Gawa ni: Kent Jacob V. Lingat Ipinasa kay: Araw ng pagpasa: 12 - Fourviere Gng. Glaiza Naniong Marso 7, 2024
Prologo Ang pamagat na “Hibla ng Emosyon” ay hindi lamang isang pamagat tungkol sa isang portfolio ngunit ito ay may kahulugan. Sa dami dami ng panitikan na isinulat, lahat ng ito ay nag-uumpisa sa isang hibla ng emosyon. Mga panitikan kung saan naipapakita or naipaparamdam ang emosyon ng manunulat. Lungkot, tuwa, galit, o emosyon sa bawat pangungusap, ito ang nagbibigay buhay sa mga ito. Dahil dito, maaaring nararamdaman ng mga mambabasa ang mga emosyon na naramdaman ng isang manunulat habang sinusulat ang mga panitikan na ito. At dahil din sa emosyon, mas lalong naipaparating ng isang manunulat ang kanyang gustong sabihin.
Talaan ng Nilalaman The Little Prince Buod Abstrak Bionote STEM Aid: Phenomenology Study about Experiences of Aeronautic Majors in Integrating STEM for Academic Success Bionote tungkol kay Kent Jacob V. Lingat P ahina 4 P ahina 4 Pahina 3 Pahina 3 Pahina 5 Pahina 5
The Little Prince Buod Pahina 3 Pahina 3 Ang istoryang “The Little Prince” ay isang nobela na isinulat ni Antoine de Saint-Exupéry na isang manunulat. Ang kwento ay umiikot sa isang piloto na nagsasalaysay ng kanyang mga karanasan sa kanyang paglalakbay. Mayroon ding isa pang karakter na ipinakilala ng piloto, isang bata na tinawag niyang ang munting prinsipe. Kasama ang munting prinsipe, nakaranas sila ng maraming hamon sa daan ngunit nalampasan nila itong lahat. Nagsisimula ang istorya sa isang abyador o piloto na bumagsak sa disyerto kasama ang kanyang eroplano. Habang sinusubukan ayusin ng piloto ang kanyang eroplano bago maubos ang kanyang suplay ng tubig, may isang bata na lumapit sa kanya at ipinangalan ng piloto ang batang ito ng munting prinsipe. Kasama ang munting prinsipe, sinusubukan ng piloto na ayusin ang kanyang eroplano habang ang maliit na prinsipe ay nagkukuwento ng kanyang buhay. Ikinuwento ng prinsipe ang kanyang dating tirahan na isang “asteroid” na kasing laki lang ng isang bahay. Ikinuwento rin niya ang kanyang mahal na rosas na sa tingin niya ay nagsasamantala sa kanyang kabaitan kung kaya’t siya’y umalis para siyasatin ang mundo sa labas ng kanyang tahanan. Habang naglalakbay ang munting prinsipe sa sandaigdigan, nakilala niya ang iba’t-ibang uri ng matatanda. Pagkatapos niya makilala ang mga ito, nakilala niya ang isang munting soro o isang “fox”. Sa pamamagitan ng mga pagtatagpong ito, natututo ang prinsipe ng mahahalagang aral tungkol sa buhay, relasyon ng mga tao, at marami pang iba. Lumipas ang ilang mga araw habang nagkukwento ang munting prinsipe at sa wakas naayos na ng piloto ang kanyang eroplano. Kinabukasan, nang paalis na ang piloto sa disyerto, hindi na niya muli natagpuan ang munting prinsipe at inakalang nakabalik na ito sa kanyang tahanan. Ang nobelang ito ay kadalasang napagkakamalan na isang libro na para sa mga bata dahil sa pagsulat at disenyo nito. Ngunit ito ay punong-puno ng mga pagpapahalaga at aral na hindi lang para sa kabataan, pati na rin para sa mga nakakatanda. Mga mahahalagang aral tungkol sa buhay, pag-ibig, pagkakaibigan, at likas na katangian ng mga relasyon ng tao. Dahil sa pagsulat nito, ang istoryang “The Little Prince” ay nakakaakit sa parehong mga bata at matatanda.
STEM Aid: Phenomenology Study about Experiences of Aeronautic Majors in Integrating STEM for Academic Success Abstrak Pahina 4 Pahina 4 Ang pag-aaral ay iniimbestigahan ang epekto ng mga paksa sa STEM sa mga estudyanteng pinili ang Aeronautics bilang kanilang major. Tatlong kandidato ang pinili na nakapagtapos ng Senior High School at kumuha ng strand na STEM at kasalukuyang nagsusumikap bilang Aeronautical majors. Ginamit sa pag-aaral ang isang disenyo ng kwalitatibong paraan ng pananaliksik, partikular ang isang penomenolohikal na disenyo at semistructured na mga interbyu. Ang mga natuklasan na datos ay nagpapahiwatig na ang “physics” ay may mahalagang papel sa karagdagang pagunawa sa mga paksa sa Aeronautics. Bukod pa dito, ang mga paksa sa STEM ay malawak na ginamit ng mga kalahok sa kanilang kurso. Sa kabuuan, ang pag-aaral ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng mga paksa sa STEM sa pagtulong sa mga mag-aaral na pinili ang Aeronautics bilang kanilang major. Isinusulong din ang karagdagang pananaliksik at mga rekomendasyon para sa mga taong interesado sa paksa pati na rin sa mga susunod na mananaliksik.
Bionote tungkol kay Kent Jacob V. Lingat Bionote Pahina 5 Pahina 5 Si Kent Jacob V. Lingat ay isang estudyante na sa kasalukuyang nag-aaral sa Marist School. Nagsimula siyang mag-aral sa eskwelahang ito noong taong 2012. Siya at labing-dalawang taon na nag-aaral dito at plano niyang tapusin ang senior high school sa Marist. Masipag, matiyaga, determinado, at matulungin, siya ay isang responsableng estudyante. Sa larangan ng akademiko, siya ay nakatanggap ng maraming gantimpala at honor sa kanyang eskwelahan. Isa doon ay ang pagiging consistent na honor student mula baitang pito. Bukod sa akademiko, siya rin ay nakatanggap ng isang gold medal at isang mvp medal noong siya ay nasa baitang pito dahil sa kanyang husay sa laro ng badminton. Sa akademiko at sa sports, si Kent Lingat ay pinakita ang kanyang husay sa lahat ng kanyang ginagawa. Lahat ng ito ay nakuha niya sa Marist School. Hindi pa tapos ang kanyang pag-aaral sa Marist School kung kaya’t maaari pa siyang makakakuha ng mga gantimpala.