The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by , 2016-07-26 22:46:44

Mahal Kong Tatay

Mahal Kong Tatay

8/7/2016

Mahal Kong
Tatay

Isinulat ni | Maribel Janohan

Mahal Kong Tatay

Sariwa pa sa'king isipan
Nung bago pa ako mangibang bayan
Yakap ng kay higpit akoy iyong pinagbigyan
Pagmamahal ng isang ama napatunayan.

Wala mang isang salita'ng lumabas sa'yong bibig
Nang ako'y magpaalam at tuluyang umalis
Pero kita ko ang lungkot at hinagpis
Ramdam ko din na ika'y nag-aalala ng labis.

Mabigat man sa'king kalooban
Ako pa rin ay nagpaalam ng tuluyan

Sa unang hakbang pa lamang
Luha ko ay umaagos ng dahan dahan.

Sa buhay ng walang katiyakan
Sa ibang bansa ako'y nakikipagsapalaran
Unang beses na mawalay sa mga magulang

Alam kong ako ay mahihirapan.

Ako'y ngumingiti
pero puso ko'y nagdadalamhati
Isipan ko'y may takot bagamat Puso ko'y hindi
Dahil alam kong ang Dios ay nasa aking tabi.

Di ko iniisip kailanman
Na maranasan ko ang ganitong kalungkutan

Nung araw na ikaw'y nagpaalam
Parang pinagsasaksak ang buo kong katawan.

Itay, buwan na naman ng Agosto
kaya halo-halo na naman ang nararamdaman ko

Lungkot at saya ang namamayani nito
Dahil sa'yong paglisan at pagdating ng bunso ko.

Apat na taon na pala
Apat na taon na rin kaming nangungulila

Apat na taon na ang buong akala
Ay isang panaginip at pwede pang maiba.

Pagpasensyahan mo ako
Sa puntod mo di ako makakadalo
Bagamat sa alaala at sa puso ko

Ikaw ay laging naririto
Mahal na mahal kita, tatay ko


Click to View FlipBook Version