Palaro Hymn
Buksan mo ang iyong mga mata,
dati mong pangarap nasa kamay mo na.
Hayaang lumipad ang ‘yong puso at diwa
Palarong Pambansa, narating mo na.
Bawat butil ng pawis
Bawat iyak at hinagpis
Bawat hampas ng alon
Atletang Pinoy, tumatayo, bumabangon.
Refrain:
Matatag, di natitinag
Atletang Pinoy, di natitibag
Laban Pilipino, ipakita sa mundo
Atletang Pinoy, di sumusuko.
Dilim ng langit, pilit pasiklabin
Buhos ng ulan, buhos ng damdamin
Puso’t isip na ayaw paawat
Titila pag nanalo, titila pag sapat
Masaktan man o masugatan
Tagumpay ma’y kakapiraso
Bubuksan pa rin ang mata
Dahil ito’y narating mo.
..
THIS SERVES AS AN INVITATION
PALARONG PAMBANSA 2018 PALARONG PAMBANSA 2018
CLOSING PROGRAM CLOSING PROGRAM
THEME PALARONG PAMBANSA 2018 : CHAMPIONING THE SPIRIT THEME PALARONG PAMBANSA 2018 : CHAMPIONING THE SPIRIT
OF YOUNG FILIPINO ATHLETES OF YOUNG FILIPINO ATHLETES