9
99
ARALING
PANLIPUNAN
Quarter 1-4:
REFLECTION
1 REFLECTION
Natutuhan ko mula 1st quarter hanggang 4th ay ang ibig sabihin ng
ekonomiks, kahalagahan nito, ang demand, mga salik ng demand, ang suplay, ang
paikot na daloy ng suplay, at mga sektor sa ilalim ng ekonomiya. Para sa akin ang
ekonomiks ay nangangahulugang, ang pag-aaral ng mga pamamaraan
kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong
pinagkukunang-yaman. Mahalaga ito sapagkat nabibigay nito ang tamang
kaalaman sa tamang paggamit ng ating likas na yaman. Ang demand naman ay
tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili
sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Habang ang suplay naman ay
ang dami ng mga produkto o serbisyo na handa at maaaring ipagbili sa mga
mamimili o di kaya'y prodyuser sa isang takdang panahon, ito ay gamit ang iba't
ibang mga presyo. At ang paikot na daloy ng ekonomiya ay isang modelo kung
saan ipinapakita nito ang kabuuang proseso na nangyayari sa mga produkto at
serbisyo na makikita sa mga pamilihan. Ang sector ng ekonomiya naman ay
binubuo ng: Sektor ng agrikultura - ito ay tumutukoy sa pagtatanim at
paghahayop. Ito rin ang karaniwang pangkabuhayan ng mga
mamayang pilipino. Ito ay binubuo pa ng apat na
sektor. Sa sektor na ito rin nagmumula ang mga
raw materials na pangkaraniwang ginagamit sa
pagproseso ng iba pang produkto. Sektor ng
industriya - Ito ay ang mga trabaho na direktang
nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa. Sektor ng
paglilingkod - Ito ay ang mga sektor na
nagbibigay serbisyo sa mga tao. Kabilang dito ay
ang transportasyon, komunikasyon at iba't ibang
ahensya na nagbibigay serbisyo.
Nakadama ako ng galak at tuwa sapagkat simula 1st hanggang 4th
grading ay may tumatak na mga kaalaman sa akin na maaari kong
magamit sa susunod na mga taon. Ipinagmamalaki ko rin ang aking sarili
dahil kahit sa gitna ng napakahirap na panahon ay napatunayan ko na
may natutnan at tumatak sa akin. Ngunit nakaramdam din ako ng kaunting
pagkukulang, dahil nga ginaganap ang klase nang online sa kasalukuyan,
hindi ko naibibigay ang aking lubos na kakayahan. Madalas nasasapawan
sa pagsagot, pero kahit papaano ay nakaya ko pa rin.
Ngayong Baitang 9, sa Araling Panlipunan sa ilalim ni Ginang Jovy,
nagustuhan ko ang kanyang paraan ng pagtuturo at pakikisalamuha sa
kanyang mga estudyante. Nagutuhan ko rin ang aralin sa 4th quarter, na
kung saan ay umiikot sa sector n gating ekonomiya. Naniniwala ako na
napakahalaga nito sa ating pag-unlad bilang isang bansa. Nagustuhan ko
rin ang mga pinagagawa sa amin, dahil pinipili lamang n gaming guro ang
mga madadali para na rin sa amin.
Ngunit hindi rin maiiwasan na magkaroon ng mga bagay na hindi
nagustuhan. Pero sa aking sitwasyon, isa lamang ang hindi ko
nagustuhan at iyon ay ang oras at panahon ng pagbibigay ng Gawain.
Maliban ditto, ay wala na akong masasabi.
22 REFLECTION
Para naman sa marka ko sa aking sarili, bibigyan ko ang aking
sarili ng 3 puntos, dahil gusto kong manatiling neutral sa aking sarili.
Naniniwala ako na may naging kahinaan at kalakasan ako ngayong
Baitang sa Araling Panlipunan. Nagkaroon ako ng pagkukulang sa
recitation at minsan nang na-late sa pagpasa ng Gawain. Madalas
akong mawalan ng motibasyon na mag-patuloy ngunit ito’y
nakakayanan ko naman. Naging kalakasan ko ang pagpapatuloy,
ngunit di magpapakaila na nagging kahinaan ko naman ang hindi
paniniwala sa aking sarili. Kahit na magkaroon kami ng aking mga
kaklase ng ibang opinyon patungkol sa aking performance ngayong
school year, naniniwala ako na may pagkukulang ako at hindi ko
nagawa ang aking the best. Pero kahit na, Malaki pa rin ang tiwala ko
sa aking sarili.
3REFLECTION
Para naman sa marka ko sa aking guro, bibigyan ko siya ng 4
na marka, dahil na rin mas stand out sa akin ang kalakasan ng aking
guro kaysa sa kahinaan niya. Mabait din ang aming guro at magaling
sa pagtuturo. Kahit minsan ay nakakaranas ng rush dahil sa hindi
pagkikita ay nagagawa niya pa ring i-explain ang mga aralin nang
lubusan habang sinisiguro na naiintindihan ng kanyang estunyante.
Sa madaling salita, isang magaling na guro si Ginang Jovy, at lubos
ko na nagustuhan ang aming mga online meetings. Totoo na lahat
tayo ay mayroong naging mga pagkukulang, hindi naman ito
maiiwasan, ngunit gaya ng sabi ko, ay mas Malaki ang nagging
impact ng kalakasan ng aking guro sa akin, kaysa sa kanyang
kahinaan. Hindi maipagkakaila na talentado si Ginang Jovy.
INIHANDA NI:
Kimberly C. Balitustus
9-SS1