Pagiging magalang
Ang pagmamano ay isang paraan ng paggalang sa nakatatanda.
Sinisimbolo rin nito na tayo’y tinuruan ng ating mga magulang
ukol sa paggalang tungo sa ating mga nakatatanda.
Pagmamahal sa mga hayop
Ang mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga, libangan, pangunahing pinagkukunan
natin ng pagkain at katulong sa paghahanap-buhay. Tinagurian pa ngang 'man's
bestfriend' ang mga alagang aso sa kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa
tao at itinuturing rin sila ng karamihan sa atin bilang isang matalik na kaibigan.
Pagiging matapat
Ang pagiging matapat ay nangangahulugan ng pagiging mapagtapat at
walang daya. Ang katapatan ay isang magandang asal na kumakatawan
sa pagkatao ng isang tao na hindi magpapasakop sa kasinungalingan.
Pakikipagkaibigan
Ang pakikipagkaibigan ay nagpapakita ng magandang asal sa pakikipagkapwa tao
para ibahagi ang ating mga karanasan sa buhay at pagbahagi ng tulong sa panahon
ng pangangailangan. Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng
matatag na pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa lipunan.
Pagmamahal sa Magulang
Ang pagmamahal sa magulang ay isa sa magandang asal na maipapakita mo
saiyong magulang dahil ito ay ang sukli sa lahat ng ginawang sakripisyo at
pagaalaga sayo. Maipapakita mo ang pagmamahal mo sa iyong magulang sa
pamamagitan ng pagiging mabuting anak.
Mapagbigay sa Kapwa
Ang pagbibigay ay isang magandang asal na naghahatid kasiyahan sa
iyo at sa iyong natulungan. Maliit man o malaki kung ang pagbibigay sa
yung kapwa ay taos sayong puso lahat ng yun ay mahalaga.
Pagiging makalikasan
Mahalaga ang pagkamakalikasan sapagkat sa ganitong paraan natututo
tayong ingatan at mahalin ang lahat ng likha ng ating Panginoon.
Nakakatulong ang pagtatanim ng mga puno upang makaiwas sa pagbaha.
Pagiging madasalin
Magandang asal ang pagiging madasalin dahil nakakatulong ito
upang mapalapit tayo sa Diyos. Kapag tayo ay naging madasalin mas
magiging mabuti ang ating ugali at mas madali para saatin mag
patawad sa ibang tao.
Pagiging matulungin
Ang pagtulong sa kapwa ay isang gawaing pinoy na likas sa ating mga
pilipino. Madalas, ang iba pa ang inuuna natin imbes ang sarili natin.
Ang pagaalaga sa kapwa ay isang magandang gawain na nagbibigay
tulong sa nangangailangan nito.