The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

Painawa-Mga Tula ng Paghinga-Jobert Pillas

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Jobert Pillas, 2023-05-14 20:39:41

Painawa-Mga Tula ng Paghinga-Jobert Pillas

Painawa-Mga Tula ng Paghinga-Jobert Pillas

Painawa: Mga Tula ng Paghinga jobert pillas


Ang May-Akda Si Jobert Pillas ay isang iskolar ng bayan at lider-estudyante sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Hilig niya ang pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Filipino mula pa man noong bata pa man siya. Ang kaniyang paniniwala ay sa bawat salita na ating isinusulat ay isa itong paghinga mula sa agos ng buhay. Pasasalamat Sa mga naging inspirasyon sa pagsulat na ito, pamilya, kaibigan, at mga taong mahal sa buhay, maraming salamat sa inyo. Sa Poong Lumikha, pasasalamat sa biyaya ng dunong at buhay. PAINAWA: Mga Tula ng Paghinga jobert pillas


PAINAWA: Mga Tula ng Paghinga © 2023 Jobert Pillas RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin sa anumang anyo at paraan, maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may-hawak ng karapatang-ari o kung kailangan sa pagsusuri at pananaliksik pang-akademya.


“Mahalaga at may halaga ka . Padayon! Painawa. ” Nilalaman 1 Tula (Unang bahagi) 2 Tula (Ikalawang bahagi) 3 Balon 4 Sa Baybayin ng mga Pangarap 5 Okay Lang Ang Umiyak 6 Sinong Taya? 7 Sa Kama, Kinama 8 Nang Minsang Napatingin sa Buwan 9 Sa Bawat Daan 10 Swimming 11 Proseso, Hindi Preso 12 Saysay: Buhay o Patay 13 Dyipni 14 Paruparo 15 Digmaan sa Gabi 16 Anihan


Mensahe ng May-Akda Ang painawa ay mula sa wikang Kapampangan na nangangahulugang pahinga. Sa mala-kalbaryong mundo, nakakapagod at nakakaupos ng lakas mula sa pagbubuhat ng krus ng buhay. Bawat araw iba-iba ang labang ating kinahaharap; mula sa pagmulat ng mga mata na agad iniisip ang pakikibakang magaganap hanggang sa pagpikit nito na patuloy na nag-iisip sa kinabukasang tatahakain. Hinga. Sa bawat salita ng koleksiyon ng mga tulang ito damhin ang iyong hininga habang panandaliang magpahinga. Saglit na alisin ang dusa sa lumbay ng paglalakbay. Sipatin mo ang ligaya, sa mga kataga ng katha ay isiping mabuti na ang bukas ay sa iyo, at iyo ang bukas. Pahinga. Matapos makahinga ay magpahinga upang ipunin muli ang enerhiya ng baterya. Ikandili mo ang iyong sarili; kalungin sa mga kamay na mapag-aruga at magpadayon dahil sa dulo kakampay dahil nagtagumpay ka sa buhay. Painawa ka!


“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.” — Bob Ong


Anihan Aray! Sakit sa beywang maghapong nakayuko mula sa pagbubungkal ng lupang taniman ng mga mithi’t kinabukasan. Bininhing mga pawis, lawiswis, sikhay kahit pipilay-pilay—antabay! Unating mga buto... binubuong mundo ng pakikibaka sa tadhana at laya. Anihan, panahon ng piging ng utak at pusong sabik makapiling ang sariling dili makandili; ngayon, isaling magaling, paliyabin ang gin— ay, kampay! 16 Tula (Unang Bahagi) Tula, isang paraan ng paglalahad, sa damdaming nag-aalab, kalooban ang siyang pugad, sentimento ay ilaladlad. Kung ihahambing sa buhay, minsan may sigla o tamlay, mayroong ligaya at kulay, kapagkara nama’y may lumbay. Maaaring kayo ay magkatugma. Maaaring ito’y may sukat pa. Subalit minsan kailangan ng laya, nang mailahad ang nadarama. Tandaang, walang maling tula, marahil ‘di lang kayo magkarima. Hindi minamadali ang paggawa; hayaan ang puso ang magsulat sa tuwina. 1


Tula (Ikalawang Bahagi) Tulad ng pag-iral sa ating pananahan: hindi ito karera upang magpaligsihan, hindi rin ito pakuparan ng mga hakbang; ito’y proseso ng paglalapat ng nararamdaman. Tayo ay iba-iba, pareho nitong tula; iba’t ibang uri o pagkakakilala, subalit sa iisa lamang nagmumula─ ang pusong dalisay ang siyang simula. Hindi sa lahat ng pagkakataon, masaya ang napapanahon, tulad ng tula minsan din ay may talon, umaagos at nag-uumapaw na emosyon. Maging tulad tayo ng tula. Maging malaya sa proseso ng paggawa. Hayaang dumaloy ang nadarama, dito pagkatotoo nati’y ang malilikha. 2 Digmaan sa Gabi Tuwing gabing papalalim, puno ng mga pakikibaka; itong espadang kay talim, ano’t nanaksak at nanikala. Sa batis nitong ligaya, dugo ang s’yang umaagos, tuyo at hindi sagana, hininga'y naghihikahos. Sa kirot ay napaduwal, tumahimik sa tuwina; mga salita'y sinampal ─ luha'y siyang nagpabaha. Hinampas sa haliging bato, bulas na koronang tinik; kamay man ikinandado, pangako ay magbabalik. Sa muling pagtayo, dala ang tanging sandata. Minsan mang siya'y nabigo, pinagtibay ng espada. Sa kaluskos nitong dahon, batis ay muling luminaw; wala ang lakas ng alon, sumikat na itong araw. Natapos na nga ang gabi, bulaklak ay bumukadkad, Repleksyo'y siyang nagapi─sarili ang kanyang pugad! 15


Paruparo Darampi sa bulaklak, lilipad-lipad sa paghawak sa palad na nag-akalang mapalad! Hindi sapat ang lapat ng mga dapat na buhat. Paruparong ikinulong sa laya at saya; magayon sa pakpak ng pagsinta. Batik-batik na kulay at sigla. Huwag hahalik sa mga bulaklak, ‘pagkat ‘di lahat ay ligtas; huwag maging mapangahas sa ‘di kilala’t ‘wag iselda sa naglaong pagsasama. Ngayon. Lumipad ka’t tunguhin ang libertad. Hagkan mo ang mga ulap, abutin ang mga pangarap habang ang mga alaala’y akap-akap. 14 Balon Narinig ang isang himig, isang gabing malamig, nguyngoy na inilihim sa balong malalim. Harap, likod, may sugat, kay kirot sa mga balat. Sinikil ang sarili sa lumbay nitong gabi. Digmaan nga'y dumating, tinarak ng patalim, alipores ng isipan; nilupig ang kagalakan. Patuloy na sumulong, itinago rito sa balon ang yumaong sakit at panaghoy ng pait. Sa pagtatapos ng gabi, naiwan ang mga labi. Muli itong babalikan,'pag lumukob ang kadiliman! 3


Sa Baybayin ng mga Pangarap Binaybay ko ang baybayin ng mga pangarap at hangarin, napakapit at nahilo ang paningin sa panginginig— natatakot kalika-kilabot at ako'y namaluktot. Huminga, tinanaw ang dulo, "Malayo pa ang bukas," walang paspasan, ipunin ang lakas; kinaya ko, kakayanin ko. 4 Dyipni Pasakay po, diyan lang sa may kanto ng Pahinga. Bayad po, isa lang sa pangarap kong landas. May sukli pa kuya, mga karanasan, kaibigan, kasamahan, 'di malilimutan. Pero ─ para po! Ihinto po muna, baba na ho sa Kalye Paghinga. Saglit lang, 'di ito karera makararating din sa dulo ng Barangay Pag-asa. 13


Saysay: Buhay o Patay Ang buhay ay patay, walang saysay; ang patay ay buhay may saysay. Ang buhay 'di makahinga sa pagod at dusa; ang patay nakakahinga mas malaya at payapa. Ang buhay ay walang pahinga; ang patay ay walang sawang nagpapahinga. Ano't pinapatay ang buhay, ni alaalang walang saysay. Ano't binubuhay ang patay at sa alaala'y may saysay. 12 Okay lang ang Umiyak “Ang matapang ay umiiyak, pero hindi nagpapasindak.” Hindi masamang lumuha kung minsan; kung masaya ka lumuha ka, kung malungkot naman ay lumuha ka. Okay lang ang umiyak at sa bawat patak nito ay huwag magpapasindak, bagkus sipatin mong tapat na minsan kailangan mo rin ng pagluha upang gumaan ang bagahe ng nadarama. Legal ang pag-iyak, iyak ka lang nang iyak at susunod na iyong pag-iyak ay dahil na ito sa halakhak, rayhak at galak! 5


Sinong Taya? Mata-mata-mataya-taya! Langit, lupa, impiyerno... tama na muna sa gulo, sa init ng apoy ng panaghoy, ‘wag gatungan pa ng kahoy! Langit muna, hinga, langhapin ang hangin. Gising sa sandaling pag-ihip sa papawirin ng mga suliranin. Lupa, ang magtanim ng buto ay ‘di biro! ‘Di agad mabubuo, kung wala rin mang damo; kung wala ring abono, walang saysay ang mundo. Impiyerno, guguho ang taya kung piniit ang hininga. Daig pa ang pagpako sa krus kay Kristo. Sisihing sa akin, tulad ni Simon Cirineo pinapasan ang krus ng kalbaryo. Hays, parusa! Ops... tama na. Sino na nga bang taya? 6 Proseso, Hindi Preso Ang pagluha ay proseso upang mas maging masaya at malakas sa hinaharap na mundo. Hindi ka preso upang magpakulong lang sa luha at himasin ang selda ng lumbay at pagod ng buhay. Sa batas due process, ‘di pwedeng guilty agad; karapatan mo ring mapakinggan mula sa hinaing at daing! Daanan ang proseso, matuto hindi magpauto; mula sa mga tao, ganap mo, o anumang pagliko sa iyong pagmamaneho sa manubela ng bukas. Makakarating ka rin. May proseso! 11


Swimming Backstroke: Balikan ang lahat; balikan mo kung paano ka nagsimula; balikan mo kung bakit ka nagpapatuloy pa. Freestyle: Palayain mo ang sarili mo; pagkatapos mo balikan ang lahat, palayain mo ang sarili mo: mula sa takot, pangamba, at lungkot, heto na hinga ka. Breaststroke: Dibdiban ito; mabigat ito sa damdamin pero kakayanin mo; haharapin ang mga pagsubok, kahit malugmok... tuloy! Dibdiban man, pero alam kong makakaahon ka rin. Butterfly stroke: Lumipad ka; May bangin mang haharapin, may bagyo mang paparating. Lipad lang, huwag magkubli bagkus patuloy na humabi dahil sa huli mas mahalaga ang ganda; paruparo─nagsimula kang bulate nagtapos kang may pakpak. 10 Sa Kama, Kinama Sa kama niyakap ng lungkot ang kumot; mula sa mga laban na di masabi; at ang katawang bumabaluktot. Pero takot na buntot-buntot tanggal ito, hinga lang, ay napautot! Kinama, ang bigat, habang ang unan ang sumasalo ng mga ulang ibinuhos ng kaibuturan ng puso at isipan; okay lang, babalentong ka lang, hing sa kama! Hay, may presyon! Wala namang na-Sharong litson. Aligaga maghapong tulala... nagmamadali, ‘di alam ang gagawin. Hays higa sa kama. Ipinikit ang mga mata, nakatulog sa kama nang ‘di namamalayang lumipas na ang oras at tumulo na ang laway, napanis pa nga sa labi... pero ngiti sa susunod na umaga may pag-asa sa sandali. Kama-kama lang. Kalmahan mo lang! 7


Nang Minsang Napatingin sa Buwan Miss ko na'ng titigan ang buwan sa gitna ng ulan, at gabi ng kapanglawan; ang liwanag sa silong ng nararamdaman animo'y tanglaw sa kadiliman. Miss ko na'ng titigan ang buwan habang sumusulat ng mga tula at naghahanap ng pahinga; sa aking bawat paghinga umiinit ang alaala. Miss ko na'ng titigan ang buwan sa mga oras na nagliligalig at ang tilian wari'y kuliglig; inuugong ang malamig na himig at nais yumakap sa yaring bisig. Tulog na. Ito'y panaginip. Ang hangin ay iihip. Kahapong humalukipkip! 8 Sa Bawat Daan Patuloy kong tinatahak ang landas na ‘di alam kung saan patutungo at kung kanino makikitungo. Lito man ang isip, at ‘di maisaisip ang bawat paghakbang... tutuloy lang. Hindi ko malalaman, kung hindi ko susubukan; aba’y laban lang, ani ng giting at tapang na humarap sa rebeldeng anino ng mundo. Sa bawat daan, tangan ko ang liwanag ng pag-asang mula sa ningas ng puso at adhikang malinis sa pagnanasa sa mithiing bukas. Kaya sa aking paghakbang, may liwanag. Lumiliwanag at magliliwanag! 9


Click to View FlipBook Version