The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.

MTB2_Q3_Module5_Paggamit-ng-mga-Angkop-na-Pananalita-sa-Pakikipag-usap.v6

Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by Kimberly Mae Isaac, 2023-10-18 10:17:25

MTB2_Q3_Module5_Paggamit-ng-mga-Angkop-na-Pananalita-sa-Pakikipag-usap.v6

MTB2_Q3_Module5_Paggamit-ng-mga-Angkop-na-Pananalita-sa-Pakikipag-usap.v6

CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Mother Tongue Ikatlong Markahan – Modyul 5: Paggamit ng mga Angkop na Pananalita sa Pakikipag-usap 2 NAME: GRADE & SECTION:


Mother Tongue – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: Paggamit ng mga Angkop na Pananalita sa Pakikipagusap Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis, City of San Fernando, Pampanga Telefax: (045) 598-8580 E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Essel E. Reyes Editor: Honey Bert G. Dayanan Tagasuri: Marie Ann C.Ligsay, PhD, Carolyn R. Reyes Tagaguhit: Mary Grace G. Jandoc Tagalapat: Honey Bert G. Dayanan Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Ma. Editha R. Caparas, EdD Nestor Nuesca, PhD Milagros M. Peñaflor, PhD Mila D. Calma Edgar E. Garcia, MITE Romeo M. Layug


2 Mother Tongue Ikatlong Markahan – Modyul 5: Paggamit ng mga Angkop na Pananalita sa Pakikipag-usap


ii Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.


1 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Alamin Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo na ang paggamit ng mga salitang angkop at mahalaga sa pakikipag-usap na ayon sa iyong sariling kultura. Sa modyul na ito ay makikilala mo ang mga angkop na salita na lilinang sa iyong kakayahan sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang tao sa kaukulang sitwasyon. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. nakikilala ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa pakikipag-usap ayon sa layunin at kausap(kasing-edad o nakatatanda); (MT2OL-IIIi-i11.1) 2. nakikilahok sa isang pag-uusap at pakikipagtalastasan tungkol sa di-pagkaraniwang paksa sa pamamagitan ng pagtatanong, muling pagpapahayag at pagkalap ng impormasyon; at 3. nakikilala at nagagamit ang mga magagalang na pananalita na ginagamit sa kaukulang sitwasyon tulad ng pakikipag-usap sa telepono.


2 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Subukin Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot. 1. Ang iyong nanay ay hinahanap ng kaniyang kumare. Ano ang sasabihin mo? a. Magandang umaga po. Sandali lamang po at tatawagin ko siya. b. Magandang umaga. Wala siya dito. c. Magandang umaga. Bakit mo siya hinahanap? d. Wala siya dito. Bumalik na lang kayo 2. Nais mong malaman ang mensahe ng batang naghahanap sa iyong kapatid. Ano ang iyong itatanong? a. Ano ang gusto mong sabihin sa kanya? b. Bakit hinahanap mo siya? c. Maaari ko bang malaman ang iyong mensahe sa aking kapatid? d. Bakit ba? 3. Isang umaga, tumunog ang telepono ng nanay mong pumunta sa palengke. Sa pagsagot nito, ano ang iyong sasabihin? a. Hello! Magandang umaga. Sino sila? b. Hello! Magandang umaga po. Maaari po bang malaman kung sino sila? c. Hello! Sino sila? d. Hello! Bakit? 4. Ano ang iyong sasabihin kapag wala ang taong nais kausapin ng taong naghahanap? a. Wala siya dito. ___ ___ ___ ___


3 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 b. Bumalik ka na lang. c. Ikinalulungkot ko po. Wala po siya dito ngayon. d. Wala siya, umalis. 5. Kapag nagpasalamat ang iyong kausap, ano ang iyong isasagot? a. Paumanhin po. b. Walang anuman po. c. Salamat po. d. Ok, sige. ___


4 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Aralin 1 Paggamit ng mga Angkop na Pananalita sa Pakikipag-usap Ang pakikipag-usap sa ibang tao ay nakalilinang ng ating kakayahan sa pakikipagtalastasan. Gumagamit tayo ng mga salitang angkop sa taong kausap natin. Ang paggamit ng mga angkop na salita ay nagpapakita ng paggalang. Sinoman ang kausap mo, kasing-edad o nakatatanda sa iyo ay dapat pumili ng angkop na salitang gagamitin upang magkaroon ng maayos na ugnayan. Sa araling ito ay matututuhan mo ang mga angkop na salitang maaari mong magamit sa iba’t ibang sitwasyon at paksa tulad ng pakikipag-usap sa telepono.


5 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Balikan Panuto: Sagutan ang krosword puzzle. Isulat ang tamang sagot sa loob ng mga kahon. Pababa 1. kabaligtaran ng mali 2. lugar kung saan tinuturuan ng mga magulang ng mabuting asal ang mga anak 3. kasingkahulugan ng ugali, madalas idugtong sa salitang kabutihang- _ _ _ _ Pahalang 4. tawag sa batang gumagamit ng po at opo 5. dapat gawin sa di-tamang gawain 6. po at _ _ _ ang ginagamit sa pakikipag-usap sa nakatatanda


6 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Tuklasin Panuto: Basahin ang kuwento. Mensahe ng Pagkakaisa Ni Essel E. Reyes Maagang umalis ang Nanay at Tatay ni Rosa papuntang palengke. Naiwan siyang nagwawalis sa kanilang bakuran nang tumawag sa tarangkahan nila ang kapitan ng kanilang barangay. Mga Tala para sa Guro Ang modyul na ito ay magtuturo sa mag-aaral ng magalang na pakikipag-usap. Mahalagang magabayan ang mga mag-aaral sa pagpapahayag ng kanilang saloobin gamit ang mga angkop na pananalita sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan.


7 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Rosa: Magandang umaga po Kapitan. Kapitan Nelson: Magandang umaga rin Rosa. Nariyan ba ang iyong Nanay at Tatay? Rosa: Ikinalulungkot ko po pero wala po sila. Pumunta po sila sa palengke. Maaari ko po bang malaman ang inyong mensahe para sa kanila? Kapitan Nelson: Pakisabi sa kanila na iniimbitahan ko sila sa Barangay Hall bukas, ikawalo ng umaga. Magkakaroon kami ng paglulunsad ng programang 4K’s. Rosa: Ano po ang 4K’s Kapitan? Kapitan Nelson: Ito ay “Kalinga Ko Kalikasan Ko”, pagpapaganda ng ating barangay sa pamamagitan ng paglilinis at pagtatanim. Kaya maaari na rin silang magdala ng mga gamit na maaaring magamit bukas. Rosa: Sige po, makararating po ang inyong mensahe sa aking mga magulang, Kapitan. Kapitan Nelson: Maraming salamat sa iyo Rosa. Paalam! Rosa: Wala pong anuman, Kapitan. Paalam po! Pagdating ng kanyang mga magulang ay agad na nagmano si Rosa at sinabi ang mensahe ni Kapitan Nelson para sa kanila.


8 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Tatay: Salamat anak, hayaan mo at kami ay makikiisa bukas. Rosa: Walang anuman po. Maaari po ba akong sumama sa 4K’s? Nanay at Tatay: Aba! Siyempre naman. Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. 1. Sino ang bata sa kuwento? a. Rica b. Rosa c. Riza d. Rina 2. Ano ang ibig sabihin ng 4K’s? a. Kalinisan ng Kalikasan Ko b. Kaibigan Ko Kalikasan Ko c. Kalikasan Ko Kasama Ko d. Kalinga Ko Kalikasan Ko ___ ___


9 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 3. Paano naintindihan ni Rosa ang ilang mga bagay na nais niyang maunawaan? a. nagalit siya c. nagtanong siya b. umalis siya d. binalewala niya 4. Naihatid niya ba nang tama at maayos ang mensahe sa kaniyang mga magulang? a. opo c. siguro po b. hindi po d. ewan ko po 5. Kung ikaw si Rosa, makikiisa ka rin ba sa mga programa ng pamayanan? Bakit? a. Opo, kapag sinabi ng magulang ko b. Opo, dahil mahalaga po ang makiisa c. Hindi po, dahil bata pa ako d. Hindi po, dahil mahirap iyon Suriin ___ ___ ___


10 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Ang mga magagalang na pananalita tulad ng nakapaloob sa kuwento ay mahalagang matutuhan mo sa pakikipag-usap o pakikipagtalastasan. Sa pagtanggap at paghahatid ng mensahe, gumagamit din tayo ng magagalang na pananalita tulad ng paggamit ng “po at opo” at pagbati ayon sa sitwasyon tulad ng “magandang umaga”, “magandang tanghali” at “magandang gabi”. Mahalagang maintindihan ang paksa na hindi malinaw sa iyo upang maihatid mo nang tama ang mensahe. Maaaring magtanong sa ilang paksa na hindi pamilyar para sa higit mong pagkaunawa. Ang mga magagalang na pananalitang ito ay maaari mo ring magamit sa pakikipag-usap sa telepono. Ang mga salitang “salamat”, “walang anuman” at “paalam” ay magagamit mo sa pakikipagtalastasan sa sinomang kausap. Ang paggalang ay hindi lamang maipapakita sa mga matatanda kundi maging sa kasing-edad mo rin. Pagyamanin Naunawaan mo ba ang ating aralin? Halina at subukan mo itong sagutan.


11 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Panuto: Piliin and tsek ( ) kung ang bawat bata sa larawan ay gumamit ng angkop na salita sa kanyang kausap at ekis (X) naman kung hindi. 1. 2. Magandang umaga rin po Gng. Ramos! Magandang umaga Leni! Hello! Magandang gabi po. Sino po sila? ✓ X


12 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 3. 4. 5. Mahusay! Mabilis mong natutuhan ang ating aralin. Hi Tintin! Saan ka pupunta? Diyan lang! Tao po. Wala dito, Aling Tanya! umalis! Totoy nariyan ba ang iyong Nanay at Tatay? Ikinalulungkot ko po pero wala pa po sila.


13 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Isaisip Halina’t umawit naman tayo. Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita mula sa kahon. Awitin ito sa tono ng “Are you Sleeping?” Ulit-ulitin ito at lapatan ng kilos upang iyong matandaan. Maging Magalang Ni Essel E. Reyes Dapat gumamit (2X) angkop na salita sa’yong __________ Pagbati at salamat ay ‘wag __________ Kasing-edad man o mas _________ maging ________ lagi tayong lahat kalilimutan magalang kausap matanda


14 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Isagawa Magaling ang iyong ipinakita! Gawin mo naman ito. Kausap ni Gary ang kanyang Ninang Liza sa telepono. Panuto: Punan ng angkop na pananalita ang patlang upang mabuo ang kanilang pag-uusap. Ninang: Magandang gabi sa iyo, Gary! Gary: _____(1)_____ din po ninang. Kamusta na po kayo? Ninang: Mabuti naman. _____(2)______ ko bang makausap ang iyong Nanay? Gary: _____(3)______ ko po pero nasa opisina pa po si Nanay. May iiwan po ba kayong mensahe? Ninang: Tatawag na lamang ako ulit upang makausap siya. Salamat Gary! Gary: _____(4)______ po ninang! Ninang: Paalam! Gary: _____(5)______ din po ninang. Ikinalulungkot Magandang gabi Maaari Paalam Walang anoman


15 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Tayahin Tunay na nakabibilib ang iyong pagkatuto! Kaya alamin natin kung hanggang saan na ang iyong kaalaman sa ating aralin. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang. 1. Nais mong malaman ang mensahe ng tito mong naghahanap sa iyong tatay. Ano ang iyong itatanong? a. Ano po ang gusto mong sabihin sa kaniya? b. Bakit po hinahanap mo siya? c. Maaari ko po bang malaman ang inyong mensahe sa aking tatay? d. Bakit mo siya kailangan? 2. Tumunog ang inyong telepono. Paano mo ito sasagutin? a. Hello po! Magandang araw po. Sino po sila? b. Hello! Sino ka? c. Hello! Bakit ka tumawag? d. Hello! Ano iyon? 3. Ano ang iyong sasabihin kapag wala ang taong nais kausapin ng taong naghahanap? a. Bumalik ka na lang. b. Wala siya dito. c. Umalis siya. d. Ikinalulungkot ko po. Wala po siya dito ngayon. 4. Ano ang sasabihin mo pagkatapos mong makuha ang mensahe? a. Salamat po. b. Paumanhin po. c. Walang anuman po. d. Okey. ___ ___ ___ ___


16 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 5. Bilang pangwakas o panapos sa iyong pakikipag-usap, ano ang sasabihin mo? a. Sa uulitin! b. Paalam! c. Sige! d. Okey! Karagdagang Gawain Binabati kita at natapos mo ang ating aralin. Talagang napakahusay mo! Narito ang ating huling gawain. Panuto: Piliin ang masayang mukha ( )kung ang mga pahayag ay nagpapakita ng magalang na pananalita sa pakikipag-usap at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi. 1. “Wala siya dito Aling Maria.” 2. “Ikinalulungkot ko po pero wala po siya dito.” 3. “Maaari ko bang malaman kung ano ang mensahe mo sa kaniya Junjun?” 4. “Sige po Mang Juan. Makakarating po sa kaniya ang inyong mensahe.” 5. “Sasabihin ko na lang.” Susi sa Pagwawasto ___


17 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 Sanggunian Babylen Arit-Soner, Grace Urbien-Salvatus, Nida Casao-Santos and Rianne Pesigan-Tiñana. 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education-Ikalawang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Tuklasin b 1. d 2. c 3. a 4. b 5. Subukin a 1. c 2. b 3. c 4. b 5. Balikan tama 1. tahanan 2. asal 3. magalang 4. iwasan 5. opo 6. Pagyamanin 1. 2. X 3. X 4. 5. Isaisip kausap 1. kalilimutan 2. matanda 3. magalang 4. Isagawa Magandang gabi 1. Maaari 2. Ikinalulungkot 3. Salamat 4. Paalam 5. Tayahin c 1. a 2. d 3. c 4. b 5. Karagdagang Gawain 1. 2. 3. 4. 5.


18 CO_Q3_MTB-MLE 2_ Module 5 sa Tagalog. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). Babylen Arit-Soner, Grace Urbien-Salvatus, Nida Casao-Santos and Rianne Pesigan-Tiñana. 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education-Ikalawang Baitang Patnubay ng Guro sa Tagalog. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). Isabel Monterozo-Gonzales, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan Baldonado Catapang, Victoria Guia-Biglete,. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikalawang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS). K To 12 Curriculum Guide Mother Tongue Grade 2 Tagalog. 1st ed. 2013.Pasig: Department of Education, p.118. Most Essential Learning Competencies. 1st ed. 2020. Manila: Department of Education, p.493.


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]


Click to View FlipBook Version