The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by 3376atcoc, 2022-03-10 03:11:28

ANG SAGOT

ANG SAGOT

ANG SAGOT

UNANG ARALIN
A. ANO ANG KASALANAN

Ang malaking hadlang sa Dios at sa tao ay kasalanan. “Ngunit ang
sala mo ang nagiging dahilan kaya hindi marinig ang dalangin
mo, at siya ring dahilan ng paglalayo ninyo” (ng tao at ng Dios).
(Isaias 59:2) Ang kasalanan ay ang pinaka-ugat o dahilan kung
bakit ang tao ay lumalaban at sumusuway sa kalooban ng Dios.
Ito ay nagsimula sa pagsuway ng isang tao (si Adan) at dahil dito
ay dumating ang kamatayan.

“Ang kasalanan ay paglabag sa kautusan.” (1 Juan 3:4b)

“Ang lahat ng gawaing di matuwid ay kasalanan.” (1 Juan 5:17)

Ang kasalanan ay bunga o resulta ng isang makasalanang
kalikasan ng tao. Mayroong kasalanan sa pag-iisip, sa salita, at sa
gawa.
B. ANG LAHAT BA NG TAO AY MAKASALANAN?

Ito ang karaniwan nang tinatanong ng mga tao, matalino man o
mangmang: “Ang lahat ba ng tao ay makasalanan?” Matatagpuan
ninyo ang kasagutan sa munting aklat na ito.

Ang lahat ay nagkasala. Sinabi ng Biblia “ Ang lahat ay nagkasala
nga at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.” (Roma 3:23)
“Gaya ng nasusulat, walang matuwid, wala, wala kahit isa; walang
nakatatalastas, walang humahanap sa Dios; silang lahat ay

nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; walang
gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.” (Roma 3:10-12)

ANO ANG SAGOT?
1. Ano ang malaking hadlang sa Dios at sa tao? (isaias 59:2) -

Kasalanan
2. Sa iyong sariling pangungusap, ano ang kasalanan? (1 Juan

3:4b, 1 Juan 5:17) – Ang kasalanan ay paglabag sa kautusan
3. Ang lahat ba ng tao ay makasalanan? (Roma 3:23; 3:10-12) - Oo
4. Naniniwala ka ba na ikaw ay makasalanan? (Roma 3:23; 3:10-

12) - Oo
5. Paano ka mapapatawad sa iyong kasalanan (1 Juan 1:9) –

Ipahayag ang kasalanan

Ang isang mahalagang hakbang sa pagkilala kay Cristo nang
lubusan ay ang pag-amin na ikaw ay makasalanan. “Kung
ipinahayag natin ang ating mga kasalanan ay tapat at banal siya

na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa
lahat ng kalikuan”. (Juan 1:9)

IKALAWANG ARALIN

ANG KABAYARAN NG KASALANAN

Ang paghuhukom sa kasalanan. At kung paanong itinakda sa
mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang
paghuhukom.” (Hebreo 9:27)

Ang kabayaran ng kasalanan. Sinabi ng Biblia, “Ang kabayaran
ng kasalanan ay kamatayan.” (Roma 6:23). Ang kamatayang ito ay
hindi lamang sa katawang-laman kundi ito ay kamatayang
espiritual din. Ang walang katapusang paghihirap sa impiyerno ay
habang panahong pagkahiwalay sa Dios. “At ang Diyablong
nandaya sa kanila ay itinapon sa lawang apoy at asupre…
pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman. Ang lawang apoy na
ito ang pangalawang kamatayan. Itinapon sa lawang apoy ang
sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.”
(Pahayag 20:10,14,15)

Ang kasalanan ang naghiwalay sa Dios at sa tao. “Ngunit ang
sala mo ang nagiging dahilan kaya di marinig ang dalangin mo, at
siya ring dahilan sa paglalayo ninyo” (ng tao at ng Dios). (Isaias
59:2)

ANO ANG SAGOT?

1. Mayroon bang paghuhukom sa kasalanan? (Hebreo 9:27) –
Mayroon

2. Ano ang sinasabi ng Biblia na kabayaran sa kasalanan? (Roma
6:23) – Kamatayan

3. Anong uri ng kamatayan ang tinutukoy ng Biblia? –
Kamatayang espiritual o paglalayo sa Dios

4. Mayroon bang lawang apoy o impiyerno? (Pahayag
20:10,14,15) – Mayroon

5. Bakit nagkalayo ang tao at ang Dios? (Isaias 59:2) – Dahil sa
kasalanan

6. Ikaw ba ay naniniwala na dahil sa iyong kasalanan, ikaw ay
nalayo sa Dios? - Oo

IKATLONG ARALIN
SINO ANG MAGBABAYAD NG KASALANAN?

Ayaw ng sinuman na mamatay at magdusa ng walang katapusan
sa impiyerno. Sinisikap ng marami na gumawa ng mabuti upang
makabayad at maligtas sa walang hanggang kaparusahan.
Dumadalo sila sa simbahan, nagngingilin, nangungumpisal, nag-
aabuloy – ngunit isa man sa mga ito ay hindi nakapag-aalis ng
kasalanan!

Hindi mo mababayaran ang iyong kasalanan. Ang ginawang
pagpapakabuti ng tao ay hindi makapag-aalis ng kanilang
kasalanan sapagkat ito ay isa lamang maruming basahan sa
harapan ng Dios. “Lahat naming katuwiran ay naging parang
maruming basahan.” (Isaias 64:6)

Ang kaligtasan ay isang kaloob ng Dios. “Sapagkat sa biyaya
kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya: at ito’y
hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios; hindi sa pamamagitan
ng mga gawa upang ang sinuman ay huwag magmapuri.” (Efeso
2:8,9) “Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating
sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo.”
(Tito 3:5a) Ang mga mabubuting gawa ay bunga ng ating
pananampalataya kay Cristo.

Si Cristo lamang ang tutubos sa sala. “Datapuwa’t ipinagtagubilin
ng Dios ang Kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo’y mga
makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.” (Roma 5:8)
Ang walang dungis na Kordero ng Dios ang naging kabayaran
para sa ating mga kasalanan. Ibinigay Niya ang Kaniyang buhay
upang tayo ay mabuhay.

ANO ANG SAGOT?

1. Anu-ano ang paraan ng tao para makabayad sa kasalanan? –
Pagdalo sa simbahan, pag-aabuloy, kawang-gawa, pagsisisi,
atbp.

2. Kaya bang bayaran ng tao ang kanyang kasalanan? (Isaias 64:6)
- Hindi

3. Bakit hindi kayang bayaran ng tao ang kanyang kasalanan
(Isaias 64:6) – Parang maruming basahan ang lahat ng
katuwiran ng tao

4. Maliligtas ba ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
mabubuting gawa? (Efeso 2:8,9; Tito 3:5a) – Hindi

5. Sino lamang ang maaaring magbayad ng kasalanan ng tao?
(Roma 5:8) – Si Jesus

6. Papaano binayaran ni Jesus ang kasalanan? (Roma 5:8) –
Namatay si Jesus para sa atin

7. Naniniwala ka ba na si Jesus ang tumubos at nagbayad ng
iyong mga kasalanan? (Roma 5:8) – Naniniwala

IKA-APAT NA ARALIN

MAYROONG PAG-ASA

Iniibig ka ng Dios. Dahil sa hidi mo kayang bayaran ang mga
kasalanan na iyong nagawa ay ipinadama naman sa iyo ng Dios
ang kaniyang malaking pag-ibig sa pamamagitan ng kaniyang
bugtong na Anak na si Jesu-Cristo. “Sapagkat gayon na lamang
ang pagsinta (pag-ibig) ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya
ang kanyang bugtong na Anak, upang sinumang sa kaniya’y
sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16)

Si Cristo ay inihandog para sa ating mga kasalanan. “At gayon din
naman si Cristo ay inihandog na minsan upang dalhin ang mga
kasalanan ng marami.” (Hebreo 9:28)

Si Cristo lamang ang pag-asa! At sa kanino mang iba ay walang
kaligtasan: sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na
ibinigay sa mga tao: na sukat nating ikaligtas.” Mga Gawa 4:12)
“Dahil dito naman Siya’y nakapagligtas na lubos sa mga nagsilapit
sa Dios sa pamamagitan Niya, palibhasa’y laging nabubuhay Siya
upang mamagitan sa kanila.” (Hebreo 7:25)

“Datapuwat ipinagtagubilin ng Dios ang kaniyang pag-ibig sa atin
na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa
atin.” (Roma 5:8)

Ang Panginoong Jesu-Cristo ay napako sa Krus upang tubusin
ang ating kasalanan. Siya ay namatay subalit Siya ay hindi nanatili
sa libingan. Siya ay bumangon sa libingan na isang buhay na

Tagapagligtas! “Datapuwat si Cristo nga’y muling binuhay sa mga
patay.” (1 Corinto 15:20) “At kung si Cristo ay hindi muling
binuhay, ang inyong mga pananampalataya ay walang kabuluhan,
kayo’y nasa inyong mga kasalanan pa.” (1 Corinto 15:17)

ANO ANG SAGOT
1. Pinabayaan ba ng Dios ang tao sa makasalanan niyang

kalagayan? (Juan 3:16) – Hindi
2. Papaano maliligtas sa pagkapahamak ang tao? –

Manampalataya kay Jesus
3. Bakit ibinigay ng Dios ang Kaniyang Anak na si Jesu-Cristo?

(Juan 3:16; Hebreo 9:28) – Para maging Tagapagligtas
4. Mayroon bang kaligtasan maliban sa Panginoong Jesu-Cristo?

(Gawa 4:12) – Wala
5. Paano binayaran ni Jesus ang ating mga kasalanan? (Roma 5:8)

– Namatay Siya para sa atin
6. Nanatili ba Siyang patay? Hindi

7. Sumasampalataya ka ba na si Cristo lamang ang tangi mong
pag-asa? – Sumasampalataya

Bakit? – Gusto kong maligtas

ANO ANG KAILANGAN KONG GAWIN?

Maaari mong itanong, “Ano ang kailangan kong gawin?”
Mayroong tatlong bagay na kailangan mong gawin.

1. Magsisi ka sa iyong kasalanan. “Ngayo’y ipinag-utos Niya sa
mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako” (Mga
Gawa 17:30).

Ang kahulugan ng pagsisisi ay:

a. Pag-amin sa iyong mga kasalanan sa harapan ng Dios.
“Sapagkat kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang at ang
aking mga kasalanan ay laging nasa harap ko.” (Mga Awit 51:3)

b. Tunay na pagkalungkot sa mga kasalanang nagawa. “Laban sa
iyo lamang ako nagkasala at nakagawa ng kasamaan sa Iyong
paningin.” (Awit 51:4)

k. Pagtalikod sa kasalanan at pag-I was
sa lahat ng uri ng kasamaan. “Lisanin
ng masama ang kaniyang lakad, at ng
liko ang kaniyang mga pag-iisip, at
manumbalik siya sa Panginoon, at
kaawaan Niya siya; at sa aming Dios
sapagkat Siya’y magpapatawad nang
sagana.” (Isaias 55:7)

2. Manampalataya sa Panginoong Jesus. “Manampalataya ka sa
Panginoong Jesus at maliligtas ka.” (Mga Gawa 16:31)
“Datapuwat ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap, ay
pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging anak ng Dios,
samakatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang
pangalan.” (Juan 1:12)

3. Tanggapin mo si Cristo sa pamamagitan ng panalanging
ito. “Mahal kong Panginoong Jesus, naniniwala po ako na ako
ay makasalanan at nangangailangan ng iyong kapatawaran.
Tunay ko pong tinatalikuran ang aking mga kasalanan at Ikaw
ay aking pinagkakatiwalaan at tinatanggap bilang
Tagapagligtas at Panginoon. Isinusuko ko po ang aking buhay
mula ngayon at nais ko pong sumunod sa Iyong kalooban sa
aking buhay. Marami pong salamat.”

PATOTOO NA LIGTAS KA NA
“At ito ang patotoo na tayo’y binigyan ng Dios ng buhay na walang

hanggan, at ang buhay na ito ay nasa Kaniyang Anak. Ang
kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi
kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng
buhay.” (1 Juan 5:11-12)
ANO NGAYON?
Ang lahat ng nagsisisi sa kanilang mga kasalanan upang sumunod at
maglingkod sa Panginoong Jesu-Cristo ay may bagong buhay
at may kapangyarihan ng Banal na Espiritu na tumatahan sa
kanila. Nanaisin nilang lumago sa pamamagitan ng tatlong ito:

1. PAGBABASA NG BANAL NA KASULATAN. Nagsasalita sa
atin ang Dios sa pamamagitan ng Biblia, kaya’t dapat tayong
magbasa nito araw-araw. Ito ay gaya rin ng pagkain para sa
ating kaluluwa.

2. PANALANGIN. Nais ng Dios na makipag-usap tayo sa
Kaniya. Humihiling tayo ayon sa Kaniyang kalooban,
nagpapahayag ng ating mga kasalanan at dumadalangin
para sa iba. Dapat din tayong magpuri at magpasalamat sa
Dios.

3. PAKIKISAMA SA IBANG MGA ANAK NG DIOS. Ang tao na
may bagong buhay kay Cristo ay kabilang sa sambahayan ng
Dios. Dapat na makilala niya ang kabilang sa Kaniyang
sambahayan. Sila ay mga kaibigan at kapatid niya.
Matatagpuan niya sila sa sambahan na ipinangangaral ang
Salita ng Dios. Malalaman niya ang katotohanan ukol sa Dios
at gagawin ang kaniyang mga katungkulan bilang isang anak
ng Dios sa sambahayan ng Dios – SAMBAHAN.


Click to View FlipBook Version