Iniharap sa Departamento ng Filipino
Pamantasang De La Salle - Maynila
Ika-unang Termino, A.T. 2020-2021
Bilang pagtupad sa mga kahingian ng kursong
Introduksyon sa Kulturang Popular sa Filipino (PHSCULM)
Pagwasak ng Balakid sa Pagitan ng mga Wika: Paggamit ng Subtitling sa mga Piling
Palabas Mula sa Bansang Korea sa mga Pilipinong Manunuod
Ipinasa ni:
Autor, Christine M.
Ipinasa kay:
Mr. Jeconiah Louis M. Dreisbach
Enero 27, 2021
Introduksyon
Mula pa noon hanggang ngayon, napakarami nang mga palabas mula sa ibang bansa ang
patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino. Kadalasan, ito pa ang mas inaabangan kaysa sa mga lokal
na palabas. Gayunpaman, kahit saan pang bansa nagmula ang mga ito, hindi naging hadlang ang
paggamit nila ng sariling wika upang pukawin ang puso ng mga Pilipino.
Isa sa mga paraan na ginagamit upang maunawaan ang panglabas na wika ay ang subtitling
o ang pagsasalin mula sa ibang wika tungo sa isa pang wika. Sa ganitong paraan, kasabay ng
panunuod, kailangan ding basahin ang mga teksto sa bawat dayalogo upang maunawaan ang mga
sinasabi ng mga tauhan sa isang palabas. Kung magiging partikular sa kaso rito sa Pilipinas, isa
patok ngayon sa mga Pilipino ang mga palabas mula sa Bansang Korea o k-drama. Halimbawa na
lamang dito ay ang Crash Landing On You, unang pinalabas sa taong 2019 at It’s Okay To Not Be
Okay naman sa taong 2020. Bukod sa mga drama, matatandaang naging tanyag din ang mga
pelikula mula sa naturang bansa tulad ng Parasite (2019). Nag-ani ang mga ito ng maraming
parangal at papuri dahil sa kakaibang estilo at paraan ng pagtalakay ng mabibigat na paksang may
kaugnayan sa lipunan.
Bukod dito, kahit na ang mga ito ay nasa wikang Korean, hindi ito naging balakid upang
mabigyang pansin ng nakararami partikular na ng mga Pilipino. Sa katunayan, unti-unti nang
nangingibabaw ang bansang Korea sa iba’t ibang aspeto. Mula rito, matutunghayan ang
kapangyarihan ng paggamit ng mga subtitle at kakayahan nitong sumanib sa kultura ng mga
Pilipino.
Kasaysayan, Kahulugan at Katangian ng Subtitle
Unang ginamit ang subtitling sa bansang Europa sa taong 1929. Ayon kina Shuttleworth at
Cowie (1997), binigyan nila ng pagpapakahulugan ang subtitling bilang proseso ng pagbibigay ng
mga caption para sa mga dayalogo sa pelikula at telebisyon. Madalas na nakikita ang subtitle sa
babang bahagi ng screen kasabay ng pagbukas ng bibig ng mga tauhan. Bukod dito, ayon naman
kay O’Connell (2007), ito ay pagdagdag ng mga teksto sa screen. Sa dami ng mga palabas mula
sa iba’t ibang sulok ng mundo, nakatutulong ang pagsasalin ng mga wika upang maintindihan ito
ng mga manonood sa isa pang partikular na bansa. “Subtitling is a type of translation, particularly
in the audiovisual field which includes dubbing, voice-over and audio description. In other words,
the audiovisual language of TV programs or films transferred with certain forms to be
understandable by target audiences whom they are not familiar with its source language.” (Khalaf,
2016).
Kung magiging partikular sa konteksto rito sa Pilipinas, ginagamit ito sa mga pelikula o
palabas mula sa bansang Korea kaya naman patok na patok sa kasalukuyan ang mga Korean drama
series. Mayroon ding mga subtitle na maaaring i-download na mahahanap sa iba’t ibang uri ng
website. Subalit, hindi madali ang paggawa ng mga subtitle sapagkat mayroong itong mga
pamantayang kailangang sundin. Lalo na, ang mga tekstong ito ay para sa manonood, nararapat
lamang na magkaroon ito ng wastong salin upang manatili ang esensya ng palabas kahit mula pa
ito sa ibang wika. Narito ang ilan sa mga pamantayan ng subtitle mula sa libro ni Egil Tornqvist
na The Problems of Subtitling (1998):
1. “The reader of translated text does not compare the source text with the target, while
in the subtitle, this comparison happens automatically especially if the viewer speaks
the source language.”
2. “The translator of written text has more space to add explanations, footnotes, etc. when
there is something difficult in the source text while the subtitler cannot do this.”
3. “The inter-textual translation involves translation from written text to written one, but
subtitling involves the translation from spoken language into written text.”
4. “In subtitling, extended messages have to be condensed to subtitling requirements
which written texts have more space to present them.”
Bilang karagdagan, mayroon ding uri ang subtitle. Kuha ito kay Dries, 1995:
Makikita mula rito ang pahapyaw na proseso ng subtitling kumpara sa ibang pasulat na
teksto. Kailangang bigyan ng kahalagahan ang target na manonood sa paglalagay ng mga subtitle
kaya naman dapat ay madali itong maunawaan ng marami. Sa usapin ng k-drama o mga pelikula
mula sa Korea, naging matagumpay ang mga ito dahil sa maayos na paggamit ng subtitle.
Matatandaang gumawa ng kasaysayan ang naturang bansa dahil sa pelikulang Parasite (2019) sa
direksyon ni Bong Joon-Ho noong 2019. Nanalo ito ng maraming parangal at hinangaan ng buong
mundo.
Pag-usbong ng Kdrama at Pelikula sa mga Pilipinong Manonood
Mabilis lumaganap ang mga palabas mula sa Korea dahil din sa malalaking media na kung
saan ito rin ang kanilang pinapalabas sa telebisyon. Narito na nga ang mga estasyon ng ABS-CBN,
GMA 7 at TV5. Kanilang nakukuha ang mga serye o kdrama galing sa mga tanyag na media
broadcaster sa Korea. Ito ay ang Korean Broadcasting System (KBS). Munhwa Broadcasting
Corporation (MBC) at Seoul Broadcasting System (SBS). Sa taong 2003, inere sa Pilipinas ang
pinakunang korean drama na Bright Girl sa GMA 7 na nakadub sa Filipino. Katapat ng
pagpapalabas nito ay ang Meteor Garden mula sa bansang Taiwan. Maaalalang pumatok ang
palabas na ito sa nakararami kaya naman nakakauha ito ng mataas na ratings. Dahil dito, hindi
nagtagal ang drama na Bright Girl. Subalit, sa paglipas ng maraming panahon, unti-unti nang
umuusbong at nakikilala ang mga k-drama series. Dumarami na rin ang tumatangkilik dito.
Malakas ang hatak ng mga Korean drama series sa mga Pilipinong manonood. Para sa ilan,
ang panonood nito ay nagsisilbing libangan o pampawala ng pagod. Dalawa sa kilalang k-drama
series sa kasalukuyan ay ang Crash Landing On You at It’s Okay To Not Be Okay. Saan at ano nga
ba ang takbo ng mga palabas na ito?
Una, Crash Landing On You sa direksyon ni Lee Jung-hyo at sulat ni Park Ji-eun. Umiikot
ang kwento nito sa isang sikat at mayaman na babaeng mula sa South Korea na nagngangalang
Yoon Se-ri na kung saan isang araw, napagdesisyunan niyang magparagliding. Sa hindi
inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng aksidente at napadpad siya sa North Korea. Dahil dito,
natagpuan siya ng isang sundalong si Ri Jung Hyul mula sa naturang lugar at hindi naglaon,
tinulungan niya si Se-ri upang magtago. Pumatok ang palabas na ito sa mga Pilipino at ayon sa
isang artikulo mula sa South China Morning Post, narito ang ilan sa mga dahilan:
1. Sikat ang mga kinuhang aktor na gumanap. Mula noon ay aktibo na sina Hyun Bin at Son
Ye-jin sa iba’t ibang palabas sa Korea kaya naman sa partikular na palabas na ito,
paniguradong inabangan na ito agad ng marami.
2. Estado ng dalawang tauhan na gumanap. Parehong may kapangyarihan ang dalawang
tauhan; isa ay mayaman mula sa South Korea at ang isa naman ay may kapangyarihan din
sa militar mula sa North Korea. Bukod dito, pareho pa silang may hitsura.
3. Tema ng palabas at hindi makatotohanang kwento. Dahil hindi madalas nakikita sa ibang
palabas ang daloy ng kwento, mas inaabangan pa ito ng mga manonood sapagkat walang
kasiguraduhan kung ano ang maaaring mangyari sa susunod. Maaaring kilitiin nito ang
imahinasyon ng mga manonood. Nakadagdag din ito sa tensyon ng palabas.
4. Magkakahalong emosyon. Mayroong mga bahagi o eksenang nagpapatawa ang mga
tauhan, mayroong ding iyakan, aksyon at marami pang iba. Dahil dito, iba-iba rin ang mga
emosyon nararamdaman ng mga manonood sa palabas.
5. Mahuhusay na supporting actors. Malaki rin ang naging ambag ng mga tauhang ito
sapagkat sila rin ang dahilan kung bakit nagtagumpay ang palabas. Lalo na, marami ang
natuwa sa mga kasamahan na kapwa sundalong sina Kim Joo-muk, Choi Ji-woo na fanboy
ng Korean drama kahit na siya ay taga-North.
Pangalawang palabas na tinangkilik ng maraming ay ang It’s Okay To Not Be Okay sa
direksyon ni Park Shi-Woon at sulat ni Jo Young. Tungkol ito sa isang manunulat ng mga librong
pambata na si Moon young na mayroong Anti-social Personality Disorder na kung saan ay nakilala
niya ang isa namang makasarili na pysch ward caretaker na si Moong Gang-Tae.
Tinatalakay ng palabas na ito ang isyung may kaugnayan sa mental health na kung saan
napapanahon din lalo na ngayong panahon ng pandemya. Naglabas ng artikulo ang The Nerd Daily
ukol sa nasabing palabas at nagbigay ng mga dahilan kung bakit kailangan itong panoorin. Una,
makatotohanan ang representasyon ng mga mental illness. Nabanggit na mayroong Anti-social
Personality Disorder si Moon young at naipakita ito nang maayos sa palabas. Makikitang agresibo
at hindi niya masyadong iniisip ang kanyang mga kilos. Wala rin siyang ipinapakitang pagdamay
o pag-unawa sa kanyang mga nasasakupan. Ang mga ito ay ilan lamang sa totoong katangian ng
mga taong mayroong ganitong klaseng kalagayan.
Pangalawa naman, ang mismong paksa ng mental health. Magandang binigyang pansin
ang temang ito sapagkat marami ang nakararanas nito kahit ano at saan edad pa nabibilang ang
isang tao. Naging pagkakataon ang palabas na ito upang makapagbigay impormasyon at
kamalayan sa mga manonood kung bakit mahalagang pag-usapan at kahalagahan ang isyu ng
mental health. Bukod sa mga kdrama, narito rin ang pelikulang Parasite (2019) sa direksyon at
sulat ni Bong Joon-Ho. Tungkol naman ang pelikulang ito sa dalawang pamilyang magkaiba ang
estado o diskriminasyon sa katayuan sa lipunan. Pagitan ito sa pamilyang Park at Kim. Nanalo ng
apat na parangal mula sa 92th Oscars noong taong 2020 ng Pebrero ang pelikula: Best Picture,
Best Directing, International Feature Film at Writing o Original Screenplay.
Matatandaan noon na nagbigay ng speech sa Oscars ang direktor na si Bong Joon-ho
kaugnay sa subtitles, “Once you overcome the one-inch tall barrier of subtitles, you will be
introduced to so many more amazing films,” Ito na nga ang nangyari. Nakilala ang kanyang likha
sa buong mundo at inulan ito ng mga papuri at paghanga sa kanyang bukod-tanging pelikula.
Pagpasok sa Pilipinas ng mga Palabas Mula sa Korea
Sa isang isinagawang pananaliksik na pinamagatang Understanding The Embrace of
Filipino Teenagers on Korean Dramas, nagkaroon ng pagsusuri kung paano nakakaapekto ang
panunuod ng mga ito sa buhay partikular na ng mga kabataan sapagkat sila ang madalas na
nahihilig dito.
Lumabas sa pagaaral na ito na mayroon silang kakayahang pumili ng mga nais nilang
panoorin. Para naman sa iilan, bahagi na ng kanilang sistema ang panonood nito dahil ito ang
pinagkukuhanan nila ng aliw. Dahil dito, pumasok ito sa teorya ni Elihu Katz noong 1959 na Uses
and Gratifications Theory, “It states that the audience is now active in choosing media, which
serve as the source of their need satisfaction. Anchored with this is the Media Dependency Theory
by Sandra Ball-Rokeach and Melvin DeFleur in 1976 which states that the more the person
depends on the media to provide his needs, the greater the importance of that media will be in the
person’s life, and thus, the greater the influence of the media on the person.”
Bukod dito, nagkaroon din ng kamalayan ang mga manonood tungkol sa kung paano nila
tinitingnan ang isang relasyon bunsod ng mga napapanuod sa mga k-drama. “The fact that the
ideal concept of the teenagers towards having a relationship increased because of such depiction
in K-dramas, they began to see the real world like that. The Cultivation Theory by Gerbner, Gross,
Morgan, and Signorielli in 1980 can explain this phenomenon. It has been stated that long term
cumulative consequences of media exposure to an essentially stable and repeating sets of media
messages can lead to a common worldview and values. They began to live in their fantasies.”
Bilang karagdagan, naghayag ng sariling opinyon ang isa sa mga direktor dito sa Pilipinas
na si Direk Joey Reyes. Pinuri niya ang mga palabas mula sa Korea na kung saan ay kanyang
binigyang-pansin ang mga teknikal na aspeto ng paggawa ng mga naturang palabas tulad na
lamang ng mga lokasyon kung saan isinasagawa ang mga ito, mga kasuotan, maging ang mga
detalye ng pagkain at marami pang iba. Tila pinaggastusan at pinaghirapan talaga nang husto ang
paggawa ng mga may kaledad na palabas. “Koreanovelas are not only impressive. They are not
only substantial in their content, but are visually stunning."Para sa kanya, kahit na nakasubtitle na
ang ang ilan sa mga lokal na palabas at na-ere na ang mga ito sa ibang bansa, hindi pa rin nito
naaabot ang mataas na antas para sa mga banyagang manonood. Panghuli, sinasabi rin ni Direk
Joey na malawak ang mundo at malaki pa ang maaaring magawa ng mga manlilikhang Pilipino.
Konklusyon
Makikita mula sa mga impormasyon nailahad ang kahalagahan ng paggamit ng mga
subtitle para sa mga palabas mula sa ibang bansa. Hindi madali ang paggawa ng mga subtitle dahil
may mga pamantayan itong sinusunod upang manatili ang esensya ng palabas kahit ito ay isinalin
na sa ibang wika. Makikita rin ang kaibahan ng pagsasalin ng subtitle sa pagsasalin ng mga pasulat
na teksto.
Sa kabilang banda, makapangyarihan din ang paggamit ng subtitle sapagkat mayroon itong
kakayahang manakop ng buong mundo. Isang halimbawa na nga rito ang pelikulang Parasite
(2019) ni Bong Joon-ho. Para sa kanya, kung matututo lamang ang mga taong magbasa ng mga
subtitle kasabay ng kanilang panunuod, napakaraming magaganda at mahuhusay na mga palabas
ang maaaring mapanuod ng marami. Bukod sa pelikulang ito, unti-unti na ring lumalaganap ang
mga k-drama series sa mga Pilipino bilang ito ang pinagkukuhanan ng aliw ng mga manonood.
Ilan sa mga matagumpay na palabas ay ang Crash Landing On You at It’s Okay To Not Be Okay.
Kakaiba at mabigat ang mga kwentong madalas na makikita sa mga k-drama, bagay na pinuri ng
isa sa mga direktor dito sa Pilipinas na si Direk Joey Reyes.
Ipinapakita lamang dito na may kakayahan ang subtitling sa pagpapatuloy ng mga
banyagang manunuod sa kanilang mga palabas. Magkaiba man ang wika at kulturang nakapaloob
sa mga ito, hindi ito naging balakid upang makapagbigay ng magandang kaledad na kwento para
sa mga manonood kaya naman patuloy pa rin itong tinatangkilik ng marami.
Sanggunian
Bigtas, J. (April 19, 2020). Direk Joey Reyes on K-dramas: ‘Impressive, substantial in content,
visually stunning’ GMA News.
https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/chikaminute/734654/direk-joey-reyes-on-k-
dramas-impressive-substantial-in-content-visually-stunning/story/
Delos Reyes, W., Paner, R,. & Rivera, R. (2017). Understanding The Embrace of Filipino
Teenagers on Korean Dramas. Far Eastern University Manila.
https://www.academia.edu/34934590/Understanding_the_Embrace_
of_Filipino_Teenagers_on_Korean_Dramas_An_Academic_Essay
Dove, S. (February 10, 2020). Parasite Wins 4 Oscars and Makes History. Oscars.
https://oscar.go.com/news/winners/parasite-wins-4-oscars-and-makes-oscar-history
Khalaf, B. (2016). An Introduction to Subtitling: Challenges and Strategies. International
Journal of English Language, Literature and Translation Studies. 3(1).
https://www.researchgate.net/publication/324921121_AN_INTRODUCTION_TO_SUB
TITLING_CHALLENGES_AND_STRATEGIES
Sunio, P. (March 20, 2020). Why was Crash Landing On You such a huge hit? 5 reasons why
Son Ye-jin and Hyun Bin’s Korean drama became a sensation. South China Morning
Post. https://www.scmp.com/magazines/style/celebrity/article/30759
49/why-was-crash-landing-you-such-huge-hit-5-reasons-why-son
Woods, S. (August 9, 2020). 10 Reasons Why you Should Be Watching ‘It’s Okay To Not Be
Okay’ The Nerd Daily. https://www.thenerddaily.com/reasons-to-watch-its-okay-to-no
t-be-okay/