AUGUST SEPTEMBER DIKE-lidad na Pundasyon para sa 56 Bayan ng Concepcion Bagong Kalsada Patungo sa Mas 54 Progresibong Bayan ng Pura Banyuhay 51 Q3 2023 Issue
A ng San Jose ay kilala bilang isang agricultural community na binubuo ng daan-daang hektarya. Matagal na problema na ng bayan lalo na ang mga magsasaka ang walang maayos na daanan upang makapag-ani at makapaghatid ng kanilang produkto mula sa bukid papuntang bayan. Sa pamamagitan ng programang Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) ay nakapagsagawa ng proyekto na Farm-to-Market road sa Sitio Congo, Barangay Sula ng San Jose Tarlac. Dahil dito naiiwasan na ang pagkabulok ng kanilang ani at naging maginhawa ang trabaho ng mga magsasaka. Ayon sa dalawang engineers na nangasiwa sa proyekto, inilahad ni Engineer Ramil De Vera (Municipal Engineer) na nasa 1.4 na kilometro ang nagawang sementadong daan. Sa lawak ng bayan, ito ay kaunti pa lamang pero napakalaking epekto nito sa magiging produktibo ng kabuhayan ng mga magsasaka. At nabanggit naman ni Engineer Jimmy C. Dancel (Municipal Planning and Development Coordinator) na kung wala ito, walang magiging improvement at umaasang patuloy na masusuportahan ang proyektong ito na umabot hanggang sa dulong bahagi ng lugar ang mapondohan upang mas mapabuti ang kanilang pang araw-araw na kabuhayan. May mensahe din mula kay Mayor Romeo G. Capitolo (Municipal Mayor of San Jose, Tarlac). “Kaya kami sa San Jose, (laking) pasasalamat sa ating mahal na DILG. Lahat (mula) sa munisipyo, province, region at national at siyempre ang ating mahal na PBBM.” Labis din ang pasasalamat ng mga magsasaka (Sa Pamumuno ni Ricardo Reyla) sapagkat sila ang pinaka makikinabang sa proyektong ito. Iba man ang kanilang lengguwahe ngunit masasasaksihan sakanilang mga ngiti ang dulot nitong makabuluhang proyekto. Malayo pa pero malayo na. Kilometro para sa Dobleng Produktibo Tarlac Province’s Project Spotlight for July 2023 Project Title : Construction of PCCP Farm-to-Market Road at Sitio Congo, Barangay Sula, San Jose, Tarlac Program : Financial Assistance to Local Government Unit – Local Access Road Funding Year : 2021 Allocation : 20,000,000.00 52 Banyuhay Q3 2023 Issue
Banyuhay Q3 2023 Issue 53
A ng pag-unlad at pagbabago ng isang komunidad ay nagmumula sa mga hakbang na kinabibilangan ng malasakit, dedikasyon, at layuning mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat mamamayan. Isa sa mga prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Pura ang pagpapabuti ng kalagayan ng transportasyon sa kanilang nasasakupan. Sa pamamagitan ng mga makabuluhang proyektong pang-imprastraktura, patuloy na inaangat ng Bayan ng Pura ang kalidad ng transportasyon ng kanilang mga residente. Sa tulong ng mga proyektong naglalayong pagandahin ang mga kalsada, naging bukas ang pintuan tungo sa mas magaan at mas mabilis na biyahe para sa mga taga-Pura. Sa ilalim ng programang F.Y. 2021 Financial Assistance to Local Government Units (FALGU), ipinatutupad ang mga proyektong pagkonkreto ng mga kalsada na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng transportasyon sa nasabing bayan. Kabilang sa mga naging benepisyaryo ng proyektong ito ay ang mga residente ng Brgy. Maungib Purok 1. Ayon kay Ginoong Gil Cortez Jr., residente ng nasabing barangay, ang pagpapagawa ng kanilang kalsada ay malaking biyaya sa kanila dahil napadali nito ang kanilang pang-araw-araw na biyahe. Dagdag pa niya, mahalaga na mapanatili ang kalagayan ng proyektong ito upang magpatuloy ang pagkakaroon ng komportableng biyahe sa kanilang lugar. Higit pa sa pagiging mas magaan at maayos na biyahe, ang pagpapagawa ng mga kalsada sa Pura ay sumisimbolo ng mas malalim na layunin: ang pagpapabuti ng buhay at kinabukasan ng mga mamamayan. Ito’y nagpapakita ng sama-samang pagsusumikap at pangarap para sa mas magandang serbisyo publiko. Sa bawat pagpapaganda ng imprastraktura, isang hakbang ang bayan ng Pura patungo sa mas makabuluhan at maayos na transportasyon. Ipinapakita nito ang kanilang hangaring magkaroon ng modernisadong sistema ng transportasyon na magbubunga ng malawakang benepisyo hindi lamang sa kasalukuyan kundi pati na rin sa mga henerasyon ng hinaharap. Sa huli, ang mga proyekto ng Pura ay hindi lamang simpleng kalsada, kundi simbolo ng pag-unlad, pagkakaisa, at pag-angat ng pamumuhay ng bawat isa. Sa bawat linyang nakakabit sa mga kalsadang ito, sumisimbolo ito ng pag-asang patuloy na naglalakbay patungo sa mas magandang kinabukasan ng kanilang mga nasasakupan. Bagong Kalsada Patungo sa Mas Progresibong Bayan ng Pura Tarlac Province’s Project Spotlight for August 2023 54 Banyuhay Q3 2023 Issue
“Dati ay baku-bako ang daan na ito, masakit sa paa na maglakad, pero dahil sa tulong ng proyektong ito komportable na naming binabagtas ang daan” Diana Capinpin Residente “Di narin hirap ang aming mga motor o tricycle tuwing magbibiyahe kasi maayos na yung daan namin, pati yung mga motor dito sa amin ay di na agad nasisira.” Luzviminda Casiano Residente Gil Cortez Jr. Residente Banyuhay Q3 2023 Issue 55
H indi maikakaila na isa sa mga pangunahing naisin ng bawat indibidwal para sa kaniyang hinaharap ay ang kasaganaan. Ang pundasyon ng mithiin na ito ay nakaangkla sa aksyon at determinasyon ng isang tao mula sa malabong pangitain tungo sa rurok ng tagumpay. Ngunit sa kabila ng mga nakalatag na hakbang, kalakip nito ay ang mga posibleng hadlang sa kahabaan ng daan. Taong 2022, nang masalanta ng bagyong Paeng ang bayan ng Concepcion, partikular na sa barangay Balutu at San Antonio. Saad ni Engr. Bryan Julius Lacsamana, Municipal Planning and Development Coordinator, “Nagkaroon ng massive flooding dito sa may bandang Balutu at San Antonio kaya ginawan namin ng dike diyan para maibsan ‘yong flooding doon, kaso nga lang, syempre, dahil mababa lang, eventually ay nasira din.” Ayon pa kay kagalang-galang Noel Lacson, Punong barangay ng San Bartolome, na sa tuwing nagkakaroon ng malakas at tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan, ang mga naninirahan sa barangay Balutu at San Antonio ay nagkakaroon ng pangamba sa maaaring pinsala na maidudulot ng matinding pagbaha sa lugar. Karamihan sa residente ng mga barangay na ito ay umaasa lamang sa kani-kanilang mga taniman, kung kaya’t ang malakihang pagbaha ay siyang unti-unting nagbura sa kanilang pangarap na maganda at umaapaw na ani. Ang pag-usad mula sa delubyo ng mga mamayang ito ay sadyang naging malaking dagok kung ang tanging inaasam-asam na ani lamang ang kanilang sandigan. Kaya naman, upang bigyan muli ng liwanag ang hangarin na masaganang kinakabukasan, ang nasirang dike ng bagyong Paeng ay hindi nanatiling walang pakinabang. Sa pamamagitan ng Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) F.Y. 2022, naisagawa ang pagkukumpuni at pagsasaayos ng dike – dahilan kung kaya’t ang takot ng mga residente ng barangay Balutu at San Antonio ay unti-unting nawakasan. Ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal – Tarlac ay naglalayong siguraduhin na naibibigay ng proyektong ito ang wastong serbisyo sa mamamayan. Bunga nito ang lubos na ang pasasalamat ng mga residente at LGU Concepcion sa pagbalikat ng gobyerno sa pagreresolba sa isyung ito. Kapanatagan at pag-asa ang naihatid ng proyektong ito sa kaisipan ng mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad. Ngayon, ang dike sa barangay San Bartolome ay nagsisilbi ng proteksyon hindi lamang sa mga kabahayan ng mga karatig barangay kundi maging sa kanilang mga kabuhayan. DIKE-lidad na Pundasyon para sa Bayan ng Concepcion Tarlac Province’s Project Spotlight for September 2023 56 Banyuhay Q3 2023 Issue
Project Title : Repair and Restoration of Sapang Balen Protective Earth Dike Program Name : Financial Assistance to Local Government Unit – Other Infrastructure Funding Year : 2022 Allocation : Php. 5,420,520.00 Banyuhay Q3 2023 Issue 57
ZAMBALES MONTHLY FEATURED PROJECTS FOR THE 3 RD QUARTER OF 2023 JULY Convenient Service Vehicle for Santa Fe, San Marcelino, 60Zambales 58 Banyuhay Q3 2023 Issue
AUGUST SEPTEMBER Strengthening Community Life 64 through Better Healthcare Daan Tungo sa Pag-Unlad ng 62 Pamayanan ng Cabangan
S anta Fe is the largest barangay in San Marcelino, Zambales. It is situated to the north east of San Marcelino’s main town. Bounded by parts of Tarlac and Pampanga on the east, the town of Botolan on the north, Castillejos and Subic on the south, and San Antonio on the west. During the early days, Sta. Fe was inhabited by highlanders, the Aetas of Zambales. Then many lowlanders eventually came to San Marcelino, especially the hardworking Ilocanos. Two famous men made their homes with the Aetas in pursuit of luck and riches. Both guys have unique talents for which the location was called. Dalit Pascula were fervently religious and worked on wood for carts and status, which is how the area got its current name Sta. Fe. To reach the barangay proper, travellers must cross a large area of lahar zone caused by the eruption of Mount Pinatubo last June 15, 1991. Residents of this community have difficulties in terms of travel time and facility access due to its remote location. The project entitled “Procurement of One (1) Unit Mobile Patrol Vehicle (Multicab)” under the FY 2022 Local Government Support Fund - Financial Assistance to Local Government Unit (LGSF-FALGU) with an allocation of Php 1,300,000.00 aided this issue and benefitted 2,150 residents. The multicab is currently used as a service delivery vehicle for the distribution of supplies, materials, goods, and equipment. Additionally, it is utilised to provide prompt and reliable transportation during medical emergencies, calamities, and relief efforts. By: PEO I Carla G. Maranoc, RCrim., LPT Convenient Service Vehicle for Santa Fe, San Marcelino, Zambales Zambales Province’s Project Spotlight for July 2023 60 Banyuhay Q3 2023 Issue
Banyuhay 61 Q3 2023 Issue
M alugod na inihahandog ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal ng Zambales ang tampok na Locally-Funded Project sa buwan ng Agosto taong 2023, ang “Road Upgrading Arew - San Isidro” ng Cabangan. Ito ay proyektong pagkokonkreto ng kalsada na nagkokonekta sa dalawang barangay, Barangay Arew at Barangay San Isidro. Noong hindi pa maayos ang nasabing kalsada ay hindi pa ito kayang daanan ng mga sasakyan dahil ito ay lubak-lubak, maputik tuwing umuulan at madalas pa itong bahain. Isa ito sa mga pangunahing suliranin ng mga residente dahil ito ay naging hadlang sa pagbiyahe ng kanilang mga produktong pang-agrikultura na kanilang pangunahing hanapbuhay. Ito rin ang dinadaanan ng mga estudyante papunta sa kanilang eskwelahan at alternatibong kalsada rin ng mga turista papunta sa mga magagandang beach resort kung saan kilala rin ang bayan ng Cabangan. Ang matagumpay na proyektong ito ay tunay na naging kapakipakinabang hindi lamang sa Barangay Arew at San Isidro, ngunit pati na rin sa iba pang kalapit na barangay tulad ng Barangay Sta. Rita at Apo-Apo na dati ay kulang sa pangunahing imprastraktura na nagpapahirap sa kanila na palawakin at mapabuti ang kanilang pamumuhay. Ang proyektong ito ay nagbibigay-daan para sa mas malawak na transportasyon ng mga produkto at serbisyo at nagbibigay ng access sa mga merkado. Ang nasabing kalsada ay may habang 989.3 metro, apat na metrong lapad, at may kapal na 0.15 metro. Ito ay may kabuuang alokasyon na Php 5,000,000.00 at may higit na 3,229 na benepisyaryo. Ito ay naisakatuparan sa tulong ng programang FY 2022 Local Government Support Fund - Financial Assistance to Local Government Unit (LGSF-FALGU). Ang mga Cabangeño ay nagpapasalamat sa gobyerno sa handong nito na “Road Upgrading Arew - San Isidro”. Napabuti nito ang kalagayan ng pamumuhay ng mga residente sa pamamagitan ng mas ligtas, mas madaling daanan at maayos na kalsada. Daan Tungo sa Pag-Unlad ng Pamayanan ng Cabangan Zambales Province’s Project Spotlight for August 2023 62 Banyuhay Q3 2023 Issue
Banyuhay Q3 2023 Issue 63
T wo (2) years ago, we started wearing face masks and face shields, followed strict physical distancing, experienced lockdowns, and witnessed devastating health, economic, and social crisis due to a nightmare we don’t wish to relive—the coronavirus disease 2019 (COVID-19). “Sustaining the Care for COVID-19 Patients to Stop the Spread of the Virus”—a project implemented by the Municipality of Palauig during the trying times. A hundred thousand worth of medicines and medical equipment were purchased with the financial subsidy of Php 100,000.00 from the Local Government Support Fund-Disaster Rehabilitation and Reconstruction Program (LGSF-DRRAP) to support the LGUs’ social protection program through mitigating the impact of Covid-19 pandemic. Ms. Dianne De La Rosa, a registered Midwife working in the Rural Health Unit of Palauig, highlighted the importance of free medicines to community during the height of pandemic, “Malaking tulong po ang naibigay na mga libreng gamot lalong-lalo na sa mga pasyenteng hirap makabili during convid-19 pandemic” she said. The Php 100,000.00 fund is only a fraction of the billions of pesos used by the National Government to combat the pandemic, but the success of this project has shown us how crucial an uninterrupted supply of pharmaceuticals and medical equipment is to the healthcare system of the Local Government Unit. Strengthening Community Life through Better Healthcare Zambales Province’s Project Spotlight for September 2023 64 Banyuhay Q3 2023 Issue
“As a member of the Health Care Personnel, it is our utmost concern to express our gratitude and acknowledge the invaluable support you had extended during the Covid-19 Pandemic. The resources we had received were consumed accordingly to serve its purpose, the quality care for our patients and the protection for us as health worker in rendering our service” Marycone Tan Medical Technologist II “Taos-pusong pasasalamat ang nais kong ipaabot sa inyong ahensya sa mga tulong at suportang inyong ipinaabot sa aming bayan lalung-lalo na sa mga kababayan kong napektuhan ng sakit na Covid-19. Malaking tulong po ang inyong ibinigay na mga gamot lalung-lalo na sa mga pasyenteng hirap makabili during covid-19 pandemic.” Dianne De La Rosa Midwife Banyuhay Q3 2023 Issue 65
DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT REGION III Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Cellphone No.: (+63) 919 077 1601 Email Address: [email protected] Website: region3.dilg.gov.ph ALL RIGHTS RESERVED 2023 Banyuhay Q3 2023 Working Committee DILG Region III The Management DILG Region III Provincial and City Offices The Management LGOO V Chief Khalid Sunggod Editor-in-Chief Engr. Romnick A. Ilarde Editor, Layout & Page Design PEO II Kristine Mae M. De Leon Coordinator Provincial LFP Team Contributors Special Credits The Project Beneficiaries The Local Government Units Ms. Chelsea Pasamonte-Wilkerson Title and Logo Maker- “Banyuhay” Provincial LFP Team Contributors