• Ang wika ay bahagi ng kultura at
kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay
isang simbolismo tungo sa
pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa
pamamagitan ng wika, ay nailalabas o
napapahayag natin ang ating mga
emosyon at saloobin, masaya man o
malungkot.
• Nagsasabing ang wikang “pormal” ay
iba sa “naimbentong” wika. Ang
homogeneous na wika ay nabuo at
patuloy na ginagamit ng mga tao sa
kasalukuyan. Ito ay nangangahulugan na
may mga salitang magkakatulad ngunit
dahil sa paraan ng pagbaybay at
intonasyon o punto ay nagkakaroon ng
bagong kahulugan.
• Wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at
pangangailangan ng paggamit nito.
Nagkakaroon ng maraming baryasyon ng
wika. Ang naging batayan ng mga
linggwistiko para magkaroon ng
heterogeneous na wika ay ang mga
masususing pag-aaral at pananaliksik
tungkol sa sosyolohikal at linggwistika.
• Pagkakaiba ng uri ng lipunan na ginagalawan
• Heograpiya
• Antas ng Edukasyon
• Okupasyon
• Edad at Kasarian
• Uri ng pangkat-etniko na kinabibilangan
IDYOLEK
REGISTER DAYALEK
CREOLE BARAYTI SOSYOLEK
NG WIKA
PIDGIN ETNOLEK
EKOLEK
• Ito ay pansariling paraan o istilo sa pagsasalita.
Makikita rito ang katangian at kakanyahang
natatangi ng taong nagsasalita.
Halimbawa:
• Ang idyolek ni Marc Logan – paggamit ng salitang
magkakatugma
• Ang idyolek ni Mike Enriquez – hindi naming kayo
tatantanan
• Ang idyolek ni Kris Aquino - Aha!, ha, ha… okey!
Darla!
• Ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang
pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar
tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng
wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Halimbawa:
• Tagalog = Bakit?
• Batangas = Bakit ga?
• Ilocos = Bakit ngay?
• Pangasinan = Bakit ei?
• Tagalog = Nalilito ako
• Bisaya = Nalilibog ako
• Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay
sa dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan. Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na
barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat
panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at
iba pa.
Halimbawa:
• GAY LINGO : Churchill para sa sosyal, Indiana jones para
sa hindi sumipot, begalou para sa malaki, Givenchy para
sa pahingi, Julie Andrews para sa mahuli.
• COÑO : Let’s make kain na… wait lang I’m calling Ana pa…
We’ll gonna make pila pa…It’s so haba na naman for sure.
• JEJEMON/JEJESPEAK :
-3ow phow, mUstAh nA phow kaOw?
-Hello po, kumusta po kayo?
-aQcKuHh iT2h - Ako ito
iMiszqcHyuH - I miss you
• JARGON : abogado – exhibit, appeal, complainant
• guro – lesson plan, class record, Form 138
• Ito ay barayti ng wika mula sa mga etno-
iinggwistikong grupo. Ang salitang ito ay nagmula sa
pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga
salitang nagiging bahagi ng pagkakakilanlan ng
isang pangkat-etniko.
Halimbawa:
Vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa
init man. o ulan
Bulanon – full moon Sadshak – kaligayahan
Kalipay – tuwa o ligaya Shuwa – dalawa
Palangga – mahal o minamahal Peshen - Preshen
• Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng
ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na
namumutawi sa bibig ng mga bata at mga
nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-
araw na pakikipagtalastasan.
• Halimbawa:
• Palikuran – banyo o kubeta
• Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
• Pamingganan – lalagyan ng plato
• Pappy – ama/tatay Momsy – nanay/ina
• Ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag
sa Ingles na Nobody’s Native Language o
katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ito ay
bunga ng pag-uusap ng dalawang taong
parehong may magkaibang unang wika kaya’t
di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang
wika ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng
makeshift language. Dahil dito makakalikha sila
ng isang wikang pinaghalo ang kanya-kanya
nilang unang wika.
Halimbawa ng Pidgin:
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng
magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak
para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang
damit ay maganda.)
• mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga
pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa
magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging
pangunahing wika ng partikular na lugar.
Halimbawa:
Pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang.
Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang
Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang
Annobonese)
• Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop
ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa
kausap. Nagagamit ng nagsasaita ang pormal
na tono ng pananalita kung ang kausap niya
ay isang taong may mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakatatanda o hindi niya
masyadong kakilala.
Halimbawa ng Reister:
-Paggamit ng pormal na wika sa simbahan,
talumpati, pagpupulong at pagsulat ng aklat
pangwika o pampanitikan o pormal na sanaysay.
-Paggamit ng di pormal na wika sa pagsulat
ng komiks, talaarawan at liham pangkaibigan o
di pormal na paraan ng pagsasalita kung
ang kausap ay kaibigan, malalapit na
kapamilya, kaklase o kasing-edad.
HUMSS 11B
UNANG PANGKAT
• Janiela Janea
• Aldrin Baguinda
• Christine Adigue
• Nicolai Cudanes
• Darin Sabio
• Prof. Federico D. Castro
• Iskor: 20/20