The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

aralpan-lesson 2- absolute na lokasyon

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by lafuentejoanna97, 2020-09-03 08:18:15

Aral pan

aralpan-lesson 2- absolute na lokasyon

ARAL PAN

Katuturan ng Absolute na Lokasyon

Ang lokasyon ay nagsasaad ng permanenteng lokasyon ng isang lugar sa
ibabaw ng mundo. Nabibigay ito sa pamamagitan ng termino o paggamit ng
latitud (latitude) at longitud (longitude). Teritoryo ng isang bansang batid ang
kanilang lokasyon ay mahalaga lalo na sa mga mamamayan. Anong larawan
ang makikita mo sa ibaba? Tama ka! Ito ay isang larawan ng mundo. Dito tayo
nakatira. Ang mundo ang tahanan ng sangkatauhan. Ito ay may hugis na
oblate spheroid at binubuo ito ng tatlong
kapat (¾) na bahagi ng katubigan; at
isang-kapat (¼) naman ay binubuo ng kalupaan.

Sa pag-aaral mo tungkol sa lokasyon o kinalalagyan ng isang lugar sa
mundo ay kailangan mo ang tulong ng isang globo at mapa. Ang globo ay
isang modelo o replika ng mundo. Ang mapa naman ay isang malapad na
modelo nito. Sa pamamagitan ng mapa at globo, matutukoy mo ang lokasyon
ng isang lugar o bansa.

May dalawang paraan ng pagtukoy sa lokasyon o kinalalagyan ng
Pilipinas. Ito ay ang tiyak na lokasyon at relatibong lokasyon.

Tiyak na Lokasyon
Ginagamit ang mga imahinasyong guhit sa globo upang hatiin ang daigdig sa
mga bahagi. Ang mga pahigang imahinasyong guhit sa globo na paikot mula
sa silangan pakanluran ng globo ay tinatawag na parallel. Samantala, ang
mga patayong imahinasyong guhit sa globo paikot mula sa hilaga patimog ng
globo ay tinatawag na meridian. longhitud meridian parallel latitud grid .



Ang distansiya sa pagitan ng dalawang parallel ay tinatawag na latitud
(latitude). Ang longhitud (longitude) naman ay ang distansiya sa pagitan ng
dalawang meridian.

Sa pagtatagpo ng meridian at parallel ay nabubuo ang
mala
parihabang espasyo sa ibabaw ng globo. Grid ang tawag sa
kabuuan ng mga espasyong ito o ang pinagsamang guhit latitud at
longhitud. Gamit ito sa pagtukoy ng tiyak na lokasyon ng anumang
lugar sa ibabaw ng mundo. Ang tiyak na lokasyon ay naipapahayag
sa pamamagitan ng latitud o latitude at longhitud o longitude.
Ang bawat isang guhit sa mapa o globo ay may itinakdang digri. Sa
pagkilala at pagbasa sa mga digri ng latitud at longhitud at ang
kanilang pagtatagpo sa grid ang tumutukoy sa eksaktong lokasyon.

Ginagamit ang digri (° ) at minute (‘) na yunit sa pagsukat ng
longhitud at latitud, Ang bawat digri ay mayroong 60 minutes. Ang
Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng mga latitud 4°23’ at 21° 25’
\Hilaga at sa pagitan ng mga longhitud 116°00’at 127° 00’ Silangan.
Ang mga nabanggit na latitud at longhitud ay naglalarawan sa
lawak na heograpikal sa kapuluan ng Pilipinas

Espesyal na Guhit Longhitud
Ang prime meridian ang kumakatawan sa simula ng mga guhit
longhitud. Ito ay nasa zero digri longhitud (0°) at may kabuuang
sukat na 180°. Hinahati nito ang mundo sa kanlurang Hemisperyo
(Western
Hemisphere) at Silangang Hemisperyo (Eastern Hemisphere)
kaya’t sa tulong nito masasabi kung pasilangan o pakanluran ang
kinalalagyan ng isang lugar.
Ang International Date Line (IDL) ay ang guhit na nasa 180°

longhitud. Ito ay katapat ng guhit mg prime meridian. Ang guhit na
ito ay tumutulong upang malaman natin ang oras at araw sa iba’t
ibang panig ng mundo. Kung ating mapapansin ito ay isang hindi
tuwid na linya. Sinadya ito upang magkaiba ang oras ng isang
bansa o lugar na nasasaklawan nito.

Hilagang Hemisperyo

Meridian Date Line

Prime
Meridian

Espesyal na Guhit Latitud
Bukod sa mga nabanggit na espesyal na guhit longhitud ay mga
espesyal na guhit latitud ding makikita sa globo at mapa kasama
ang ekwador, at mga polo.

Ang ekwador ay isang malaking parallel na imahinasyong guhit na
may sukat na 360°. Ito ay matatagpuan sa zero digri latitude (0° lat).
Hinahati nito ang mundo sa Hilagang Hemisperyo (Northern
Hemispehre) at Timog Hemisperyo (Southern Hemisphere). Ito ay
ang bahagi ng mundong direktang nasisikatan ng araw.

Ang mundo ay nahahati sa dalawang polo: ang polong Hilaga at
ang Polong Timog. Ang Polong Hilaga (North Pole) ay
matatagpuan sa pinakamataas na bahgi ng mundo samantalang
ang Polong Timog (South Pole) ay matatagpuan sa
pinakamababang bahagi ng mundo. Magkatapat ang dalawang
polong ito.

Isa sa mga espesyal na guhit latitud ay ang Tropiko ng Kanser
(Tropic of Cancer). Ito ang parallel na nasa 23° ½ “ hilaga ng

ekwador. Ito ang pinakahilagang hangganan na naaabot na bertikal
(vertical) na sinag ng araw.
Ang Tropiko ng Kaprikornyo (Tropic of Capricorn) ang tawag sa
parallel na nasa 23° ½ “ timog ng ekwador. Ito ang pinakatimog na
lugar na naaabot ng bertikal na sinag ng araw.

Ang Kabilugang Arktiko (Arctic Circle) ang parallel na nasa 66°
½ “ hilaga ng ekwador. Ito ang pinakahilagang hangganan na
naaabot ng pahilis na sinag ng araw.

Ang Kabilugang Antarktiko (Antarctic Circle) ang parallel na
nasa 66° ½ “timog ng ekwador. Ito ang pinakatimog na
hangganang naaabot ng pahilis ng sinag ng araw.

Relatibong Lokasyon
Ang Relatibong Lokasyon ay ang pagtukoy sa lokasyon ng bansa
batay sa mga kalupaan (Bisinal) at katubigang nakapaligid dito
(Insular) gamit ang pangunahing direksiyon. Dalawang Paraan ng
Pagtukoy sa Relatibong Lokasyon Bisinal Insular kalupaan
katubigan

Gamit ang mapa sa ibaba; paano natin mailalarawan ang relatibong
lokasyon ng Pilipinas?

Kaugnayan ng Lokasyon sa Paghubog ng ating Kasaysayan
Ang Pilipinas ay tinatawag na kapuluan o arkipelago dahil ito ay
napapaligiran ng mga anyong-tubig. Ito ay binubuo ng
humigit–kumulang 7,100 malalaki at maliliit na pulo. 11

Bilang isang bansang arkipelago o kapuluan; ang bansang
Pilipinas ay sinasabing nasa estratehikong lokasyon sapagkat
itinuturing itong isa sa pinakamahalagang rutang pangkalakalan.
Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal na inilululan sa mga barko
at eroplano mula sa ibat ibang bahagi ng rehiyon ng Asya. Dagdag
pa rito, nagkaroon ang ating katutubong kultura ng impluwensiyang
Silanganin at Kanluran mula sa mga bansa sa Europa at Amerika.

Malaki rin ang naging impluwensiya nito sa kulturang Pilipino na
nagmula sa mga Indian, Arabo at Tsino dahil ito ay naging tagpuan
ng iba’t ibang kultura. Sa mga impluwensiyang ito nahubog ang
makulay at mayamang kasaysayan ng ating bansa. Mahalagang
malaman mo ang kaugnayan ng lokasyon ng iyong bansa sa

paghubog ng ating kasaysayan. Malaki ang naging impluwensya
nito sa kulturang Pilipino na nagmula sa mga Indian, Arabo, at
Tsino. Dulot ito ng pagtungo sa Pilipinas ng mga Austronesyanong
nagmula sa Timog Tsina.

Nagkaroon ng impluwensyang silanganin at kanluranin mula sa
mga bansa sa Europa at Amerika ang ating katutubong kultura.
Angkop ang lokasyon natin para sa pangkaligtasang base laban sa
pagsalakay ng mga bansa sa Silangan. Naging base militar ito ng
Amerikano. May kaugnayan ang lokasyon natin kung bakit tayo
sinakop ng Hapon noong World War 2 dahil sa alitan ng Amerika at
Hapon. Noong panahong iyon, ay kontrolado ng Amerikano ang
base militar sa Pampanga at Zambales. At dahil sa lokasyon ng
Pilipinas ay mababatid din natin ang mga gawaing pangkabuhayan
ng bansa na siyang pagkukunan ng yamang paghahati-hatian ng
isang bansa.

Maaaring maging sentro ito ng pamamahagi ng iba't ibang
produkto at kalakalan mula sa ibang bansa ng Timog-Silangang
Asya at ng mundo dahil daanan ang Pilipinas ng sasakyang dagat
at panghimpapawid ng iba't ibang bansa. Binabati kita sa
pagtatapos mo sa pag-aaral sa modyul na ito. Ngayon ay ihanda
mo ang iyong sarili sa pagsagot sa mga gawain na nasa susunod
na mga pahina.


Click to View FlipBook Version