The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by mary.pulumbarit, 2023-10-22 00:24:45

AP2_Q3_M2-PRESENTED-CORRECTED NOV. 2021

AP2_Q3_M2-PRESENTED-CORRECTED NOV. 2021

CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 2: Kapaligiran ng Komunidad: Kalagayan at Suliranin 2 Pangalan: Pangkat:


Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Kapaligiran ng Komunidad: Kalagayan at Suliranin Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Marivic B. Sanchez Patnugot: Ramil D. Dacanay, Rochella C. David, Janet P. Lingat Tagasuri: Emily F. Sarmiento, Angelica M. Burayag Tagaguhit: Lady Diane M. Bonifacio Tagalapat: Noel S. Reganit, Norween T. Malonzo Tagapamahala : Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio, Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca, Lourdes G. Dela Cruz, Emily F. Sarmiento Ramil D. Dacanay


2 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 2: Kapaligiran ng Komunidad: Kalagayan at Suliranin


Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.


Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.


1 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Alamin Ang modyul na ito ay naglalaman ng kaalaman tungkol sa mga gawaing nakasisira sa mga likas na yaman. Malalaman din dito ang mga posibleng dahilan ng mga tao sa pagsira sa mga likas na yaman at mga paraan para maiwasan ang pagkasira ng mga likas na yaman. Pagkatapos sa modyul na ito, inaasahan na maipapakita mo ang mga sumusunod na kasanayan: * nailalarawan ang kalagayan at suliraning pangkapaligiran ng komunidad.


2 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Subukin Gawain 1 Panuto: Masdan ang bawat larawan sa ibaba. Ano ang ginagawa ng mga tao sa kapaligiran ng ating komunidad? Pillin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat sa ibaba ng larawan ang tamang sagot. 1. ______________________________________________________ 2. ______________________________________________________


3 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 3. ______________________________________________________ 4. ______________________________________________________


4 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 5. ______________________________________________________ a. Pagtatapon ng mga basura sa dagat o ilog b. Pinuputol ng mga tao ang mga puno sa kabundukan c. Pagtatapon ng mga basura sa paligid ng bahay d. Paghahagis ng mga basura sa mga kanal e. Hindi paghihiwalay sa nabubulok at hindi-nabubulok na basura kaya nilalangaw


5 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 1 at Suliranin Balikan Panuto: Suriin ang mga salita na nasa loob ng kahon. Isulat sa tamang talahanayan sa ibaba kung saang bahagi ng kapaligiran makukuha ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao sa komunidad. Mula sa Kapatagan o Kabundukan Mula sa Dagat palay kamote kahoy alimango galunggong mangga manok itlog perlas tahong Aralin Kapaligiran ng Komunidad: Kalagayan


6 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Tuklasin Panuto: Bago mo pag-aralan ang paksa tungkol sa kalagayan at suliraning pangkapaligiran, basahin ang isang maikling kuwento tungkol sa batang si Mario na nasa Ikalawang Baitang. Mario, May Pera sa Basura! ni: Marivic B. Sanchez Ang pamilya ni Mario ay isa sa mga pamilyang naapektuhan ng krisis dulot ng CoViD 19. Naisipan ni Mario na tumulong sa kanyang pamilya. Naalala niya ang habilin ng kanyang nanay tungkol sa paghiwalayin ang mga basura dahil nilalangaw ang mga ito at nagdudulot ng sakit. Sa tulong ng kanyang ate, pinaghiwalay niya ang kanilang basura sa mga nabubulok sa dinabubulok. Ibinenta nila sa junk shop ang mga bagay na maaari pang pakinabangan. Marami ring naipong pera si Mario mula sa mga basurang pwede pang pakinabangan. Ipinatago niya ang perang naipon sa kanyang mga magulang upang magamit niya sa kaniyang pag-aaral.


7 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 1. Sino ang batang nasa kuwentong ating binasa? _______________________________________________________ 2. Ano ang naisipan ni Mario para makatulong sa kanyang pamilya? _______________________________________________________ 3. Sino ang tumulong kay Mario? _______________________________________________________ 4. Kanino ibinigay ni Mario ang perang kinita niya mula sa basura? _______________________________________________________ 5. Saan gagamitin ni Mario ang perang iniipon niya? _______________________________________________________ Mga Pagpipiliang Sagot: ● Naisipan ni Mario na magkapera mula sa kanilang basura. ● Ang batang nasa kuwentong ating binasa ay si Mario. ● Si Ate ang tumulong kay Mario. ● Gagamitin ni Mario ang perang iniipon niya sa kanyang mga pangangailangan sa pag-aaral. • Ibinigay ni Mario sa kanyang mga magulang ang perang kinita niya mula sa basura. Suriin Mahalaga ang ating kalikasan dahil dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan. Kapag hindi natin ito inaalagaan, magkakaroon tayo ng mga problemang pangkapaligiran. Ang mga


8 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 sumusunod ay ilan sa mga suliraning ito na nangyayari sa ating komunidad. Pag-aralan natin ang mga ito. Pagbaha sa komunidad dahil sa mga basurang nakabara sa mga kanal Ang maling pagtatapon ng basura ay nakakasira sa ating kapaligiran. Nakababara ito sa daluyan ng mga kanal tuwing umuulan na dahilan ng pagbaha sa ating komunidad. Nakakalbong kabundukan Dahil sa sobrang pagputol ng mga tao sa mga puno, nakakalbo ang ating kabundukan. Kapag hindi pinapalitan ang mga pinutol na mga puno, magkakaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa. Polusyon sa dagat o ilog Maraming mga isda ang namamatay dahil sa mga basurang itinatapon dito na nakalalason sa mga yamang tubig. Maruming kapaligiran


9 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Ang maling pagtatapon ng mga basura ay nagdudulot ng pagdami ng mga peste tulad ng langaw at daga na nagdudulot ng sakit sa mga tao. Malaking suliranin sa ating komunidad ang pagkasira ng ating kapaligiran. Dapat na makibahagi o tumulong tayo para mapigilan natin ang mga suliraning dulot ng maling gawain ng mga tao sa ating komunidad. Pagyamanin Gawain 1: Tsek o Ekis? Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) kung tama ang pangungusap at ekis (x) kung hindi ang mga patlang. _____1. Ang pagtatapon ng mga basura sa mga ilog o dagat ay nakalalason sa mga isda at iba pang mga lamang-dagat. _____2. Ibulsa muna ang mga munting basura kapag walang makitang basurahan. _____3. Nagiging dahilan ng pagbaha ang mga basurang nakabara sa mga kanal. _____4. Linisin natin ang ating kapaligiran para makaiwas sa sakit. _____5. Nakatutulong ang mga basura sa ating kapaligiran.


10 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Gawain 2 Panuto: Isulat ang letra ng pinakatamang sagot. 1. Dinadapuan ng mga ________ ang mga basurang nakatambak sa kapaligiran. a. bubuyog c. paru-paro b. langaw d. gagamba 2. Ano ang mangyayari sa isang komunidad kapag maraming nakatambak na basura sa kapaligran? a. Dadami ang mga junk shop b. Magiging presko ang kapaligiran c. Maraming pamilya ang magkakasakit d. Lalago ang mga halaman sa ating komunidad 3. Maraming basyo ng bote sa inyong basurahan. Ano ang pinakamagandang gawin sa mga ito? a. Sunugin sa bakuran b. Ipunin para maibenta c. Itapon sa nabubulok na basurahan d. Ipaayos sa nakakatandang kapatid


11 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 4. Napansin mong nakasanayan na ng nakababata mong kapatid na magtapon ng basura kahit saan sa loob ng inyong bahay. Ano ang maaari mong maipayo sa kanya? a. Gagaya ako sa aking nakababatang kapatid. b. Isusumbong ko siya sa aking mga magulang. c. Sasabihin ko sa kanya na tama ang kanyang ginagawa. d. Papayuhan ko siyang magtapon ng tama sa basurahan. 5. Matapos hiwain ni nanay ang mga gulay ay tinawag ka niya para itapon ang mga pinagbalatan niya. Saan mo itatapon ang mga ito? a. Itapon ang mga balat ng gulay sa basurahan para sa dinabubulok na basura. b. Ilagay ang mga balat ng gulay sa plastik at itapon sa mga halaman. c. Itapon ang mga balat ng gulay sa bakuran. d. Itapon ang mga balat ng gulay sa basurahan para sa nabubulok na basura.


12 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Isaisip Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa patlang sa loob ng puno ang letra ng mga pangungusap na dahilan ng pagkasira sa ating kapaligiran. a. Pagtatapon ng basura sa mga kanal b. Paglilinis sa loob ng bahay c. Pagpuputol ng mga puno sa kabundukan d. Pagtatanim ng punla mula sa mga basyong bote e. Pagsusunog sa mga plastik na basura f. Pagtatapon ng mga basura sa dagat o ilog g. Pagpulot sa mga basurang nasa paligid ng tahanan h. Pagtatambak ng mga basura sa paligid ng bahay


13 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Isagawa Panuto: Isulat sa tamang hanay kung Nabubulok o Di-Nabubulok ang mga patapong bagay na nakasulat sa ibaba. Nabubulok Di-Nabubulok ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ basyong bote mga gamit na papel dahon ng saging sirang upuan mga kahon ng sapatos diaper balat ng mga gulay plastik ng shampoo lata ng mga sardinas balat ng prutas


14 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Tayahin Sanhi at Bunga Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang tamang sagot sa patlang. Hanay A Hanay B ___ 1. Pagtatapon ng mga basura sa dagat a. pagkakalbo ng kagubatan ___ 2. Baradong mga kanal b. pagkakasakit ng pamilya ___ 3. Pagputol ng mga puno sa kabundukan c. pagbaha sa komunidad ___ 4. Hindi paghihiwalay sa mga nabubulok at dinabubulok na basura d. pagkamatay ng mga isda ___ 5. Nilalangaw na kapaligiran e. pagbaho ng kapaligiran


15 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Karagdagang Gawain Panuto: Isulat sa loob ng graphic organizer ang mga suliraning pangkapaligiran sa komunidad. Mga Suliraning Kapaligiran sa ating Komunidad Mga Suliranin ng Kapaligiran sa ating Komunidad


16 CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 2 Susi sa Pagwawasto Subukin 1. d 2. b 3. c 4. a 5. e Balikan Mula sa Kapatagan o Kabundukan manok palay kamote kahoy itlog mangga Mula sa Dagat perlas alimango tahong galungggong Tuklasin Ang batang nasa kuwentong 1. ating binasa ay si Mario. Naisipan ni Mario na 2. magkapera mula sa kanilang basura. mga Si Ate ang tumulong kay Mario. 3. Ibinigay ni Mario sa kanyang 4. mga magulang ang perang kinita niya mula sa basura. Gagamitin ni Mario ang perang 5. iniipon niya para sa kanyang - mga pangangailangan sa pag aaral. Pagyamanin Gawain 1 Gawain 2 2. ./ 1. b 1. / 2. c 3. b 3. / 4. d 4. / 5. d 5. X Isaisip a c e f h Isagawa Nabubulok dahon ng saging ng sapatos mga kahon balat ng gulay balat ng prutas sirang upuan mga gamit nang papel Nabubulok - Di basyong bote lata ng mga sardinas diaper plastik ng shampoo Tayahin Sanhi at Bunga d 1. c 2. a 3. e 4. b 5. Kargdagang Gawain Pagbaha Nakakalbong kabundukan dagat o ilog Polusyon sa Maruming kapaligiran


CO_Q3_Araling Panlipunan 2_ Module 7 Sanggunian Antonio, Eleanor D., Antonio, Sheryl D., Banlaygas (2017). Kayamanan Batayang at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 2: Rex Bookstore, ph. 247-261 Kagawaran ng Edukasyon (2013). Araling Panlipunan 2, Kagamitan ng Mag-aaral, ph. 146-151 Kagawaran ng Edukasyon. Most Essential Competencies. 2020


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version