The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by JULIO JR CASILAG, 2024-05-16 19:00:04

Casilag, Julio Jr. H._Pagsasanay 1

Casilag, Julio Jr. H._Pagsasanay 1

Ang The Torch Publications ay ang opisyal na pahayagang pang-magaaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas sa Maynila. Itinatag noong 1912, ito ay isang pro-student na publikasyon na nagsusulong ng mga pamantayan at etika ng pamamahayag, at nagbibigay daan sa holistikong pag-unlad ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga objektibong realidad sa lipunan at pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mamamayan Ang The Torch ay naglalathala ng iba't ibang materyales tulad ng periodicals, supplements, at mga espesyal na isyu tulad ng "Ang Sulo" at ang literary folio na "Aklas." The Torch Publications Isang Pananaliksik ni Julio H. Casilag Jr. Ang The Torch Publications ng Philippine Normal University (PNU) ay hindi lamang isang pahayagang pang-mag-aaral kundi isang institusyon na may matagal nang kasaysayan at malalim na pagkakaugat sa pagsulong ng karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral at ng komunidad. Bukod sa regular na mga edisyon, ang The Torch ay naglalathala rin ng mga espesyal na isyu na nagtatampok ng iba't ibang mga tema at isyung panlipunan. Regular Issues- Nagtatampok ng pitong isyu kada taon na may mga karagdagang supplements kung kinakailangan. Ang mga isyu na ito ay sumasaklaw sa iba't ibang paksa mula sa akademiko hanggang sa mga usaping pambansa at internasyonal Ang Sulo- Isang espesyal na isyu na nakasulat sa Filipino na naglalayong mas malapit sa puso ng mga mag-aaral ang mga usapin sa ating sariling wika at kultura. Aklas- Isang literary folio na naglalaman ng mga tula, maikling kwento, sanaysay, at iba pang mga likhang pampanitikan na gawa ng mga mag-aaral ng PNU. “Sa unang isyu ng publikasyon para sa taong pampanuruan 2023-2024, binigyang importansiya ang naratibo ng mga tsuper at operator na kasalukuyang tinututulan ang pagphaseout at nilalabanan ang masaker sa kanilang kabuhayan. Tampok din ang kasalukuyang kalagayan ng iba’t ibang mga sektor na magpahanggang ngayon nakararanas ng panggigipit at pang-aabuso. Pinagtuunan din ng pansin ang boses ng PNUans patungkol sa mga usapin at mga isyung kalakip ng kalakaran sa loob ng pamantasan”. (The Torch Publications, 2024) Tintahan ang Pluma Magsilbi sa Masa


Ang mga artikulo sa The Torch ay tumatalakay sa mga napapanahong isyu tulad ng pandemya, karahasan ng estado, pagkakaisa ng mga estudyante, at iba pang mga sektor tulad ng mga magsasaka, guro, kabataan, at LGBTQIA+ community. Layon din ng The Torch na maging boses ng mga mag-aaral, isang pahayagang tumutugon sa pangangailangan ng akademya at ng komunidad. Ang kanilang adbokasiya ay ang pagpapalaganap ng impormasyon na makatotohanan, makabuluhan, at nagtataguyod ng pag-unlad ng mga mag-aaral bilang mga responsable at mapanlikhang pinuno at mamamahayag. Kasalukuyang aktibo ang The Torch Publications sa pagsulat, pagsisiwalat, at pagmulat sa realidad ng ating estado. Ang The Torch ay aktibong miyembro ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Ang Qualifying Exam for Correspondents, Artists, Layout Artists, and Photojournalists (QUECALAP) ay taunang paghahanap ng mga kasapi ng publikasyon. Kilala rin ang LIYAB bilang taunang patimpalak para sa mga mag-aaral sa sekondarya mula sa iba't ibang paaralan sa National Capital Region (NCR) na hubugin ang kanilang kakayang magsulat, magsiwalat at mamulat sa umiigting na banta sa kalayaan sa pamamahayag. Tinalaga sina Dok Joel Malabanan bilang kritiko sa Filipino at tagapayong teknikal naman ay si Prop. Jasper Lomtong. Ink Your Pen Serve the People


Sanggunian thetorchpub Publisher Publications - Issuu. https://issuu.com/thetorchpub Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas. (2014). SlideShare; https://www.slideshare.net/slideshow/kompletong-kasaysayan-ng-pahayaganat-pahayagang-pangkampus-sa-pilipinas/37687041 Kinilala at tinanghal na bagong Editor-inChief ng The Torch Publications si Abbie Joy Salon. Sinundan nina Mhaigne Ahne Lucañas bilang Associate Editor in English at sa Filipino naman sa pangunguna ni Monica De Vera. Si Arianne Rosewell Maling naman ang nagsilbing Managing Editor at si Ralf Aaron Macapagal ang siyang katuwang nito. Sinundan ito na mga section editors na sina Erica Jhoy Buce (News Editor) , Eric Dela Peña (Features Editor) , Shaniah Faith Legaspi (Literary Editor) , Janina Rae Raymundo (Sport Editor) , at si Jonalyn Domdom (Research Editor). TORCH1912Katibayan ng onlayn na mensaheng panayam kay Abbie Joy Salon


Click to View FlipBook Version