The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Kimberly Mae Isaac, 2023-10-18 10:17:49

health3_q3_mod4_Basic Consumer Rights

health3_q3_mod4_Basic Consumer Rights

Health Ikatlong Markahan – Modyul 4: Basic Consumer Rights 3 NAME: GRADE & SECTION:


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Mari Pilar S. Caro Editor: Elsie E. Gagabe Tagasuri: Marciano G. Canillas, Arcel W. Gacasan, Neil Edward D. Diaz Tagaguhit: Vergel O. Villamil Tagalapat: Angelica M. Mendoza Tagapamahala: Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena Mary Jeanne B. Aldeguer Alma C. Cifra Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo Ma. Cielo D. Estrada Fortunato B. Sagayno Jeselyn B. dela Cuesta Elsie E. Gagabe Health – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 4: Basic Consumer Rights Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: [email protected] * [email protected]


3 Health Ikatlong Markahan – Modyul 4: Basic Consumer Rights


ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanikanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.


1 Alamin Ang modyul na ito ay dinesenyo at isinulat upang matulungan kang alamin ang iyong mga karapatan bilang isang mamimili. Mahalagang malaman ang iyong mga karapatan upang maging responsible, matalino at tiyak sa pagpili ng mga produkto. Ito ay inayos at batay sa mga bagay na dapat mong matutunan. Ang modyul ay nahahati sa dalawang aralin: • Aralin 1 – Basic Consumer Rights • Aralin 2 – Let’s Practice Our Rights Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang: 1. Natutukoy ang mga pangunahing karapatan ng isang mamimili (H3CH-IIIfg-7). 2. Nagagamit ang mga karapatang ito habang bumubili (H3CH-IIIfg-8).


2 Subukin Basahin ang bawat pahayag sa ibaba at alamin kung alin sa mga ito ang nagsasaad sa karapatan ng isang mamimili. Piliin ang tsek (✓) kung ang pangungusap ay nagsasaad sa karapatan ng isang mamimili at ekis (X) kung hindi nagsasaad. __________ 1. Binasa ni Mang Elias ang mga nakasulat sa pakete ng produkto bago niya ito binili. __________ 2. Pinunit niya ang tahete ng nakadisplay na damit. __________ 3. Sinukat muna ni Stella ang bestida na kanyang nagustuhan bago niya ito binili. __________ 4. Ibinalik ni Aling Linda ang nabili niyang tinapay sa panaderya dahil ito ay panis na. __________ 5. Sinigawan ni Kiko ang saleslady dahil ayaw palitan ang kanyang nabili na sapatos na may depekto. ✓ X


3 Aralin 1 Basic Consumer Rights Bilang isang mamimili, alam mo ba ang iyong mga karapatan? Mahalagang malaman natin ang ating mga karapatan bilang isang mamimili dahil nakatutulong ito sa pagdedesisyon nang tama sa mga uri ng pagkain at bagay na ating bibilhin dahil maaaring makaapekto ang mga ito sa ating kalusugan. Pinipili natin ang mga produkto, serbisyo, at kaalaman batay sa nakikita nating patalastas at sariling kagustuhan.


4 Balikan Hanapin sa Hanay B kung ano ang tinutukoy ng mga pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Hanay A Hanay B ____1. Ang karapatang bumili ng mga pangangailangan A. Karapatan pumili ____2. Ang karapatang malaman ang nilalaman at kung hanggang kailan maaaring gamitin ang produkto B. Karapatan sa ligtas na kapaligiran C. Karapatang malaman ang impormasyon ng produkto o serbisyo D. Karapatan sa pangunahing pangangailangan ____3. Ang karapatang pumili ng mga mura ngunit de kalidad na produkto ____4. Karapatang pumunta sa isang ligtas na lugar at malayo sa polusyon habang namimili


5 Tuklasin Bigkasin ang tula tungkol sa, “Matalinong Mamimili”. “Matalinong Mamimili” Ako’y napatitig At napatikom ang bibig Dahil sa taas ng presyo Ito ba ay loko. Bibili ako ng mura Kung mura mas masaya Ngunit pumili rin ng matibay at maganda Sabi nga nila ako ay isang mamimili Mamimiling pumipili Para sa ekonomiya Para sa pamilya Suriin Basahin at alamin ang mga pangunahing karapatan ng mga mamimimli. Karapatang Pumili Malaya ang mga mamimili na pumili ng iba’t ibang produkto bago bilhin ang isang bagay upang makita ang pagkakaiba-iba sa kalidad at presyo ng produkto.


6 Karapatang Malaman ang Impormasyon ng Produkto o Serbisyo Karapatang mapangalagaan ang mamimili laban sa mapanlinlang at mapanligaw na patalastas, mga etika at iba pang hindi wastong gawain. Maaaring ireklamo ang produkto kung hindi nito nasunod ang ipinangako. Karapatan sa Pangunahing Pangangailangan May mga sangay ng gobyerno ang nakatalaga upang mapunan ang mga pangunahin o payak na pangangailangan ng mga mamimili tulad ng damit at pagkain. Ilan sa mga ito ay ang Food and Drugs Administration (FDA), Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA), at marami pang iba. Sinisikap ng mga ahensiyang ito na maiwasan ang kakulangan sa produkto. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran Karapatan ng bawat mamimili ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran, produkto at serbisyo upang maging ligtas sa anomang sakit at kapahamakan.


7 Mga Tala para sa Guro Paalalahanan ang mga mag-aaral na basahin at intindihin nang mabuti ang aralin dahil nakatutulong ito sa pang araw–araw na pamumuhay. Maaari ring ibahagi ang natutunang aralin sa kasapi ng pamilya at mga kaibigan. Pagyamanin Pagmasdan ang bawat larawan at tukuyin kung anong uri ng karapatan ang ipinapakita nito. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang. A. Karapatang pumili C. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran B. Karapatan sa pangunahing pangangailangan D. Karapatang malaman ang impormasyon ng produkto o serbisyo 1. ________________________ 3. ________________________


8 2. ________________________ 4. ________________________ Isaisip Basahin at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon. 1. Ano-ano ang mga pangunahing karapatan ng bawat mamimili? 2. Anong mga ahensiya ng gobyerno ang tumutugon sa mga Pangunahing pangangailangan ng mg mamimili? 3. Mahalaga bang malaman ng isang mamimili ang kanyang mga karapatan? Bakit? Isagawa Basahin ang bawat pahayag at tukuyin kung alin sa mga ito ang iyong naranasan habang namimili. Piliin ang tsek (/) kung ito'y iyong naranasan o hindi pa.


9 Sitwasyon Naranasan ko na Hindi ko pa naranasan 1.Binasa ko muna ang mga nakasulat sa pakete ng isang produkto. 2.Bumili ako ng pagkain na makikita sa tabi ng daan at malapit sa basurahan. 3.Sinukat ko ang damit na aking nagustuhan bago ko ito binili. 4.Pinagalitan ako ng saleslady dahil matagal akong nakapili ng sapatos na bibilhin. 5.Ayaw tanggapin ang pera na pambili ko kasi may mantsa, may kalumaan at marumi. Tayahin Sagutin ang tanong na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa loob ng hugis ulap. Tanong: Anu-ano ang mga karapatan ng isang mamimili?


10 Aralin 2 Let’s Practice Our Rights Sa araling ito, atin pang pag-aralan ang mga pangunahing karapatan ng isang mamimili. Balikan Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa loob ng kahon kung anong karapatan ng isang mamimili ang inilalarawan. 1. Nagpunta si John sa botika para bumili ng gamot sa lagnat. Nagtanong siya sa tindera ng mga impormasyon ukol sa gamot. 2. Bumili si Pearl ng tinapay. Tiningnan niya kung hanggang kailan puwedeng kainin ito. 3. Nakakita si Troy ng sabon na “Buy 2 Take 1”. Kinumpara niya ang halaga nito sa iba pang sabon. 4. Nagpunta sa dentista si Kris. Nagtanong siya kung ano-ano pang serbisyo mayroon sa kanila. 5. Si Linda ay may tindahan. Lahat ng pangunahing pangangailangan ay mayroon sa tindahan niya.


11 Tuklasin Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang tsek (✓) kung ito ay tumutukoy sa karapatan ng isang mamimili at ekis (X) naman kung hindi. 1. Karapatang pumili ng produktong bibilhin 2. Karapatang hindi ibalik ang sobrang sukli na naibigay 3. Karapatang magtanong at alamin ang presyo ng bawat produkto 4. Karapatang sirain ang isang produkto 5. Karapatang hindi ibalik ang produktong hindi kasama sa binayaran 6. Karapatang hindi ingatan ang isang produkto 7. Karapatang magbayad ng kulang o hindi sapat 8. Karapatang makipagtalo nang walang magalang na pagpapaliwanag 9. Karapatang ibalik ang nabiling expired na pagkain 10. Karapatang suriin ang bibilhing produkto Suriin Bilang mamimili, karapatan natin na pumili ng produkto at serbisyo, maging ligtas sa binibili, at mabigyan ng sapat na impormasyon o kaalaman sa serbisyo at produktong pangkalusugan. ✓ X


12 Pagyamanin Basahin ang sumusunod na sitwasyon at piliin kung anong karapatan ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. A. Karapatan sa pangunahing pangangailangan B. Karapatan sa impormasyon C. Karapatang pumili D. Karapatan sa malinis na kapaligiran 1. Si Aling Liway ay bumili ng gatas. Tiningnan niya kung hanggang kailan ito maaaring gamitin. 2. Pagpapaskil ng impormasyon ukol sa mas murang halaga ng gamot. 3. Isang tindahan na gumagamit ng mga papel sa pagbabalot ng pagkain at paghihiwalay ng mga basura sa nabubulok at di-nabubulok. 4. Namimili si Ramon ng laruang kanyang bibilhin. 5. Pumunta si Teressa sa tindahan ni Aling Mila na punumpuno ng mga produkto.


13 Isaisip Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang masayang mukha kung ito ay nagpapahayag ng iyong karapatan bilang isang mamimili at malungkot na mukha naman kung hindi. o Pahayag 1. Pagtatanong sa presyo ng produkto. 2. Isinauli ang sira at hindi tamang produkto. 3. Pagsigaw sa tindera kapag hindi natutugunan ang hinahanap na bibilhin. 4. Pagtatanong sa mga kabutihang dulot ng produkto sa kalikasan. 5. Pagsusuri ng binibiling isda kung ito ay sariwa o hindi.


14 Isagawa Maglista ng mga produktong binibili ng iyong nanay sa tindahan o sa grocery store. Punan ang patlang sa ibaba. Sundan ang unang halimbawa. Isulat ang iyong sagot sa loob ng talahanayan. Produkto Aprubado ba ng DOH o FDA? (√ o X) May sangkap ng ________ Dapat kainin hanggang ________ Hal. Cheese √ Calories, Protein, at Carbohydrates May 26, 2021 1. 2. 3. 4. 5. 1.) Anong produkto ang aprubado ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) o ng Food and Drugs Administration (FDA)? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2.) Ano-anong sangkap ang makabubuti sa ating kalusugan? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3.) Bakit mahalaga na binabasa natin ang impormasyon ukol sa isang produkto? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________


15 Tayahin Hanapin ang mga salitang nakasulat sa ibaba na may kinalaman sa karapatan ng isang mamimili. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Kuhanan ng litrato at ipadala sa messenger ng iyong guro. k a s l u s a g a n a a e t a l l i n p r a r m o n n m i a a p b o r a t p i n y p i n p m s o s g f r s a u a a r a a g o y n m m m m y n t d o a i i l a o g l u g h l m i s n a i k a i i i t y l i g t l s g l a o a l t o m i f i d n n a k a r a p a t a n n n a p o h t h a m g s l a p y h a g a a s a y o s j l s n n d m a l i n i s i d a e k v s v n a i s pumili serbisyo karapatan malinis payak pangangailangan ligtas produkto impormasyon mamimili


16 Karagdagang Gawain Nais mong bumili ng bagong damit. Alin sa mga tanong sa ibaba ang maaari mong itanong sa saleslady na nagpapakita ng iyong karapatan bilang isang mamimili? Pindutin ang kahon ng iyong sagot. 1. Maaari ko bang sukatin muna ang damit na ito bago ko bilhin? 2. Maaari ko bang ibalik o palitan ang damit kapag nasira ko? 3. Maaari ko bang malaman kung may diskwento ang damit na ito?


17 Subukin ∕ 1. × 2. ∕ 3. ∕ 4. × 5. Balikan D 1. C 2. A 3. B 4. Pagyamanin D 1. B 2. C 3. A 4. Isagawa Maaaring ( magkaiba ng ) sagot Tayahin Maaaring magkaiba ang sunod ng - pagkakasunod sagot. Karapatang Pumili 1. Karapatan sa Payak na 2. Pangangailangan Karapatang Malaman ang 3. Impormasyon ng Produkto o Serbisyo Karapatan sa isang Malinis 4. na kapaligiran Isaisip sunod ng sagot) - pagkakasunod ang (Maaaring magkaiba 1. Karapatang Pumili, Pangangailangan Karapatan sa Payak na Karapatang Malaman ang Impormasyon ng Produkto o Serbisyo Karapatan sa isang Malinis na kapaligiran National Food Food and Drugs Administration (FDA), 2.) (NFA), Department of Agricuture (DA) Authority Opo. Mahalagang malaman ng isang mamimili ang 3.) kanyang Karapatan dahil ito ay nakatutulong sa pagdedesisyon nang tamas a mga produktong bibilhin. Balikan sa arapatang K 1. Impormasyon Karapatan sa 2. Impormasyon Pumili Karapatang 3. Karapatang Pumili 4. Payak na Karapatan sa 5. Pangangailangan Pagyamanin B 1. B 2. D 3. C 4. A 5. Karagdagang Gawain Maaari ko bang sukatin na ito muna ang damit bago ko bilhin? Maaari pa bang mapalitan ang damit na ito kapag nadiskobre kong may sira? Maaari ko bang malaman kung may diskwento ang damit na ito? Aralin 1 Aralin 2 Susi sa Pagwawasto


18 Tuklasin / 1. X 2. / 3. X 4. X 5. X 6. X 7. X 8. / 9. / 10. Isaisip 1. 2. 3. 4. 5. Isagawa Maaaring magkaiba ng sagot. Tayahin


19 Sanggunian Cristo, R.R., David, M. C, Nuesca, A.,Quinto, J. E., Ramos, G.G., & Sabadlab, E. O. (Unang Edisyon 2014, Muling Limbag 2016). Music, Art, Physical Education and Health- Ikatlong Baitang (Kagamitan ng Mag-aaral) https://www.dobolp.com>8 karapatan ng mamimili, Pangilinan, I. https://brainly.ph Tula para sa matalinong mamimili.Brainly.ph


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version