OBRA MAESTRA GAVIN CUA VERRIERES
OBRA MAESTRA - MGA SULATIN Ang bawat sulatin, na siyang nailimbag at naisasapapel, mula sa isipan ng tao, ay karapat-dapat lamang na maituring na obra maestra, anuman ang uri at anyo nito, sapagka’t nagsisilbi at naglalayon ang bawat obra na maging repleksyon ng mga kaisipan ng tao, at kumakatawan sa kanilang natatanging angking kaalaman, prinsipyo, ideolohiya, aspirasyon, at nararamdaman. Ang kurso ay nagbigay-daan at nagbigay kamulatan upang maging pamilyar, at kalaunan ay makagawa at makapagsulat ng iba’t-ibang uri ng mga sulatin, na siyang tampok at nakabatay sa mga natatanging layuning kaakibat ng mga ito, na siyang kumakatawan sa samu’t-saring kaalaman.
MGA NILALAMAN ABSTRAK BIONOTE BUOD
Us Versus Them: A Qualitative Phenomenological Study on the Lived Experiences of Student Gamers Ang kwalitatibong pag-aaral ay nagbigay-diin sa paningin ng 3 na kalahok na pinili batay sa pamantayang mga mag-aaral ng SHS ng Marist School, Marikina at interesado sa gaming. Ginamit ang isang semiistrukturadong format ng panayam upang masaklaw ang kanilang mga pinagdaanang karanasan. Batay sa resulta, ang mga mag-aaral na gamer ay naimpluwensiyahan ng: 1) Imbitasyon ng Kaibigan dahil sa kasikatan ng laro sa kanilang henerasyon; natuklasan nila na ang 2) mga Karaniwang Interes ay pangunahing salik ng isang normal na pangkat ng sosyal; 3) Ang Pagpapaunlad ng Kumpiyansa sa Sarili ay nabuo sa pag-aalala sa iba pang mga karanasan ng iba't ibang tao bilang motibasyon, at 4) Ang Pagunlad ng Independent Mindset ay nasaksihan bilang tugon sa pakikibaka sa iba't ibang tao. ABSTRAK
BIONOTE Si Raezyl Monreal Testa, na isinilang noong ika-9 ng Setyembre, taong 2006, ay ang nag-iisang anak nina Randy at Diana Testa. Kanyang tinapos ang elementarya sa Nazareth Christian School of Antipolo, at ipinagpatuloy naman ang pag-aaral sa Far Eastern University Roosevelt Cainta, kung saan ay kanyang naipamalas ang angking kakayahang intelektwal, at tumanggap ng samu’t-saring mga parangal na siyang kumikilala sa tagisan ng talino at pataliman ng pag-iisip. Sa parehong institusyon, ay kanya ring natuklasan, at kalaunan ay ipinagyaman ang natatanging kakayahan sa pagkuha ng mga larawan o “ photography”. Hinasa niya ang kasanayang ito, kaya naman sa katagalan, ay ganap na naging isa sa mga kilalang kapitapitagang mangunguha ng litrato, na siya na ring nilalapitan sa tuwing may kaganapan sa kanilang paaralan. Nang matapos ang Junior High School, ay ipinagpatuloy ni Testa ang pag-aaral ng ika-11 baitang sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, kung saan ay kanyang napusuang tahakin ang landas na nagtutungo sa kurso ng “Humanities and Social Sciences”. Sa kasalukuyan, ay kanyang iginugugol ang panahon sa pag-aaral ng ika-12 baitang at pagtatapos ng High School sa Marist School Marikina.
BUOD Sa isang pook sa bayan ng Malabon noong unang panahon, kung saan baguhan pa lamang sa lupain ang mga Espanyol, ay may isang dalagang nagngangalang Cirila, na may palayaw na Ilang, mula sa angkan ng mga Gat, na siyang hinahangaan dahil sa kanyang angking ganda, at natatanging kabutihan ng kalooban. Sa parehong bayan, ay may isa namang binatang kapitapitagan, marahil siya ay may busilak na puso at namumukod-tangi na katapangan. Hindi nagtagal ay nagkatagpo ang binata at dalaga, makaraan ang panahon ay bumuo ng hindi basta-basta matitibag na pagmamahalan, na siyang ganap na kinilala sa kanilang lungsod, nang dahil sa katibayan at lubos na katapatan. Isang araw, sa dalampasigan ng Navotas, ay dumaong ang mga dayuhan, na siyang kinabibilangan ng isang Tsinong kalaunan ay nagkaroon ng natatanging pagtingin at paghanga sa dalagang si Ilang. Sinamantala ng dayuhan ang pagkakataon ng pagtungo ni Lanubo sa Bataan ng ilang araw, sa pakay ng paghuli ng usa, na siyang nakatakdang maging kabilang sa handaan sa inaasam na kasalan. Walang pinatunguhan ang pagnanais ng Tsino, sapagka’t tapat ang pag-ibig na nadarama ni Ilang para kay Lanubo, na siyang lubos na pinatunayan at pinagtibay ng kanyang desisyong pumayag sa aya ng pagpapakasal.
BUOD Nang makatagpo ng mga kakampi, ay mapangahas na sinalakay ng Tsino ang dalagang Ilang, at idinaan na lamang sa dahas ang hindi nakamtan sa matiwasay na kaparaanan. Nang mapagtanto ang dadanasing pang-aabuso sa kamay ng mga Tsino, ay minabuti at napagpasyahan ng dalagang si Ilang na isakripisyo na lamang ang buhay nito, at nagpasyang piliing ialay na lamang ang buhay, kaysa ang dangal. Nang makabalik at mabatid ang mga pangyayari at sinapit ng nobya, ay mapangahas na naghasik ng hustisya si Lanubo, at halos wala nang itinirang buhay sa pangkat ng mga Tsino. Paglipas ng isang araw, ay mabigat na loob na inilibing ng bayan si Ilang, sa paligid ng punongkahoy na walang bunga. Labis na nagdalamhati si Lanubo, araw-gabi ay nasa puntod ng minamahal, punong-puno ng pighati. Hindi nagtagal ay natagpuan ng sambayanan ang mga labi ni Lanubo, at kalaunan ay inilibing ito sa tabi ng kanyang irog. Makalipas ang isa pang araw, ay nabighani ang bayan, nang biglang sumibol ang mahalimukay at magandang bulaklak sa punongkahoy na ilang taon nang walang bunga. Kinilala ang bulaklak bilang ang “Ilang-ilang” , sapagka’t naging bunga ito ng labis na pagmamahalan ng mag-irog, at lumitaw lamang sa kanilang muling pagsasama at pagtatagpo.
WAKAS MARAMING SALAMAT!