CO_Q4_Health 2_ Module 7 Health Ikaapat na Markahan – Modyul 7 Ligtas at Hindi ligtas na Gawi sa Paaralan 2
Health – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Ligtas at Hindi ligtas na Gawi sa Paaralan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat : May Bernadeth R. Cuzon, Sarina Anne P. Relleja Editor : Amelia F. Bulaong, Pilar G. Cadaing Tagasuri : Jocelyn DR. Canlas, Neil Omar B. Gamos Tagaguhit : Mary Rose G. Ga Tagalapat : Melissa M. Santiago Tagapamahala : Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Marie Ann Ligsay, Engelbert Agunday, Fatima M. Punongbayan, Arnelia R. Trajano, Salvador B. Lozano
2 Health Ikaapat na Markahan – Modyul 7 Ligtas at Hindi ligtas na Gawi sa Paaralan
Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q4_Health 2_ Module 7 Alamin Natutukoy ang ligtas at di ligtas na gawi sa paaralan. (H2ISIVi-18) Subukin Panuto: Hulaan ang nangyayari sa larawan. Isulat sa iyong kuwaderno. 1. 4. 2. 5. 3.
2 CO_Q4_Health 2_ Module 7 Aralin 1 Ligtas at Hindi ligtas na Gawi sa Paaralan Ang wastong kilos o gawi sa loob ng paaralan ay ang mainam na pamamaraan upang mapanatiling ligtas ang sarili. Sa araling ito, matutunan ang mga pamamaraang Malaki ang maitutulong sa isang batang tulad mo. Balikan Panuto: Iayos ang mga salita upang makuha ang tamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. H A N A T N A - kung saan nakatira ang pamilya. 2. N I B A N P G A - aksidente o anumang pangyayaring hindi maganda . 3. L G T I S A N K A A - dapat mapanatili para walang mapahamak. Tuklasin
3 CO_Q4_Health 2_ Module 7 Panuto: Basahin ang tula. Isulat sa kuwaderno sa sagot sa mga tanong. Tuntunin sa Paaralan Pagpasok ay agahan, maging maayos sa pilahan Pag upo ay ayusin makinig sa aralin Mga gamit ay ingatan isagawa ang kalinisan Guro ay sundin natin maging batang masunurin Iwasang tumakbo upang ika’y di madapa Pinagbabawal ng guro upang maging ligtas ka Huwag gamiting panturo mga bagay na matulis Upang di mapahamak katabi mong nakatahimik Habilin ng guro pakinggan lagi at sundin Ito’y laging tandaan para sa ikabubuti mo rin Tuntuning pangkaligtasan tiyak na maaasahan Kung palaging susundin at hindi kalilimutan Mga Tanong: 1. Tungkol saan ang tula? 2. Mahalaga bang sundin ang mga nabanggit dito? 3. Magbigay ng isang paalala na iyong natandaan mula sa tula? Sang-ayon ka ba dito? Bakit? Suriin Mga dapat at Hindi dapat Gawin sa Loob ng Paaralan
4 CO_Q4_Health 2_ Module 7 Pagyamanin Panuto: Iguhit sa kuwaderno ang masayang mukha ( ) kung ito ay iyong ginagawa at malungkot na mukha ( ) kung hindi. ____1. Makipagkuwentuhan sa katabi habang Dapat Hindi dapat Pumasok sa tamang oras Tumakbo ng mabilis upang hindi mahuli sa klase. Isuot ang iyong ID sa lahat ng oras. Kalimutan ang ID sa bahay. Umakyat at bumaba sa hagdan ng buong ingat. Tumakbo at magtulakan sa hagdan. Sabihin sa guro kung may nakitang sirang kagamitan na maaring magdulot ng kapahamakan. Paglaruan ang mga basag na piraso ng bintana o mga kagamitang ginagamit sa pagsasaayos ng paaralan. Sumunod sa guro, makipagkaibigan sa iyong mga kamag-aral at maging mabuting estudyante. Umakyat sa mataas na lugar, makipagtulakan, makipag-away sa kamag-aral at sumagot sa guro.
5 CO_Q4_Health 2_ Module 7 nagsasalita ang guro. ____2. Tumakbo sa pasilyo ng paaralan. ____3. Pumipila ng tuwid papunta sa kantina . ____4. Itinatapon ang basura sa tamang lagayan. ____5. Nangunguha ng gamit ng mga kaklase ng walang paalam. Isaisip Panuto: Piliin sa kahon ang mga nawawalang salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ito sa kuwaderno. 1. Humawak kapag umaakyat at bumababa ng hagdan, lalagyan makatisod matulis baitang matataas palaruan
6 CO_Q4_Health 2_ Module 7 tumingin mabute sa mga _________________ nito. 2. Huwag aakyat sa mga____________________ na lugar. 3. Ilagay ang mga gamit tulad ng bag at payong sa tamang lalagyan upang hindi __________________. 4. Huwag gamiting panturo ang anumang ___________ na bagay. 5. Ilagay ang gamit sa paglilinis sa tamang _____________. Isagawa Panuto: Sumulat kuwaderno ng tatlong (3) alituntunin o paalala sa iyo ng iyong magulang sa bahay na kapareho ng alituntunin na ibinigay sayo ng iyong guro sa paaralan. Sa iyong palagay bakit kaya sila nagkapareho? 1. __________________________________________________ 2. __________________________________________________ 3. __________________________________________________
7 CO_Q4_Health 2_ Module 7 Paliwanag : ________________________________________ ________________________________________. Tayahin Panuto: Sagutin ng Tama o Mali. Isulat sa kuwaderno. 1. Pagtakbo habang bumababa ng hagdan. 2. Pag-ayak sa puno ng samapalok na nasa likod ng paaralan. 3. Pagtatapon ng balat ng saging sa tamang basurahan. 4. Pagtutulakan habang naka-pila 5. Umakyat sa mga matataas na lugar. Karagdagang Gawain Panuto: Gumawa ng liham para sa iyong guro at iyong magulang na naglalaman ng iyong mga pangako sa kanila tungkol sa pagsunod mo sa mga alituntunin. Isulat sa kuwaderno.
8 CO_Q4_Health 2_ Module 7 Susi sa Pagwawasto Subukin Guro ang magwawasto Balikan 1. TAHANAN 2.PANGANIB 3.KALIGTASAN Tuklasin Guro ang magwawasto Pagyamanin 1. 2. 3. 4. 5. Isaisip Baitang Matataas Makatisod atulis M Lalagyan Isagawa Guro ang magwawasto Tayahin 1.Mali 2.Mali 3.Tama 4.Mali 5.Mali Karagdagang Gawain Guro ang magwawasto
9 CO_Q4_Health 2_ Module 7 Sanggunian Grade 2 Learners Materials. K12resources, July 3, 2014. https://k12resources.wordpress.com/k12-learning- materials/grade-2-lm/. Guidelines on the Use of Most Essential Learning Competencies (MELCs) of DepEd Order No. 12, s. 2020. https://drive.google.com/file/d/1bAL4tP8 WybfUtAQFmllD0r8FxkBKdXL/view “Mga Pantahanang Kemikal Na Emergency.” Mga Pantahanang Kemikal na Emergency | Ready.gov. Accessed July 25, 2020. https://www.ready.gov/tl/node/5172. Rajnulada Follow. “10 Karapatan Ng Bawat Batang Pilipino.” SlideShare, September 9, 2011. https://www.slideshare.net/rajnulada/10- “A Guide to Home Safety: Identifying and Preventing Hazards.” SafeHome.org, August 20, 2021. https://www.safehome.org/resources/home-hazards/.
10 CO_Q4_Health 2_ Module 7 “Hazardous Chemicals List (ALL) - Environmental Health & Safety.” Accessed November 18, 2020. https://ehs.ucr.edu/sites/g/files/rcwecm1061/files/2019- 07/hazardous%20chemicals%20list.pdf. Product Safety Information in Product Manuals, Instructions, and Other Collateral Materials. Rosslyn, VA: National Electrical Manufacturers Association, 2017. “Safety at Home: 10 Common Safety Hazards around the House.” StaySafe.org, January 9, 2018. https://staysafe.org/safety-athome-10-common-safety-hazards-around-the-house/. “Top 10 Safety Measures Schools Should Adopt to Ensure the ...” Accessed November 15, 2020. https://fleetroot.com/blog/top-10- safety-measures-schools-should-adopt-to-ensure-the-safety-ofstudents/.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]