Talaan ng Nilalaman 3
INTRODUKSIYON 4
4
BABALA/PAG-IINGAT 4
BABALA/PAG-IINGAT 5
Paunawa ng FCC 5
5
PANGUNAHING TAGUBILIN 5
Mga kagamitan 5
Boltahe ng Input
Ilaw ng tagapagpahiwatig ng power 6
Ginagawa ng mga pindutan 7
8
KONEKSYON 8
PAGPUPULONG NG MGA BAGAY 8-9
NAKADISPLAY SA SCREEN 10
11
Mga pagpipilian sa menu
Pangunahing menu
APPENDIKS
BIBLIOGRAPIYA
2
INTRODUKSIYON
Ang Manwal para sa Gumagamit/Gabay sa Paggamit
at Teknikal na Manwal na ito ay naglalaman ng lahat ng
mahahalagang impormasyon para sa gagamit upang lubos
na maintindihan ang tamang pagset-up ng isang computer
monitor para sa unang pagkakataon ng paggamit nito.
Kasama sa manwal na ito ang paglalarawan sa bawat parte
ng monitor at ang mga kagamitan nito, mga espesyal na tala
tungkol sa monitor, impormasyon para sa iyong kaligtasan at
kaginhawaan, mga tip at impormasyon para sa
komportableng paggamit, step-by-step na prosidyur sa
tamang pagbuo o pagset-up sa monitor, at paano ito gamitin
sa unang pagkakataon.
Ang monitor ay isang parte ng computer hardware na
nagpapakita ng bidyo at grapiks na impormasyon na nabuo
ng isang konektadong kompyuter sa pamamagitan ng video
card ng kompyuter. Ito rin ay katulad ng mga telebisyon
ngunit kadalasang nagpapakita ng impormasyon sa mas
mataas na resolusyon. Hindi tulad ng mga telebisyon, ang
monitor ay karaniwang nakapatong sa ibabaw ng isang desk
sa halip na ito ay nakasabit sa pader. Ang monitor ay
tinatawag din minsang bilang isang screen, display, video
display, video display terminal, video display unit, o video
screen.
3
BABALA / PAG-IINGAT
Upang maiwasan ang pagkakuryente, huwag tanggalin at
panatiliing nakalagay ang takip. Ang mga parte na
nakapaloob ay hindi para sa mga gumagamit. Kumonsulta sa
mga eksperto.
Ang kidlat na mayroong paturong simbolo na
nakapaloob sa hugis tatsulok ay nagpapahiwatig sa
mga gumagamit na naglalaman ng
nakadedelikadong boltahe ang produkto na sapat
upang makuryente ang isang tao.
Ang nakapaloob na simbolong tandang padamdam
sa hugis na tatsulok ay nagpapahiwatig sa mga
gumagamit na ang mga instruksiyon sa
importanteng operasyon at serbisyo ay nakapaloob
sa sulating kasama ng produkto.
PAUNAWA NG FCC
Ang produktong ito ay naisailalim na sa pagsusuri at
napatunayan na sumusunod sa mga limitasyon para sa
isang Class B digital device.
Ang mga limitasyon na ito ay ginawa upang
makapagbigay ng proteksyon mula sa mga kapahamakan
na maaaring mangyari sa pagbuo nito.
Ang produktong ito ay gumagamit at naglalabas ng
"radio frequency energy" na maaaring maka-apekto sa
"radio communications" kapag hindi ito nailagay ng maigi.
Hindi garantisadong walang magaganap na intereperensiya
sa pagbuo nito.
4
PANGUNAHING TAGUBILIN
Mga Kagamitan
Suriin ang mga sumusunod na parte ng iyong monitor:
Monitor Base Manwal
Kurdon ng Kable ng VGA Kable ng HDMI
kuryente
BOLTAHE NG INPUT
AC 100 – 240V ~ 50 / 60 Hz 1.1A
DC 12V – 3A, 4A, 5A
Kumonsulta sa sulatin sa likod.
ILAW NG TAGAPAGPAHIWATIG NG POWER
Tagapagpahiwatig Mode
Walang Ilaw patayin ang kuryente
Asul na ilaw
Nakabukas
kumikislap na asul na liwanag walang signal input
GINAGAWA NG MGA PINDUTAN
Pindutan Ginagawa
MENU Buksan ang On-Screen Display ng monitor.
BABA
TAAS Bawasan ang halaga / ilipat sa nakaraan
EXIT taasan ang halaga / ilipat sa susunod
OFF isara ang menu ng On-ScreenDisplay
i-on/i-off ang monitor.
5
KONEKSYON
• POWER CABLE- Ito ay isang cable na naghahatid ng
kuryente sa iyong Monitor. Upang bigyan ito ng buhay.
Para gumana ito.
• VGA- Ang video graphics array ay isang connector para sa
pagkonekta ng mga monitor at iba pang device na may
mga graphics card. Itinuturing itong magandang color
graphics sa monitor dahil naghahatid ang vga ng high-
definition na display para sa mga laro, at iba pang
application.
• HDMI- High-Definition na Multimedia Interface. Ito ay isang
pamantayan para sa paghahatid ng digital at audio mula
sa computer monitor, TV, o projector. Ang HDMI ay isang
maihahambing na cable sa VGA, maliban na maaari itong
magpadala ng parehong digital na video at audio signal
habang nag-e-encrypt ng data gamit ang HDCP. Ang vga
ay tanging may kakayahan lamang na magdala ng signal
ng video.
• AUDIO- ang audio ay ang sound system na kasama o
maaaring idagdag sa monitor ng computer.
6
PAGPUPULONG NG MGA BAGAY
7
NAKADISPLAY SA SCREEN
MGA PAGPIPILIAN SA MENU
1. Brightness 2. Imahe 3. Temperatura ng kulay
6. MISC.
4. OSD Setting 5. RESET
PANGUNAHING MENU
1. Liwanag
1.1 BRIGHTNESS
Dito maaring ayusin kung gaano kaliwanag ang screen. Gamitin sa
pamamagitan ng scale na nakasaad dito.
1.2 CONTRAST
Maari makontrol kung gaano kadilim ang screen. Magagamit sa
pamamagitan din ng scale na nakasaad dito.
1.3 ECO
Kasama sa parte ng Brightness kung saan kapag walang nadetekta na
pagkilos ang monitor, mamatay ang screen katapos ng 40 seconds.
1.4 DYNAMIC CONTRAST RATIO (DCR)
Maaring iadjust nito ang brightness ng kusa. Ito ay nakadepende sa liwanag
na nakukuha nito.
2. Imahe
2.1 HORIZONTAL POSITION (H-POSITION)
Maaring ayusin ang On-Screen Display o OSD ng pahiga.
2.2 VERTICAL POSITION (V-POSITION)
Maaring ayusin ang On-Screen Display o OSD ng patayo.
2.3 CLOCK
Binabawasan nito ang mga pahigang linya na maaring lumitaw sa OSD.
2.4 PHASE
Binibigyang pokus ang OSD at binabawasan ang mga Noise effects at
pinapalinaw ang OSD.
2.5 ASPECT
Maari kang pumili ng mga iba't ibang ratio kung papaano mo ninanais
makita ang OSD.
3. Temperatura ng kulay
3.1 COLOR TEMPERATURE
Maaring bigyan ka ng mga pagpipilian kung ano ang ninanais mo na
temperatura para sa iyong OSD.
3.2 RED, GREEN, & BLUE
Ang mga kulay na ito ay maaring iadjust upang makuha ang tamang
temperatura na ninanais ng user.
8
4. OSD Setting
4.1 LANGUAGE
Dito maaari mong piliin ang mga wika na pamilyar sa iyo at nais mong
makita sa screen
4.2 OSD H. Pos.
Binabago ang pahalang na posisyon. Upang ilipat pakanan ang menu
gamitin ang pindutang taas o baba.
4.3 OSD V. Pos.
Binabago ang patayong posisyon. Upang ilipat ang menu ng OSD nang
mas mataas, gamitin ang pindutang taas o baba.
4.4 TRANSPARENCY
Pagbabago ng transparency ng background sa iyong monitor. Gamitin ang
Taas o babang pindutin upang taasin o ibaba ang opacity ng iyong
background.
5. Reset
5.1 Image Auto Adjust
Ang pagpipiliang ito ay isasaayos ang iyong mga setting ng larawan sa
pinakamagandang pagtingin. Magkatugma lang ito sa kable ng VGA.
5.2 Color Auto Adjust
Ang pagpipiliang ito ay isasaayos ang iyong setting sa screen ng iyong
monitor sa paraan na ia-adjust yung color temperature ng monitor
5.3 Reset
Ma ire-reset ng pagpipiliang ito ang monitor sa factory default
5.4 OD
Ang response time overdrive na pataasin ang oras ng pagtugon ng monitor
upang maalis ang trailing at ghosting ng mabilis na gumagalaw na mga
bagay.
6. Misc.
6.1 Low Blue Ray
Binabawasan ng opsyong ito ang dami ng asul na liwanag na ibinubuga ng
iyong LCD monitor.
6.2 Signal Sources
Dito malalaman kung aling monitor cable ang iyong ginagamit.
6.3 Mute
Kapag pinindot mo, ang lahat ng tunog sa iyong monitor ay ma mu-mute
6.4 Volume
Maaari mong baguhin ang volume ng iyong monitor.
9
APPENDIKS
Nilalaman sa pahina na ito ang mga terminong nakapaloob sa
manwal na maaaring hindi pamilyar sa mga gumagamit.
Monitor - isang parte ng computer hardware na nagpapakita ng
bidyo at grapiks na impormasyon na nabuo ng isang konektadong
kompyuter sa pamamagitan ng video card ng kompyuter.
VGA - Video Graphics Array. Isang connector para sa pagkonekta
ng mga monitor at iba pang device na may mga graphics card.
HDMI - High-Definition Multimedia Interface. Ito ay isang
pamantayan para sa paghahatid ng bidyo at audio mula sa
computer monitor, TV, o projector.
On-Screen Display - Ang on-screen display o minsan rin ay
tinatawag na OSD, ay isang graphic image o teksto na nagbibigay
impormasyon patungkol sa kung ano ang pinapakita sa iyong
screen. Maaari itong gamitin upang palitan ang mga options ng
ipinapakita sa iyong screen at ang ibang operasyon sa iyong
device.
OD - Overdrive. Minsan ay tinatawag ding response overdrive ay
ang nagpapataas sa oras ng pagtugon ng kompyuter upang
maging mabilis at mapaganda ang perpormans nito.
Boltahe - Ito ang tensyong mula sa pinanggalingan ng daloy ng
kuryente, na nagtutulak sa kuryente upang ito ay umikot.
Kung nangangailangan ng tulong mula sa mga eksperto. Naririto
ang impormasyong pag kontak ng mga serbisyo.
Numero: 09XX-XXX-XXXX
Hotline: 870-XXX
Email: [email protected]
Website: visionms01.org
visionms01.org
10
BIBLIOGRAPIYA
DEVELOPPAPER. What do you mean by DCR in the monitor? Do you
want to turn it on. https://developpaper.com/what-do-you-mean-by-
dcr-in-the-monitor-do-you-want-to-turn-it-on/
Digi International. (2022, Enero 4). FCC Class B digital device notice.
https://www.digi.com/resources/documentation/Digidocs/90001541/
reference/r_certs_cell_fcc.htm?TocPath=Certifications%7C_____4
Eizo. Altering color dramatically with a single setting: Examining color
temperature on an LCD monitor.
https://www.eizo.com/library/basics/color_temperature_on_an_LCD_
monitor/#:~:text=Color%20temperature%20refers%20to%20the,%2C
%20cameras%2C%20and%20lighting%20equipment.
Fisher, T. (2020, Hulyo 18). What Is a Monitor?. Lifewire.
https://www.lifewire.com/what-is-a-monitor-2618155
HP Customer Support. HP 1910, 2010, 2210, 2310, 2510, and 2710
Series LCD Monitors - Using and Adjusting Your Monitor.
https://support.hp.com/nz-en/document/c02013914
Manuals Directory. Menu position (h-position), Menu position (v-
position), Menu position – Sun Microsystems Computer Monitor User
Manual. https://www.manualsdir.com/manuals/138338/sun-
microsystems-computer-monitor.html?page=24
Manualslib. Eco Menu - BenQ BL2420U User Manual.
https://www.manualslib.com/manual/1126012/Benq-
Bl2420u.html?page=52
Techopedia. Brightness.
https://www.techopedia.com/definition/6265/brightness
Your Dictionary. Main menu meaning.
https://www.yourdictionary.com/main-menu
11
PANGKAT 1
CEDRIC LUIS DUNGCA
JAMIE RUTH BITO-ON
ADRIAN ANUNCIACION
ADRIAN CURLEY
ADRIAN SARMIENTO
KAYEL SALVADOR
KARL GUIAO
12