KAHULUGAN NG BARYASYON NG WIKA
Ang baryasyon ng wika ay iba’t ibang
manipestasyon ng wika.
Ito ay may tatlong uri:
a. Dayalek;
1. permanente – laan sa mga taal na
tagapagsalita o tagabasa ng isang partikular
na wikain; at
2. Pansamantala - may nagbabago sa
paraan ng pagpapahayag na naaayon sa
pangangailangan o sitwasyon.
a. Sosyolek; at
b. Idyolek.
DAYALEK:
- barayti ng wika na nalilikha ng dimensyon
heograpikal.
- wikang gamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit..
- tinatawag din itong wikain.
hal.:
Ilokano ng Ilocos at Baguio;
Bisaya ng Iloilo, Antique at West Panay;
Tausug ng Jolo at Sulu; at
Tagalog ng Batangas at Bulacan.
Pagkakaiba ito sa uri, bigkas, tono, haba, diin
at anyo ng salitang gamit sa isang partikular na
lugar.
Makikilala rin ito dahil sa distinct set ng
bokabularyo, punto o tono at istruktura ng
pangungusap.
Halimbawa:
Maynila – Ang lamig ng kanyang boses!
Batangas – Ala eh, kalamig ng kaniyang tinig!
Bataan – Ka lamig naman ng kaniyang tinig, ah!
SOSYOLEK:
- nabubuo sa pamamagitan ng dimensyong
sosyal.
- nabubuo batay sa mga pangkat panlipunan.
Hal.:
- wika ng mga estudyante,
- wika ng mga kababaihan,
- wika ng mga istambay,
- wika ng mga bakla at tomboy, at
- iba pang mga pangkat panlipunan.
REHISTRO NG WIKA
- makikilala ito sa pagkakaroon ng kakaibang
rehistro na natatangi sa pangkat na gumagamit
nito.
Hal.:
1. Wiz ko tepangga ang byuti ng gerlash na itich!
2. Hanep kosa! Swak na swak talaga ang byuti ng
chick na ‘to.
3. Wow, dude! I really like the aura of that girl.
Tanong: Nahulaan mo ba kung anong antas-lipunan
nabibilang ang bawat grupo?
OKUPASYUNAL NA REHISTRO
Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal
(occupational) na rehistro, halimbawa:
Eksena 1:
Lalaki 1: “Ano po ba ang diprensya sa akin?”
Lalaki 2: “Nahihirapan po kayong huminga dahil barado po
ang ilang valve na patungo sa inyong puso.”
Eksena 2:
Lalake 3: “Ano po ba ang diprensya n’yan?”
Lalake 4: “Hindi po dumadaloy ng maayos, kasi po
barado ang mga valve sa ilalim n’yan.”
Tanong: 1. Ano ang uri ng trabaho ng lalaki 2 sa unang
eksena? Nang lalaki 4 sa Ikalawang eksena?
2. Ang lalake 2 at lalake 4 ay parehong gumamit
ng salitang “valve”. Magkatulad ba ang
kahulugan ng salitang valve na kanilang
ginamit?
Tama ka! Ang lalaki 2 ay doktor at ang lalaki 4 ay
tubero.
Ang salitang valve ay tinatawag na legal jargon –
ang jargon ay mga salitang ginagamit ng isang
partikular na gawain o trabaho.
IDYOLEK:
- Ito ang indibidwal na istilo ng pagsasalita isang
tao.
- Ito ang uri ng wikang gamit ng isang tao na
nagpapaiba sa kanya sa ibang tao kahit na
nagkatulad ang antas-lipunang kanilang
kinalalagyan.
Subukin mong gayahin ang pagsasalita nina:
Mike Enriquez vs Noli de Castro
Ramon Tulfo vs Rey Langit
Mel Tiangco vs Korina Sanchez
Pare-pareho silang mga broadkaster hindi ba?
Subalit magkakapareho ba ang kanilang istilo sa
pagdideliver ng balita?
Magkakaiba, hindi ba?
LAGOM NG BARAYTI NG WIKA
Barayti Katangian Halimbawa
Idyolek Indibidwal na gamit ng wika taglay So, okay, ano, actually, grabe,
Dayalek
Sosyolek ang pansariling katangian atbpa
Wikang rehiyonal, gamit sa mga Tagalog-Cavite, Tagalog-
lalawigan Batangas, Tagalog-Bulacan,
Tagalog-Ilokano, Tagalog-
Bisaya, atbpa.
Nadedebelop sa pakikipag- Wika sa teknolohiya, wika ng
sosyalisasyon, nanatili sa isang yuppies, wika ng bading
tiyak na panahon
Rehistro Espesyalisadong wikang gamit ng Okupasyunal o jargon ng iba’t
isang partikular na larangan ibang gwain o trabaho
BARAYTI NG WIKA (NA KINA BADAYOS, ET. AL., 2010)
Barayti Katangian Halimbawa
Etnolek Wikang nadebelop mula sa Wika ng Badjao, Mangyan,
Ekolek etnolinggwistikong grupo Tagalog, T’boli, atbpa.
Pidgin
Creole Wikang nabuo sa loob ng Mamita, lolagets,
bahay, taglay ang
kaimpormalan Salitang gamitng intsik at
ibapa:
Wikang walang pormal na
estruktura, nabuo dahil sa “suki, mura aken tinda
ikaw bili dito”
pangangailagan
chavacano
Produkto ng pidgin na
nagkaroon ng pormal na
estruktura ng wika
PAGSASANAY: TUKUYIN ANG BARAYTI NG WIKA.
1. Produkto ito ng pidgin na nagkaroon ng pormal na estruktura.
2. Nagmula ang mga salitang ito sa loob ng bahay.
3. Tinatawag din itong panlalawigan.
4. Nadibelob ang wikang ito mula sa mga etnikong grupo.
5. Pampersonal na gamit ng wika na nagpapakita ng pagiging
pekulyar ng isang tao.
6. Wikang espesyalisado na gamit sa isang partikular na gawain.
7. Barayti ng wika na walang pormal na estruktura.
8. Pansamantalang wika nadebelop sa interaksyon natin sa isang
partikular na grupo ng mga tao.
9. Halimbawa nito ay ilokano-baguio, ilokano-ilokos, ilokano-isabela.
10. Halimbawa ay pinagsamang salitang Tagalog at Intsik.
MGA SAGOT: 6. Jargon
7. Pidgin
1. Creole 8. Sosyolek
2. Ekolek 9. Dayalek
3. Dayalektal 10. Pidgin
4. Etnolek
5. Idyolek