The words you are searching are inside this book. To get more targeted content, please make full-text search by clicking here.
Discover the best professional documents and content resources in AnyFlip Document Base.
Search
Published by marianehope7, 2022-07-11 02:12:19

EDITORYAL TUNGKOL SA KABABAIHAN

EDITORYAL TUNGKOL SA KABABAIHAN

EDITORYAL

TUNGKOL SA KABABAIHAN

OUTPUT 4
By: Mariane Hope Resare

Gr/Sec: 9-Dapdap

NGAYONG Marso ay International Women’s Month. Maligayang
pagbati sa mga kababaihan. Magandang pagkakataon ito upang
maipabatid na marami sa mga kababaihan ang nagdaranas ng
kaapihan at patuloy na ginagawang laruan ng mga lalaki. Kahit na
sabihin pang marami ng babae ang pumapantay sa talino ng mga

lalaki, marami pa rin ang kinakawawa at hindi nabibigyan ng
pagmamahal at kalinga. Maraming problema ang mga kababaihan

na hindi nasusulusyonan. Marami ang nasasadlak sa prostitution,
minamaltrato ng asawa, kinakawawang domestic helper, inaasawa

ng mga dayuhan at pagkatapos ay pababayaan hanggang may
magpakamatay dahil sa kahihiyan.



Dito sa ating bansa, bagamat nakauusad na ang mga kababaihan,
patunay ang babaing Presidente sa katauhan ni GMA; mayroon
nang mga babaing hukom ng Supreme Court, Cabinet Secretary,
piloto, sundalo at pulis, nananatiling biktima pa rin ang mga

kababaihan lalo na ‘yung mga nabibilang sa mahihirap na pamilya.
Maraming kababaihan na dahil sa pagnanasang makaahon sa

kahirapan ay nagbebenta ng laman, marami ang napupuwersang
magsayaw nang hubu’t hubad sa mga nightclub, marami ang

nagpapaalila kahit na menor de edad pa lamang. Ang ugat ng mga
ito ay ang kahirapan, na noon ay problema na ng bansa at tila
mabagal ang pamahalaan para ganap na maiahon ang mga
mahihirap na kababaihan.


Patuloy ang trafficking ng mga babae. Ang trafficking sa
pamamamagitan ng Internet ang pinaka-moderno ngayon.

Nagmistulang itinitindang bibingka ang mga Pinay. Ang Pilipinas
ang itinuturing na pinakamaraming nabibiktimang kababaihan
dahil sa mail-order brides. Bukod sa mail-order bride syndicate,
laganap ang mga illegal recruitment agencies ang bumibiktima sa
mga kababaihang may edad na 14 hanggang 20 at isinasadlak sa

prostitution sa ibang bansa.

Ang mga kababaihan ay katulong para makaahon sa krisis ng
ekonomiya. Marami sa kanila ang nagpapa-alila sa Saudi
Arabia, Hong Kong, Singapore, Italy, Kuwait at ang
ipinadadalang dollar ay nakatutulong para makaahon ang

bansa sa krisis. Kahit na may babaing binubuhusan ng mainit
na tubig, pinaplantsa sa likod, kinakalbo ng employer, marami
pa rin ang hindi maaawat. Wala namang magagawang paraan

kundi ang magpaalila sapagkat ang gobyerno ay walang
maibigay na trabaho.



Kawawa ang mga kababaihan at nararapat humakbang ang
pamahalaan sa pagprotekta at pagtulong sa kanila. Hindi
susulong ang bansa kung wala ang mga babae.


Click to View FlipBook Version