The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by giellanjean, 2022-01-09 02:01:27

AP7-Q2-LP-1

AP7-Q2-LP-1

ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: _____________________________Seksyon: ___________ Q2: Aralin - 1

I. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs
Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.
MELC (AP7KSA-ibb-1.3)

1. Nabibigyang-kahulugan at nasusuri ang konsepto ng kabihasnan.
2. Natutukoy ang mga batayang salik sa pagbuo ng kabihasnan.
3. Naiuugnay ang kahulugan at konsepto ng kabihasnan sa mga isyu at suliraning

pangkalusugan at pangkapaligiran na kinakaharap ng tao sa kasalukuyan.

II. Pangkalahatang Ideya

Isang bagay na maaari nating ipagmalaki bilang mga Asyano ay ang
pagsisimula ng mga kabihasnan sa Asya bago pa man umusbong ang mga kabihasnan
sa ibang kontinente. Pinatunayan ito ng tatlong kabihasnan na nabuo sa mga lambak-
ilog sa kalakhang Asya. -- ang kabihasnang Sumer sa Kanlurang Asya, Indus sa Timog
Asya, at ang Huang Ho sa Silangang Asya. Dahilan ito upang ituring ang Asya bilang
lunduyan ng mga sinaunang sibilisasyon.

Paano nga ba nagsimula ang kabihasnan ng mga sinaunang Asyano? Sa araling
ito ay bahagyang bibigyan ng kasagutan ang katanungang ito. Subalit bago ito ay
mahalagang mabigyan muna ng linaw ang kahulugan at konsepto ng kabihasnan. Sa
tulong ng mga pili at inihandang gawain, inaasahan din na matutukoy mo ang mga
batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Hangad din sa aralin na ito na mas
palalimin pa ang iyong pagkakaunawa sa paksa sa pamamagitan ng paguugnay nito sa
kasalukuyang mga kaganapan sa buhay ng mga Asyano.

RO_AP_Grade 7_Q2_LP 1 1

III. MGA GAWAIN

Gawain 1:
Panuto: Masdan at suriin ang mga larawan. Punan ang kahon ng mga letra upang mabuo
ang salitang nais tukuyin sa larawan.

KN

Gawain 2:
Panuto: Sa blank concept map na ito, magtala ng 6 na salitang may kaugnayan sa
salitang nabuo sa unang gawain

Gawain 3:
Panuto: Bigyang-kahulugan ang salitang nabuo sa tulong ng blank concept map na iyong
ginawa.

Ang kabihasnan ay
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2

RO_AP_Grade 7_Q2_LP 1

Gawain 4: BASA-SURI-UNAWA

Panuto: Basahin, suriin, at unawain ang linalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan at
sibilisasyon. Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba pagkatapos mong basahin
ito.

Ang Konsepto ng Kabihasnan at mga Batayang Salik nito

Sinasabing ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at
kadalasang kasingkahulugan ng salitang sibilisasyon. Kapag ang isang tao ay nagkaroon
ng kasanayan sa isang bagay nasasabi natin na nagiging bihasa siya o nagiging
magaling. Katulad ng nangyari sa mga sinaunang Asyano, nanirahan sila sa mga lambak
at ilog. Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng pangingisda at pagsasaka dahil sa
kapaligiran na kanilang permanenteng tirahan. Kinasanayan na nila ang pangingisda at
pagsasaka at ito ang nagsilbing pang arawa-araw nilang hanapbuhay. Dahil dito nabuo
ang konsepto ng kabihasnan na pamumuhay na nakasanayan o nakagawian.

Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang
umusbong sa mga lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus at Shang. Subalit hindi tahasang
sinasabi na kapag namuhay ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung namuhay ka sa
hindi lungsod ay hindi ka na sibilisado. Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa
pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan. Umiiral ang
kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran
at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kanyang pamumuhay gamit ang lakas
at talino nito. Ito ang magpapaunlad ng kaniyang pagkatao.

May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang
pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon,
espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panglipunan, mataas na antas ng
kaalaman sa teknolohiya, sining, at arkitektura, at sistema ng pagsusulat. Kung susuriin,
ang Sumer, Indus, at Shang ay mga lungsod na nagkaroon ng kakayahan na mapaunlad
ang kanilang pamumuhay. Lumaki ang kanilang populasyon na luminang sa lupain na
agrikultural na pagkalaon ay pagsasaka ang naging pangunahing hanapbuhay at
nakaimbento ng mga kagamitan sa pagsasaka. Bawat lungsod ay pinamunuan ng mga
pari at ang iba naman ay napalitan ng mga hari. Nagkaroon ng paniniwala sa maraming
diyos na tinawag na Politeismo.

3

RO_AP_Grade 7_Q2_LP 1

Gawain 5: IPALIWANAG MO!
Panuto: Sagutin ang mga Pamprosesong Tanong.

1. Paano nagsimula ang kabihasnan ng mga sinaunang Asyano?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________________________________________________

2. Ano-ano ang mga bagay na nakatulong para mabuo ang kabihasnan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
______________________________________________________

3. Bakit sa mga lambak-ilog nagsimula ang mga unang kabihasnan?
_______________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

4. Paano mo masasabing umiiral ang kabihasnan o sibilisasyon?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________________________________________________

5. Sa kasalukuyan, anong mga hamon ang dapat harapin ng tao sa kanyang

kapaligiran?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________________________________________________

6. Paano hinaharap ng tao sa kasalukuyan ang mga hamon na ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________________________________________________

4

RO_AP_Grade 7_Q2_LP 1

Gawain 6: Graphic Organizer
Panuto: Sikaping mabuo ang Graphic Organizer

Mga Salik sa Pagbuo ng Kabihasnan

Gawain 7: Pagbabago, iyong sundan!

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat sa patlang ang
bilang 1-5 ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito.

________ Nalinang ang pangingisda at pagsasaka
________ Pagiging bihasa sa gawain
________ Nakasanayan ang gawain at pamumuhay
________ Pagsibol ng kabihasnan
________ Paninirahan nang permanente sa mga lambak at ilog ng mga

unang Asyano.

5

RO_AP_Grade 7_Q2_LP 1

Gawain 8:

A. Panuto: Tukuyin kung anong salik sa pagbuo ng kabihasnan ang inilalarawan sa
bawat bilang. Piliin ang sagot mula sa ibaba. Isulat lamang ang titik.

a. Organisado at sentralisadong pamahalaan
b. Masalimuot na relihiyon
c. Uring Panlipunan
d. Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya.
e. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura.
f. Sistema ng pagsulat
________ 1. Naging pangunahing hanapbuhay ang pagsasaka.
________ 2. Bawat lungsod ay pinamumunuan ng mga pari at ang iba naman ay

napalitan ng Hari.
________3. Naimbento ang iba’t-ibang mga kagamitan.
________4. Nagkaroon ng paniniwala sa maraming diyos na tinawag na

politeismo.
________5. Naimbento ang ilang simbolo upang itala ang mga importanteng

detalye tulad ng bilang ng produkto.

Gawain 9:
Panuto: Pumili ng isa sa mga gawain na nagpapakita ng iyong simpleng

pagkakaunawa sa konsepto at kahulugan ng kabihasnan batay sa
kasalukuyang panahon.

Poster Essay
Cartoon Rawit Dawit

IV. Rubrik: Puntos
5
Pamantayan 5
Mensahe 5
Kabuuang Presentasyon 5
Kaugnayan sa Paksa 20
Pagkamalikhain
Kabuoan 6

RO_AP_Grade 7_Q2_LP 1

V. Susi sa Pagwawasto

Mga Gawain:

Gawain 1

KABIHASNAN
Gawain 2: Blank Concept Map:

Sibilisasyon Bihasa

Paraan ng Pamumuhay Kabihasnan Pag-angkop sa
kapaligiran

May pag-unlad o Nakasanayan
pagbabago o Nakagawian

(Inaasahang magkakaiba ang sagot ng mag-aaral)

Gawain 3: Bigyang-kahulugan ang salitang nabuo sa tulong ng blank concept map na
iyong ginawa.

- Ang kabihasnan ay tumutukoy sa nakasanayan o nakagawiang paraan ng
pamumuhay ng pangkat ng tao sa isang lugar.

- Ang kabihasnan ay paraan ng pakikibagay o pag aangkop ng tao sa kanyang
kapaligiran.

- Ito ay paraan ng paggamit ngkakayahan at talino ng tao upang harapin ang
hamon ng kapaligiran at mabuhay.

(Inaasahang magkakaiba ang sagot ng mag-aaral)

Gawain 5: Panuto: Sagutin ang mga Pamprosesong Tanong.

1. Nanirahan sila sa mga lambak at ilog kung saan nalinang nila ang pamumuhay
tulad ng pangingisda at pagsasaka dahil sa kapaligiran kung saan permanente
silang nanirahan. Nagkaroon sila ng kasanayan at nagsilbi nila itong pang-
araw-araw na hanapbuhay.

2. Paninirahan sa mga lambak at ilog, kapaligiran, pagkakaroon ng kasanayan,
pakikibagay sa kapaligiran, paggamit ng kakayahaan at talino ng tao

7

RO_AP_Grade 7_Q2_LP 1

3. Dahil mahalaga ang tubig sa pang-araw-araw na pamumuhay at mataba ang
lupa sa mga lambak-ilog.

4. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa
hamon ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang
kanyang pamumuhay gamit ang lakas at ang talino nito.

5. Krisis pangkalusugan/Corona Virus/mga sakit/mga kalamidad.

6. Pagsunod sa health protocols, pagpapabakuna, at iba pa.

Gawain 6: Mga Salik sa Pagbuo ng Kabihasnan

Mga Salik sa Pagbuo ng Kabihasnan

Pagkakaroon ng Espesyalisasyon Mataas na antas ng
Organisado at sa gawaing pang- Kaalaman sa
Sentralisadong ekonomiya Teknolohiya, Sining
Pamahalaan at Arkitektura

Masalimuot na Uring Panlipunan Sistema ng
relihiyo Pagsulat

Gawain 7:

1. b
2. d
3. c
4. e
5. a

8

RO_AP_Grade 7_Q2_LP 1

GAWAIN 8: Gawain 9:
1.d (Gamitin ang rubrik para sa pagmamarka)
2. a
3. e
4. b
5. f

VI. Sanggunian
ASYA: Pagkakaisa sa gitna ng Pagkakaiba, p.105-109
ASYA: Pag-usbong ng Kabihasnan, p.128-130

Inihanda ni:

MARIBEL O. GARCIA
Buenavista National High School
Sorsogon City

Mga Editor:

LILYBETH D. DIAZ
Rawis National High School

MARICEL B. FURIO
Abuyog National High School
Sorsogon City

LAZEL J. VERCHEZ
Panlayaan Technical Vocational School

9

RO_AP_Grade 7_Q2_LP 1


Click to View FlipBook Version