na nagwawalis ng mga tuyong dahon sa labas ng aming
bahay at si ate ang naghahanda ng aming gagamitin sa lamesa. Ilang sandali,
ay tumunog ang cellphone. Tumatawag si tatay. Kaming lahat ay naupo at
kinausap si tatay sa video call. Kami ay nagkamustahan at nagkwentuhan
tungkol sa mga nangyari sa amin. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagpaalam na
si tatay dahil kailangan na niyang pumunta sa kaniyang trabaho. Napakalungkot
na nasa malayo si tatay. Pero nagsisikap siya sa kaniyang trabaho para maibigay
niya ang aming pangangailangan. Darating din ang araw na kami ay muling
magkakasama. Kaya si nanay ang mag-isang nag-aalaga sa aming
magkakapatid lalo na kapag kami ay nagkakasakit. Tinutulungan ni kuya at ni
ate si nanay sa mga gawaing bahay para hindi siya mahirapan, at dahil ako ang
bunso sinasamahan nila ako sa aking paglalaro at pag-aaral. Kahit malayo si
tatay, pamilya parin ang itinuring namin sa kaniya. Mahal niya kami at mahal din
namin siya. Ganito kami magmalasakit sa bawat miyembro ng aming pamilya.
Suriin
Pamamaraan:
Basahin ang mSgua rtaiinnong sa bata ayon sa kwentong binasa. Gabayan ang bata sa pagsasagot ng mga tanong.
Mga tanong: Mga Sagot
1. Ano ang pamagat ng ating kwento? (Ang Aking Pamilya)
2. Sino-sino ang mga tauhan na nabanggit sa kwento? (tatay, nanay, kuya, ate at bunso)
3. Bakit kailangan umalis ni tatay? (para magtrabaho)
4. Ano ang ginawa ni nanay para sa kaniyang pamilya? (nag-aalaga, nagluluto ng pagkain)
5. Paano ipinapakita sa kwentong narinig ang pamamalasakit ng pamilya?
(nagtutulungan sa gawaing bahay, nagmamahalan)
6. Paano mo ipinapakita ang pagmamalasakit mo sa iyong pamilya?
( Hayaang magbigay ang bata ng sarili niyang sagot o opinion)
Pagyamanin
Gawain 1: ANG AKING PAMILYA
Pamamaraan:
Mga kagamitan
clay, gawaing papel, pangkulay at lapis
Pamamaraan
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Ipasulat sa bata ang kaniyang pangalan sa linya ng gawaing papel.
3. Kunin ang clay at ipamolde sa bata ang bawat miyembro ng
kaniyang pamilya.
4. Ilagay ito sa gawaing papel.
5. Sa ilalim ng bawat nagawang clay gabayan ang bata sa pagsulat
sinong miyembro ng kaniyang pamilya ito.
6. Hayaan lagyan ng bata ng disenyo ang gilid ng kanyang nagawa..
Gawain 2: HANAPIN MO KUNG SINO AKO
Pamamaraan:
1. Ipasulat ang buong pangalan ng bata sa linya ng gawaing papel.
2. Gabayan ang bata sa pagbabasa ng mga salita sa loob ng kahon at
ipahanap ang angkop na larawan ayon sa mga salitang binanggit
sa pamamagitan ng pagguhit ng linya sa loob ng maze.
3. Itanong: Sino itong miyembro ng pamilya?
Gawain 3: BILANGIN MO
Pamamaraan:
1. Ipasulat ang buong pangalan ng bata sa linya ng gawaing papel.
2. Ipabilang sa bata kung ilan ang miyembro ng kaniyang pamilya.
3. Pakulayan ang graph ayon sa bilang ng bawat miyembro ng kaniyang pamilya.
4. Itanong: Sino-sino ang bumubuo ng iyong pamilya?
Isaisip
Pamamaraan:
1. Ipasulat ang buong pangalan ng bata sa linya ng gawaing papel
2. Basahin ang panuto sa bata.
3. Hayaan ang bata na kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa pamilya.
4. Itanong: Ano-ano ang mga larawan na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa pamilya?
Isagawa
Pamamaraan:
1. Ipasulat ang buong pangalan ng bata sa linya ng gawaing papel
2. Basahin ang panuto sa bata.
3. Gabayan ang bata sa pagguhit o paggupit ng mga larawan na
nagpapakita ng pagmamalasakit sa bawat miyembro ng
kaniyang pamilya.
4. Ipadikit ito sa loob ng kahon.
5. Pag-usapan ang mga sagot ng bata.
Karagdagang Gawain
Pamamaraan:
1. Basahin ang panuto at mga pangungusap sa bata kung ito
ay nagawa o hindi niya nagawa.
2. Pakulayan sa bata ang angkop na mukha sa kaniyang
sagot.
(Sagutang Papel)
Pangalan
Panuto: Gamit ang clay, imolde mo ang bawat miyembro ng iyong pamilya. Idikit mo
dito at isulat mo sa ibaba nito sinong miyembro ng pamilya mo ito.
ANG AKING PAMILYA
(Sagutang Papel)
Pangalan
Panuto: Basahin mo ang mga salita sa loob ng kahon. Hanapin mo ang angkop na
larawan ayon sa salitang binasa mo sa pamamagitan ng pagguhit ng linya sa loob ng maze.
bunso nanay
tatay kuya ate
(Sagutang Papel)
Pangalan
Panuto: Bilangin mo ang miyembro ng iyong pamilya. Kulayan mo ang graph ayon sa
bilang ng bawat miyembro ng iyong pamilya.
(Sagutang Papel)
Pangalan
Panuto: Kulayan mo ang mga larawan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa
pamilya.
(Sagutang Papel)
Pangalan
Panuto: Iguhit mo o gumupit ka ng mga larawan na nagpapakita ng
pagmamalasakit mo sa bawat miyembro ng iyong pamilya.
(Sagutang Papel)
Pangalan
Panuto: Kulayan mo ang kung nagawa mo at kung hindi mo nagawa.
Nasasabi ko kung sino-sino miyembro ng
pamilya.
Nasasabi ko ang bumubuo ng aking pamilya.
Nasasabi ko kung ilan ang miyembro ng
aking pamilya.
Nasasabi ko kung paano magmalasakit ang
bawat miyembro ng aking pamilya.
Naipapakita ko ang pagmamalasakit ko sa
bawat miyembro ng aking pamilya.
Susing Pagwawasto Isaisip
Gawain 2
Sanggunian
● K to 12 Most Essential Learning Competencies pp. 11
● KINDERGARTEN CURRICULUM GUIDE
● DepEd Learning Portal (Illustrations)