1
MGA KONSEPTONG
PANGWIKA
2
MGA KONSEPTONG
PANGWIKA
A. Kahulugan ng wika
B. Kahalagahan ng wika
C. Katangian ng wika
3
KAHULUGAN NG WIKA
4
Ayon kay Webster:
Ito ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at
nauunawaan ng isang maituturing na komunidad.
Ito ay naririnig at binibigkas na pananalita na
nalilikha sa pamamagitan ng dila at mga karatig na
organo ng pananalita.
5
Ayon naman kay Sturvetent:
Ito ay isang sistema ng mga arbitraryong
simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon .
6
Natatangi naman ang kahulugan ni Gleason:
Ang wika ay isang masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
7
Ang wika ayon kay Gleason (1961)
1.) MASISTEMANG BALANGKAS:
A.) Balangkas ng mga tunog; at
B.) Balangkas ng mga kahulugan.
8
Ilustrasyon ng sistema ng balangkas ng wika at
balangkas ng kahulugan (Gleason 1961)
ponema morpema sintaks diskors
tunog salita
parirala, sugnay mga talata o paragraf
at pangungusap
na bumubuo ng mga
pahayag
9
Ang bawat wika ay may tiyak na dami ng
mga tunog na napagsasama-sama sa isang
sistematikong paraan upang bumuo ng
makabuluhang yunit gaya ng salita, na nakabubuo
ng parirala, sugnay at pangungusap, na nakabubuo
naman ng isang pahayag o makabuluhang
diskurso.
10
Halimbawa:
Ø mga tunog = /a/, /i/, /m/, /n/
amin = pag-angkin (ours)
anim = bilang (six)
iman = paring etniko (muslim priest)
inam = kalagayan (situation)
mani = pagkain (peanut)
mina = likas na yaman (earth’s resources)
11
2.) SINASALITANG TUNOG:
Hindi lahat ng tunog ay may kahulugan kaya
hindi lahat nang naririnig sa paligid ay wika.
Ang mga tunog na nalilikha ng dila, labi, ngipin,
ngala-ngala, babagtingang-tinig o voice box at iba
pang bahagi ng aparato sa pagsasalita ang
naituturing na wika.
Tandaan: Ang wika ay set ng mga makahulugang tunog o
ponema .
12
3.) PINILI at ISINAAYOS sa PARAANG
ARBITRARYO
Halimbawa: Reverse
Tagalog baliktad
Pampango baligtad
Pangasinan baliktar
Aklanon balistad
Waray balikad
Ibaneg balitag
13
4.) GAMIT SA KOMUNIKASYON NG MGA TAO
KABILANG SA ISANG KULTURA:
Wika behikulo ng talastasan tao.
Gamit sa pagpapahayag ng naiisip, nadarama at
nakikita.
Humuhulma sa kaisipan at ideya ng mga tao sa
loob ng lipunan.
14
KAHALAGAHAN NG WIKA
15
Mahalaga ang wika dahil ito ay:
1. Instrumento ng komunikasyon;
2. Tagapag-ingat at tagapangalaga ng
kaalaman;
3. Tagapagbuklod ng bansa; at
4. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip.
16
KATANGIAN NG WIKA
17
Mahihinuha na ang wika ay:
1. Berbal - dahil ito ay sinasalita
2. Auditori - dahil ito ay naririnig
3. Arbitraryo - pinagkasunduan
4. Sistematiko - may proseso
5. Pantao - may kakayahang bumuo ng
salita
18
6. Natatangi – walang dalawang wika na magkatulad
7. Malikhain – may kakayahang bumuo ng mga salita
8. Dinamiko – buhay at nagbabago
9. Reperensyal - batayan ng iba’t ibang komunikasyon
10. Nakabuhol sa kultura – bawat lahi ay may
sariling wika
19
MAGHANDA SA MAIKLING PAGSUSULIT
KUMUHA NG ½ PAPEL PAHABA (LENGHTWISE)
20
MAIKLING PAGSUSULIT Blg. 1
A. Punan ang patlang sa bawat pahayag.
1. Lahat ng wika sa daigdig ay binubuo ng _____.
2. Buhay at nagbabago ang wika dahil ito ay _____.
3. Ang dila, labi, ngipin, ngala-ngala at babagtingang-
tinig ay bahagi ng _____(terminong Filipino).
4. at 5. Ang wika ay binubuo ng balangkas ng
_____ at balangkas ng _____.
21
B. Kilalanin ang tinutukoy na mga katangian ng wika.
6. Batayan ng iba’t ibang uri ng komunikasyon.
7. Pinagkasunduan ng mga taong gumagamit na
kabilang sa isang komunidad.
8. May kakayahang bumuo ng walang katapusang dami
ng salita.
9. Walang dalawang wika ang magkatulad na
magkatulad.
10. Pagkakakilanlan o identidad ng isang lahi.
22
C. Cloze Test
Ang bawat wika ay may tiyak na (11)_____ ng
mga tunog na napagsasama-sama sa isang (12)_____
paraan upang bumuo ng makabuluhang (13)_____
gaya ng salita, na nakabubuo ng parirala at
(14)_____, na nakabubuo naman ng isang pahayag o
makabuluhang (15)_____.
23
D. Ipaliwanag: Sistema ng balangkas ng wika (4pts+1)
PONEMA MORPEMA SINTAKS DISKORS
24
Mga Kasagutan:
A. B.
1. tunog 6. reperensyal
2. dinamiko 7. arbitraryo
3. aparato/organo ng pananalita 8. malikhain
4. tunog 9. natatangi
5. kahulugan 10. nakabuhol sa
C. kultura
11. dami
12. sistematikong D. iwawasto ng guro
13. yunit
14. pangungusap 25
15. diskors/diskurso