The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Jhennie Salvador, 2023-10-23 03:51:06

health3_q3_mod6_KaalamanMabuti Sa Iyo

health3_q3_mod6_KaalamanMabuti Sa Iyo

Health Ikatlong Markahan – Modyul 6: Kaalaman:Mabuti Sa Iyo at Sa Akin! 3


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: An-Jean V. Naraga Editor: Marivic O. Arro Tagasuri: Marivic O. Arro, Ignacio L. Jubahib Jr., Guillesar P. Villarente Tagaguhit: Isagani M. Cagaanan Tagalapat: Angelica M. Mendoza Tagapamahala: Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo Jeselyn B. dela Cuesta Elsie E. Gagabe Ma. Cielo D. Estrada Fortunato B. Sagayno Health – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 6: Kaalaman: Mabuti Sa Iyo at Sa Akin! Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected]


3 Health Ikatlong Markahan – Modyul 6: Kaalaman:Mabuti Sa Iyo at Sa Akin!


ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating magaaral kahit wala sila sa paaralan.


1 Alamin Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang matulungan kang matukoy ang mga maaasahang mapagkukunan ng impormasyong pangkalusugan. Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na magamit ito sa iyong pang-araw-araw na gawain at sa maraming iba’t ibang mga sitwasyon sa pag-aaral. Bukod dito, makikilala mo ang mga propesyonal sa kalusugan na maaasahang mapagkukunan din ng impormasyon sa kalusugan. Kaya ang mga mapagkukunang impormasyon ng kalusugan na ito ay tiyak na makakatulong sa iyo upang maging malusog at maiwasang magkaroon ng anumang karamdaman. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. nagpapakita ng pag-unawa sa mga kadahilanan na makakaapekto sa pagpili ng mga impormasyon sa kalusugan at mga produkto; 2. nagpapakita ng mahahalagang kasanayan sa pag-iisip bilang isang matalinong mamimili; at 3. tinutukoy ang mga maaasahang mga mapagkukunan ng impormasyong pangkalusugan (H3CH-IIIj-11).


2 Subukin A. Iguhit ang masayang mukha sa iyong kuwaderno kung isa itong propesyonal sa kalusugan at malungkot na mukha naman kung hindi. __________1. Doctor __________2. Driver __________3. Dentista __________4. Inhinyero __________5. Nars B.Lagyan ng tsek (/) kung ito ay ahensya ng gobyerno na mapagkukunan ng maaasahang impormasyon sa kalusugan at ekis (X) kung hindi. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. __________1. Department of Education (DepEd) __________2. Department of Social Welfare and Development (DSWD) __________3. Department of Health (DOH) __________4. Department of Trade and Industry (DTI) __________5. Land Transportation Office (LTO)


3 Aralin 1 Maaasahang mga Pinagkukunan ng Impormasyong Pangkalusugan Ang impormasyon sa kalusugan tungkol sa mga produktong binibili ay kailangang kilalanin. Kaya naman, dapat mong malaman ang mga maaasahang mga pinagkukunan ng impormasyong pangkalusugan. Balikan Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung ito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. ________1. Ang isang taong gumagamit ng mga kalakal at serbisyo ay tinatawag na mamimili. ________2. Ang bawat tao ay isang mamimili. ________3. Walang karapatan at responsibilidad ang isang mamimili. ________4. Kinakailangan na matutuhang alamin ang pagitan ng pangangailangan at gusto. ________5. Dapat maging isang matalinong consumer tayo at maglaan ng oras upang basahin ang label ng isang produkto bago bilhin ito upang masigurong nakabubuti ito sa ating kalusugan.


4 Tuklasin Tingnan ang mga larawan sa ibaba at kilalanin ang mga maaasahang mapagkukunan ng impormasyon sa kalusugan. Isulat ang tsek (/)kung ang larawan ay isa sa mapagkukunan ng impormasyong pangkalusugan at ekis (x) naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. 1. __________________ 2. __________________ Mga Tala para sa Guro Paalalahanan ang mga mag-aaral na dapat maging isang mahusay na mamimili sa anumang mga produkto. Suriin ang mga produktong bibilhin kung ito ay makabubuti para sa kanilang kalusugan.


5 3. __________________ 4. __________________ 5. __________________ Suriin Ang impormasyon sa kalusugan tungkol sa mga produkto ay kinakailangan sa merkado. Kailangang kilalanin ang maasahang mga pinagkukunan ng impormasyon sa kalusugan at mga produkto. Kaya naman, dapat maging isang matalinong consumer tayo at maglaan ng oras upang basahin ang label ng isang produkto bago bilhin ito. Bukod dito, ang impormasyong pangkalusugan ay maaaring magmula sa iba’t ibang mapagkukunan


6 Ito ang mga sumusunod na mapagkukunan ng maaasahang impormasyon sa kalusugan: 1. Mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Health, Department of Education and Department of Trade and Industries; 2. Mga propesyonal sa kalusugan tulad ng doctor, nars, dentista, at tagapagturo sa kalusugan; 3. Mga nakalimbag na materyales tulad ng mga libro sa kalusugan, pamplet, polyeto, magazine na ginawa ng mga propesyonal sa kalusugan o lehitimong institusyon. Narito ang ilan sa mga mapagkukunan ng impormasyon ay ang mga ahensya ng gobyerno. Ang Department of Health (DOH) ay ang pangunahing ahensiyang pangkalusugan sa Pilipinas na responsable sa pagtiyak ng pag-access sa pangunahing serbisyo sa kalusugan ng publiko sa lahat ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkakalob ng kalidad ng pangangalaga sa kalusugan at regulasyon ng mga nagbibigay ng mga kalakal at serbisyo sa kalusugan. Source: https://www.doh.gov.ph/ Ang Department of Education (DepEd) ay ang executive department ng pamahalaang Pilipinas na responsible sa pagtiyak ng pag-access sa pagtataguyod ng equity at pagpapabuti ng kalidad ng pangunahing edukasyon.


7 Source: https://www.deped.gov.ph/ Ang Department of Trade and Industries (DTI) ay ang pangunahing pang-ekonomiyang katalista na nagbibigay-daan sa makabagong mapagkumpitensyang trabaho na bumubuo ng negosyo at nagbibigay kapangyarihan sa mga mamimili. Nakapagbibigay din sila ng mga impormasyong pangkalusugan sa mga produktong binebenta sa mga mamimili. Source: https://www.dti.gov.ph/ Ang mga ahensya ng ating pamahalaan na nabanggit sa itaas ay talaga namang naglalayong mabigyan ng wastong impormasyong pangkalusugan sa lahat ng mga mamamayang Pilipino. Kaya naman, bilang mga responsabeng mamamayan, kailangan nating tukuyin kung ano ang pagkukunan ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa kalusugan upang maging malusog ang ating pangangatawan.


8 Narito naman ang mga halimbawa ng mga nakalimbag na materyales na makapagbibigay ng maasahang impormasyon sa kalusugan.


9 Ang mga mapagkukunang impormasyon ng kalusugan na ito ay tiyak na makakatulong sa iyo upang maging malusog at maiwasang magkaroon ng anumang karamdaman. Sa wakas, kailangan nating maging malusog upang magpatuloy tayo sa paggawa ng ating pang-araw-araw na gawain.


10 Pagyamanin Iguhit ang kung ang larawan ay kabilang sa mga maaasahang pagkukunan ng impormasyong pangkalusugan at naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa papel. _________1. _________ 2. _________ 3. _________ 4. _________ 5.


11 Isaisip Punan ang patlang ng pangungusap na nasa ibaba at piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. Ang impormasyong ___________ ay maaaring _______ sa iba’t ibang mapagkukunan. Ito ay ______ na makakatulong sa iyo upang maging _________ at maiwasang magkaroon ng anumang ______________. Isagawa Maghanap ng isang produktong nasa inyong bahay at tingnan ang nutrition facts label nito. Iguhit ang napiling produkto sa malinis na papel at kulayan ito. Pagkatapos ay isulat ang nutrition facts at sagutin din ang mga ibinigay na tanong sa ibaba. 1. Anong impormasyon ng produkto ang importanteng malaman bilang isang consumer? 2. Bilang isang mamimili, gaano kahalaga ang kaligtasan ng pagbili ng mga produkto? 3. Paano nakakatulong ang mga ahensya ng pamahalaan, mga propesyonal sa kalusugan at mga nailimbag na mga materyales sa pangangalaga ng inyong kalusugan? malusog magmula karamdaman tiyak pangkalusugan magsimula


12 Pamantayan Lumampas sa inaasahan (5 puntos) Nakakatugon sa inaasahan (3 puntos) Nahirapang tugunan ang mga inaasahan (1 puntos) Nakasunod sa Direksyon Lahat ng direksyon ay sinusunod. Ang ilang direksyon ay sinusunod. Ang mga direksyon ay hindi sinunod. Pagkamalikhain Ginamit ang iyong sariling ideya at imahinasyon. Ginamit ang ilang imahinasyon. Hindi ginamit ang iyong ideya at imahinasyon. Kalinisan Nakumpleto ang likhang sining na katangi-tangi. Nakumpleto ang likhang sining pero magulo. Nakumpleto ang likhang sining pero lubos na magulo


13 Tayahin Kilalanin ang maaasahang mapagkukunan ng impormasyon sa kalusugan na ipinapakita sa mga larawan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon. __________ 1. __________ 2. __________ 3. __________ 4. __________ 5. Doktor Nars DOH DepEd Dentista DTI


14 Karagdagang Gawain Pag-uri-uriin ang mga maaasahang mga pinagkukunan ng impormasyong pangkalusugan na nasa loob ng kahon ayon sa kanilang pinagmulan. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Ahensya ng Gobyerno Propesyonal sa Kalusugan Nakalimbag na materyales 1. 1. 2. 1. 2. Libro sa Kalusugan Doktor Department of Health pamplet Dentista Guro


15 Pagyamanin 1. 2. 3. 4. 5. Subukin B. A. 1. / 1. 2. X 2. 3. / 3. 4. / 4. 5. X 5. Balikan TAMA 1. TAMA 2. MALI 3. TAMA 4. TAMA 5. Tuklasin / 1. X 2. X 3. / 4. / 5. Susi sa Pagwawasto Isaisip pangkalusugan 1. magmula 2. tiyak 3. malusog 4. karamdaman 5. Isagawa Maaaring magkakaiba ang sagot.


16 Tayahin Dentista 1. Nars 2. DOH 3. tor Dok 4. DepEd 5. Karagdagang Gawain Ahensya ng Gobyerno Department of 1. Health Propesyonal sa Kalusugan Doktor 1. Dentista 2. Nakalimbag na materyales Libro sa kalusugan 1. pamplet 2.


17 Sanggunian “Hand Hygiene In-Service Teaching Project”, Callie Downs ePortfolio, accessed May 20, 2020, https://calliedownseportfolio.weebly.com/hand-hygiene-inservice-teaching-project.html “DOH: No meningococcemia outb reak yet in PHL-DOH”, Business Mirror, accessed May 20, 2020, https://businessmirror.com.ph/2019/10/08/doh-nomeningococcemia-outbreak-yet-in-phl-doh/. “COVID-19 cases rises to 636 with 38 deaths-DOH,” GMA News, accessed May 20,2020, https://www.msn.com/enph/news/national/covid-19-cases-rise-to-636-with-38-deaths- %E2%80%94doh/ar-BB11G8ac. “Know the Signs of Heat Stress Syndroms,” Grainger Know How, accessed May 20, 2020, https://www.grainger.com/knowhow/health/temperature-stress/heat-stress/kh-know-thesigns-of-heat-stress-symptoms-infographic. Voltair V. Asildo, Rhodora B. Peña, Genia V. Santos, Ma. Elena Bonocan, Urcesio A. Sepe, Maribeth J. Jito, Lorenda G. Crisostomo, Virginia T. Mahinay, and Sonny F. Meneses Jr., Music, Art, Physical Education and Health Kagamitang Magaaral Sinugbuanong Binisaya Quezon: Book Media Press, Inc.,2017.


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version