The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by , 2017-08-22 06:42:38

NewsLetter 2nd Quarter

NewsLetter 2nd Quarter

Mga Lider Atimonanin umapela sa
ERC at Kongreso:

naming mga residente,” saad ni
Mayor Mendoza.

“Kung hindi ito maaprubahan,
kaming mga mamamayan na
umaasa sa mga benepisyo ng
proyekto ay maaapektuhan rin.”

Sa harap ng pinagsanib na pag-

dinig ng mga Komite sa Enerhi-

ya at Mabuting Pamamahala at

Kapanagutan, kung saan lahat

ng Komisyoner ng ERC ay

dumalo, sinabi ni Mayor Men-

doza na matagal nang handa ang

Atimonan para sa proyekto.

Ipinarating ng mga miyembro ng NGO’s at mga local na opisyal ng Atimonan sa pangunguna ni Mayor

Ticoy Mendoza ang panawagan na ipasa na ang PSA ng Atimonan One Energy sa Kongreso

Sama-samang nagpunta sa Mababang Kapulungan ng “Biniro ko nga ho ang ating mga Commissioners kanina
Kongreso noong ika-4 ng Hulyo, 2017 ang ilang opisyal na matagal na, 6 na taon nang engaged ang A1E at Atimo-
ng lokal na pamahalaan ng Atimonan kasama ang mga nan’, kaya kami ay handang handa nang magpakasal,”
kinatawan ng iba’t-ibang grupo ng NGOs, POs at mga pahayag pa ni Mayor.

residente upang magpahayag ng suporta at mag-udyok “Matagal na kaming naghihintay at alam namin na
na aprubahan na ang Power Supply Agreement (PSA) maraming pasensya at mahabang oras ang kailangan
ng Atimonan One Energy, Inc. upang magtayo ng isang ganito kalaking proyekto. Patu-

Ang PSA ay para sa planong 1,200 MW na coal plant ng loy naming hinihikayat ang Atimonan One Energy at
kumpanya. Ang proyektong ito ay itatayo sa Barangay Meralco na simulan na ang proyekto dahil nag-aantay na
Villa Ibaba sa bayan ng Atimonan sa Quezon. kami na maramdaman ang mga benepisyo nito,” dagdag
pa ng Mayor.
Ang grupo ay pinangunahan ni Atimonan Mayor Rusti-
co Joven Mendoza. Sila ay naniniwala na ang naturang Ayon sa kanya, masigasig ang pagpunta at pakikipag-
proyekto ay makakatulong sa mabilis pag-unlad ng Ati- tulungan ng Atimonan One Energy sa mga komunidad
monan at pagtaas ng kalidad ng buhay ng mga Ati- mula nang makapag-desisyon ang kumpanya na magtayo
monanin. ng proyekto sa kanilang bayan.

“Kami ay nagpunta dito upang hikayatin ang mga mam- Sa tulong ng malaking proyektong ito, ang Atimonan ay
babatas pati na rin ang Energy Regulatory Commission magiging isang progresibong bayan katulad ng mga bayan
(ERC) na huwag nang patagalin ang pag-apruba sa PSA ng Mauban at Pagbilao sa Quezon kung saan mayroon
ng Atimonan One Energy dahil ito naman ay suportado nang tumatakbong planta ng kuryente. Sundan sa pahina 3

2

Dalaw Turo para sa mga Atimonanin

Nagsagawa ng Information, Education & Communication (IEC) ang Community Environment and Natural Resources
Office (CENRO) ng DENR ukol sa Atimonan One Energy power plant project.

Sinimulan ito noong Mayo 20 at 21 taong 2017 sa mga
barangay ng Villa Ibaba, Villa Ilaya, Caridad Ilaya at
Caridad Ibaba.

Ang IEC ay pinapamahalaan ng Dalaw - Turo Team
na binubuo ng 12 miyembro na pinapangunahan ni
Gng. Miliarete Panaligan mula sa CENRO-Real.
Layunin ng Dalaw-Turo na marinig ang lahat ng isyu
ukol sa planta at binibigyan din ng pagkakataon ang
kinatawan ng itatayong planta na makapagpaliwanag.

Matamang na nakikinig ang mga mag-aaral ng OLAA sa Dalaw Turo Team ng DENR

Nitong nakaraang Hunyo 22, 2017 ay muling nagdaos ng
IEC sa mga paaralan ng Our Lady of the Angels Academy
(OLAA) at Leon Guinto Memorial College (LGMC). Hunyo
23 naman ng ito ay dumalaw sa mga barangay ng Sokol at
Baluguhin.

May mga kasunod pang ganitong gawain ang Dalaw Turo sa Kaakibat ng pag-unlad, dapat ding pangalagaan ang kalikasan
iba pang barangay at paaralan upang patuloy na marinig ang ayun sa Dalaw Turo Team ng DENR
mga agam-agam ng mga mamamayan at nabibigyan ng
pagkakataon ang planta na linawin ang mga usapin ukol sa
proyekto.

Pagsasanay para sa mga taga Sitio Carinay. Kaala-

man ang ibinahagi ng mga tauhan ng Philippine Business for Social
Progress (PBSP) na na sina G. Bong Baylon at Bb. Alecks Secretario
sa isang pagsasanay sa Values Formation at Financial Management
para sa mga miyembro New Carinay Home Owners Association
noong Hunyo 16, 2017 sa bagong Multi-Purpose Hall, Purok Balite,
Brgy. Villa Ibaba Atimonan Quezon.

Bahagi ito ng patuloy na suporta ng A1E sa mga relocated residents.

Palawigin ang kaalaman sa pananalapi upang maging maunlad
ang isang samahan isa ito sa mga aral na ibinigay ng PBSP

Mga Gawain ng A1E sa New Carinay Relocation Site

March 8, 2017 - Relocation Turn-over

May 27, 2017 - Bumisita ang Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) sa relocation site
upang suriin kung saan naayon ang pagtatanim ng kawayan (proyektong pang-kabuhayan)

June 14, 2017 - Nagsagawa ng inspeksyon ang mga representative ng Housing and Land Use
Regulatory Board (HLURB). Ang inspeksyon ay kinakailangan upang maipa-rehistro ang samahan ng mga

taga-relokasyon. Sinimulan ang pagsasanay para sa mga residente ng New Carinay Relocation. Ang
June 16, 2017 -

pagsasanay ay may temang, “Values Formation and Financial Management” mula sa PBSP.
July 19 – 22, 2017- Gagawin ang profiling at resource mapping ng PBSP

July 25 – 26, 2017- Sisimulan ang “Bamboo Propagation Training” sa New Carinay Relocation

3

Mga Lider Atimonanin… Mula sa pahina 1

“Ang mga aktibidad na ginagawa sa lugar na pagtatayuan ng planta ay nagsisimbolo ng paninidigan ng Atimonan One
Energy na itayo ang planta,” sabi pa ni Mayor Mendoza.

Dagdag pa niya, ikinunsidera na ng
bayan ng Atimonan ang kita mula sa
taxes na ire-remit ng planta at ito ay
nakapaloob na sa kanilang Local Com-
prehensive Development Plan.

Paliwanag niya, inaantay na lamang ng

Atimonan One Energy na maapru-

bahan ang PSA na mahigit isang taon

na mula nang maisumite sa ERC. Sama samang nanawagan ang grupo ng NGO’s galing Atimonan sa harap ng opisina ng ERC

“Napakahalaga ng PSA para umusad ang proyektong ito. Dumalo pa ang ilang residente ng Atimonan sa mga public

hearing na ginawa ng ERC para magpahayag ng suporta sa proyektong ito,” sabi ni Mayor Mendoza.

“Nakikiusap kami sa ERC na aprubahan na ang proyektong ito. Bilang napakahalagang stakeholder sa proyektong ito.

Bago pa man ang pulong sa Kongreso, nauna ng pumunta sa harap ng opisina ng Energy Regulatory Commission
(ERC) ng umaga ng Hulyo 4, 2017 ang ilang kinatawan ng non-government organizations (NGOs) at mga residente ng
Atimonan upang magpahayag ng suporta para sa planong power plant ng Atimonan One Energy.

Kabilang sa mga grupo na nakiisa sa

layuning ito ang Samahan ng Maliliit na

Mangingisda ng Balubad, Lubi, Talaba at

Kilait (SMM BALTAK), Barangay Tanod

Federation, OFW Federation, Carinay

Homeowners Association, Kalipunan ng

Liping Pilipina (KALIPI), Livelihood

Nagpahayag ng suporta sa planong power plant ang mga Atimonanin sa pangunguna ni Greg Program of Atimonan Tricycle Associa-
tion, Inc. at Farmers Federation.
de Gracia na kinatawan ng isang NGO

Ayon kay Greg T. de Gracia, Chairman ng SMM BALTAK at tagapagsalita ng grupo, nais nilang magsimula na ang
proyekto sa lalong madaling panahon.

Ang proyektong ito ay ang planong 1,200 MW na coal
plant na itatayo ng Atimonan One Energy sa Barangay
Villa Ibaba sa bayan ng Atimonan sa Quezon.

“Nais naming magsimula na ito sa lalong madaling
panahon. Malakas ang suporta naming mga residente sa
proyektong ito,” dagdag pa niya.

Batid ng mga Atimonanin na maraming benepisyong mai- Pinangunahan nina Hon. Johnny Pimentel, Chairman ng Committee on

dudulot ang proyektong ito para sa bayan ng Atimonan. Good Governance and Public Accountability; Hon. Carlos Roman Uy-

baretta, Vice Chairman ng Committee on Energy; Minority Floor Leader

“Sana ay huwag pigilan ang pag-unlad ng aming bayan para Danilo Suarez; at Hon. Carlos Isagani Zarate ang pagdinig noong Hulyo 4.

sa interes ng iilan,” saad pa ni G. de Gracia.

“Sana rin ay pakinggan naman ng mga nasa posisyon ang tinig naming mga Atimonanin at itulak ang pagtatayo ng
power plant sa lalong madaling panahon.”

4

Mga Proyekto at Donasyon para sa Atimonan

Magandang stage ang kagustuhan ng Caridad Ibaba Ele- Pagkain ng 150 katao ang hiniling ni Punong Barangay
mentary School Principal na si Mrs. Benilda Mapaye Maximina Macatangay upang ipagdiwang ang Victory
upang mas maging kaaya-aya ang kanilang mga aktibidad Ball ng Palaro ng Volleyball sa Kanlurang Malicboy
na gagawin. Mga materyales ang ibinigay na tulong ng noong ika-12 ng Hunyo 2017
A1E upang ito ay maisakatuparan.

Pananggalang sa ulan at init ng araw ang hiniling ng mga taga Maligaya Elementary School sa pangunguna ni Principal
Marilyn Firme na humiling sila ng mga kahoy para sa kanilang proyekto na covered pathway.

Mga kapote at flashlight para sa mga tanod ang ibinigay Maagang edukasyong para sa mga bata ang handog ng
ng A1E para sa kahandaan laban sa sakuna ng mga taga A1E sa mga taga Brgy. Magsaysay sa pamamagitan ng
Barangay Villa Ilaya. isang Day Care Center.

5

Meralco Bolts, nakiisa sa
Atimonan Basketball League

Pinangunahan nina Chris Newsome, Jared Dillinger at Amer Baser ng Meralco Bolts ang seremonya ng paghagis ng bola.

Bilang dagdag kasiyahan sa taunang Atimonan Summer Basketball League na may temang “Liga ng Pagbabago,” bumisi-
ta ang 3 manlalaro sa Phil. Basketball Association (PBA) ng Meralco Bolts sa pag-uumpisa ng liga noong Abril 17, 2017.
Ang mga manlalarong sina Chris Newsome, Jared Dillinger at Amer Baser ay dumalo upang magbigay ng ilang tips at
magpakita ng ilang teknik sa paglalaro ng basketball. Sila rin ang nanguna sa seremonya ng paghahagis ng bola o cere-
monial jump. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Vice-Mayor Nida Veranga ang Atimonan One Energy sa pagda-
dala sa mga manlalaro ng Meralco Bolts na upang makadaupang palad ng mga manlalarong Atimonanin. Lubha na-
mang nasiyahan ang bawat koponan sa kanilang pagkakataong makapagpakuha ng larawan kasama ang mga manlalaro
ng Meralco Bolts.

8 barangay tumanggap ng tent, umabot na sa
35 barangay ang nabigyan

Walo pang karagdagang barangay sa Atimo-
nan ang tumanggap ng donasyong tent ni-
tong buwan ng Hunyo 2017.
Ito ay ang mga sumusunod na Barangay:
Montes Balaon, Montes Kallagan, San An-
dres Bundok, Manggalayan Bundok, Sokol,
Rizal, Lubi, at San Andres Labak.
Ito ay pangatlong bahagi na ng proyekto na
nag-umpisa pa noong taong 2015 kung saan
12 barangay ang nakatanggap ng tent.
Noong 2016, 15 barangay naman ang nabi- Tinanggap nina Brgy. Kap. Epefanio Anotche ng Manggalayan Bundok at Brgy. Kap. Jose
gyan. Dahil dito, tanging 7 na lamang sa 42 Estrada ng San Andres Bundok ang bagong tent na handog ng Atimonan One Energy
barangay ang hindi pa nakatatanggap ng ganitong donasyon na madalas gamitin sa mga gawaing pang-komunidad tulad
ng pista, mahalagang okasyon, burol, atbp.
Maaari ding kumita ang mga local na pamahalaang barangay sa pamamagitan ng pagpapa-renta o paupa sa paggamit ng
mga tent na ito.
Ang mga tent ay maipagmamalaki ding sariling gawa ng mga Atimonanin dahil mga local na manufacturers ang kinontra-
ta sa fabrication nito. Ito ay bilang pagpapatunay na sinusuportahan ng kumpanya ang mga lokal na manggawa at
katulong din sa pagpapalakas sa industriya ng bayan.

6

World Oceans
Day, ginunita sa

pamamagitan ng
paglilinis ng

Abalang naglilinis sa dalampasigan ng Brgy. Zone 1 Poblacion ng Atimonan ang mga
kawani ng Atimonan One Energy at mga taga Barangay

Sa ikatlong taon ng pagtupad sa pangakong tutulong sa pagsasaayos ng kapaligiran, muling pinangunahan ng Atimonan
One Energy ang isang paglilinis sa dalampasigan o coastal clean-up sa nasasakupan ng Brgy. Zone I, Brgy. Zone IV at
Brgy. Angeles.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng World Oceans Day noong ika-9 ng Hunyo 2017. Naging kaagapay sa proyekto ang tang-
gapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Atimonan sa pamumuno ni Gng. Maria
Rita Chavez.

Naglaan din ng oras upang maging bahagi ng pagli-
linis ng dalampasigan ang mga empleyado ng
kumpanya, mga benepisyaryo ng 4P’s at mga
miyembro ng Sanguniang Barangay ng Zone 1,
Zone 4 at Angeles.

Kaisa sa pangangalaga ng Kalikasan sa Atimonan ang Atimonan One Energy Tinatayang mahigit kalahating tonelada o 568 kilo
ang nakolektang basura mula sa dalampasigan ng
mga nasabing barangay at ito ay dinala sa sanitary
landfill ng bayan.

Malawakang

Pagtatanim. Isang

programang pangkabuhayan

at pangkalikasan ang hiniling

ng mga taga Caridad Ilaya sa

pamamagitan ng kanilang

Kooperatiba o CIMPCI

(Caridad Ilaya Multi-Purpose

Cooperative Inc.). Parte ng Paglilinis sa tabing ilong ng Caridad Ilaya kung saan
itinanim ang 6,000 narra seedlings
kasunduan ng Kooperatiba
(CIMPCI), LGU-Atimonan

at Atimonan One Energy ang programang ito kung saan nagtanim ng 10,300

na Guyabano Seedlings sa kani-kanilang sakahan at 6,000 Narra seedlings sa

tabing-ilog ng Caridad Ilaya. Noong Hunyo 19, 2017, personal na inin-

Kaisa sa pagbibigay ng hanapbuhay at pangan- speksyun ng mga tauhan CENRO Calauag na sina Alvin Lanip, Augusto
galaga sa kalikasan ang Atimonan One Energy
Masaoay at Elloida Escalandia) ang mga itinanim na 6,000 narra seedlings.

7

A1E Medical Mission, muling ginanap

Matagumpay na naidaos ang Medical, Dental at Eye Care Mission
ng Atimonan One Energy sa Caridad Ilaya Elementary School
noong nakaraang Hunyo 26, 2017.

Ang medical, dental at eye care mission ay nakapagbigay ng 126
libreng salamin sa mata, 65 na libreng bunot ng ngipin at 60
libreng serbisyong medikal. Umabot sa 251 ang pasyenteng
dumalo sa araw na iyon mula sa mga Brgy. Caridad Ibaba, Cari-
dad Ilaya, Villa Ibaba at Villa Ilaya.

Bukod sa libreng serbisyong medikal nagturo din ang ilang kina-
tawan mula sa Department of Health ukol sa rabies, dengue,
pregnancy danger signs and post-partum, vaccines and their im-
portance, newborn screening and its importance, healthy lifestyle
at reproductive health and tuberculosis.

Naging bahagi ng libreng serbisyong medikal ng Atimonan One

Maingat na binubunot ni Dra. Victoria Alma Conti ang ngipin ng Energy ang mga grupo buhat sa Rotary Club – Atimonan, Rotary
isang kabataang taga Caridad Ilaya.
– Lakambini, Armed Forces of the Philippines – Reservists

Command, Rural Health Unit – Atimonan, Barangay Health

Workers mula sa Caridad Ilaya, Caridad Ibaba, Villa Ibaba at

Villa Ilaya at Sangguniang Barangay ng Caridad Ilaya.

Ito ay dalawang beses na ginagawa ng Atimonan One Ener-
gy taon-taon upang maipakita ng kumpanya at ng mga
empleyado nito ang pagnanais na makatulong sa mga mama-
mayan ng bayan ng Atimonan.

Kabilang sa mga volunteer doctors ang dalawang reservists

na sina Lt. Col. Elchor Caralian at Major Hernando

Marquez; Dentists Cherry Tan, Victoria Alma Conti, at Jo-

anne Cabalu, at medical doctors Noel Mayo, Richard Argulla

at Cherry Lyl Argulla kasama rin si Maj. Jose Asensi(res). Bukod sa libreng konsultang medikal, nagbahagi rin ang Atimonan One

Naging bahagi naman ng community service ng Rotary Club Energy ng mga libreng gamot para sa mga residente

of Atimonan—Lakambini ang kanilang paglahok sa nasa-

bing gawain.

Operation Tuli. May 270 kabataan na may walong na taong

gulang pataas ang sumailalim sa pagtutuli o circumcision

kamakailan sa bayan ng Atimonan, Quezon. Ang nasabing libreng

tuli ay inisyatibo ng Leon Guinto Memorial College Alumni na si-

yang ginaganap kada taon bilang bahagi na rin ng kanilang home-

coming activities. Sinuportahan ito ng Atimonan One Energy sa

pamamagitan ng CSR Team, kasama ang Municipal Health Office

ng Atimonan at Office of the Vice Mayor of Marikina City Medical

Team. Ang partisipasyon ng A1E ay pang-apat na sa magkakasunod

na isinagawang Oplan Tuli at medical missions ngayong taon. Matapang na hinarap ng mga kabataang ito ang operasyon

para maging ganap ng binata

8

Bagong

kalsada,
inaasahang
matatapos

Puspusan ang paggawa sa kalsada upang kaagad matapos.

“Noon, habang tinitingnan namin ni Yorme (ex-Mayor May habang 1.6 kilometro at tinatayang aabot ng halos P
Jose Mendoza) ang malaking bato (na nakaharang sa 200 milyon ang kabuuang halaga ng proyekto na itinataguy-
pinagpaplanuhang kalsada), parang imposible.” od ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno
ni Gobernador David “Jayjay” Suarez at suportado ng lo-
Si Mayor Engr. Rustico Joven “Ticoy” U. Mendoza kal na Pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni Mayor
mismo ang nagsabi na noon ay halos imposible na ma- Mendoza at ng kumpanya ng Atimonan One Energy, Inc.
dugtungan ang kalsada mula Brgy. Caridad Ilaya patun-
gong Brgy. Villa Ibaba, dahil sa laki ng gagastusin at
hirap ng pagpapagawa nito. Ito ay matapos niyang
magsagawa ng isang pag-iinspeksyon sa lugar ilang bu-
wan na ang nakakaraan, kasama sina Vice Mayor Nida
Veranga at mga kagawad ng Sangguniang Bayan.

“Pero ngayon, ang imposible ay posible na! At nakikita
na natin na unti-unting natutupad ang pangarap natin
na magkaroon dyan ng kalsada,” dagdag pa ng Mayor.

Maging ang malaking bato na dating nakaharang sa Kasalukuyang ginagawa ang kalsadang ito upang matapos na ngayung taon
baybayin na dinaanan ng kalsada na naging simbolo ng
isang tila imposibleng pangarap ay natibag na, hudyat Lupon ng mga Patnugot
ng panibagong simbolo na wala ng hadlang ang kaun-
laran. Wala na ang dating hadlang sa mga mag-aaral na
napilitang huminto sa pag-aaral dahil sa layo at hirap
ng byahe; wala na rin ang hadlang upang madaliang
maibyahe ang mga buntis na manganganak; o mga
pasyenteng kailangang isugod sa ospital. Gayundin ang
mga maliliit na negosyanteng nagbibiyahe ng kalakal o
produkto sa kabayanan.

Dahil dito, malapit nang makaiwas sa peligrosong pag- Grupong Editoryal
tawid ng dagat o maglakad sa gilid ng bundok ang mga
residente ng mga Barangay ng Caridad Ilaya at Villa Address: 2/F Parco Building, Jose Rizal cor. Quezon St.
Ibaba, kasama na ang Brgy. Villa Ilaya. Brgy. Zone 1 Atimonan, Quezon 4331

Sinimulang gawin ang kalsada noong Nobyembre 2016 Tel.No.: +63 42 717 4975
at inaasahan itong matatapos bago matapos ang taong
ito.


Click to View FlipBook Version