2 BALITA ANG PUNLAAN BINHI 2021
BINHI 2021, ipinunla na!
PAULO ANICETO
Sa ikaanim na taon, si Dr. Jennie V. Jocson at ang ng Liwag sa Lalawigan ng Ang bawat demo-panayam
muling naisakatuparan Dekana ng Kolehiyo ng Pag- Nueva Ecija para sa kaniyang ay nagpakita ng dalawang
ang BINHI; ang pamban- papaunlad Pangguro na si Dr. natatanging pagtatanghal na bahagi kung saan isinaprak-
sang seminar para sa mga Ruth A. Alido. nakasentro sa pagpapatu- tika kung papaano magiging
guro at mag-aaral na nag- loy ng kaniyang kabibuhan bida, bibo, at bongga ang
papakadalubhasa sa Fil- Sa kaniyang panayam naman, bilang guro sa paaralan. guro sa kaniyang pagtuturo
ipino na pinangunguna- pinagtuunan ng pansin ng ng/sa Filipino.
han ng mga medyor sa tagapagtatag ng BINHI at Sinundan naman ito ng
Filipino ng Pamantasang ngayo’y Katuwang na Dekano tatlong Demo-Panayam na Natapos ang pambansang
Normal ng Pilipinas - ng Fakulti ng mga Sining pinangunahan ng inyong seminar sa isang simbolikong
Maynila. Isinakatuparan ang at Wika na si Dr. Voltaire M. lingkod, G. Paulo Aniceto gawain sa pamamagitan
programang ito sa pamam- Villanueva ang tema na 3B3: ikaapat na taong mag-aaral ng Sanduguan kung saan
agitan ng Zoom ngayong ika- Bida, Bibo, Bonggang Guro sa PNU, Bb. Bernadette San- pinasinayaan ito ng bawat
4 ng Disyembre 2021 . laban sa Bigat, Bagot, Baluk- tos, guro mula sa Pamban- pangulo ng iba’t ibang organ-
tot na Pagtuturo ng/sa Filipi- sang Paaralang Sekundarya isasyong pang-mag-aaral na
Nagsama-sama ang hu- no. ng Karuhatan sa Lungsod mga nagpapakadalubhasa sa
migit-kumulang 450 kalahok Valenzuela, at ni Gng. Myr- Filipino sa buong bansa.
na kapwa mga guro at mag- Aniya, ang ganap na na Panti-Piedad, guro mula
aaral mula sa iba’t ibang ba- ugnayang pagtuturo at pag- sa Paaralang Sekundarya ng
hagi ng Pilipinas sa ikalawang katuto ay dapat magbunga Culiat sa Lungsod Quezon.
taong pagsasakatuparan ng ng kasiglahan at kahusay-
BINHI sa birtuwal na bulwa- an sa lahat ng pagkakataon. BRILYANTE SA PAGKATUTO. Ibinahagi ni Dr. Voltaire Villanue-
gan. Nabigyang-espasyo rin ni Dr. va na ang kaugnayan ang isa sa mga brilyante sa pagkatuto sa
Villanueva sa kaniyang pan- pagtalakay niya sa Binhi ngayong taon.
Binigyang-diin ni Dr. Bert J. ayam ang mga inobatibong
Tuga, ang pangulo ng PNU, estratehiya na magsusulong
sa kanyang pambungad na ng de-kalidad na sistemang
pananalita ang kritikal na pang-edukasyon sa Filipino.
gampanin ng mga gurong
nagsusulong sa kahalagahan Hindi naman magkamayaw
ng wika at panitikan sa nag- ang pagpapadala ng kaga-
babagong panahon. lakan ng mga manonood
nang muli nilang nasulyapan
Samantala, nagpaabot din ng ang pagbabalik ng gurong
kanilang mensahe ng pagbati kuwentista na si Bb. Ma.
ang Pangalawang Pangulong Olivyne S.M Ortiz, isang guro
Pang-akademiko ng PNU na mula sa Mataas na Paaralan
Sanduguan, tampok sa
simbolikong pagtatapos
ng Binhi 2021
TRACYLYN CADANGIN
Pinangunahan ng bawat Bulacan State University, at SANDATA NG SANDUGUAN. Ipinasa ni Erika Dagado ng
pangulo ng organi- Philippine Normal Universi- Rizal Technological University ang espada ng katapatan
sasyong nagtataguyod sa ty – Manila ang brilyante ng bilang bahagi ng sanduguan na simbolikong pagtatapos.
Filipino mula sa walong karunungan, singsing ng kas-
pamantasan sa buong Lu- iningan, baluti ng kabutihan, Sa dulo ng simbolikong pag- ng Binhi 2020 na may temang
zon ang simbolikong pag- balintataw ng katotohanan, tatapos, hinamon naman ni “T3: Tiyak, Tumpak, at Tatatak
tatapos ng Binhi 2021 na kalasag ng katapangan, es- Bb, Rowena Irinco ang mga na Estratehiyang Tugon sa
may temang “Sanduguan” pada ng katapatan, sulo ng samahang nagtataguyod ng/ Hamon ng Bagong Kadawy-
noong Sabado, Disyembre kabayanihan, at binhi ng pan- sa Filipino na bilang isang an”.
4 sa pamamagitan ng Zoom. garap bilang katangiang san- guro, dapat tayong umangat
data ng pagiging bida, bibo, sa hamong dulot ng pande- Isinagawa ang pagpapa-
Tangan ng mga pangu- at bonggang guro laban sa mya sa pagkatuto ng mga sa ng sulo bilang tema ng
lo ng kapisanan mula sa bigat, bagot, at baluktot na bata. simbolikong pagtatapos na
Pamantasang Lungsod ng pagtuturo ng/sa Filipino. kumakatawan sa hangaring
Valenzuela, Rizal Techno- Noong nakaraang taon, pina- ipagpatuloy ang kultura ng
logical University – Manda- “Bilang guro sa Filipino, lagi’t ngunahan ng apat na dating pagtatanim, pagpapalago, at
luyong, Eulogio “Amang” Ro- lagi kong bitbit at tangan ang pangulo ng Kapisanang Diwa pagpapatubo ng mabungang
driguez Institute of Science espadang ito na sumisimbolo at Panitik ng Pamantasang pamamaraan at istratehiya
and Technology, Polytechnic sa katapatang hindi natata- Normal ng Pilipinas – Manila mapabirtuwal o sa harapang
University of the Philippines pos sa loob ng silid-aralan,” ang simbolikong pagtatapos pagtuturo.
– Sta. Mesa, Manila, National sambit ni Erika Dagado ng
Teachers College, Rizal Tech- RTU.
nological University – Pasig,
BINHI 2021 ANG PUNLAAN BALITA 3
Pagbabalik ni Covida sa Binhi, tinutukan
KIRK CYRIL RAMOS
Muling nasaksihan sa Ipinakita sa kuwento ngay- na siya ring may-akda ng room ‘yung lahat ng estrate-
Binhi 2021 ang pag- ong taon ang perspektibo kuwento, ang nagbukas ng hiya ninyo na naiisip gawin
babalik ng Kuwen- ng guro, magulang, at mag- pinto sa kanya na maging upang maunawaan agad ng
to at Kapa ni Covida: Ang aaral mula sa mga malalay- kilalang gurong kuwentista mga mag-aaral ang nais ip-
Gurong Kuwentista. ong pamayanan na patuloy sa kanilang paaralan. ahatid na kaalaman, hindi
na sinusubok ng panahon lamang sa mga nakasulat sa
Binigyang-buhay muli ni Bb. at pagkakataon sa gitna ng Matatandaang kinaaliwan libro, pero ‘yung reyalidad ng
Ma. Olivyne S. M. Ortiz, guro pandemya. din ng mga kalahok sa Binhi buhay,” ani Bb. Ortiz nang ta-
sa Juan R. Liwag Memorial 2020 ang tauhang si Covida nungin sa kanyang mensahe
High School at isang produk- Ipinakilala naman ni Covida dahil sa markadong kapa at sa mga guro at mga nagpa-
to ng Pamantasang Normal kay Kara ang IMBAng guro korona, at iba pang karakter pakadalubhasa sa Filipino.
ng Pilipinas Batch 2016, ang na si Dr. Voltaire M. Villanueva na ginanapan ni Bb. Ortiz.
nasabing kuwela at bibong sa kanyang tatak na linyang,
karakter. “Pandemya ka lang, IMBAng “Bilang guro, hindi dapat na-
guro ako,” dahil sa mga hindi kukulong sa apat na class-
Unang nagpasikat si Bb. Or- pangkaraniwang estratehi-
tiz bilang si Covida sa Bin- yang baon ng guro maging NAGBABALIK MULI. Tangan ni Bb. Ma. Olivynne SM. Ortiz ang
hi noong nakaraang taon sa birtuwal na pagtuturo. sulo sa pagbabalik niya bilang si Covida: Ang Gurong Kuwen-
kung sinaan ginamit niya ang tista.
katauhan ni Covida bilang Layon ng tauhang si Covi-
estratehiya sa pagtuturo sa da na ipaalala sa lahat ang
panahon ng pandemya. mahalagang gampanin ng
guro, na itinuturing na mga
I-Witness: Binhi Edition sa modernong bayani, bilang in-
katauhan ni Kara, ang naging strumento sa layuning maka-
tema at daloy ng kuwento pagbigay ng dekalidad na
na naghatid hindi lamang ng edukasyon.
kaalaman kundi pati kakai-
bang karanasan, kuwento, Sa isang espesyal na pan-
at inspirasyon sa mga guro’t ayam kay Bb. Ortiz, ibinah-
mag-aaral. agi niya na si Dr. Villanueva,
Una sa Binhi 2021: Tematikong pagtuturo. “Sa paghihinuha, may tiyak na sagot na makukuha,
pagtuturo, ipinamalas sa lumalampas sa mga hula at haka, mula sa matitibay na pal-
demo-panayam agay na nalilikha,” kongklusyon ng kaniyang demo-panayam.
MA. NATALIE AVENDAÑO Samantala, hindi rin papahuli ang gurong si Gng. Myrna
Panti-Piedad, guro mula sa Paaralang Sekundarya ng Culiat
Sa ikaanim na taon na handog ng BINHI, nasaksihan ang sa Lungsod Quezon. Nagpamalas ng husay si Gng. Piedad
tatlong pagpapakitang-turo ng mga mahuhusay at ino- sa integrasyon ng pagbabalita sa pagtuturo. Tiniyak niyang
batibong guro’t mag-aaral sa naganap na Demo-Panayam walang mag-aaral ang aantukin at mababagot kung sila ay na-
noong ika-4 ng Disyembre 2021. kikinig sa isang balitastasan. Hindi lang sapat at kongkretong
impormasyon ang kanilang natutuhan maging ang masusi at
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinamalas ng tatlong ma- pagwawasto ng mga impormasyon ay kanila ring matutuhan.
huhusay at hinubog ng karanasang mga guro at mag-aaral “Paglalahad ng tumpak na impormasyon ay obligasyon ng
ang inobatibong paraan ng pagtuturo. Naunang nagpamalas bawat isang kaayusan ang layon,” punto ni Gng. Panti-Piedad.
ng kaniyang husay ang bagamat mag-aaral pa lamang, maki-
kitang talagang hinubog ng karanasan sa PNU at patnubay Pinatunayan sa programa ng BINHI na hindi kailangan ng
ni Dr. Villanueva na si G. Paulo Aniceto, isang mag-aaral mula magarbong mga kagamitan upang masolusyunan ang bag-
sa Ikaapat na Taon ng Medyor na siya ring naging direktor ng ot at antok ng mga mag-aaral sa klase. Dahil kung ang isang
BINHI noong 2019. Bukod sa pagiging mahusay sa klase, kilala guro ay bida, bibo, at bongga, walang puwang ang bigat, bag-
rin siya bilang lehitimong prodkuto ng kahusayan sa pagtutu- ot, at baluktot na pagtuturo sa klase.
ro ni Dr. Villanueva.
Ipinamalas ni G. Aniceto ang kaniyang husay sa pamamagitan
ng tematikong pagtuturo gamit ang presentasyon halaw sa
kilalang palabas sa Netflix na Squid Game at inilapat niya sa
pagtuturo ng Katotohanan at Opinyon. Aniya, “Sumibol itong
butil ng kasigasigan, sa gurong mabuting alagad-bayan, es-
tratehiya niya’y panlaban sa kabagutan, tagapagsulong ng
gintong ani ng kahusayan.”
Para naman sa ikalawang pakitang-turo, nagpakitang gilas si SAKAY NA! Hinikayat ni Bb. Bernadette Santos ang mga guro’t
Bb. Bernadette Santos guro mula sa Pambansang Paaralang mag-aaral na matuto sa pamamagitan ng temang Wishk-
Sekundarya ng Karuhatan sa Lungsod Valenzuela. Pina- welahan mula sa kanyang demo-panayam.
tunayan niya na ang pag-awit ay hindi lamang sa asignaturang
MAPEH magagamit dahil ginamit niya ang awit para itawid
ang kaniyang aralin ng paghihinuha. Gamit ang Wishkwelah-
an, binida niya na ang awit ay maaaring gawing instrumento sa
4 BALITA ANG PUNLAAN BINHI 2021
Mga pagtatanghal sa Paghahanda sa BINHI
BINHI 2021, ibinida 2021, mas pinaigting pa
JHEANNE RODRIGUEZ JOHN PAUL MONGOTE
Ipinamalas ng mga Medyor sa Filipino ang kanilang na- Nagpulong ang mga tag- pagkilos ng bawat isa upa-
tatanging talento sa pagtatanghal para sa BINHI 2021 na apamahala at ko-tagapama- ng matagumpay na mai-
may temang “3B3: Bida, Bibo, Bonggang Guro laban sa hala ng iba’t ibang mga komite sakatuparan ang programa.
Bigat, Bagot, Baluktot na Pagtuturo ng/sa Filipino”. ng BINHI 2021 noong ika-26 ng
Nobyembre upang paigtingin Samantala, noong ika-3 ng
Sa inspirasyon ng palabas na Encantadia, itinampok ng mga ang paghahanda nito. Disyembre ay isinagawa ang
apat sa sanggre na sina Alena, Danaya, Amihan, at Pirena ang pangkalahatang dry run na
apat na serbisyo at gawaing namumukod-tangi sa Kaharian Pinagpugayan ni Dr. Voltaire dinaluhan ng lahat ng Me-
ni Inang Pamantasan: ang PNU Learning Management Sys- Villanueva, Katuwang na dyor sa Filipino. Nagbigay ng
tem (LMS), ang PNU Sulo, mga gawain ng Kapisanang Diwa at Dekano ng Fakulti ng mga paunang mensahe’t pasas-
Panitik (KADIPAN), at ang Proyektong TANGLAW. Sining at Wika at gurong tag- alamat si Dr. Villanueva para
apayo sa BINHI sa nasabing sa mga tagapanguna sa ga-
“Nagkaroon ng ningas sa puso ang lahat sa panawagang pulong ang ‘di matatawarang wain.
walang maiiwan sa Bagong Kadawyan,” paliwanag ni Pirena. partisipasyon at ulat na ibin-
igay ng bawat tagapamahala “Mahusay ang produksiyon
Samantala, naging sentro din ng pagtatanghal ang Titser ng komite. ng BINHI ngayong taon. Ki-
Legends. Ito ay tumalakay sa kapangyarihan na dapat na ta- tang-kita ang pag-unlad ng
glayin ng mga guro ng/sa Filipino sa gitna ng Bagong Kad- “Sa ikaanim na taon ng BINHI, kakayahan ng bawat medyor
awyan; ang mga kapangyarihan na inilahad ay ang pagiging nakita at nadama ko ngayon pagdating sa pag-aanyo at
Bida, Bibo, at Bongga laban sa Bigat, Bagot, at Baluktot na ang mas pinatibay at pinati- teknikal na usapin,” pagpu-
pagtuturo. kas na paghahanda na maki- pugay ni Dr. Villanueva.
kita sa iba’t ibang komite,” ani
Ipinakilala ni Bida Man ang kahalagahan ng Saya at Sustansiya Dr. Villanueva. Gaganapin ang BINHI 2021
upang sugpuin ang kabigatan ng paksang-aralin sa klase. Ini- sa ika-4 ng Disyembre na
hatid naman ni Kapitan Bibo ang Kabibuhan at Kahusayan sa Siniguro naman ni G. Mar- may temang “3B3: Bida,
paggamit ng mga pakulo sa klase upang hindi manaig ang ka- co Nathaniel Fidel, direktor Bibo, Bonggang Guro laban
bagutan. Hubugin at busugin naman ang klase, ayon kay Miss ng BINHI ngayong taon, na sa Bigat, Bagot, Baluktot na
Bongga, upang maiwasan ang mga baluktot na paniniwala. mananatili ang kolektibong Pagtuturo ng/sa Filipino.”
Ibinahagi naman kung paano maging isang IMBAng guro
sa pagtatanghal na Anting-Antig. Ang pagiging Inobatibo,
Mapanuri, Bibo, at Aktibo (IMBA) ang magsisilbing anting-ant-
ing ng mga guro bilang panlaban sa mga hamon sa pagtutu-
ro na hatid ng pandemya. “Magiging mahusay ang ating mga
mag-aaral kung tayo’y magiging mahusay na modelong guro.”,
isa sa mga mensahe ng pagtatanghal.
Ang mga pagtatanghal na ito ay nagtampok ng temang alamat
at nagpamalas ng pagdiriwang at pagmamalaki ng kulturang
Pilipino.
BAGONG MUKHA SA BINHI. Ipinamalas ng Star Patroller na si
Jhigo Villar Pascual, ang kanyang gilas sa pagpapakilala kay
Dr. Voltaire Villanueva bilang susing tagapagsalita.
Star Patroller, ipinakilala
sa BINHI 2021
MA. NATHALIE AVENDAÑO
Ipinakilala na ang bagong mukha ng BINHI 2021 na si Star Patrol-
ler Jhigo Villar Pascual.
Nasa Ikalawang Taon ng Batsilyer sa Edukasyong Filipino si G. Pas-
cual ngunit personal siyang pinili ni Dr. Voltaire M. Villanueva upang
magpakitang gilas sa taunang pambansang seminar.
Natunghayan ang pagbabalita ni G. Pascual bilang star patroller ng
BINHI, kung harapan niyang nakapanayam si Dr. Villanueva ukol sa
mga kalakasan at kahalagahan ng tema ng BINHI. Ipinamalas niya
ang kaniyang natatanging talento sa pagbabalita lalo na sa pagpa-
pakilala ng konsepto ng tematikong pagtuturo.
TALENTADONG MEDYOR. Ipinamalas ng mga Medyor sa Fili- “Isang malaking pribelehiyong maging bahagi ng BINHI ngayong
pino ang kanilang natatanging talento sa “Titser Legends” (ita- taon. Tiyak kong inilayag ang estilo ng pamamahayag bilang Star Pa-
as) at “Anting-Antig: Kung Paano Maging IMBA” (ibaba). troller,” pahayag ng Star Patroller sa isang panayam.
Bago rin sa programa ng BINHI ngayong taon ang pagpapakitang
gilas ng mga guro’t mag-aaral sa Demo-Panayam.
BINHI 2021 ANG PUNLAAN EDITORYAL 5
MAGING IBA DAHIL GURO KA
Dalawang taon na mula guro sa kaniyang mga tinururu- ang lahat ng kakayahan mo sa mag-aaral. Noong nakaraang
nang maapektuhan ang an. Sa Bagong Kadawyan, ang pagtuturo upang makita ng mga ika-6 ng Disyembre ay sinimulan
bansa ng pandemiya. Hin- bawat kaalamang ibinibigay at bata ang sinseridad ng aralin. na ng Kagawaran ng Edukasyon
di lamang sektor ng kalusugan bagong pamamaraan ng pagha- ang pilot run ng limitadong hara-
ang naisaalang-alang maging hain ang dapat laging binabaon Kaya naman, masasabing ang pang pagtuturo sa Kalakhang
ang sektor ng edukasyon ay lu- ng isang guro. Dapat maipakita guro ay dapat maging maparaan Maynila. Dahil matinding kalaban
bos na naapektuhan. Nanatiling ng isang tagapagturo na hindi at marunong maki-angkop sa ang pagkakaroon ng maikling
pasanin sa kaguruan, magulang, kailan man solusyon sa mga suli- kahit anong panahong kaka- oras upang ganap na maipaun-
at mag-aaral kung paano itataw- ranin ngayon sa gitna ng sakuna harapin. Tulad sa pandemya awa ang mga aralin sa mga
id ang pagtuturo at pagkatuto sa ang paghinto at sukuan na la- ngayon, ang pagkakaroon ng al- mag-aaral, isang magandang
panahong ito. Ang paglipat ng mang ang pag-aaral. istong kaisipan kung paano gag- lunsaran para sa kaguruan ang
moda ng pagtuturo patungong ampanin pa rin ang tungkulin gumamit ng estratehiyang 3B3
birtwal na espasiyo at modyul Malaki ang kahingian sa pagig- bilang tagapagturo ng kaalaman upang mapukaw ang atensyon
ang nakakitang solusyon upang ing BIDA, BIBO, AT BONGGA o ay malaking bagay. Ang pinu- at maging interaktibo ang tal-
maipagpatuloy ang edukasyon. 3B3. Ito ang mga katangiang punto ng mga manunulat dito ay akayan sa klase.
dapat taglayin ng isang guro sinumpaang tungkulin ng mga
Ang biglaang pagpapalit ng na siyang itinatampok sa BINHI guro na maghahatid ng nag-uu- Kanya-kanya man ang maging
moda ng edukasyon ay hindi 2021. Ang temang ito’y angkop at mapaw na leksyon sa loob o diskarte, marapat na sa huli ay
praktikal para sa lahat, lalo na’t napapanahon sa kaguruan saan labas ng paaralan para sa mga iisa ang ating layunin. Sinulat
marami sa pamilyang Pilipino mang panig ng bansa ngayon. kabataan ng bukas. Hindi dapat ito upang magbigay-liwanag
ang walang sapat na magagamit Sa mga guro ng wika at paniti- mahahadlangan ng suliranin ang sa lahat na ang edukasyon ang
para sa birtwal na pag-aaral. kan ng bayang silangan, alam edukasyong nararapat sa mga magsisilbing sandata ng lahat sa
Mula pa man sa tradisyunal na naman na mas mahirap kung bata. Ngunit lagi ring pakatan- hinaharap. Ano man ang kahara-
anyo ng pagtuturo sa loob ng paano pupukawin ang mga in- daan na ang mga estudyante pin, bilang isang IMBAng guro,
paaralan, nagkaklase ang guro teres ng mga mag-aaral lalo na ay isa ring anak, kapatid, at in- maging handa at madiskarte
sa harapan habang nakikinig at puro teksto at mahahabang dibiduwal. Dapat ding isipin ang upang maiahon ang kinabu-
ang mga mag-aaral sa kanilang babasahin ang itinuturo. Kaya ibang aspeto ng kanilang pag- kasan ng mga kabataan. Muling
upuan. Hindi maitatanggi na naman, lahat ng problema ay katao. Maging makatao, mapu- nating pakatandaan na mag-
suliranin na noon pa man kung may solusyon. Narito nga ang so, at maging mapagbigay ding ing BIDA, BIBO, AT BONGGANG
paano pupukawin ang atensyon pagiging maparaan sa loob at guro lalo na sa kasagsagan ng guro ‘pagkat ito ang lalaban sa
ng isang mag-aaral. Naging suli- labas ng klase. Maging bida! sigalot ngayon. BIGAT, BAGOT, at BALUKTOT na
ranin ngayon ito sa sitwasyon Ipakita sa lahat kung bakit kail- siyang suliranin mula noon at sa
ng birtwal na espasyo kung angan at esensyal ang pagtuk- Sapagkat tayo ngayon ay nasa kasalukuyan. Marami mang ka-
saan hindi pisikal na kasama ng las sa bawat oras ng pagtuturo. panahon ng Bagong Kadawyan kaharapin sa mga susunod pang
mga guro ang mga mag-aaral. Maging bibo upang kakitaan na at nahihirapan sa mga suliraning panahon, lagi nating isiping may
Gayundin, maraming salik ang talagang masaya at kagigiliwan kinakaharap ng limitadong pag- mga panangga na tayo upang
umuusbong pang maaaring ng mga mag-aaral ang leksyon. tuturo, nararapat lamang na ta- suungin ang bukas na hindi sig-
makaapekto sa mga mag-aaral At huli, maging bonggang guro glayin ng isang guro ang pagig- urado. Lagi’t laging itatak na ang
tulad ng mga nagbabantang ka! Tulad nga sa isang kasabihan ing bida, bibo, at bongga upang ating ginagawa ay para sa mga
sakit na nakapaligid kahit saan na magturo ka na parang ito na ganap na maging epektibo ang mag-aaral, sa kinabukasan, at sa
at suliranin sa pinansyal na aspe- ang huling klase mo, ibuhos mo paraan ng pagkatuto ng bawat edukasyon ng bayan.
to. Dahil sa mga salik na ito mas
nawawalan ng interes at gana “Hindi dapat mahahadlangan ng suliranin ang edukasyong
ang bata sa pag-aaral at pagtuk- nararapat sa mga bata. Ngunit lagi ring pakatandaan na ang
las ng mga bagay sa paligid.
mga estudyante ay isa ring anak, kapatid, at indibidwal.”
Hindi lamang COVID-19 ang
masasagap ng isang indibidw-
al ngayon. Nariyan na ang mga
sakit na Anemia sa labis na pag-
pupuyat, obesity o malnour-
ishment dahil sa kakulangan
ng ehersisyo, at iba pa. Dahil sa
lumaganap na pandemya, mara-
mi ang nagsarang negosyo na
siyang nagdulot ng malawakang
pagtatanggal ng trabaho sa
karamihan. Malaki agad ang
epekto nito sa mga kabataang
nag-aaral. Ilan ay napipilitang
huminto upang makatulong sa
loob ng bahay. Katwiran nga,
aanhin ang edukasyon kung
wala nang maipanlalaman sa
sikmurang kumakalam. Isa rin sa
nakakaalarma at dapat talagang
bigyang pansin ay ang mental na
kapasidad ng bawat mag-aaral.
Ang pisikal, pinansyal, at mental
na aspeto ng pagkatao, isama
pa ang nakakabahalang sakit na
lumalaganap ang mga pasaning
bitbit ng isang mag-aaral sa araw
at gabi nitong pamumuhay.
Ang mga hamong kinakaharap
ng bawat indibidwal sa bansa ay
hindi na biro. Lalo na kung sa us-
aping edukasyon, mas bumigat
na ang responsibilidad ng isang
PAGPUNLA, PAGDIDILIG AT
3P PAGHAHASIK NG BINHI
joefil dellosa
“The fruits of tomorrow are the seeds of today.” – Dr. Voltaire M. Villanueva
Taon-taon isinasagawa ang BINHI sa Pamantasang Normal ng Pilipinas bilang pambansang seminar ng panitikan sa larangan ng pag-
tuturo, na siyang bahagi na ngayon ng kasaysayan sa loob at labas ng pamantasan.
Sinong mag-aakala na ang isang seminar na binuo para sa mga nagpapakadalubhasa sa Filipino ay magpapatuloy at lalawak hanggang
sa kasalukuyan? Sinong mag-aakala na ang butil na sinimulang itanim ay lalago na isang malaki at masaganang puno na magbibigay ng
hitik na bunga? Hindi man hagip sa akala ngunit abot-tanaw ang ani dahil sa tiyaga, determinasyon, at pusong nag-aalab na maghasik
ng kahusayan sa pagtuturo.
Pagpupunla sa BINHI
Maalab ang pagtatangi at pagmamahal ni Dr. Voltaire Villanueva sa pagtuturo. Ito ang tiyak niya sa kaniyang sarili. Kung
kaya, taong 2016 isang taon matapos mula nang magbalik siya sa kaniyang paaralan-ang Pamantasang Normal ng Pil-
ipinas (PNU), hindi bilang mag-aaral kundi bilang guro. Agad niyang ipinamalas ang kaniyang kabibuhan at layuning
maipakita ang pagmamahal sa pagtuturo. Dito niya inilunsad at ipinunla ang isang panrehiyong seminar para sa
mga nag-papakadalubhasa sa Filipino.
Ang BINHI ay isang metaporang salita na tumutukoy sa “patubong halaman.” Isa itong inaasahang tutubo
na halaman, na kung saan nanga-ngahulugan ito ng magandang produkto bilang isang mag-aaral na
pinapanday ang kaniyang sarili bilang isang mahusay na guro ng asignaturang Filipino. Ayon kay Dr.
Villanueva, naging inspirasyon niya ang kaniyang danas, pag-alab ng kaniyang pagmamahal sa
larangan ng pagtuturo at determinasyon niyang mabago ang kultura ng pangkaraniwang pag-
tuturo sa Filipino. Aniya, perpektong lugar ang pamantasan upang maging punlaan ng BIN-
HI, na magiging lunsaran sa pagiging mahusay na guro sa hinaharap. Bukod pa rito, nabuo
rin ang BINHI dahil sa paggamit niya ng mga di-pangkaraniwang paraan sa pagtuturo, na
naging sandata niya upang ibahagi ito sa iba sa malawakang palihan.
Pag-usbong sa BINHI
Sa taon-taong pagpapasinaya ng BINHI, hindi maikakaila ang dami ng mga nag-
nanais na lumahok dito. Nagsimula sa maliit na bilang noong panrehiyunal pa la-
mang ito hanggang sa ito ay maging isang pambansang seminar. Tunay na lum-
alawak ito sa bawat taong muli itong naisasagawa. Dahil hindi lamang ang mga
katuwang na mag-aaral at tagapamahala sa programa ni Dr. Villanueva ang gum-
agawa ng hakbang upang ihasik ito, siya mismo ay personal na nag-iimbita para sa
BINHI. Umaabot ng higit sa tatlongdaan hanggang limangdaan ang mga delegado
kada taon at patuloy pang nadaragdagan kahit pa noong isagawa ang BINHI sa
birtwal na espayo noong taong 2020 bunsod ng pandemiya.
Taon-taon man na itong isinasagawa, lagi itong may bagong timpla, hindi nauubusan
ng bago. Ang BINHI ay mayroong iisang tema, ang estratehiya. Tinatalakay sa seminar
na ito ang mga kakaiba at masining na paraan ng pagtuturo bilang pagtugon sa ika-21
siglong kasanayan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Bagama't iisang tema lamang ito,
ngunit iba’t iba ang tampok na mga paksa.
Noong BINHI 2016 ay nagsimula sa rehiyunal na seminar na may temang "Pagpupunla ng
mga Tutubong Mahuhusay na Guro". Dahil sa pagdagsa ng mga delegado, naging dahilan ito
upang ang panrehiyong seminar ay naging ganap nang pambansang seminar ng mga nagpapa-
kadalubhasa sa Filipino. Sa BINHI 2017, tinalakay ng susing tagapagsalita na si Dr. Villanueva ang temang
"Pagkatuto ng Ika-21 Siglong Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Mabungang Pagkatuto".
Kada taon ay patuloy ang pag-ingay ng BINHI at dahil doon, naging daan iyon upang mailunsad ang kauna-una-
hang libro ni Dr. Villanueva na #ABKD (Ako Bibo Kase Dapat) noong BINHI 2018 na naglalaman ng mga epektibong
estratehiya sa pagtuturo ng Filipino, Araling Panlipunan, at Edukasyon sa Pag-papakatao na kaugnay sa tema nitong
"Estratehiya: Dala at Bala ng Gurong Bida, Imba, at Bongga (Inobatibo at Napapanahong Kalakaran sa Pagtuturo ng/
sa Filipino)". Nariyan ding naging susing tagapagsalita si Dr. Joel C. Malabanan noong BINHI 2019 upang talakayin ang
Paggamit ng Musikang Makabayan sa Filipino sa Elementarya at Hayskul mula sa temang "Ang Daluyong ng mga Maka-
bagong Estratehiya sa Pagtuturo ng/sa Filipino". Sinubok man tayo ng pandemya at kasalukuyang nasa anyong new normal
ang sistema ng edukasyon, ipinagpatuloy pa rin ang BINHI 2020 sa pamamagitan ng birtuwal na espasyo.
Mula sa platapormang Zoom at Facebook Live, ibinahagi ng mga susing tagapagsalita na sina Dr. Villanueva, Dr. Malabanan,
Bb. Jazz Lendle Dy, Bb. Ma. Olivyne Ortiz, at G. John Patrick Ipaz ang kani-kanilang paksa na may temang T3: Tiyak, Tumpak, at
Tatatak na Estratehiyang Tugon sa Hamon ng Bagong Kadawyan at para sa kasalukuyang taon, tuloy na tuloy pa rin ang BINHI
2021 na may temang 3B3: Bida, Bibo, Bonggang Guro Laban sa Bigat, Bagot, Baluktot na Pagtuturo ng/sa Filipino, na gaganapin sa
ikalawang pagkakataon sa mga nasabing plataporma na kasamang magbabalik si Bb. Ortiz.
Pagdidilig sa BINHI
Maituturing na mabuting bunga ang BINHI na dala ni Dr. Villanueva. Makasaysayan ito sapagkat nakikita natin kung gaano niya
nabibigyan ng bagong lente ang pagtuturo sa Filipino, lagpas pa sa pagtatanghal lamang tuwing mayroong pangkatang gawain, at
pagbibigay ng simpleng pangungusap sa paggamit ng mga pandiwa at pang-abay. Implikasiyon lamang ito upang makabuo rin ang
bawat isa sa atin ng magandang punla sa hinaharap nang sa gayon ay epektibong matatamo ng ating mag-aaral ang kasanayang
pangwika, na siyang kahingian ngayong ika-21 siglo ng edukasyon.
Hindi maikakaila na malago na ang butong naipunla ni Dr. Villanueva noong nagsisimula pa lamang siya sa pamantasan. Umabot na
ang mga sanga nito sa iba’t ibang direksiyon at makikita na rin ang bungang ani nito. Nakapag-aani na nga ang iba at nalalasap ang
matatamis na bunga ng kahusayan sa pagtuturo. Gayunpaman, tulad ng isang puno, hindi matatapos sa anihan ng bunga. Hangga't may
panahon at may patuloy na ngangalaga, tuloy ang siklo, tuloy ang pagpupunla! Dumating man ang paglalagas, tiyak na darating ang
panahon ng pag-usbong ng mga bagong dahon at sanga at patuloy na aabot sa iba’t ibang direksiyon. Gayundin, patuloy na aabutin ng
BINHI ang mga mag-aaral at guro na may pagtatangi sa kahusayan sa pagtuturo--hindi lamang ng asignaturang Filipino maging sa iba
pang disiplina.
Boltaheng 3B
Gurong BIDA, BIBO, at BONGGA
MA. NATHALIE AVENDAÑO
Sinong hindi makakakilala sa isang gurong tinaguriang imba at bibo? Isang gurong nakilalang sa kakaiba niyang galing at husay sa
iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo. Gurong huwaran hindi lamang sa mga mag-aaral maging sa kapwa niya mga guro. Kilala siya
hindi lamang sa Pamantasang Normal ng Pilipinas dahil walang dudang nalibot niya ang Pilipinas sa paghahasik ng BINHI ng
inobatibo at bagong estratehiya’t pedagohiya sa pagtuturo. Isang kilala at kagalang-galang na dalubguro si Dr. Voltaire M.
Villanueva na kasalukuyang Katuwang na Dekano sa ilalim ng Fakulti ng mga Sining at Wika sa Pamantansang Normal ng
Pilipinas-Maynila.
Boltahe: Ang BIDANG Guro
Nagsimula ang kaniyang maagang karera sa Pamantasang Normal ng Pilipinas nang makapagtapos siya dito ng kursong
Batsilyer ng Pangsekondaryang Edukasyon sa Agham Panlipunan na may espesiyalisasiyon sa Filipino. Hindi lamang siya
basta nakapagtapos sa prestihiyosong paaralan na ito, sapagkat natapos niya ang kurso bilang isang Cum Laude.
Dahil sa pagmamahal sa kaalaman, ipinagpatuloy niya ang pagpapahusay sa sarili sa akademikong aspeto. Natapos niya
ang akademikong kahingian ng kaniyang Filipino-Wika sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi pa dito nagtatapos, sapagkat
tinapos niya ang Degring Masterado sa Pamantasang Manuel Luis Quezon. ‘Di alintana ang pagod sa pagtuturo, ipinag-
patuloy niya ang kaniyang pag-aaral at nagtapos ng Doktor sa Pilosopiya sa Araling Filipino, Wika, Midya at Kultura sa
De La Salle-Maynila.
Bunga nang kahusayan at kakaibang pagtatangi sa pagtuturo agad siyang nakapasok at nakapagturo sa St. Paul Col-
lege-Makati, at kalaunan dahil sa hindi matatawarang kahusayan agad din siyang nakapagturo sa Unibersidad ng Santo
Tomas, at De La Salle-Maynila.
Kung lubos mong kikilalanin ang isang Dr. Villanueva, marahil madalas mong maririnig sa kaniya ang kakaiba niyang
adiksyon at ito ang pagtuturo. Kung kaya, para sa kaniya mas magagawa at mas maipapamalas niya ang husay sa
pagiging dalubguro kung siya ay nasa isang pamantasan na kumakalinga sa pagtuturo. Dito, bumalik siya sa kani-
yang pinagtapusang paaralan. Taong 2015, nang siya ay bumalik sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila
upang gabayan at dito ibahagi ang kaniyang labis na pagmamahal sa pagtuturo. Mula sa taong ito hanggang
sa kasalukuyan ay patuloy niyang pinapanday ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa pagtuturo ng/
sa Filipino.
Boltahe: Ang BIBONG Guro
Walang puwang ang bagot at balukto’t na oras ng klase kapag siya ang guro. Hindi man kailangan, ilang
beses nang pinatunayan ni Dr. Villanueva ang kaniyang kahusayan hindi lamang sa pagtuturo sa loob
ng apat na sulok ng silid-aralan. Ang kaniyang boltahe ay talagang umaatake hindi lamang sa loob ng
PNU. Siya ay literal na nabubuhay sa kaniyang ngalan. Dahil tulad ng isang kidlat na kahit nasa anong
lokasiyon ka ay nakikita sa kalangitan, ganoon din ang alab ng kaniyang dedikasyon sa pagtuturo. Hindi
siya nauubusan ng bagong ideya at pakulo sa bawat talakayan.
Hamunin mo pa’t hindi siya nag-uulit ng pakulo sa pagtuturo sa klase. Isang patunay nito ang kaniyang
aklat na naisulat. Sa sobrang dami niyang bagong estratehiyang naiisip nakalikha siya ng isang aklat ng
estratehiya. Ito ang na ABKD (Ako Bibo Kase Dapat), isang aklat na punong-puno ng mga estratehiyang
magagamit ng mga guro upang maging mahusay at kawili-wili ang talakayan sa klase. Marami ang tu-
mangkilik sa kaniyang libro, sapagkat hindi lamang ito magagamit sa pagtuturo sa elementarya, maging sa
sekundarya o kolehiyo pa ay maaari itong gamitin. Idagdag pa na hindi lamang ito lapat para sa pagtuturo
ng asignaturang Filipino, maaari din itong gamitin sa pagtuturo ng iba pang asignatura at disiplina. Maraming
guro at mag-aaral ang nagpapatunay na ang kaniyang akda ay sumasalamin sa kaniyang pagtuturo. Dahil ang
mga estratehiyang nakatala sa kaniyang libro ay naisagawa na niya sa klase. Tunay na inobatibo at epektibo itong
gamitin sa pagtuturo at pagkatuto.
Isa pang matibay na patunay at tiyak na legasiya ng guro ay ang seminar na kaniyang pinasimulan. Sinong mag-aakala
na pangalawang taon pa lamang niya magmula nang bumalik sa PNU para magturo, agad siyang nakaisip ng isang daan
upang mas mapalawig at maihasik ang biyaya ng karunungan at kahusayan sa pagtuturo. Dito nagsimula ang seminar para
sa mga gurong nagpapakadalubhasa sa Filipino; ang BINHI. Nagsimula ang seminar bilang panrehiyunal na gawain. Ngunit
dahil sa kaniyang ipinamalas na kahusayan at mga estratehiya, nagtuloy-tuloy ang pag-usbong ng BINHI at taon-taon nang
isinasagawa sa loob PNU. Ang dating panrehiyunal na seminar ay naging isang pambansang seminar na tinatangkilik hindi
lamang ng mga guro at mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino dahil ito’y tumatawid na rin sa iba pang larangan. Tina-
tangkilik ang seminar ng mga guro at mag-aaral sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Hindi naging hadlang kahit pa ang pandemya upang magpatuloy ang taunang BINHI. Dahil agad na nakaisip ng bagong ideya ang
guro para maipagpatuloy ang BINHI sa gitna ng pandemya. Bagama’t hirap at may mga pagkakataong nangangapa, matagumpay pa
ring naisakatuparan ang BINHI 2020. Isang patunay ito na hangga’t may alab para sa pagtuturo walang kahit anomang makakahadlang
sa guro para maibahagi ang kaniyang mga kaalaman at birtud sa pagtuturo. Matagumpay niyang sinuong at niyakap ang hamon na dala
ng birtuwal na espasyo kung saan ang kabihasaan sa teknolohiya, at midya ay kinakailangan.
Boltahe: Ang BONGGANG Guro
Sa pagsisimula ng birtuwal na klase, agad na nag-isip ng mga bagong estratehiya ang guro sa pagtuturo na lapat at naaayon sa sitwasyon
at panahon. Batid niya na hindi magiging madali ang pagtuturo at pagkatuto sa birtuwal na espasyo lalo’t maraming salik ang dapat ka-
labanin. Lalo na ang pagkabagot, at pagkuha sa atensiyon ng mga mag-aaral. Kung kaya umisip siya ng mga makabagong estratehiya na
angkop sa birtuwal na pagkatuto. Gayundin, patuloy na nag-alab ang puso ng guro para sa mga kapwa guro at mag-aaral. Nagbigay siya ng
libreng palihan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas upang patunayan na hindi hadlang ang pandemya upang hindi magpatuloy ang paghahasik
ng kaalaman.
Gayundin, mas naging malawak ang sakop ng mga naaabot ng kaniyang pagtuturo. Nagsimula siyang pasukin ang Youtube sa pamamagitan
ng Antipara Blues, kung saan nag-upload siya ng mga bidyo ng pagtatalakay sa isang partikular na usapin sa pagtuturo ng asignaturang Fili-
pino at iba pang kurso. Ang plataporma niyang ito ay malaki ang maitutulong sa mga guro at mag-aaral upang maging sanggunian sa kanilang
pag-aaral. Ipinamalas niya ang kaniyang pagmamahal sa pagtuturo lampas sa apat na sulok ng silid-aralan. Kung kaya hindi kataka-taka na
napili siya ng Komisyon sa Wikang Filipino upang parangalan sa bilang Ulirang Guro sa Filipino noong ika-4 ng Oktubre, 2021.
Walang dudang karapat-dapat siya sa parangal na ito sapagkat pinatunayan niyang hindi lamang siya isang guro na magtuturo sa kaniyang
mga mag-aaral. Ipinamalas niya sa lahat na maaaring maging makapangyarihan ang isang guro basta’t patuloy niya lang na pag-alabin ang
pagmamahal sa laranagang kaniyang pinili. Hindi hadlang ang pandemya o ano pa mang sakuna at pangyayari upang maihasik ang kahusayan
sa pagtuturo at pagpapasa ng kaalaman sa mga mag-aaral. Ang bawat guro ay may kanya-kanyang kapangyarihan at birtud na kailangan lamang
hasain at gamitin upang maging matagumpay at malampasan ang lahat ng hamon sa pagtuturo.
(L)AKBAY: JOMIL CHRISTIAN LIZA
Paglalakbay ng MGA Makabagong Guro
Kaakbay ang mga Bayani ng Epiko
Matikas, mapangahas, at ta na mayroon siyang metodo Prayoridad naman ni Ma’am Ortiz kang tumawid sa tulay ng kanil-
kagila-gilalas ang mga o solusyon na maaaring ma- ang pagkatuto ng kanyang mga ang paglalakbay.
katagang maisasala- likha mula sa mga problema. mag-aaral sa malikhaing paraan.
rawan sa isang bayani ng mga Isa sa mga modelo sa pagig- Kaya naman, bilang gurong GURO: BAYANI NG MAKA-
epiko saanmang lupalop ng ing maparaan ang nag-iisang kuwentista, siya ay nagba- BAGONG PANAHON
Pilipinas. Marami sa ating mga IMBAng guro na si Dr. Voltaire gong-anyo bilang si Covida, iyon
katutubo ang mayroong pagsa- Villanueva na ayon sa kanya, ay sa harap ng kanyang mga Samakatuwid, maituturing na
salaysay ng isang bayani na na- hindi siya nag-uulit ng anu- mag-aaral. Ang pagiging ma- bayani rin sa epiko ng makaba-
glakbay ng milya-milyang layo mang estratehiyang kanya nang puso para sa mga mag-aaral ay gong panahon ang isang guro
at lumaban para sa kabutihan ipinamalas sa klase. Masasabi siyang magiging sentro ng prin- dahil ipinapahiwatig nito na sa
ng sangkatauhan. Hinanay nga nating marami siyang metodo sipyo ng BINHI upang labanan kabila ng mga mapanghamong
ni Dr. E. Arsenio Manuel ang 25 upang tignan ang isang aralin at ang bigat, bagot, at baluktot na panahon, hindi nauubusan ang
epikong katutubo sa Pilipinas sa ikonekta ito sa isang tema. pagtuturo. guro ng paraan upang maitawid
kanyang pag-aaral na Survey of ang makabagong pamamaraan
the Philippine Folk Epics tulad Pagdating naman sa pagiging INKLUSIBO ng pagtuturo at pagkatuto sa
ng Tulalang ng mga Manobo, maparaan sa kabila ng salat mga mag-aaral. Bilang mga
Hinilawod ng mga Bisaya, at na kagamitan, maituturing na Bilang bayani ng epiko ng ma- frontliner ng edukasyon, mahal-
ang Bantugan ng mga Mëranao. ehemplo si Lorema Dela Cruz kabagong panahon, pinapaala agang makilala ang kabayanihan
Pasalin-salin man sa bawat hen- Doroteo o mas kilala sa tawag na hanan ang mga guro na walang ng mga guro upang masabayan
erasyon ang kanilang kwento, Teacher Diday, ang kauna-un- dapat maiiwan sa paglalakbay at matutukan ang mga mag-
nasasalamin pa rin nito ang mga ahang maestra sa komunidad ng bawat mag-aaral anuman aaral na maitawid ang iba’t ibang
kaugalian at kagandahang asal ng Aeta. Ipinamalas niya na sa ang modalidad na kanilang modalidad sa pagkatuto. Sa
na dapat nating tularan bilang kabila ng kasalatan, gumaga- pinili sa pagkatuto kung ito ay BINHI 2021, mandirigma tayong
mga Pilipino. wa pa rin siya ng paraan upang modular, sa telebisyon o radyo, mga guro na tinatawag tayong
maituro ang mga pangunahing online, o kombinasyon ng mga maging bibo, bida, at bongga
Ang guro ang siyang tutulong kasanayang tulad ng pagba- nabanggit. Nakalulungkot isipin upang masugpo ang napakab-
sa mga mag-aaral upang mas sa, pagsulat, at pagbilang nang na nakikita natin ang mga mag- igat, napakabagot, at napaka-
maunawaan ang mga talingha- sa gayon ay magamit nila ito sa aaral na hapong hapo sa inter- baluktot na pagtuturong umii-
ga at paglalakbay ng mga pan- praktikal na komunidad. Ang aksyon sa kanilang guro at sa ral sa kaharian ng edukasyon sa
gunahing bida ng mga epikong mga kwento nina Dr. Villanueva kanilang mga kapwa estudyante. bansa. Sa kanilang paglalakbay,
ito. Tulad nila, kayang maglak- at Teacher Diday ay iilan lamang Kitang-kita sa mga mag-aaral kaakbay ng mga guro ang mga
bay ang guro nang milya-milya sa mga samu’t saring kwento ng ang paghihirap na matuto sa bayani ng epikong mandirigma
at dumaan sa samu’t saring pag- pagpupursigi at pagpapahiwatig pamamagitan lamang ng mga hindi lamang ng edukasyon kun-
subok upang maitawid sa mga na hindi hadlang ang kakulan- modyul at ang alala naman ng di ng mga pag-asa ng bayan sa
mag-aaral ang kahalagahan gan sa kagamitan upang pag- mga magulang sa kanilang kina- makabagong panahon.
ng pasalin-salin na aral ng mga silbhan sa komunidad. Itinuturo bukasan.
epiko at ang pagpapahalaga sa sa atin ng BINHI na sa kabila ng MGA SANGGUNIAN:
kultura ng mga katutubo. mga pagsubok na kahaharapin Kaya naman, importante para sa
ng mga guro, dapat mangib- mga guro na hindi lamang tayo Baisa-Julian, A., Lontoc, N., Del Rosario, M.
MAPARAAN abaw pa rin ang kanilang pagig- basta magbigay lamang ng mga G., & Dayag, A. (2017). Pinagyamang Plu-
ing maparaan. modyul at kuhanin ito sa bawat ma: Wika at Panitikan para sa Mataas na
Mula sa mga kagamitang guro linggo. Dapat pa rin natin tayo Paaralan 8 (Ikalawang Edisyon). Phoenix
hanggang sa pagtawid ng ped- MAPUSO PARA SA MAG- magturo at ipaliwanag kung saan Publishing House.
agohiya sa mga mag-aaral, AARAL sila nahihirapan. Tulad na lamang
likas nang itinuturo sa mga nina Teacher Lilia at ng iba pang Baisa-Julian, A., Lontoc, N., Esguer-
kaguruan na maging maparaan Ang pagiging mapagmahal sa mga guro sa komunidad ng mga ra-Jose, C., & Dayag, A. (2018). Pinagya-
sa anumang aspeto. Upang la- minamahal ay hindi lamang Dumagat na sa kabila ng mga mang Pluma: Wika at Panitikan para sa
banan ang bagot na pagtuturo, nangangahulugang roman- hamong kinahaharap sa pagka- Mataas na Paaralan 7 (Ikalawang Edisyon).
lagi dapat pinapaki- tikong pag-ibig kundi pag-ibig tuto sa gitna ng pandemya, ded- Phoenix Publishing House, Inc.
din sa bayan, sa mga mag- ikado silang turuan hindi lamang
aaral, at sa komunidad. Nag- ang mga mag-aaral kundi ang Clark, J. (2021, July 27). THREE BROTHERS
sisilbing halimbawa rito sina Dr. mga nakikisabay ding mga ma- OF PANAY, Excerpt from the Suludnon
Joel Malabanan at Bb. Olivynne gulang na hindi nakapagtapos Epic “Hinilawod” • THE ASWANG PROJ-
Ortiz. Tinaguriang “makabayang ng pag-aaral. ECT. THE ASWANG PROJECT. https://
guro” sa Pamantasan si Dr. Mala- www.aswangproject.com/hinilawod-su-
banan dahil sa paggamit niya ng Sa BINHI 2021, ang bagong pa- ludnon/
mga musikang makabayan sa kulo sa programa na Demo-Pan-
kanyang pedagohiya ng pagta- ayam kasama sina G. Paulo An- GMA Public Affairs. (2018). I-Witness: “Ang
iceto, Bb. Bernadette Santos, Unang Maestra,” dokumentaryo ni Sandra
tahip-dunong. Ipinapakita niya at Gng. Myrna Panti-Piedad ay Aguinaldo (full episode) [YouTube Video].
ang kanyang pagiging mapu- siyang magtuturo sa atin kung In YouTube. https://www.youtube.com/
so para sa mga mag-aaral sa paano nga ba maging inklusibo watch?v=3MGLtlNfsgo&t=440s
pamamagitan ng paghubog sa lahat ng estilo ng pagkatuto.
sa bawat Medyor na magsipat Nahihirapan man o mas kom- GMA Public Affairs. (2021). I-Witness:
at magtahip ng karunungang portable sa mga kasalukuyang “Pandemic Teachers”, dokumentaryo ni
modalidad, higit dapat na maun- Kara David | Full episode [YouTube Video].
taglay ng mga pakikibaka awaan na ang gurong inklusi- In YouTube. https://www.youtube.com/
ng mga panahon. bo ay pantay ang pagtingin sa watch?v=fEz6g0YvpyU&ab_channel=G-
bawat mag-aaral na sinusubu- MAPublicAffairs
#REAKTWEET MGA LARAWAN MULA SA BINHI 2021
Dumagsa ang samu’t saring komento na nakalap sa
ebalwasyong sinagutan ng mga delegadong luma-
hok sa isinagawang pagpupunla sa BINHI 2021 nitong
ika-4 ng Disyembre. Naglahad ang bawat delegado ng
mga natutuhan at dadalhin nilang mga aral sa BINHI
sa kani-kanilang paaralan at lugar, at isang salitang
tutumbas sa kanilang kabuuang danas sa palihan.
RedenAndresCalipjo
@mag-aaral_PNUNL
“Ang pagpapakitang-turo kung saan nakapag-ani ako
ng iba’t ibang ideya at magagaling, inobatibo, at
masining na estratehiyang gagamitin ko sa aking
pagtuturo sa hinaharap.”
MaylenEBeltran
@guro_SanBedaUniv.
“Kailangang maisakatuparan muna ng guro ang
gawaing kaniyang ipinapagawa sa klase.”
AngelineFlorendo
@guro_ACEMNHS
“Mahalagang maging malikhain sa klase upang
maiwasan ang pagkabagot ng mga mag-aaral.”
PrincesJhanineAtienza
@mag-aaral_MSU
“Sistematiko!”
RuthGabiane
@guro_LagroSHS
“IMBA: Impormatibo at Masayang Birtwal na
Talakayan”
VicrosechisterJayson PASASALAMAT MULA SA MGA KOMITE
@mag-aaral_PLP NG BINHI 2021! MAGKITA-KITA PO TAYO
“Maging isang TEMATIKONG GURO, isang imbang SA SUSUNOD PANG MGA TAON!
guro na tinatanggap ang bagong hamon gamit ang
mga tematikong pagtuturo gamit ang ibat ibang
estratehiya.”
B T
A A
L N
I A
K W
Balik-Tanaw ng Pagsibol ................................... T
U
NICOLE NAVARITTE Tugon sa Napapanahong L
Hamon A
Isa akong puno na hitik sa bunga
Kilala ako sa bayan ‘pagkat ako’y sagana AMBROSIO KATAGALUGAN P
Tila raw ako ay may tagong mahika A
Lingid sa kanilang kaalaman, ako’y mula rin sa isang bunga. Binigay mula sa langit ang mga aning ginintuan R
Itinanim sa kaalaman at kabutihan A
Naaalala ko nang minsa’y may naghasik Napapanahon nga, para sa kalinangan
Sama-sama kaming tinipon at sa lupa’y dahan dahang ipinitik Hindi mapapawi ang hapong katawan K
Tumatak sa akin ang kaniyang katalinuhan, Ikako, tanggapin ang hamong kabayanihan I
Kung paanong araw-araw n’ya kaming inaruga at binalik-balikan. N
Pabigat, pabagot, pabaluktot A
Diniligan n’ya ako ng tubig na nagsilbing sa aki’y pangmulat Uswag na, isuot ang salakot
Unti-unti itong nanalaytay sa maliliit kong ugat Napapanahon nga, para sa hindi nakalimot M
Pinatibay ang pundasyon sa bawat patak Lipunin ang mga walang takot A’
Mistulang kahusayang inilalagak At lumubog sa pusong kumikirot A
M
Tanda ko nang tumubo ang aking mga sanga at dahon, Halina’t tumugon sa hamon, mga guro’t mag-aaral
Kita kong sa tuwa at galak, siya’y hindi makaahon At maghasik ng karununga’t kagandahang asal A
Lalo pa nang ang aking bulaklak na ang sumilay, Sa panahon na ito para sa pagmamahal T
Indikasyon na ang mga aral n’ya sa’ki’y buhay. Ituring ang bata bilang isang banal
Kapayapaang itatamo ang siyang laging dasal S
Nagmarka sa akin ang kanyang mga tagubilin. I
Aniya dadating ang panahon na ako naman ang titingalain, ................................... R
‘Pagkat taglay ko’y mayabong na kaalaman at hangarin.
Lagi ko raw pakatandaan, kahit na hindi na n’ya abutin. Bala ng Gurong Bida
‘Di rin nagtagal, ang mga bulaklak ay nagluwal ng mga bunga CARLA MAE PAMPLONA
Subalit ‘di na n’ya ito natunghayan pa.
Nawaglit na rin sa akin ang kanyang hitsura Bibong guro’y dito nagsimula
Ngunit, hindi ang kaniyang tiyaga at taglay na mahika. Estratehiya ay palaging dala-dala
Sapagkat ito ang kanyang bala
Ang nakamit kong karunungan ay nanatili Hindi mahihiya saan mang dako mapunta
Patuloy kong ibinabahagi sa mga tulad kong mula sa binhi
Umaasang magdudulot ng kapakinabangan, Noo’y pangarap lang, ngayo’y bumubunga na
At magbunga rin ng mga pag-asa ng bayan. Ano man ang mangyari, paghahasik ay ‘di maaantala
Pagiging bibo at inobatibo tiyak na makakamtan
........................................... Galak na hatid ay ‘di mapapantayan
Elemento ng Karununga’t Kahusayan
Noon, ngayon, at magpakailanman
JHIGO PASCUAL Itong binhi’y ‘di papatalo kanino man
Bubusugin tayo ng kaalama’t kahusayan na s’yang
Masasal ang bumuhay ng binhi, ating yaman
Naghulas ang tubig, dumaloy sa pisngi, Bawat saglit ay sulit at tiyak babalik-balikan
Ipa ang bumubulag sa nagngingitngit na turong-labi,
Sa bawat paglapat, nakikini-kinita ang pag-aglahi. Hindi mahahadlangan maging nitong pandemya
Ang pagpapayabong ng mga guro sa akademya
Pisak ang kulay ng pabalat Taon-taon yaring paanyaya
Sa librong - nagsasalitan ang papel na binulatlat - Kung dadaluhan mo’y tiyak ang ligaya
Habang nakaipit ang dahon,
Sa mga pahinang letra’y patay na inaahon Ito na nga’t nalalapit na!
Dinaanan ng mga matang – sumalungat at sinasalungat – Nasasabik ka na ba?
ang balintataw ng bagot na kay bigat. Baka dito mo na mahanap ang tunay na saya
Lumalago ang binhi: .Ta.ra.n.a.s.a.p.ili.ng..ng.m..ga.e.s.tr.at.e.hi.ya.!.............
Sa mga basbas ng labi,
Habang patuloy sumisikat ang matirik na tanong Ang Aliw-iw ng Bátis sa Hungkag
Kaalinsabay ang natutuyong moda ng turong,
Nagpasibol sa mga pagkakataong may sanhi na Batíd
Ang mga eksena’t estilo palagi-lagi.
LENARD DIAZ
Napitas ako ng mga dahon,
Tinatapal sa rabaw ng lupa’t sinasamantala ang init ng panahon, Yaong indayog ng tubig
Para bang kailangan hilutin ang sakit ng paligid; umagos nawa sa kabatiran.
Sasapat para maampat ang nagnananang sugat ng silid. Nang sa gayon ay maging
sagot sa nanlalamong
Turong sumusuot sa baga mula sa unang tibok ng puso, kamangmangan.
Binibigyang malay ang kaisipan – dire-diretso, bugso-bugso;
Sinasalat ang lunang pinagmulan: Hámon yaríng bukal
Sa mahika ng estratehiya nananahan. —dumausdos patungo
sa aking lakas.
May sariling kalikasan ang karunungan: Pedagohiyang tatangay
Tuwing naiipon at bumibigat – may paroroonan. sa lustay na yaman at danas.
Gaya ng paghila ng grabedad – may kahahantungan.
Sa mga uhaw na isip na sabay-sabay – ginaganahan. Bitbit yaring tubig,
bangkerong sasagwan.
Na siyang didilig
sa nanunuyot
na pilapil ng kapatagan.
Ito’y ilog na umiigpaw,
lumilipad at naibabahagi.
Ipainom sa uhaw na
kapatid at ipanligo
sa katawang tumatanggi.
Hindi ka basta guro,
ika’y isang batis na dalisay.
Estratehiya mo’y
hinahagilap, hinahanap
ng hungkag na salaysay.
JET LENARD BULUSAN