The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Music2_q3_Mod1_MgaTunogsaKapaligiran_Final

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by mary.pulumbarit, 2023-10-22 00:26:24

Music2_q3_Mod1_MgaTunogsaKapaligiran_Final

Music2_q3_Mod1_MgaTunogsaKapaligiran_Final

CO_Q3_Music 2_ Module 1 Musika Ikatlong Markahan – Modyul 1 Mga Tunog sa Kapaligiran 2 Pangalan: Pangkat:


Musika – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1 Mga Tunog sa Kapaligiran Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rowena R. Lukban Patnugot: Rosauro M. Perez Tagasuri: Lily Beth B. Mallari, Helen G. Laus, Rowena D. Tiamzon, Engelbert B. Agunday Tagaguhit: Christopher S. Carreon Tagalapat: Rachel S. Dela Cruz Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Robert E. Osongco, Lily Beth B. Mallari, Rebecca K. Sotto


2 Musika Ikatlong Markahan – Modyul 1 Mga Tunog sa Kapaligiran


Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.


1 CO_Q3_Music 2_ Module 1 Alamin Ang modyul na ito ay may mga gawain upang matutuhan at matukoy ang mga pinagmumulan ng tunog. Layunin din nito na maisagawa ang mga iba’t ibang pinagmumulan ng tunog na may kilos ng katawan. Sa katapusan ng aralin na ito, ikaw ay inaasahan na: 1. natutukoy ang mga pinagmulan ng tunog gaya ng hangin, alon, galaw ng mga puno, tunog ng mga hayop, tunog na nilalabas ng mga makina, iba’t ibang uri ng transportasyon at iba pa; 2. naisasagawa ang iba’t ibang pinagmumulan ng tunog na may galaw ng katawan; at 3. nabibigyang halaga ang mga tunog na naririnig sa paligid


2 CO_Q3_Music 2_ Module 1 Subukin Isulat sa patlang ang tunog na nalilikha ng mga sumusunod na larawan ng hayop o bagay at piliin ang tunog nito sa mga salita na nasa loob ng kahon. 1. _____________________ 2. _____________________ 3. _____________________ 4. _____________________ 5. _____________________ Tik-ti-la-ok! Dingdong! Uuum! Uuum! Buuum! Buuum! Aw-aw!


CO_Q3_Music 2_ Module 1 Aralin 1 Mga Tunog sa Kapaligiran Balikan Pagtambalin ang larawan ng bagay na nasa Hanay A sa tunog na nalilikha nito na nasa Hanay B. Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Hanay A Hanay B 1. A. bruuum! bruuum! 2. B. beep! beep! 3. C. wosssh! wosssh! 4. D. hsss! hsss! 5. E. boom! boom!


4 CO_Q3_Music 2_ Module 1 Tuklasin Gawain 1: Mga Tunog, Pakinggan Mo Basahin nang mabuti ang kuwento. Ibigay ang pinagmulan ng mga tunog na mababanggit sa kuwento. 3 Mga Tala para sa Guro Ang Modyul na ito ay makatutulong upang madali


5 CO_Q3_Music 2_ Module 1 "Ulan" adilim ang kalangitan, ramdam ang malamig na ihip ng hangin, sumasabay ang galaw ng mga puno at halaman. Maririnig din ang mga huni ng ibon at ingay ng iba’t ibang hayop gaya ng palaka, ahas at unggoy, susundan pa ito ng malakas na hampas ng alon sa dalampasigan, hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan at bawat patak ay maririnig. Nagpatuloy kami sa paglalakad at sa wakas nakalabas din kami sa kagubatan habang unti-unting humihina ang ulan. Sa paglalakad namataan namin ang kulay dilaw na bus na bumubusina sa amin, laking pasasalamat namin at muli naming nakita ang aming Drayber na si Mang Ambo. Siya ang tanging nakaaalam sa daan pauwi pabalik sa aming mga tahanan. Habang nakasakay ako ay nakatingin sa paligid, dinig ang mga iba’t ibang uri ng sasakyan gaya ng jeep, traysikel at biglang pagdaan ng isang eroplano sa himpapawid. Dahil sa kawilihan sa naririnig sa paligid hindi namin namalayan na inumaga na kami, dinig ang mga tilaok ng manok at boses ng lalaki na humihiyaw ng pandesal. Dahil araw ng Linggo dinig din namin ang kumakalembang na kampana ng simbahan na aming nadaanan, hudyat na magsisimula na ang misa. Sa aming paglalakbay nadaanan din namin ang istasyon ng tren na kung saan maririnig mo ang napakalakas na tunog ng tren. Dahil sa pagod at puyat hindi ko namalayan na nakatulog ako at nakarating na pala kami sa aming tahanan at malambing na boses ni nanay ang gumising sa aking mahimbing na tulog. Salamat at nakauwi kami nang maayos at ligtas. Sa kuwentong iyong napakinggan, may mga tunog ka bang narinig sa iyong kapaligiran? Ano-ano ang mga tunog na iyong narinig? Isa-isahin mo nga ang mga tunog na iyong narinig sa kuwento. Magkakatulad ba ang mga tunog na iyong narinig?


6 CO_Q3_Music 2_ Module 1 Narinig mo na ba ang manok na pumuputak? Anong tunog ang narinig mo? Saan nagmula ang iyong narinig na tunog? Magbigay ka pa ng tunog ng mga hayop? Paano nagkakaiba ang tunog ng mga hayop? Narito naman ang larawan ng Tren. Ano ba ang tunog ng tren habang umaandar ito? Gayahin natin ang tunog ng tren. Suriin Ang kapaligiran ay punung-puno ng mga tunog na likha ng kalikasan, hayop, at mga bagay na gawa ng tao. Halina’t pakinggan ang mga tunog sa kapaligiran at alamin ang pinagmulan. Tayo na at alamin natin ang mga ito. Maaari mo ring gayahin ang tunog ko, kasama ang galaw pati na rin ang pagtugtog ko. Kaya mo ba?


7 CO_Q3_Music 2_ Module 1 1. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. (kleng! kleng! kleng!) 2. Hayan na, hayan na, di mo pa makita. (wosssh! wosssh!) 3. Matanda na ang nuno hindi pa naliligo. (ngiyaw! ngiyaw!) 4. Tungkod ni Kapitana hindi mahawakan. (hsss! hsss!) 5. Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng. (kwak! kwak!) Pagyamanin A. Isulat sa kahon ang tunog na nalilikha ng mga sumusunod na bagay o hayop na nakalarawan sa baba. 3. a a h s a s u p b b i e k a m n a p a h a i n g n 1. Sino Ako? Sa tulong ng bugtong at ginulong salita, sagutin kung anong tunog ang pinagmulan nito. Isulat ang sagot sa kahon. 2.


8 CO_Q3_Music 2_ Module 1 B. Alin sa mga sumusunod ang lumilikha ng tunog sa paligid? Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ito ay lumilikha ng tunog. Huni ng ibon Iyak ng sanggol Umaandar na barko Agos ng tubig sa batis Kabayong umuungol Batang nagsusulat


9 CO_Q3_Music 2_ Module 1 C. May alaga ka bang hayop? Ano ang paborito mong hayop? Paano mo ito inaalagaan? Tayo nang mamasyal sa bukirin. Gayahin natin ang mga tunog at galaw ng mga alagang hayop ni Mc Donald. Bukod sa mga nasa larawan sa ibaba magbigay ka pa ng mga hayop na pwede mong gayahin ang tunog at galaw nito. Ang mga salitang nasa loob ng panaklong ang papalitan lamang. Si Mang Pedro (Himig: Old McDonald Had a Farm) Si Mang Pedro’y nasa bukid A E I O U Sa kanyang bukid ay may baka, A E I O U (moo moo) dito (moo moo) doon, Dito ay (moo), doon ay (moo), kahit saan ay nag (moo moo ). Si Mang Pedro nasa bukid A E I O U D. Tunog ko, ikilos mo. Pumili ng limang pangalan ng hayop o bagay na pinagmumulan ng tunog na nasa loob ng kahon at


10 CO_Q3_Music 2_ Module 1 isagawa ito. Sagutan ang nakahandang rubrics kung maayos na naisagawa ang gawain. 3 - Mahusay na naisagawa 2 - Naisagawa 1 - Hindi gaanong naisagawa A. tren B. gitara C. leon D. kabayo E. ahas F. sasakyan ng bumbero G. ulan Gawain 1 2 3 1. Nagawa ko ang mga tunog nang may wastong bigkas. 2. Naisakilos ko nang tama ang mga napiling gawain. 3. Naisagawa ko nang sabay ang tunog at kilos ng mga ito. 4. Naibigay ko nang buong husay ang aking kaalaman sa pagsasagawa ng tunog at kilos ng mga bagay na pinagmulan ng mga ito. 5. Naipakita ko ang kasiyahan sa pagsasagawa ng gawain. E. Igalaw ang katawan habang binibigkas ang tunog ng mga isinasaad na sitwasyon. Gamitin ang rubric sa ibaba bilang pamantayan sa iyong ginawa.


11 CO_Q3_Music 2_ Module 1 3 - Buong husay 2 - Mahusay 1 - Hindi Gaanong Mahusay 1. Tahol ng asong tumatakbo 2. Umaandar na motorsiklo 3. Malakas na hampas ng hangin sa mga halaman 4. Makinang pantahi 5. Matulin na takbo ng kabayo KAALAMAN 1 2 3 1. Maayos kong nabigkas ang mga tunog. 2. Mahusay kong nagaya ang pinagmulan ng tunog. 3. Nabigkas ko at nagaya nang buong husay ang mga tunog at pinagmulan nito. 4. Sabay kong nagawa ang tunog maging ang kilos ng katawan ng mga bagay na pinagmulan nito. 5. Masigla kong binigay ang aking makakaya upang magawa ang mga ito F. Ang mga nakakahon sa ibaba ay halimbawa ng iba’t ibang tunog na may pinagmumulan. Piliin ang tamang sagot at ilagay sa kahon ang mga tunog sa angkop na pinagmulan. Ilagay ang sagot sa kahon pagkatapos ng salitang tinutukoy. Oink!Oink! Bzzz! Buuum! Buuum! Krriiing! Krriiing! Wosssh!Wossh!


12 CO_Q3_Music 2_ Module 1 1. Hangin 2.Telepono 3. Kulog 4. Bubuyog 5. Baboy G. Isulat TAMA kung angkop ang tunog na sinasabi sa pahayag, MALI kung hindi angkop ang tunog na sinasabi sa pahayag. ______1. Ang tunog ng tren ay teng! teng! teng! ______2. Unga! Unga! ang tunog ng kalabaw. ______3. Tik!tak! Tik!tak! ang tunog ng orasan. ______4. Prrt! Prrt! Prrt! ang tunog ng pito. ______5. Ang ulan ay may tunog na buuum!buuum! H. Gamit ang bubble map na nasa baba, magsulat ng angkop na tunog ng mga bagay na naririnig sa kapaligiran.


13 CO_Q3_Music 2_ Module 1 Isaisip Panuto: Igrupo ang mga salita ayon sa pinagmulan ng tunog. Isulat ang sagot sa loob ng bituin. kabayo kampana tigre ulan piano hangin kulog ambulansya


14 CO_Q3_Music 2_ Module 1 Tunog ng Kalikasan Tunog ng Hayop Tunog ng mga bagay na likha ng tao Isagawa Panuto: Isagawa ang mga lumilikha ng tunog sa paligid na nasa loob ng bilog kwak! kwak! krriiiing! Krriiiing! beep! beep! boom! boom! wosssh! wossh


15 CO_Q3_Music 2_ Module 1 Sagutin ang tseklis sa ibaba kung nagampanan mo ng maayos at hindi maayos ang gawain sa pamamagitan ng paglalagay ng bituin. KAALAMAN MAAYOS HINDI MAAYOS 1. Nagawa kong gayahin ang mga tunog sa paligid. 2. Nasiyahan ako sa pagsasagawa ng mga gawain. 3.Nagawa ko ang gawain ng may tiwala sa sarili. 4.Nagawa kong isakilos ang mga tunog sa paligid. 5.Natutuhan kong isagawa ang mga lumilikha ng tunog sa paligid. Tayahin Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. ______1. Ano ang tunog o ingay na nagmumula sa huni ng ibon? A. Aw-aw-aw B. Mee-mee-mee C. Tak-tak-Putak D. Twit-twit-twit ______2. Anong instrumenstong pang musika ang may tunog na Boom-boom-boom? A. Bass drum C. Gitara B. Clarinet D. Piano


CO_Q3_Music 2_ Module 1 _____ 3. Ano ang tawag sa punung- puno ng iba’t ibang uri ng tunog na likha ng kalikasan, hayop, at mga bagay? A. Awit B. Kapaligiran C. Sayaw D. Tula ______4. Ang tunog ng marakas ay __________? A. Klang! Klang! Klang! B. Tang! Tang! Tang! C. Ting! Ting! Ting! D. Tsik! Tsik! Tsik! _____ 5. Ang tunog na tsug, tsug, tsug ay mula sa anong transportasyon? A. Barko B. Bus C. Eroplano D. Tren Karagdagang Gawain Gumuhit ng 5 bagay na makikita sa kapaligiran na lumilikha ng tunog at isulat ang tunog nito.


17 CO_Q3_Music 2_ Module 1 Sanggunian Department of Education, MAPEH 2: 2013, Teacher’s Guide pp. 125-132. Pasig, Philippines; Rex Book Store Inc.,2013 Department of Education, MAPEH 2: 2013, Kagamitan ng Mag-aaral pp.84-90. Pasig, Philippines; Rex Book Store Inc., 2013 Susi sa Pagwawasto mu16 3. C 4. B 5. E Suriin 1.kampana 2. ulan 3. tigre 4. ahas 5. bibe Isaisip Tunog ng kalikasan Hangin Ulan Kulog 1. Iyak ng sanggol 2. Umaandar na barko 3. Agos ng tubig 4. Huni ng ibon ungol 5. Kabayong u C. Depends upon the answer and performance of the child D. Depends upon the answer and performance of the child E. n Depends upo and the answer performance of the child Depends upon the answer of the child Isagawa Depends upon the answer and performance of the child Tayahin 1. D 2. A 3. B 4. D 5. D Karagdagang Gawain Depends upon the answer of the child


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version