The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Ang akdang ito ay kalipunan ng tula na pumapatungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay.

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by KIMBERLY ADO-AN, 2023-08-18 03:57:05

HIRAYA AT LITERATURA: Isang Sulyap sa Ilalim ng mga Alapaap

Ang akdang ito ay kalipunan ng tula na pumapatungkol sa iba't ibang aspeto ng buhay.

Hiraya Literatura Isang Sulyap sa Ilalim ng mga Alapaap at Katha ni Kimberly J. Ado-an BFE II-4 2SFIL09 Prop. Joel C. Malabanan


Talaan NG MGA NILALAMAN 05 SADLAK-KALAYAAN MAHIKA SA MUSIKA 06 07 PAGIGING MAPANURI ANG SUSI HINDI AKO SI MARIA CLARA 08 09 SI NENA ALIPIN NG SILAW 10 11 HIÚGYON Hiraya at Literatura: Isang Sulyap sa Ilalim ng mga Alapaap


12 PANUKALANG LALÁNG BIKTIMA ANG MAY SALA 13 14 AKING KAPE-LING HAKBANGIN 15 SALAMIN NG KALSADA 17 16 PLUMANG WALANG TINTA 18 NAIS KONG MAGING MUSMOS Talaan NG MGA NILALAMAN Hiraya at Literatura: Isang Sulyap sa Ilalim ng mga Alapaap


19 SALAGIMSIM BUWAN 20 21 LARAWANG KUPAS PANGUNGULILA SA ALAALA 22 DÍLI-DÍLI 24 23 BALINTATAW Talaan NG MGA NILALAMAN Hiraya at Literatura: Isang Sulyap sa Ilalim ng mga Alapaap


Kawawa ka aking Inang Bayan, Sadlak sa lupit ng nakaraan. Kasarinlan na ating nakamtan, Patungo muli sa kadiliman. Ninanakawan ng karapatan, Ngunit ang sigaw ay bayanihan, Pagkakaisa’t pagmamahalan, Na nakakatawa lamang tingnan. Aanhin natin ang bayanihan Kung bulag man sa katototohanan? Kung bingi sa mga kaalaman? At pipi sa may kapangyarihan? Aanhin mo ang pagmamahalan Kung wala sa iyong katapatan? Kung puro lamang kabulaanan Ang naririnig ng sambayanan? Aanhin nga ba ang kalayaan Kung tahasan ang panlalamangan? Wari’y mga tigreng nagdaklutan, Maglulubog sa’tin sa putikan. Kawawa ka aking Inang Bayan, Sadlak sa lupit ng nakaraan; Habang ang sariling mamamayan, Pinatahimik nang walang laban. Alisin, piring ng kadiliman! Labanan ang kasinungalingan! Tayo'y kumilos na at humakbang! Angkinin natin ang kalayaan! SSAADDLLAAKK-- KKAALLAAYYAAAANN haraya manawari


Wari ay walang malakas na musika, ‘Pag gustong maging bingi pansamantala; Bingi sa kaniyang mga dinadala, Napapasabi na lamang na “bahala na”. Tunay ngang daan ito sa’ting pag-alpas, Kapag mundo’y nagiging lilo’t marahas. Kahali-halina nitong huni’t andap, Tutulak sa’tin patungong alapaap. ‘Pag tayo’y nauupos parang kandila, At pakiwari’y laon na ang pag-asa; Kan’yang lagablab, bubuhay sa’ting mitsa, Upang magwagi sa kan’ya-kan’yang géra. Ang musika ay parang buhay ng tao; Iba-iba ang himig, maging ang tono. Minsa’y kinakailangan ng saklolo, Ngunit hindi masabi-sabi nang husto. Kaya ang musika ay isang lunsaran; Upang masabi ang ‘yong nararamdaman, Makuwento ang mga nararanasan, Na minsan sarili ang siyang kalaban. Maraming salamat sa mahikang handog, Na sa aming mga puso’y bumubusog; Ikaw lang ang tanging nanaising tunog, At sa iyo ay patuloy na lulusong. haraya manawari MMAAHHIIKKAA SSAA MMUUSSIIKKAA


Anila, hindi hadlang ang kahirapan Upang ang edukasyo’y ating makamtan; Ngunit ito’y waring kabalintunaan, Dahil may iba’t ibang pinanggalingan. Iba ang datíng kung pamilya’y sagana, Iba ang dala kung maimpluwensiya, Ibang-iba ka sa mga nagdurusa, Ibang-iba ka sa aming mga dukha. Juan, tandaang hustisya’y ‘di sa lahat, Magsasaka ay masipag ngunit salat; Umitim man ang kanilang mga balat, Ngunit kailanman ito ay hindi sapat. Pagmasdan mo ang mga dakilang guro, Kanilang trabaho ay ‘di naman biro; Laging labas sa libro ang tinuturo, Pero sa iba ay tila isang laro. Pagsisikap ay hindi ang hustong sagot, Upang masaganang buhay ay maabot. Patuloy ang pagiging masalimuot, Kung ang sistema sa bansa ay baluktot. Kaya Pedro, laging maging mapanuri, Dahil sa wastong gulang ika’y pipili. Magsaliksik ka at maging mabusisi, Sa paglago ng bansa, ito ang susi. PPAAGGIIGGIINNGG MMAAPPAANNUURRII AANNGG SSUUSSII haraya manawari


Siya ay marikit kung ilalarawan, Mayumi rin kung ating mapagmamasdan; Masunurin ang isa pang katangian, Maria Clara ang kaniyang pangalan. Ngunit ‘di gugustuhing maging marikit, Kung layunin ay gawing kaakit-akit. Tila tinitingnan lamang bilang gamit, Walang karapatang magsabi ng bakit. Pagiging mayumi ay hindi rin nais, Dahil hinuhusgahan maging ang bihis. Bawal ring ipakita ang pagkainis, Samu’t sari ang maririnig mong litis. Aanhin din ang pagiging masunurin Kung ang turing sa’yo ay isang alipin? Pagsuway ay makasalanang gawain, At pagiging Ina lang daw kayang gawin. Kaya’t ako’y hindi si Maria Clara, Sa katiwalian ay bawal kumontra. Kaya naman lahat tayo ay pumara, Patriyarkal na lipunan, ibasura! HINDI AKO SI MARIA CLARA haraya manawari


SI NENA Si Nena’y humaharap sa malaking desisyon; Pabalik-balik tila naghahanap ng tugon; Kaniyang bawat araw ay tila laging gabi; Walang mayakap at hindi rin kayang masabi. Sinubukang idulog sa nobyong ngala’y Pedro, Ngunit hindi akalaing ito’y babaero; “Hindi akin ‘yan, ” ang kaniyang tanging sambit, Matapos talikuran, napatanong ng “Bakit?” Sa magulang ay nakikimi’t ‘di matakbuhan, Sapagkat batid niyang ito’y isang kasalanan. Siya’y inaruga’t itinuring na biyaya, Kaya’t ang nasa isip ay siya’y mandaraya. Mga kaibigan ay hindi rin mahagilap, Sila’y kasama lang kapag buhay ‘di mahirap; Nangako pa ngang magtutulungan hanggang dulo, Pero sa imbitasyo’y walang isang dumalo. Ngayo'y si Nena'y humantong na sa pagpasiya, Lubos na akalang siya’y magiging masaya. Para sa iba nakawala sa tanikala, Ngunit hanggang ngayo’y hindi makapagsimula. Walang segundong sarili’y ‘di kinuwestiyon, Nagnanais na ang gabi’y maging dapithapon; “Nawa’y patawarin” , ang naisulat sa tabi, Si Nena’y mayroon pa palang gatas sa labi. haraya manawari


“May pasok pa ‘ko bukas” , huling sambit ng bibig, Ngunit kapulisa’y tila binging ‘di narinig; Walang hinto sa pagpindot ng mga gatilyo, Wala ring nakarinig sa hininging saklolo. Humigi’t kumulang tatlumpung libong biktima, Ngunit ang hustisya’y ‘di natin nadarama. Teka, ito nga ba ang ating totoong talâ? Nasaan ang iba at naglahong parang bula? Pa’no maniniwala kung lahat ay kasangkot? Maging ang prinsipyo ng pulis tila baluktot. Ang layunin nila’y iligtas ang taumbayan, Subalit bahagi ng mga katiwalian. Ang gobyernong dapat sa lipunan nagsisilbi, Nang maihalal, pangako ay isinantabi; Nadala sa mga mabulaklak na salita, Ngayon tuloy sumasahod kahit walang kwenta. Kababayan ko, kailan ba tayo matututo? Kapag ang mga mahal natin ay inaresto? Kapag kilala na natin ang siyang yumao? O kapag ikaw na talaga ang apektado? Tandaang nasa sa atin ang kapangyarihan, Huwag maging bulag sa mga kabulaanan. Ano pa ang hinihintay, atin nang bawiin, Tigilan ang pag-iisip na tila alipin! ALIPIN NG SILAW haraya manawari


Hunyo labindalawa kung ating ipagdiwang, Ngunit ngayo’y naitatanong sa’n ba nagkulang? Mga sakripisyo nila tila ay nasayang, Ngunit bakit kaunti lang ang nanghihinayang? Nagdaan ang eleksiyon, ang iba’y nanlumo; Hanggang ngayon angat buhay ang pagsusumamo. Ngunit ang kabila’y kasiyahan ang natamo, Mga mamuna’y kinakabit sa terorismo. Iba’t ibang pandaraya’y lantad sa paningin, “Kakalap ng ebidensya” , ang sabing gagawin; Pero imbestigasyo’y ‘di man lang inihain, Hinayaan na lamang na parang isang hangin. Subalit ang iila’y patuloy na tumindig “Ibunyag ang katotohanan” , sabi ng bibig; Nagbabakasaling sila ay maririnig Ngunit ang kinatatayua’y biglang yumanig. Ilang biktima pa ang hahayaang maglaho? Kailan gigising para ito’y pigilang gumuho? Sino’ng maglalantad ng kanilang mga baho? ‘Di ba’t tayo naman ang tunay na may impluho? O, kababayan, tama na ang buhay-alipin, Magnilay at tingnan ang sarili sa salamin. ‘Di ba nangungulila sa ligtas na tanawin? Halina’t totong kalayaan ay saklutin. HIÚGYON haraya manawari


PANUKALANG LALÁNG Mga guro’y umaaray sa mababang sahod, Ngunit hindi huminto’t patuloy ang pagkayod; Edukasyon lamang sa bansa’y maitaguyod, Titiisin lahat pati sa g’yera’y susugod. Ating mga estudyante ay nagrereklamo, Sa mataas na matrikula’y nagsusumamo. Gustuhin mang mag-aral subalit nanlulumo, Makamasang edukasyon kailan matatamo? ‘Di ba’t pagtuturo’y tinuturing na marangal? Binibigyan-diin na sila ay esensiyal. Ba’t sa kanilang hinaing ang turing ay angal? A, baka ang trato’y isa lamang artipisyal. Sabi’y pag-aaral ang sagot sa kahirapan, Subalit sila’y bulag sa mga kailangan; O baka takot sa lipunang may kaalaman? Dahil kabalintunaan ay mawawakasan. Samu’t saring suliranin sa’ting edukasyon, Subalit bakit ‘di akma ang mga aksiyon? Tama bang ROTC dapat ang maging tugon? Idagdag mo pa ang Ingles bilang instruksiyon. Tumigil mga payaso, nasaan ang plano? Sa plataporma noo’y edukasyon ang uno, Subalit sa ngayon ay waring isang maligno; Walang masabi kung hindi puro alamano. Intelektuwalisasyon ng wika ang dapat, ‘Di Ingles, kung ‘di Filipino ang nararapat. Tandaan na dito magsisimula ang lahat, Kaya’t sa sariling wika tayo’y maging tapat! haraya manawari


BIKTIMA ANG MAY SALA Sa panahon ng katahimikan, Nanunumbalik ang kasawian. Alaalang ‘di malilimutan, Kailan kaya ‘to matatakasan? Lumipas na ang maraming taon, Ngunit ito ay tila kahapon. Nararamdaman pa ang pagbaon, Tanging nawika ay “Panginoon!” Mga haplos niya’y nakatatak, Tila ba itak na nakatarak; Kahit saan magpunta ay tahak, Na sa aking buhay ang nagwasak. Hindi makatingin sa salamin, Hindi mahawakan ang pagkain. Wala ng ninanais na gawin, Gusto na lang mahulog sa bangin. Pilitin mang ito’y isantabi, Subalit ramdam sa bawat gabi; Patuloy ang pagnginig ng labi, Puro hikbi ang kayang masabi. Sinuplong sa kinauukulan; Tinawag na kasinungalingan, Sinisi ang kan’yang kasuotan, Animo’y isang kapabayaan. Sa mundong biktima ang may sala, Kaluluwa ay ibig isanla; Itatarak ang kandila, Maghahangad ng isang himala. haraya manawari


AKING KAPE-LING Sa simoy ng malamig na hangin, Sa bawat hampas ng mga alon, Ito ang aking tanging hangarin, Kahit saan pa man naroroon. ‘Di alintana tirik ng araw, Butil ng pawis man ay dumaloy, Dala nito’y tila isang tanglaw, Kahit panahon ay umaapoy. Siya rin ang karamay sa gabi, Upang mata’y manatiling dilat; Lagi’t laging hanap nitong labi Kaya’t madalas ang pagkagulat. Nagsisilbing bukal ko ng lakas Lalo na sa tuwing nalilito; Ipinagpapatuloy ang bukas Kinakailangan ko nang husto. Pasasalamat sa’yong pagdamay, Sa iyo’y walang makakatumbas. Dahilan ka ng aking tagumpay; O, kape, sa’yo lang ‘di aalpas. haraya manawari


Pinagmamasdan ang kalangitan, Nagbabadya na pala ang ulan. Naramdaman munting kasiyahan, Luha’y ‘di nila masisilayan. Kasabay ng ingay nitong agos, Ang pagsigaw rin ng isang musmos; Hindi tumigil hangga’t napaos, Dahil sakit at siphayo’y tagos. Waring ang madilim na panahon, S’yang saksi sa pait ng kahapon. Kaya’t sa emosyo’y nagpalamon, Para bukas naman ay pagbangon. Tandaan na lahat ay dadaloy, Lumubog ngunit dapat lumangoy. Muling pasiklabin mo ang apoy; Buhay ay dapat ipagpatuloy. Hindi man madali ang hakbangin, Hagdan ay dahan-dahang akyatin; Makikita mo rin ang tanawin, Na tagumpay mo’y sinasalamin. HAKBANGIN haraya manawari


PLUMANG WALANG TINTA Sa tuwing lumuluha, pagsulat ang nagpapatahan; Sa tuwing tumatawa, pagsulat ang nagsisilbing memorya; Sa tuwing natatakot, pagsulat ang nagpapakalma; Sa tuwing napapagod, pagsulat ang tanging pahinga. Subalit dumating ang pandemya Kaya't ngayo’y isa na itong pangamba. Nawala ang kumpyansa, Maging ang dala nitong halaga. Dating malikot na utak, Ngayon ay ‘di pa rin mapakali; Ngunit ‘di dahil sa samu’t saring ideya, Kundi dahil ang tanging laman nito’y pagdududa. Ang talentadong mga kamay Wari mong naparalisa; Walang maisulat na letra, Nasasayang lamang ang tinta. Dating malikhaing isip, Ngayon ay napupuno ng mga linya; Ngunit ito’y ‘di magkatagpo Parang sa aki'y sadyang nagtatago. Ilang taon na ang pangungulila Sa panahon na dati’y kay saya? Kailan kaya manunumbalik ang sigasig? Kailan ba muling makakahinga? haraya manawari


SALAMIN NG KALSADA Bukang liwayway pa lamang, Ngunit transportasyon ay kay gulo; Mga sasakyang usad pagong Na sa pasahero’y ‘di na bago. Masisilayan si Aling Juanita; Mga tubig at biskwit ang tinitinda, Habang bitbit ang tatlong bata, Na sa edad ay tila isang taon ang distansya. Masasalubong mo ang isang musmos, Na ‘di kayang matingnan sa mata; Sapagkat ikaw rin ay walang pera, Na maaaring ibigay sa kan’ya. Biglang tatahol si Bantay Waring nanghihingi ng tulong; Hindi para sa sarili, Kundi sa among nakahiga sa karton. Sa bawat tapak ng paa, Samu’t saring kuwento ang makukuha. Maitatanong na lamang, Kung hanggang kailan kaya? Kailan tayo matututo? Kailan tayo magbabago? Kailan tayo magigising? Kailan tayo makakawala? Nakapaninikip ng dibdib, Nakangangatal ng labi. Ang sitwasyon sa kalsada Na salamin ang kalagayan ng bansa. haraya manawari


SSaammggaakkiinnaakkaahhaarraappnnggbbaannssaa,, AAnnggssaarraappnnaallaammaannggmmaaggiinnggbbaattaa;; TTaannggiinnggllaarrooaannggnnaaggppaappaassaayyaa,, IIttoollaannggrriinnaannggnnaaggppaappaalluuhhaa.. KKuunnggnnoooo’’yynnaayyaayyaammoott KKaappaaggssaattaanngghhaallii’’yyppiinnaappaattuulloogg,, NNggaayyoo’’yynnaaggssiissiissii DDaahhiillppaattiippaagghhiinnggaa’’yy ‘‘ddiimmaappiillii.. KKuunnggnnoooo’’yynnaaggddaaddaabboogg KKaappaagg ‘‘ddiimmaakkuuhhaaaanngggguussttoo,, NNggaayyoo’’yyttaahhiimmiikknnaaiiiiyyaakk AAttmmaaggssuussuummiikkssiikkssaaiissaannggssuullookk.. KKuunnggnnoooo’’yyppuunnoonnggeenneerrhhiiyyaa KKaappaaggppaammiillyyaa’’yyssaammaa--ssaammaa,, NNggaayyoo’’yymmaassnniinnaannaaiissnnaammaagg--iissaa Maabbiinnggii ssaakkaattaahhiimmiikkaannnniittoonnggddaallaa.. SSaannaammaannuummbbaalliikkaannggppaaggkkaammuussmmooss,, NNaaaanngglleennttee’’yyiinnoosseenntteeaattppoossiittiibboo,, NNaammaayyrroooonnggmmaakkuullaayynnaammuunnddoo,, NNaassaappaaggkkaabbiiggoo’’yyaaggaarraannggttaattaayyoo.. NNAAIISS KKOONNGG MMAAGGIINNGG MMUUSSMMOOSS haraya manawari


SSAALLAAGGIIMMSSIIMM MMaahhiirraappbbuummaalliikkssaauummppiissaa,, NNgguunniittmmaassmmaahhiirraappkkuummaappiitt ssaannaakkaarraaaann;; KKuunnggssaaaannppuunnoonnaallaammaannggnnggaallaaaallaa,, DDaahhiillaannggttaaoonnggkkaassaammaammoo’’yy wwaallaannaa.. MMaahhiirraappbbuummaannggoonnssaauummaaggaa,, NNgguunniittmmaassmmaahhiirraappiibbaalliikkaannggppaagg--aassaa;; TTiippoonngggguussttoommoonnaallaammaannggttuummiihhaayyaa,, IIppiikkiittaannggiiyyoonnggmmggaammaattaa.. MMaahhiirraappmmaaggllaakkaaddssaabbuuoonnggaarraaww,, NNgguunniittmmaassmmaahhiirraapphhaannaappiinnaannggppaattuuttuunngguuhhaann;; DDiirreettssoo,,lliilliikkoo,,aattkkaakkaannaann,, HHiinnddiinnaaaallaammkkuunnggnnaassaaaann.. MMaahhiirraappggaawwiinnaanngg ‘‘yyoonngghhaannggaarriinn,, NNgguunniittmmaassmmaahhiirraappssaagguuttiinnkkuunnggaannoonnggaabbaaaannggnnaaiiss;; LLaaggiinnaallaammaannggssuummaassaabbaayyssaaaaggooss,, KKaayyaannggaayyoo’’yyttaahhiimmiikknnaannaalluulluunnoodd.. MMaabbuuttiippaaaannggkkaallaaggaayyaannnnggaarraaww,, IIttooaayyllaaggiinnggmmaayykkaassiigguurraadduuhhaann;; LLuummuubbooggmmaannttuuwwiinnggddaappiitthhaappoonn,, NNgguunniitt ssiissiikkaatt rriinnkkaahhiittaannooppaammaann.. haraya manawari


BUWAN haraya manawari


LARAWANG KUPAS HHHaaabbbaaannngggnnniii lll iii lll iiigggpppiiitttaaannnggggggaaammmiiittt LLLaaarrraaawwwaaannngggkkkuuupppaaasssaaayyynnnaaasssiillaayyaann;; ilayan; NNNaaakkkaaarrraaaaaannnaaayyynnnaaannnuuummmbbbaaalll iiikkk AAAnnngggaaakkkaaallaa’’yyttuulluuyyaannnnaaiittoonnggnnaattaakkaassaann.. la’y tuluyan na itong natakasan. MMMgggaaammmaaatttaaa’’yykkuummiikkiissllaapp,, ’y kumikislap, TTTiillaammaassaayyaallaaggiiaannggbbuukkaass;; ila masaya lagi ang bukas; MMMgggaaannngggiittii rriinnaayykkaayyttaammiiss,, iti rin ay kay tamis, WWWaaarrriinnggssiiyyaa’’yyhhiinnddiimmaannaannaakkiitt.. ing siya’y hindi mananakit. KKKaaasssaaabbbaaayyynnngggmmmaaallaakkaassnnaahhaannggiinn,, lakas na hangin, PPPaaannnuuunnnuuummmbbbaaalliikknnggmmggaaaallaaaallaa;; lik ng mga alaala; LLLuuuhhhaaa’’yy ‘‘ddiinnaannaappiiggiillaannggppuummaattaakk,, ’y ‘di na napigilang pumatak, HHHiikkbbii ssaallaabbii’’yyttuulluuyyaannggssuummaammbbuullaatt.. ikbi sa labi’y tuluyang sumambulat. PPPiiggiillaannmmaannaannggnnaarraarraammddaammaann,, igilan man ang nararamdaman, NNNggguuunnniittbbaattiiddnnaassaarriillii’’yyuummiiiiyyaakk.. it batid na sarili’y umiiyak. KKKaaaiillaannkkaayyaammuulliinnggnnggiinnggiittii ilan kaya muling ngingiti TTTuuuwwwiiinnnggglllaaarrraaawwwaaannngggkkkuuupppaaasssaaannngggsss ’’’yyyaaannnggghhhaaawwwaaakkk??? haraya manawari


PANGUNGULILA SA ALAALA Sa pagdilat ng mga mata, Mga aralin kaagad ang inaalala. Ganito ba talaga sa kolehiyo? Ang tanging pahinga’y pagtulog mo. Noo’y kaya ang walong oras sa eskuwela, Samahan pa ng pagsali sa mga programa. Ngunit ngayo’y nakaharap sa teknolohiya, Gustong agarang magpahinga. Nasaan na ang dati mong sigasig? Na gabihin man ng uwi, At maglakad nang matagal, Ang ngiti’y nakapaskil pa rin sa labi. Nasaan na ang iyong pagkasabik? Gumising man nang maaga, Ito’y hindi mo alintana, Makita lamang ang kanilang mga mukha. Nawa’y motibasyo’y manumbalik, Inspirasyon ay aking ‘di mawaglit; Dahil patuloy na nangungulila Sa mga matatamis na gunita. haraya manawari


BBAALLIINNTTAATTAAWW SSSaaabbbaaawwwaaatttpppaaagggsssuuulllaaattt iikkaaww aannggaakkiinnggppaakkssaa;; ikaw ang aking paksa; MMMaaasssaaayyyaaammmaaannnooommmaaalluunnggkkoott,, lungkot, AAAkkkiinngg ‘‘ddii iinniinnddaa.. ing ‘di ininda. SSSaaabbbaaawwwaaatttpppaaagggtttaaawwwaaa IIkkaaww aannggaakkiinnggddaahhiillaann;; Ikaw ang aking dahilan; PPPaaalluuhhaaiinnmmoommaann,, luhain mo man, PPPaaatttuuullooyyppaarriinnggbbaabbaalliikkaann.. loy pa ring babalikan. SSSaaabbbaaawwwaaatttdddaaaaaannngggtttiiinnnaaatttaaahhhaaakkk IIkkaaww aannggaakkiinnggppaattuuttuunngguuhhaann;; Ikaw ang aking patutunguhan; HHHiinnddiimmoommaannssaalluubbuunnggiinn,, indi mo man salubungin, IIkkaa’’yyaakkiinnppaarriinngghhaahhaaggkkaann.. Ika’y akin pa ring hahagkan. SSSaaabbbaaawwwaaatttpppaaagggooodddnnnaaannnaaadddaaarrraaammmaaa IIkkaaww aannggttaannggiinnggppaahhiinnggaa;; Ikaw ang tanging pahinga; MMMaaadddaaapppaaammmaaannnsssaaapppaaagggtttaaakkkbbbooo,, , LLLaaagggii’’ttllaaggii llaammaannggppaattuunnggoossaaiiyyoo.. i’t lagi lamang patungo sa iyo. NNNggguuunnniittaakkoo’’yybbiiggllaannggnnaappaahhiinnttoo,, it ako’y biglang napahinto, IIbbaappaallaaaannggnnaaiissnnggbbiissiiggmmoo.. Iba pala ang nais ng bisig mo. TTTiillaassiinnaammppaallnnggkkaattoottoohhaannaann,, ila sinampal ng katotohanan, SSSaaabbbaaalliinnttaattaaww nnggaallaannggppaallaammaarraarraannaassaann.. lintataw nga lang pala mararanasan. haraya manawari


DÍLI-DÍLI Sa isip kong nasa himpapawid, Palipad-lipad na lamang sa ihip ng hangin, Pilit na hinahanap ang landas na tuwid, Papalapit sa dagat ng mga bituin. Kumusta ka, kaibigan? Mahigit dalawang taon na noong sumiklab ang pandemya; Dala ng isang walang mukhang kalaban Ang tanging liwanag na lamang ay nagmumula sa bumbilya. Kumusta ka, kaibigan? Maging poot at galit ay tinitibok na ng puso; Gulong-gulo sa mga pangyayari sa kapaligiran Sa kababalaghan ng pandemya at gobyernong mapang-abuso. Ito ang aming daing, Kailan namin muling masisilayan ang dating nakasanayan? Punan ang uhaw sa mga nakaw na sandaling aming hiling, Ang ligtas na pagbubukas ng mga eskwelahan. Ito ang aming daing, Batid naming baliktarin ang tatsulok Kung saan ito ay sa ibaba nakatutok At ang nasa tuktok ay hahalik sa sahig. Kumapit ka lamang, kaibigan; Ang bawat pindot sa tipaan ay mayroong saysay, Ang nakakaduling na liwanag ng kompyuter ay malalampasan, At ang mahabang pagtitiis, sa dulo ay tagumpay. haraya manawari


Click to View FlipBook Version