Malikhaing Canvas: Lakbay Pagsusulat AARON DELA CRUZ 12 - FOURVIERE
Pamagating Pahina Pangalan Pangkat Guro Araw ng Pagpasa Aaron Dela Cruz Fourviere G. Glaiza Naniong Marso 10, 2024
Prologo Ang napiling pamagat ay “Malikhaing Canvas: Lakbay Pagsusulat” dahil sa simpleng rason na ang pagsusulat as isang paraan kung paano mo maaaring ipahayag ang iyong sarili. Lakbay pagsusulat ang titolo nito dahil ang pagsusulat ay isang mahabang lakbay na hindi kailanman nagtatapos dahil patuloy mo itong hinahasa bilang manunulat. Bawat sulat ay parang isang hakbang o yapak patungo sa pagbabago. Sa mga susunod na pahina ay makikita ang mga sulating gawa na nakatungkol sa tiyak na paksa. Ang una ay ang isang buod tungkol sa isang nakatalang akda. Ang susunod naman ay isang abstrak tungkol sa isang pananaliksik na ginawa noong nakaraang taon. Huli naman ay isang bionote tungkol sa sarili. p1
1...Talaan ng Gawa a...Buod - p2 b...Abstrak - p3 c...Bionote - p4 Table of Contents
Sa isang pook ng malabon ay may isang dalagang nagngangalang Cirila mula sa angkan ng Gat kaya’t siya’y ginagalang. Bukod dito, mayroon siyang lubos na kagandahan at kabaitan para siya’y pag ukulan ng pagmamahal. Meron din isang binatang nagngangalang Carlos na mayroong taglay na katapangan at kalakasan na pati iba’t-ibang bayan ay kilala siya. Sila ay parehas na nagmamahalan at kilala rin sila bilang Ilan at Lanubo at walang tumatapat sa pagmamahal nila. Di sila naghihirap sa kalungkutan dahil lagi nila ito agad naayos at nalalampasan. Alam ng mga magulang nila ang pagmamahalan nila at hindi sila tumatanggi rito. Isang araw ay may Tsinong dumating at lubhang tinamaan ng pag-ibig para sa dalaga, ngunit hindi niya ito pinapaalam dahil alam niya ang ugaling Pilipina at kung anong klaseng tao si Lanubo. Malapit na ang kasal ng dalawa na pinagkasunduan ng dalawang panig na gaganapin sa ilalim ng ilaw ng buwan. Tumungo muna si Lanubo kasama ang apat niyang matalik na kaibigan sa Bataan upang humuli ng usa na ihahanda sa kasal sa bundok na mausa. Nang makalipas ang dalawang araw na umalis si Lanubo, ginamit itong pagkakataon ng Tsino upang ipahayag niya ang kaniyang nararamdaman kay Ilang kahit na ito ay walang mararating dahil sa klaseng tao tulad ni Ilang. Nabigo ng malala ang Tsino at nagawang magalit pa sa dalaga. Mas mabuting umalis na lamang ang Tsino ngunit may dalawang grupo na dumating na may masasamang balak. Inatake nila ang tahanan ng dalaga, tinali ang magulang, at idinala sa malayong lugar upang pilitin sa kanilang mga masasamang nais. Inisip ni Ilang na mas mabuti na lamang mamatay kaysa sa mawalan ng puri. Pinag-aagawan nila ng mga tsino ang sandata na mayroon sila, ngunit ito rin ang siyang ikinamatay ng dalaga. Nang gabing iyon, dumating narin sina Lanubo at nang nalaman ang nangyari, agad hinanap ang mga gumawa ng krimen. Sa gitna sila ng dagat naglaban at dahil sa galit ni Lanubo, halos walang naiwang buhay sa mga kalaban. Kinabukasan, ang bangkay ni Ilang ay inilibing sa tabi ng isang punong hindi bumubunga. Gabi-gabi ni Lanubo niluluhuran ang puntod nito at iniiyak ang pangalan. Isang araw, natagpuan nalang nila na patay narin asi Lanubo at inilibing sa tabi ng puntod ni Ilang. Isang araw, biglaan nalang bumunga muli at namulaklak ang puno kung saan inilibing ang dalawa. Ang siyang bulaklak na tumubo ay pinangalanang Ilang-Ilang. p2 BUOD
Ang pananaliksik na ito ay inaaral ang paksa kung paano hinaharap ng mga doktor ang iba’t-ibang klaseng sitwasyon tulad ng epekto ng COVID-19. Isang kwalitatibong pananaliksik ang isinagawa at ang mga nakilahok dito ay dentista, dermatologist, at pedyatrisyan. Ang mga resulta ay nagpakita na ang mga doktor ay lubhang apektado ng pandemya sa iba’t-ibang aspeto. Kasama sa mga rekomendasyon ay ang pagpapabuti pa lalo ng pakikipag-ugnayan sa lugar ng trabaho, at pagsusuporta sa pagitan ng mga iba pang katrabaho. Sa pangkalahatan, ang pag-aaral ay nagbibigay pananw sa kung paano naaapektuhan ang mga doktor sa iba’tibang larangan, na may partikular na sitwasyon. p3 Abstrak
Si Aaron Dela Cruz ay isang estudyante ng Marist School na nakapagtapos ng High School at sa kasalukuyan nag-aaral ng Senior High School. Siya ay 17 na taong gulang sa taong 2024. Mga hilig niyang gawin ay maglaro ng maraming kalaseng larong may iba’t-ibang aspeto, mahilig din magsalita, at gumawa ng mga tula. Mahilig din siyang magbasa, manood, at makinig sa iba’tibang klaseng musika. Siya ay nakamit ng “Consistent Honoree” na gantimpala para sa kabuoan ng Junior High School. Siya rin ay nakatanggap ng gintong medalya nakaraang baitang 11 para sa kanyang “Excellent Performance.” Siya ay namumuno at officer sa iba’t-ibang larangan tulad ng Fitness Organization, presidente ng klase noong baitang 11 at hanggang sa kasalukuyan. Isa rin sa mga ginagawa niya kadalasan na may halong interes na rin ay ang kanyang kakayahang magsalita kung kaya’t kumukuha siya ng katungkulan tulad ng mga paghost sa school events. Bukod pa roon, parte rin siya ng isang council, ang SHS COMELEC 2023-2024 na sa kasalukuyan ay aktibo. p4 Bionote