The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by chrissy V, 2025-11-16 09:59:04

Sa Likod ng mga Pahina: Ang Aming Akademikong Paglalakbay

DIGITAL PORTFOLIO

SA LIKOD NG MGA PAHINA: ANG AMING AKADEMIKONGPAGLALAKBAYKAWASTUHAN KA-AKIT-AKIT KALINAWAN PORTFOLIODigital


BUOD (CHOICE, JOLLIBEE) 05BIONOTE 07KATITIKAN NG PULONG 14REPLEKTIBONG SANAYSAY 22Talaan ngNilalamanPANGALAN NG MGA MAG-AARAL 01ABSTRAK02PANAKULANG PROYEKTO 11LAKBAY-SANAYSAY 1825 LISTAHAN NG MGA GAMPANIN NGMIYEMBRO


Pangalan ng mga Mag-aaralAQUINO,DustinCRUZ, FrancoSOLERA,MichaelRAMOS, RedVALMORIA,Christopher01


ABSTRAK02


ABSTRAKAng pag-aaral na ito, na gumagamit ngphenomenolohikal na lapit, ay tumatalakay sa mgapreperensiya sa online na komunikasyon ng mga SeniorHigh School (SHS) students ng Marist, na nakatuon saepekto ng technology-mediated communication (TMC) sakanilang akademikong pagganap at ugnayang panlipunan.Ipinapakita ng mga datos mula sa mga panayam sa mgamag-aaral na ang kadalian ng paggamit, accessibility, atkasikatan ng mga aplikasyon ang pangunahing salik sapagpili ng mga digital na plataporma, na nagpapahusay sakolaborasyon at pangkalahatang pagganap. Gayunman,natukoy din na ito ay nagdudulot ng ilang hamon sakalusugang pangkaisipan at ugnayang panlipunan.Mga susing salita: TMC, SHS students, onlinecommunication preferences, phenomenolohikal na pagaaralGawa ni: Michael James Andrei Solera03Click, Chat, Connect: Isang Phenomenological na Pag-aaral sa MgaPaboritong Paraan ng Online na Komunikasyon ng mga Mag-aaral ngMarist SHS


ABSTRAKGamit ang kwalitatibo at phenomenological na lapit,tinalakay ng pag-aaral na ito ang karanasan ng mga youngadult na nakararanas ng eco-anxiety sa mga urban na lugar,na nakatuon sa kanilang matinding pag-aalala sa kapaligiran.Gumamit ang mga mananaliksik ng semi-structuredinterviews upang maunawaan ang tunay na karanasan ngmga kalahok. Tatlong tema ang lumitaw: “Opinyon naNaapektuhan ng Polusyon,” “Nalulungkot sa Kanilang mgaIsip,” at “Pangkalahatang Pag-aalala sa Climate Change.”Ipinapakita ng mga natuklasan na mas madaling kapitan ngeco-anxiety ang mga kabataang nakatira sa lungsod dahil saexposure sa polusyon. Iminumungkahi ng pag-aaral na angpagtataguyod ng sustainable communities ay maaaringmagbigay ng pag-asa at magtulak sa mas aktibong solusyonsa climate change.Mga Susing Salita: eco-anxiety, urban environments,pollution exposure, lived experiences.Gawa ni: Dustin James Aquino04Ang Bigat ng Isang Nag-iinit na Mundo: Isang Phenomenological naPag-aaral sa Mga Karanasan ng Kabataang Nakatira sa Lungsod naNakakaranas ng Eco-Anxiety


BUOD: Choice ByJollibee05


BUODAng “Choice” ay isang maikling pelikula mula saKwentong Jollibee Valentine’s Series 2019 na tumatalakaysa paglalakbay ng isang kabataang babae na si Ann sapagpili ng tunay na mahal. Nahahati siya sa pagitan ni Paul,ang matagal na kaibigan na tapat na nagmamahal sa kanya,at ni Jay, isang bagong kakilala na nagdala ng panibagongsaya. Sa huli, pinili ni Ann si Paul, ipinapakita na ang tunay napag-ibig ay nasusukat sa katapatan at tibay ng ugnayan.Ngunit sa huli ay namaalam ang kanyang minamahal na siPaul at muling nag bukas ng panibagong pintuan sapagmamahal kaya binigyan niya muli ng pagkakataon angkanyang puso na umibig at ibigin si Jay na matagal na nagmamahal sakanya ng tuluyan.06Pag-ibig na Pinipili: Ang Kwento nina Ann,Paul, at JayGawa ni: Dustin James Aquino


BIONOTE07


BIONOTEGawa ni: Dustin James Aquino08GIAN CARLA D. LARIRIT, kasalukuyang ika-apat nataon na mag-aaral sa Polytechnic University of thePhilippines (PUP) Manila, kumukuha ng kursongBachelor of Secondary Education Major in English.Isa siyang consistent President’s Lister at kilala rinbilang isang lider, nagsilbing creatives head ngkanilang seksyon.Nagkaroon siya ng aktibong partisipasyon saorganisasyong PUP ELITE, kung saan siya aynagsilbing Committee Leader ng Publication andMass Media sa loob ng isang taon (3rd year) atnaging Public Relations Officer (PRO) rin sa loob ngisang taon (2nd year).Maliban sa akademiko at organisasyon na gawain, malaki ang interes niya sapanonood ng pelikula at pakikinig ng iba’t ibang genre ng musika. Mahilig din siyasa make-up at beauty content, pagbabasa, at iba pang anyo ng sining. Para sakanya, ang pagkonsumo ng iba’t ibang anyo ng sining ay hindi lamangpagpapayabong ng kanyang pagiging malikhain, kundi nagbubukas din ng masmalawak na pananaw sa mundo.


BIONOTEGawa ni: Michael James Andrei V. Solera09Jennifer V. Solera, CPA Siya ay nagtapos ngBachelor of Science in Accountancy saPolytechnic University of the Philippines (PUP)noong 2006 at matagumpay na nakapasabilang isang Certified Public Accountant (CPA).Sa kasalukuyan, siya ay nagsisilbing Serviceand Quality Team Leader at aktibong kasapi ngPhilippine Institute of Certified PublicAccountants (PICPA).Mayroon na siyang labing-siyam (19) na taon ng karanasan sa kanyang propesyonat patuloy na nag-aambag ng kaalaman at galing sa larangan ng accountancy atpamumuno. Bukod sa kanyang propesyon, nakilahok din siya sa iba’t ibang LSEGvolunteer activities tulad ng tree planting outreach at iba pang makabuluhangprograma para sa kapaligiran at komunidad.Layunin niya na magkaroon ng maginhawang pamumuhay at maging huwaran sakanyang pamilya at komunidad. Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, mahilig siyamanood ng mga pelikula at K-drama, at may interes din siya sa pakikinig ng musika.


BIONOTEGawa ni: Redd Miguel Ramos10RYAN ANDREW A. RAMOS. Siya’y nagtapos ng kursongBachelor of Science in Information Technology sa AMAComputer College. Pagkatapos ng kanyang pagtatapos,agad niyang ipinamalas ang kanyang kaalaman atkasanayan sa pamamagitan ng pagtatayo ng sarilingComputer Shop na matagumpay na tumagal ng anim nataon. Sa kabila ng tagumpay na ito, kinakailangangmagsara ng negosyo dahil sa hagupit ng bagyongOndoy. Hindi siya nawalan ng pag-asa at patuloy nanagsumikap.Pagkalipas ng ilang taon, muli siyang nagtayo ng Printing Shop, kasabay ng kanyangpagpapatuloy sa pag-aaral sa TESDA. Kumuha siya ng mga kurso sa Autocad at sapagiging Electrician, kung saan nakamit niya ang sertipiko ng NC II sa mga kursong ito.Ang mga pagsasanay na ito ay hindi lamang nagdagdag ng kasanayan kundi nagpalawakdin ng kanyang mga oportunidad. Dahil sa kanyang kahusayan sa Autocad, nakatagposiya ng pagkakataong makapag trabaho sa Marist School. Nagsimula siya bilang LRCClerk, at kalaunan ay naitalaga bilang Kalihim ng Assistant Principal ng Senior HighSchool. Pagkaraan ng maikling panahon, siya ay lumilipat sa Business Office kung saansiya kasalukuyang nagsisilbi bilang Property Custodian at Purchasing Officer.Sa kabuuan ng kanyang karera, pinatunayan niya ang kakayahan sa pamamahala,organisasyon, at pagiging masinop sa trabaho. Kilala siya bilang masipag, mapanagot, atbukas sa patuloy na pagkatuto. Higit sa lahat, naniniwala siya na ang bawat karanasan,tagumpay man o pagsubok, ay hakbang tungo sa mas mataas na antas ng propesyonal atpersonal na pag-unlad.


PANAKULANGPROYEKTO11


12PANUKALANG PROYEKTOPamagat ng Proyekto: Basura-Free ProgramLugar: Barangay CupangInihanda ni: Michael SoleraPetsa: 10/16/25I. RationaleAng Barangay Cupang ay nakakaranas ng problema sa dami ng basura dahil sakakulangan sa tamang kaalaman sa pagtatapon at paghihiwalay ng basura. Upangmakatulong sa paglilinis ng komunidad, iminungkahi ang proyektong Basura-FreeProgram na naglalayong bawasan ang basura at turuan ang mga residente ng tamangwaste management.II. Layunin1. Maituro sa mga residente ang tamang paghihiwalay at pagtatapon ng basura.2. Mabawasan ng 30% ang dami ng basurang inilalabas ng barangay sa loob ng 6 nabuwan.3. Makapagpatayo ng Material Recovery Facility o MRF.4. Mahikayat ang mga residente ng Barangay Cupang na sumali at maiisa sa mgagawain para sa kalinisan ng buong barangay.III. SakopAng proyekto ay para sa lahat ng residente ng Barangay Cupang, kabilang ang mgakabahayan, paaralan, at tindahan. Hindi kasama ang mga gawain sa labas ngbarangay.IV. Mga Gawain1. Pamamahagi ng flyers at pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa tamangpagtatapon ng basura.2. Clean-up drive tuwing Sabado.3. Pagtatayo ng MRF bilang lugar ng segregated waste.4. Pag-aayos ng schedule ng pagkuha ng segregated waste.5. Pagbibigay ng maliit na insentibo para sa mga pamilyang masipag sumunod sapatakaran


13V. Budget/BadyetVI. Benepisyo1. Mas malinis na kapaligiran.2. Mas mababang posibilidad ng sakit na dulot ng maruming paligid.3. Mas disiplinadong komunidad sa pagtatapon ng basura.4. Mas magaan na trabaho para sa mga garbage collector.VII. Tagal ng ProyektoAnim na buwan (Enero hanggang Hunyo 2026)VIII. KonklusyonAng proyektong Basura-Free Program ay makatutulong upang maging mas maayos atmalinis ang Barangay Cupang. Sa tulong ng pamunuan at pakikilahok ng mgaresidente, inaasahang magiging matagumpay ang proyekto.


KATITIKAN NGPULONG14


KATITIKAN NG PULONGMarist School Marikina CityPulong ng mga Mag-aaral sa Araling PanlipunanOktubre 29, 2025Silid-Aralan ng 12–VERRIERES, SHS Building15I. Pagbubukas ng PulongAng pulong ay sinimulan ni G. Redd Ramos sa ganap na2:00 ng hapon.Layunin ng Pulong: Pagpaplano para sa Debate Activity sa Araling PanlipunanPetsa/Oras: Oktubre 29, 2025, ganap na alas-2:00 ng haponTagapanguna: G. Redd RamosBilang ng mga Taong Dumalo: 6Mga Dumalo: Tyronia Diliman, Vince Galang, Toni Fowler, Paye Yabyabin,Jessica Soho, Jennifer NiervaMga Liban: Michael, ChristopherTagatala: G. Dustin James G. AquinoII. PanalanginAng panalangin ay pinangunahan ni Bb. Lyka.


16III. Pagtawag ng Pulong sa KaayusanMatapos ang panalangin, pormal na binuksan ni G. Redd Ramos angpulong. Ipinahayag niya na layunin ng pagpupulong ang pagpaplanopara sa nalalapit na Debate Activity sa asignaturang AralingPanlipunan.IV. Mga Tinalakay1. Paksa ng DebateNapagkasunduang ang paksang pagdedebatehan ay “Ang Social Mediaba ay Nakakatulong o Nakakasama para sa Kabataan?”2. Petsa at Oras ng GawainNapagpasyahang isagawa ang debate sa Nobyembre 5, 2025, ganap naalas-1:00 ng hapon, sa silid-aralan ng 12–VERRIERES.3. Pagbuo ng mga GrupoAng klase ay hahatiin sa dalawang panig: Pamahalaan (Pro) at Oposisyon(Con).Ang mga pangalan ng kalahok ay ilalabas sa susunod na pulong.4. Tagapamagitan at HuradoNapagkasunduang si Bb. Varron ang magiging Tagapamagitan.Tatlong guro mula sa iba’t ibang asignatura ang iimbitahan bilanghurado.5. Mga Kailangang IhandaKabilang sa mga kailangang ihanda ay ang sound system, mikropono,placard ng bawat grupo, at rubric sa pagmamarka.Si Cruz, Franco ay inatasang mangasiwa sa mga kagamitan.6. Pamantayan sa PagmamarkaNapagkasunduan ang mga sumusunod na pamantayan:Nilalaman – 40%Kakayahan sa Pagsasalita – 40%Kaayusan o Presentasyon – 20%


17V. Mga NapagkasunduanPaksa: Ang Social Media ba ay Nakakatulong o Nakakasama parasa Kabataan?Petsa: Nobyembre 5, 2025, alas-1:00 ng haponTagapamagitan: Bb. VarronHurado: Tatlong guro mula sa iba’t ibang asignaturaTagapangasiwa sa Kagamitan: Cruz, FrancoSusunod na Pulong: Nobyembre 4, 2025, alas-2:00 ng haponVI. Pagtatapos ng PulongBago tuluyang tinapos ang pulong, ipinaalala ni G. Ramos sa lahat natiyaking maihahanda ang mga kinakailangang gamit at maayos namapag paplanuhan ang mga argumento ng bawat grupo. Natapos angpulong sa ganap na 3:00 ng hapon.Iskedyul ng Susunod na Pulong:Nobyembre 4, 2025, ganap na alas-2:00 ng hapon sa Silid-Aralan ng12–VERRIERESInihanda at isinumite ni:Dustin James G. Aquino


LAKBAYSANAYSAY18


Sa unang larawan namin sa OARDEC,halata pa yung pagod na galing sabiyahe. Pero pagpasok pa lang namin,parang nabura na yung bigat atpagod na dala-dala namin dahil sabumungad saamin. Tahimik, malinis,at puno ng luntiang tanawinDito nag-umpisa ang lakad namin bilang grupo na walangibang pakay kundi tumingin, huminga, at magkwento.Simpleng picture lang sa harap ng OARDEC, pero para saamin, ito yung simula ng aming pagkatuto patungkol sa lugarna ito.Sa ikalawang picture namin, makikitakami sa Aromatic Garden. Ditonagsimula yung mga “Uy amuyin mo‘to!” at “kainin mo nga to bakla!” namga biro. Habang iniikot namin anglunriang garden na ito ay napansinnamin kung gaano ka-relaxing yung amoy ng mga halaman kagayang lemongrass, at kung ano-ano pang iba pang mga halaman.Sa picture na ‘to, kahit bored lang kami, ramdam namin yunggaanong katahimik at gaanong ka-relax yung lugar — parang saglitna pahinga sa klase.19


Sa Medicinal Garden naman, nandito yungpicture na parang feeling namin ang seryososeryoso namin.Pero habang naglalakad, na-appreciate naminyung idea na ang kalikasan pala may sarilingparaan ng pag-aalaga sa tao.Sa larawan na ito, makikita yung simpleng paglantaw namin sa mga halaman, pero saloob namin, may na-realize na minsan, sapat na pala yung ganitong klase ng break paragumaan ang isip. At para malaman din namin na ang kalikasan ang may gawa ng mgagamot ating iniiom pag tayo ay nag kakasakit, kumbaga ang kalikasan at ang mgahalaman ay ang nag aalaga saatin pero dapat din nating alagaan ang kalikasan.Sa huling larawan, nandoon kami sa Kids’ Garden —at dito lumabas yung tunay naming ugali. Masaya,malikot, at parang bumalik sa pagiging bata kahitilang minuto lang. May kuha na parang nag-eexplore, may kuhang parang naglalaro, at meronding kuhang sabay-sabay kaming naiinis, biro.Dito namin na-feel na minsan, kailangan mo lang maglunoy sa simpleng saya paramaalala kung bakit nakakagaan makasama ang mga kaibigan, at dito din makikita angmakukulay na bulaklak, na nag balik sa aming pagkabata. Dito din namin na pinaglinayanna, kahit gaano katagal na pag hihirap ang ating ginagawa upang abutin ang ating aybubunga din ito ng napaka gandang kinabukasan kagaya ng isang makulay na bulaklak20


Sa larawang ito, makikita ang sandaling nagtungokami sa vegetable garden isang lugar na tila angmga halaman ay buhay na buhay sa kanilangsariwang berdeng kulay. Habang naglalakad kamisa daan sa pagitan ng mga tanim, dama namin angpreskong hangin at ang katahimikang parang nagaanyayang makinig at matuto.Dito namin unang nasilayan ang iba’t ibang uri ng gulay, bawat isa ay may sarilingkuwento at pangangailangan. Natuto kami kung paano sila itanim, kung paano alagaannang may tiyaga, at kung gaano kahalaga ang bawat proseso sa kanilang paglaki.Ipinakilala rin sa amin ang mga teknik tulad ng cropping, intercropping, at mixedcropping, pati na rin ang iba pang pamamaraan na nagpapalago hindi lamang ng mgahalaman, kundi pati ng pag-unawa namin sa agrikultura.Pagkatapos ng lugar na ito at ang 3 estasyon, ay hindi lang mgalarawan ang dala namin. Bitbit namin ang mga tawanan, ‘yung mgakalmadong sandali, at ‘yung pakiramdam na kahit simple lang anglakad, sapat na para magbigay ng bagong energy.Sa OARDEC hanggang Kids’ Garden, natutunan namin na minsan, hindikailangan ng bonggang lakad—minsan sapat na yung maganda angkasama, maganda ang lugar, at handa kang maging present sa sandali.21


ReplektibongSanaysay22


REPLEKTIBONG SANAYSAY23Paano nga ba nagbabago ang pananaw ng isang estudyante kapagnakita niya mismo ang tunay na mundo ng agrikultura? Ang pagbisitanamin sa OARDEC sa UP Los Baños ay nagbigay daan para masaksihannamin ang proseso ng pagsasaka sa totoong buhay. Kasama ang tatlongGrade 12 sections, nagtungo kami roon hindi lang para makita ang mgakagamitan at teknolohiya na kanilang ginagamit, kundi para maranasankung paano nagiging posible ang produksyon ng pagkain na araw-arawnating kinakain. Sa simula, inakala naming ordinaryong field trip lang ito,ngunit sa bawat hakbang sa loob ng OARDEC, napagtanto namin napunong-puno ito ng kaalaman at oportunidad upang matuto.Habang naglilibot sa lugar, nakita namin ang iba’t ibang kagamitanat paraan ng pagsasaka—mula sa stratehiyang pag halo ng lupahanggang sa simpleng pag-gagawa ng mga pataba. Ipinakita rin sa aminang iba’t ibang estratehiya sa pagtatanim, pag-aalaga ng lupa, atpaggamit ng teknolohiya upang gawing mas episyente at sustainable angagrikultura. Nakita namin ang dedikasyon ng mga eksperto at kungpaano nila iniaalay ang kanilang kaalaman at oras upang mapaunlad angsektor. Sa kabuuan, mas lumalim ang aming pag-unawa sa kahalagahanng agrikultura at sa effort na kaakibat ng bawat ani at produktongpagkain. Hindi lamang namin natutunan ang teknikal na aspeto ngfarming, kundi nabigyan din namin ang sipag, tiyaga, at pursigi ng mgataong nasa likod ng agrikultura.Ang Aming Karanasan sa Pagbisita sa OARDEC


24Pag-uwi namin, dala-dala namin hindi lamang bagong kaalamankundi mas malawak na pananaw at pagpapahalaga sa mga magsasakaat sa prosesong pinagdadaanan bago makarating ang pagkain sa atinghapag. Bagama’t simple ang lakbay, malaki ang naidulot nitongpagbabago sa aming pag-iisip at pananaw bilang mga mag-aaral. Kungsa isang araw sa OARDEC ay nabago na ang aming pananaw saagrikultura, paano pa kaya kung mas marami kaming ma-expose sa tunayna mundo ng iba't ibang larangan? Ang karanasang ito ay nagturo saamin na ang pagkatuto ay hindi lamang sa loob ng silid-aralan, kundi sabawat hakbang na aming tinatahak at sa bawat taong aming nakikilala


Listahan ng mgaGampanin ng Miyembro25


Listahan ng mga Gampanin ng MiyembroAquino, DustinTaga disenyo ng presentasyonBionoteBuodKatitikan ng PulongReplektibong SanaysayLakbay-SanaysayAbstrakCruz, FrancoReplektibong SanaysayRamos, ReddReplektibong SanaysayBionoteSolera, MichaelPanakulang ProyektoBinoteKatitikan ng PulongReplektibong SanaysayAbstrakValmoria, ChristopherKatitikan ng PulongReplektibong SanaysayLakbay-Sanaysay26


MaramingSalamat!!


Click to View FlipBook Version